Home / Romance / BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW / CHAPTER 7 - THE ANGEL IN THE HELL

Share

CHAPTER 7 - THE ANGEL IN THE HELL

last update Last Updated: 2025-08-01 14:45:21

“Zariah, nagtataka ka ba kung bakit minabuti kong maging pangit sa harap ninyong lahat?”

Napatingin ako sa malayo habang tinatanong ito, pilit pinapakalma ang sarili.

Sandaling nag-isip si Zariah bago sumagot. “Hmmm…dahil kay Kuya?”

Umangat ang isa niyang kilay, parang sinusubok kung tama ang hinala niya.

Tumango ako. “Excatly. Hindi ko pa nakikilala ang kuya mo noon, ayaw ko rin sa set-up ng kasal namin. Kaya ang mga pangit na mukha ko sa pictures ang pinapadala ko sa kanya upang hindi siya mainlove sa akin.” 

Bahagya akong ngumiti, tila ako na rin ang natawa sa pinaggagawa ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

“Yun pala, hindi ko na dapat ginawa iyon, dahil simula’t-sapul galit na pala siya sa akin.”

Napalunok ako, pilit nilulunok ang pait na nararamdaman habang sinusubukang panatiling matatag ang boses. 

“Not totally, na galit si Kuya sa’yo. Mas tamang sabihin na ikaw ang napagbuntunan ng galit niya dahil hindi niya magawang magalit kay Daddy.” Paliwanag ni Zariah. Malumanay ang tono niya, parang gustong iparamdam sa akin na naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon ngunit hindi pa rin kumbinsido ang loob ko.

May lungkot sa mga mata ko, at isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

 “Possibleng ganoon, ngunit part na rin ako sa galit niya. Mabuti na ang ganito, mananatiling pangit ako sa kanyang paningin hanggang sa matapos ang isang taon at magkaroon na kami ng kalayaan sa isa’t-isa.”

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa loob ng puso ko habang nagsasalita.

Parang may lumulunod sa akin mula sa loob—isang emosyon na hindi ko maipaliwanag. Bigla kong naalala ang mga mata ni Tito Clarence sa tuwing nasa harap niya ako. Ramdam kong gusto niyang magtagumpay kami ni Clyde sa aming pagsasama.

“Kung gusto mong mananatiling pangit ang pagkakakilala sa’yo ni Kuya, bakit bigla kang nagpaganda ngayon?”

Naniningkit ang mata ni Zariah habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa. May halong biro at pagtataka ang tingin niya.

Ngumiti ako sa dalaga bago sumagot.  “Kasi ako rin si Crystal Del Mar na kinuhang brand ambassador ng Kuya mo para sa branding ng DelCas Airlines.”

“What!? Really?”

Pumalatak si Zariah ng tawa, tila hindi makapaniwala sa aking ginawa. Halos yumuko siya sa kakatawa habang kinukubli ang bibig sa kanyang palad.

Nagtataka naman ako kung ano ang nakakatawa.

“Grabe ka. Nagawa mo iyon kay Kuya? Alam mo bang grabe ang instinct no’n? Mag-ingat ka, numero unong hacker ‘yon.”

Biglang natuyo ang lalamunan ko sa narinig kong iyon. Kinabahan ako sa sinabi niya.

“Hacker?”

Napakurap ako at bahagyang napaatras sa kinatatayuan. Dumaan ang kilabot sa batok ko habang unti-unting sinisiksik sa isip ang maaaring mangyari kapag nabisto niya ako.

Ibig sabihin kaunting duda lang sa ginawa ko, magkakaroon na ito ng hint upang imbestigahan kung ano talaga ang pagkatao ko kahit sa simpleng detalye ng impormasyon ni Crystal DelMar na magtuturo sa orihinal na bersyon ng isang Christine DelCastrillo.

“Zariah, please, kung ano man ang nalaman mo ngayon tungkol sa akin pwede bang sa atin lang muna ito? Hanggang sa matapos ang kasunduan ng aming kasal. Tulungan mo akong magampanan ang dalawang identity ko nang hindi nalalaman ng Kuya mo o kahit ng mga magulang mo.”

Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya, tila inaasahan ang kanyang pagsang-ayon.

Sumimangot si Zariah. “Ang hirap naman kasi ng ginawa mo. Bakit ba kasi pumayag kang maging brand Ambassador niya?”

“Ewan ko…basta’t ang alam ko, pumayag ako dahil pangarap kong lumipad-lipad sa buong mundo habang inaaral ang airline business. Hindi ko naman inakala na gagampanan ko ang papel ko bilang asawa niya. Isa pa, bukas magsisimula na ako bilang personal secretary.”

