LOGINNEXT POV, KAY CLYDE NAMAN.
CLYDE’S POV“Dad,” tipid kong tawag nang makita ang aking ama na seryoso ang mukha habang nakaupo sa couch. Hinintay niyang makaupo muna kami ni Brando sa opposite couch habang nakaharap sa kanya.“Kumusta ang mga tauhan sa ospital?” kay Brando si Dad nakatingin. So, pinatawag niya kami ni Brando hindi para tanungin kung ano ang nangyari kagabi, kundi may iba kaming pag-uusapan.“Mahigit labing walo sa mga tauhan natin ang nasa ospital pa rin ngayon, Boss. Isang driver natin ang namatay, dalawa ang comatose at ang iba nagpapagaling pa.”Napapikit si Dad sa binalita ni Brando. Ramdam ko ang guilt sa kanyang mukha. “Alam na ba ng kanilang mga pamilya?” muling tanong ni Dad.“Pinarating ko sa kanilang pamilya ang nangyari, boss. Binigyan ko na rin sila ng assurance na sasagutin natin ang lahat ng gastusin. At sa pamilya ng namatayan, sinunod ko ang sinabi mo na magbibigay ng malaking halaga para makapagsimula sila ng negosyo. Sinigurado ko rin na maayos ang pagpapalibing.”Tumango lang
Napatingin din ako sa kamay ko. Nakakuyom na ito. Muli kong hinatak si Christine at niyakap. “Wife, nagseselos lang ako. Ayaw kong mawala ka rin sa akin, lalo na ang mapunta sa Xian na ‘yun.”“Ano ba kasi ang iniisip mo? Nagkukuwento lang ako sa ‘yo sakaling magkasilip ka ng idea sa tungkol sa koneksyon ni Xian kay Tommy. Selos naman ang iniintindi mo. Isipin mo na lang. Kung talagang may tiwala ako sa kanya, sana hindi mo ako niyayakap ngayon. Noong hindi pa totally bumalik ang ala-ala ko, sana mas pinili kong pagkatiwalaan lahat ng sinabi niya at hindi ako sumama kay Zariah. Pero mas pinakinggan ko pa rin ang boses mo sa puso ko. Mas pinili kong paniwalaan ang dinidikta ng isipan ko na bumalik sa ‘yo.”Sa mahabang paliwanag niyang ‘yun napawi lahat ng selos at galit ko, dahil totoo naman. “Kaya mas lalo kitang minamahal.” naging sagot ko na lang dahilan upang kurutin niya ako sa tagiliran. Hindi masakit kundi may kasamang kiliti.“Teka, patingin nga ng likod mo. Papalitan natin ng
Tumingin siya sa akin, tila naguguluhan.“Paano natin gagawin ‘yun? Ang pekeng result nga nakalusot kahit todo bantay mga tauhan mo eh.”“This time, sigurado na ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo ang plano ko, baka makarinig ang dingding.” Binigyan ko siya ng assurance. Naiintindihan naman niya ang ibig kong sabihin.“Sige na, matulog ka na. Shower lang Muna ako.” Buong pagmamahal ko siyang hinalikan sa labi. Tumagal iyon ng ilang minuto dahil sa pagkalimot ko. Tumigil lang ako nang maalala na kailangan ko pa palang mag shower. “Sorry, namimiss lang kita.” Nakangiti kong hinaplos ang namumulang labi niya bago tumalikod. Nakailang hakbang pa lang ako nang muli niya akong tinawag.“Sandali, Clyde. Anong nangyari d’yan sa likuran mo?”“Fvck,” Napapikit ako, hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko sa kanya. Naghahanap pa ako ng maaari kong gawing palusot nang maramdamang nandyan na siya sa likuran ko. Agad akong humarap sa kanya bago pa siya may madiskubreng kakaiba.“Wife, wala ito—”
CLYDE’S POVSUMUNOD NA MGA GABI….Papasok na ako sa loob ng gate ng mapansin ko ang isang anino. Bumaba ako sa kotse at tiningnan kung sino ang lalaking nakatayo sa ilalim ng malaking puno.“Kevin?” Nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya sa labas gayong madilim na ang paligid. Lumingon siya sa akin.“K-Kuya,” alanganin niyang sagot, tila nagulat nang makita ako. “Anong ginagawa mo rito? Hinihintay mo ba ako?” tanong ko habang lihim na nagmamasid sa paligid.Bahagya siyang tumango. “Naghahanap ng hustisya sa nangyari sa akin.” sagot niya habang nakatingin sa malayo.Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. Tungkol ito sa dahilan ng kanyang pagka-aksidente. Binalingan ko ang aking mga tauhan. Napapalibutan nila ang buong mansyon, nakatayo sa kani-kanilang pwesto habang nagbabantay ng anumang panganib sa paligid. “Kevin, pumasok ka na. Huwag kang tumambay dito sa labas.” paki-usap ko sa kanya. Alam kong hindi pa rin maganda ang kanyang kondisyon. Ayoko rin madamay siya sakaling may
CHRISTINE’S POVNagising ako kinabukasan na wala si Clyde sa aking tabi. Kahit paano, nabawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa tulong ng aking asawa. Sa kabila ng pagtanggi sa akin ng aking pamilya, si Clyde patuloy pa rin umaalalay sa akin kahit sa pinakamahirap na sitwasyon. Nakaupo na ako ngayon sa veranda habang umiinom ng gatas, ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang ngumiti.“Good morning, Christine.”Narinig ko ang pamilyar na boses na iyon mula sa aking likuran, ngunit hindi ako nag-abalang lumingon. Nagpatuloy lang ako sa paghigop ng gatas. Ngayon, humarap na siya sa akin. Halatang gusto na akong asarin.“Mabuti naman at maganda ang umaga mo,” malamig kong tugon habang abala sa pag-scroll sa aking cellphone. Hinahanap ko ang numero ni Clyde. Gusto kong malaman kung saan siya pumunta. “Aba’y syempre, masarap matulog sa kama ng asawa ko,” proud niyang sagot.“Wala naman siya sa tabi mo.” mapanuya kong sagot. Umarko ang kilay ko nang makita ang suot niyang roba na pagmamay
CLYDE’S POVIsang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako mapakali. Nakatulog na ang asawa ko, at habang minamasdan ko siya, nakaramdam ako ng sobrang awa sa kanya. Nakuyom ko ang kamao nang maalala na naman ang resulta ng DNA. Ang sabi ni Brando, isang matinik na Geneticist si Dr. Garanda, ngunit bakit pakiramdam ko may mali sa resulta?Ilang sandali pa’y nag ring ang phone ko. Mabilis kong dinukot iyon mula sa bulsa ng suot kong pantalon. “Brando,”“Boss, sinundan namin siya hanggang sa ospital, wala kaming nakita na kakaiba sa kanya.”“Siguradong nag-iingat ‘yan sa mga galaw niya.” sagot ko.“Anong gusto mong gawin namin ngayon? Gusto mo ba gamitin ang Black Note? Dating gawi, alam mo na..”“No,” maagap kong sagot. “Ako na ang bahala sa kanya, aamin siya.”============St. Hyacinth Medical Center.Tahimik ang paligid, tanging tik-tak ng orasan at mahinang ugong ng aircon ang maririnig habang hinihintay ko sa loob ng opisina ng Laboratory Head si Doctor Garanda.Pagpasok ni







