PROJECT 101: LOOKING FOR A BRIDE OF A RICH MAGNATE (THE SEARCH BEGUN)CHRISTINE’S POVSa bawat pag-click ng kamera at bulungan ng mga babaeng nasa loob ng fucntion hall, ramdam ko ang bigat ng mga matang nakatuon sa amin. Lahat sila’y naka-best dress, may kanya-kanyang version ng “rich magnate wife material.” Pero hindi nila alam, scripted ang lahat ng ito.Ako bilang secretary ni Clyde a.ka. Killian Alcantara—the rich magnate na bagong sulpot sa industriya at wala pang masyadong nakakakilala sa kanya. Isa ako sa itinilaga ni Clyde upang mag facilitate sa lahat ng mga babae na gustong mag-apply upang pakasalan niya. A public matchmaking disguised as a private recruitment. Pero may ibang dahilan si Clyde. Gusto niyang makita kung lalabas ang babaeng matagal niyang hinahanap.Kanina pa ako nagmamasid sa paligid ngunit hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Naghalo na ang nararamdaman ko. Mayroong nagseselos ako na nasasaktan sa tuwing naiisip kong hindi lang ito basta script lang, p
Bigla na namang umalingasaw ang demonyo sa utak ko. Tumaas ang dalawa kong kilay at sumagot.“Ako nga. May reklamo ka?”Bahagyang napaatras si Helena nang halos pabuga akong sumagot. Maya-maya’y tumawa ito ng malakas, tila nakakatawa ang kanyang nakita.“Akala ko kung sinong maganda pa kaysa sa akin ang pinalit ni Clyde. ‘Yun pala, mukhang dinampot lang naman niya sa basurahan.”“Baka nga mas maganda ako kaysa sa’yo dahil nagawa ka niyang ipagpalit sa akin.” Pabalang kong sagot.Nakita ko kung paano umusok ang ilong ni Helena. Gustong-gusto ko talagang labanan ang mga tulad niya. At ramdam ko sa bahagi ng utak ko na gusto nang kalbuhin siya— ngunit nagtitimpi lang ako.“Ano naman ngayon kung pinalitan niya ako? Bilang sekretarya lang naman. Pero sa puso ni Clyde, ako pa rin ang nagmamay-ari.” patuya niyang sabi sa akin.Mabilis niya akong tinalikuran upang pumasok sa loob ng opisina. Kumikimbot pa ang puwet nito habang naglalakad ngunit wala naman laman. Bago pa niya mabuksan ang pint
Napahawak ako sa aking dibdib matapos marinig ang sinabi ni Brando. Kahit anong balik ko sa nakaraan, bakit hindi ko maalala ang mukha niya? Hindi ko man lang naalala na minsan na kaming nag-usap sa States. Batid ko namang sobrang ganda ko sa normal kong itsura kapag wala akong maraming nunal sa pisngi at pinandidirihan ng lahat, ngunit pakiramdam ko, nasasaktan ako kapag konektado kay Clyde ang nagsasabi nito.Nagbuga ako ng hangin. May lungkot akong naramdaman dahil ngayon, batid kong nahuhulog na ako sa kanya.“Huwag kang mahulog sa kanya dahil iba ang prinsipyo mo. Iba ang gusto mong makuha sa kanya kaya ka nagpapanggap ngayon.”Heto na naman, kinakausap na naman ako ng bahagi ng utak ko. Marahil hindi ko maamin sa sarili ko na unti-unti na akong nahuhulog kay Clyde. At ang masakit, ramdam kong wala siyang balak na saluhin ako.Bumaba ang tingin ko sa files na dapat pirmahan ni Crystal — na ako rin. Kaya ko pa ba 'to? Ang magpanggap ng dalawang identity? Mabilis kong pinirmahan iy
CLYDE’S POV“Mabuti at gising ka na.”Mabilis lang ang sulyap ko kay Christine nang lumabas siya mula sa silid-pahingahan. Ibinalik ko agad ang atensyon ko sa laptop, nagpanggap na abala pa rin.“Thank you,” tipid niyang sabi.Minsan naguguluhan talaga ako sa ugali niya. May mga pagkakataong palaban siya, nakakainis sa sobrang yabang, tapos biglang nagiging childish magsalita. Ngayon naman, masyado siyang tahimik. Parang hindi makabasag-pinggan.Sinasadya ba niya ‘to? Iba-iba ang ugali araw-araw para lang kunin ang loob ko?At sa totoo lang, ngayon pa lang gusto ko nang madismaya sa kanya.“Kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong ko kahit inis ako. Kahit papaano, respeto na lang para kay Tita Mylah. Ayokong isipin niya na pinabayaan ko ang anak niya. Ngumiti si Christine. “Okay na ako, sir. Kinabahan ka ba kanina?” Tumawa pa siya na parang gusto na naman akong asarin.“Ayokong sisihin ako ni Tita Mylah na pinabayaan kita.” Malamig kong sagot upang pigilan ang imahinasyon niyang may gus
“Kuya, sige na, patingin ako ng brand.”Tinapunan ko ng matalim na tigin si Zariah dahil sa kakulitan niya. Gusto kong iparating sa kanya na tumigil na. Alam na ngang nanditio si Christine pinagpipilit pa rin ang kagustuhan na makita ang koob ng cabinet. Mabilis kong sinara ang cabinet at tinalikuran silang dalawa. “Kuya, wait..”Niayakap ako ni Zariah mula sa likuran. “Kuya, I forgot to ask you. Pwede bang sa silid ko muna matulog si Christine?”Sinulyapan ko si Christine mula sa sulok ng aking mga mata. Tahimik lang siya ngunit ngumiti na rin sa akin. “Bakit ako ang tinatanong mo?” Inis kong turan kay Zariah. Marahas siyang bumitaw mua sa pagkayakap sa kin at sumimangot. “Syempre asawa ka niya. Kanino ba ako dapat magpaalam sa mga nanliligaw sa kanya?”Gusto kong batukan si Zariah sa tabil ng dila niya. Mahina akong nagbuga ng hangin.“From now on..lahat ng gusto mong gawin sa kanya, hindi mo na kailangan ipaalam sa akin.”“Jezzz..Hmmmp..bahala ka. Hanapan ko ng boyfriend si ate
Clyde’s POV“Ano kaya kung mag-imbenta tayo ng maraming babae? Kunyari, mag-hire tayo ng babaeng papakasalan mo. Title ng project natin is ‘Looking for a Bride for the Rich Magnate’. Tingnan natin kung hindi lalabas ang babaeng 'yan. Huwag natin sabihin na ikaw ang lalaking ito… Syempre, para hindi ka makikilala, kailangan mong nakamaskara para mahanap mo agad ang babae.”Napakunot-noo ako habang pinakikinggan ang suhestiyon ni Brando.“Hindi ba ako mukhang desperado niyan?” tanong ko, pero iniisip ko pa rin ang posibleng magandang idudulot ng plano niya. Kahit nakakatawa, may sense ang sinasabi niya.“Syempre hindi! Bakit? Dahil nakamaskara ka. Hindi naman nila makikilala na ikaw si Clyde del Castrillo at naghahanap ng mapapangasawa. Syempre, takot na rin tayo sa Daddy mo, baka malaman niya ang pinagagawa nating dalawa—ako ang unang susuntukin nun. Tiyak ‘yan. Itong gagawin natin, para lang mapalabas ang babaeng hinahanap natin. Syempre, lahat sila lalagyan natin ng recordings na hin