“Omg! Hahahaha…grabe, pang novels ang peg mo Christine.”

Hinampas niya ako habang tawa ng tawa. Hindi ako nakasabay sa tawa niya dahil naiisip ko pa rin ang consequences ng sitwasyon ko.

Tiningnan niya ako mula hanggang paa habang nakatawa pa rin. “Kaya pala ang ayos mo ngayon pang Marimar. Hahaha, so flight attendant ka ngayon and bukas secretary ng CEO? Pwede ko kayong gawan ng story ni Kuya.. Mag-iisip ako ng tittle."

Nag-isip pa siya, sabay kindat. Hindi ko malaman kung seryoso siya o pinaglalaruan lang ako.

“Ah alam ko na…‘The Angel in the Hell.’”

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “The angel in the Hell?”

Nagtaas ako ng kilay, sabay tiningnan ang wristwatch ko. Napalunok ako nang mapagtanto kong mali-late na ako.

“Wait…male-late na ako.”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Agad akong humakbang, nilakihan ko na palabas ng mall. Nanginginig pa ang tuhod ko habang naglalakad.

Ngunit sumunod naman sa akin si Zariah.

“Syempre ikaw ang anghel na nahulog sa impyerno niya!”

Pahabol niyang sigaw. Muntik na akong matapilok sa taas ng heels na suot ko. Napasinghap ako.

“Ay! Impyerno!”

Akala ko tuluyan nang magkabuhol-buhol ang mukha ko sa sahig. Isinara ko na lang ang mga mata, handa sa impact—pero may sumalo sa akin.

 “Wait..hindi ito pader.”

Tumingala ako, para lang makasalubong ang madilim na anyo ni Clyde. Nakatingin siya sa akin at nag-aakusa ang mga mata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
nsku po buti nasali ka ni Clyde sungit
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 9 - TOO MUCH LIKE HER

    CLYDE’S POV“We’re here to discuss business, not your shared past with her.” Hindi ko alam kung halata ang iritasyon sa boses ko habang nagsasalita. Ngunit wala akong paki-alam. Gusto ko nang matapos itong business meeting namin ni Mr. Patopatin. Tila nawalan ako ng gana para tumagal pa na magkasama kami ni Crystal. “Apologies, I didn’t mean to cross a line. It’s just hard to believe that the woman I’ve been looking for all this time is here… working for your com—.”“Let’s get straight to the business.”Maagap kong pinutol ang sinasabi ni Mr. Patopatin. Hangga’t maaari gusto kong manatiling kalmado ang aura ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Hindi ko alam bakit ako naiinis? “Sure..I’m sorry.” Binuksan niya ang dalang folder. Nagkunwari pa akong hindi nakita ang matamis na ngiti ni Mr. Patopatin habang nakatingin kay Crystal. Nanatili lamang akong kalmado ngunit ramdam ko nang nang-iinit na ako sa inis. “As for the current standing of Topworld Airlines, we suggest a…………..Sinimula

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 8 - A HINT OF JEALOUSY

    Nanigas ang panga niya habang dahan-dahan akong umaatras. Agad kong tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanyang matipunong dibdib. Nanginginig ang mga daliri ko habang bumababa ang titig ko sa sahig."If this is how you are on day one, I can't wait to see what kind of mess you'll bring on the next." Mababa at mariin ang kanyang boses, tila nagbabanta kahit hindi sumisigaw. Maging ang mga balahibo ko gustong tumayo sa lamig ng boses niya tila pinaparamdam sa akin na wala akong silbi.“Kuya, it’s all my fault.” Napapikit na lang ako ng mga mata habang nagpapasalamat kay Zariah. Agad siyang pumagitna sa aming dalawa ni Clyde.Ang kaninang paninilim ng mga mata ni Clyde ay napalitan ng pagtataka habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Zariah. Tila nagtatanong kung paano kami nagkakilala.“Pinigilan ko kasi si Chris—” Kinabahan ako ng muntik nang banggitin ni Zariah ang pangalan ko. Napakapit ako sa braso niya. “Crystal,” Pabulong kong sabi na kaming dalawa lang ang nakakari

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 7 - THE ANGEL IN THE HELL

    “Zariah, nagtataka ka ba kung bakit minabuti kong maging pangit sa harap ninyong lahat?” Napatingin ako sa malayo habang tinatanong ito, pilit pinapakalma ang sarili.Sandaling nag-isip si Zariah bago sumagot. “Hmmm…dahil kay Kuya?” Umangat ang isa niyang kilay, parang sinusubok kung tama ang hinala niya.Tumango ako. “Excatly. Hindi ko pa nakikilala ang kuya mo noon, ayaw ko rin sa set-up ng kasal namin. Kaya ang mga pangit na mukha ko sa pictures ang pinapadala ko sa kanya upang hindi siya mainlove sa akin.” Bahagya akong ngumiti, tila ako na rin ang natawa sa pinaggagawa ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.“Yun pala, hindi ko na dapat ginawa iyon, dahil simula’t-sapul galit na pala siya sa akin.” Napalunok ako, pilit nilulunok ang pait na nararamdaman habang sinusubukang panatiling matatag ang boses. “Not totally, na galit si Kuya sa’yo. Mas tamang sabihin na ikaw ang napagbuntunan ng galit niya dahil hindi niya magawang magalit kay Daddy.” Paliwanag ni Zariah. Malumanay ang to

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 6 - UNMASKING FAMILIARITY

    “Ate, halika, may ipapakita ako sa’yo.”Bigla akong hinila ni Zaria. Hindi ako nakatanggi. Somehow, mas okay na iyon para makaiwas ako kina Tito Clarence. Baka ipiipilit na naman ang pagbibigay ng bodyguard sa akin.“Zariah, may pupuntahan sana ako.” wika ko nang makita sa suot kong relos na malapit na ang oras sa meeting namin kay Mr. Patopatin. Ayoko sana siyang tanggihan, pero wala na akong choice. Kailangang makabalik ako kay Clyde sa tamang oras, bago niya mapansin na may kulang na naman sa script ng pagpapanggap ko.“Really?” May halong lungkot ang boses niya. “Sayang, may ibibigay sana akong pasalubong. Ibinalita kasi ni Mommy sa akin na nandito ka na.” Agad naman akong nakaramdam ng konsensya sa sinabi niya. Ngumiti ako at hinawakan siya sa kamay. "Promise mamayang gabi, titingnan ko ang pasalubong mo sa akin. Huwag na muna ngayon, may mahalaga kasi akong lakad.” Mahinahon kong paliwanag sa kanya.Sandali muna niya akong tinitigan at masiglang sumagot. “Sige, promise mo ‘yan

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 5 - THE FIRST TABLE, THE COLDEST SEAT

    “Nice one, huh? Pati dila mo wala na rin palang inaatrasan ngayon.” May banayad nang pang-iinsulto ang boses niya.Umarko naman ang isang kilay ko. “Nagpapatawa ka ba, Mr. DelCastrillo? Huwag mong sabihin na nakaurong ang dila mo kapag kaharap mo ako?”Tumaas ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nanatiling nakataas ang kanyang kilay habang nakatitig sa akin. Kung yelo lang ako, kanina pa ako natunaw sa mainit na titig niya. Tila ba sinusuri niya ang buong pagkatao ko gamit lang ang kanyang mga mata. Kumakabog ang dibdib ko pero hindi ako nagpadaig, ayokong ipakitang natitinag ako.“Excuse me, senorito, tinatawag na po kayo ng Daddy mo. Kasama po si Senorita Christine. Kakain na raw po.”Napalingon kami nang marinig ang tuloy-tuloy na pagsasalita ng kanilang kasambahay. Naalarma ako, panandaliang pahinga mula sa tensyon pero ramdam kong hindi pa tapos si Clyde.Muli akong pinasadahan ng tingin ni Clyde, tila walang balak na tantanan ako. Tumagilid ang ulo niya, bahagyang nagtaas ng ki

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 4 - YOU'RE HELL, MY FIRE

    Maagap akong nagsalita. “Sir, magpapaalam sana ako na pupunta ng mall. Since first day ko rito sa pilipinas, gusto kong gumala muna. Babalik ako at one p.m. sharp para sa meeting natin with Mr. Patopatin.”Agad siyang sumang-ayon. “Sa mall din naman ako pupunta, sasamahan na kita.”Pumayag na ako sa offer ni Clyde para mas mapabilis ang aking transformation. Pagdating sa mall, mabilis akong nagpaalam kay Clyde.“Sorry, Sir. I need to pee.” Pagdadahilan ko para makalayo ako sa kanya. Sumang-ayon din siya ngunit nakita kong nagsisimula nang maglikot ang kanyang mga mata tila may hinahanap. Alam kong hinahanap nito si Christine.Mabilis akong pumasok sa fitting room at hinanap sa bag ko ang suot ko kanina. Inayos ko ang paglagay ng makapal na kilay, makapal na labi at maraming nunal sa pisngi. Mga fake moles na binili ko pa sa states at ibinaon dito sa pinas. Nang makitang ako na naman ulit ang pangit na Christine, lumabas na ako ng fitting room. Gumala-gala ako sa loob ng mall at nag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status