Share

KABANATA 4

Hinawi niya ang kamay ni Law na balak ng haplusin ang pisngi niya bago ito bigyan ng bored na expression.

"Do you need anything SIR? Dahil kung wala na. Pwede na ba akong UMALIS? My precious manager is already waiting for me in the lobby."

Naghihintay ito saglit ng tugon pero parang naiinip sa tagal nitong sumagot kaya kahit three seconds palang nagsalita na ulit ang dalaga.

"Kung may sasabihin ka pa, go. Kung wala na, aalis na ako. I'm here because of work. Nothing else. Sir Del Fierro."

He was serious. Nakatingin siya sa dalaga na tila inuusig ang buong parte ng mukha nito

"You really don't remember me?" 

Kumunot ang mukha nito sa kaniya sa pang apat na pagkakataon.

"I already told you. Ilang beses ba Sir Del Fierro? Baka naman kamukha ko lang o’ baka naman mali ka lang ng pagkakatingin kung sino man ang babaeng hinahanap mo."

Parang hindi ito naniniwala na hindi niya ito kilala o maalala. "I don't believe you. Miss Maxine. I remember your face. From your chin to your forehead."

She sighed and looked at his steel Ash gray eyes. Sa isip niya. Bakit naman parang sobrang importante nito sa kaniya.

"Sir. Del Fierro, I don't know you so paano kita maaalala kung hindi nga kita kilala?" Inirapan niya ito.

"Could you please stop this? You really don't remember my answer? Naririndi na ako at nabubuwesit na ako sayo. Or baka naman ang sinasabi mo ay nang magkita tayo sa parking lot? But yeah. You already ask the same thing hindi ba? Nagtanong ka sa’kin kung kilala kita. But look. I don't remember you and I don't even know you, okay?"

Parang na ubos na naman ang pagasa nito sa sagot ni Maxine. His expression was drained on his face in an instant and she felt bad for him, pero hindi niya hinayaang maapektuhan siya ng kanyang konsensya.

"Okay." Tipid na sagot nito.

"You can leave now." aniya at bumalik sa pagkakaupo sa paborito nitong spot which is sa itim at mamahalin nitong swivel chair na pinasadya pa sa Australia para lang makuha ang gusto nitong lapat at lambot.

"Okay." She chirped then hastily left Del Fierro's office. Malaki ang office ng binata kaya naman hindi na nakapagtataka na nagulat si Maxine ng una niyang pasok doon. She was mesmerized because of how luxurious it is. Magaganda lahat ng office na pinasukan niya but this? Kung magpapagawa man o magkakaroon man ito ng office. Baka ganitong-ganito ang maging itsura.

When she got out of the man's office, that's when she took a deep breath. Unbeknownst to him, she had been holding her breath as they neared earlier.

She really hates all men. Hindi siya makatagal sa mga ito. Pero hindi niya maitatanggi na mabango at kakaiba ang lalaking iyon.

Damn that man! For sure, isa rin si Del fierro sa mga lalaki sa mundo na pinaglalaruan lang ang dose-dosenang mga babae. 

Huminga siya ng malalim saka tinawagan ang Manager niyang kanina pa naghihintay sa lobby.

"Let's go, come up. Tapos na kami mag-usap." Pagkasabi no'n ay pinatay niya ang tawag at lumapit sa Secretary para tuparin ang pangako niya kanina na mag-selfie sila together. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil kalat talaga ang mukha niya. Kung hindi ba naman ito sikat. Bakit ito makikilala ng secretary ni Del Fierro.

Nang makita nito si Yves ay agad nitong inabot ang susi ng kotse ni Maxine but she ignores it.

"Ikaw na ang mag-drive, I'm stress. Mukhang kailangan ko ng pumunta sa acer."

….

"Bakit hindi mo sinabi agad?!" Mainit na naman ang ulo ni Maxined dahil sa bungad ng manager niya.

"F*ck!?" Galit na sigaw ni Maxine.

"Why didn't you tell me?" Ulit na sabi nito. 

Nakabalik na silang dalawa sa condo niya at ngayon lang nito sinabi ang napag-usapan nito at ni Del Fierro.

Huminga ng malalim si Yves, halatang nabibingi na ito sa kaniya. "Maxine, nasa kontrata 'yon at kailangan mo 'yong sundin. You signed the contract remember? Besides, mukhang kasalanan mo naman talaga. Remember. Kailangan mong basahin ng maigi ang kontrata bago ka pumirma. At kaya hindi na ako sumawsaw sa pag pirma mo ng kontrata dahil wala naman din masama sa mga nakasulat. Binasa ko iyan bago ibigay sayo."

She snorted. "Ugh! That F*cking contract again." Napailing-iling siya. 

"Pwede bang i-atras na lang ang kontrata na yan!" 

"Alam mong hindi ako pwede next week kasi may Fashion Show ako for a famous bikini line hindi ba? And I don't want to missed it para lang sa lalaking ‘yon."

"Hindi mo yata alam Maxine na malaking kumpanya ang pinasukan mo this time. Hindi lang pucho-pucho ang Del Fierro, kahit na itapat mo pa sa mga nagdaang kontrata or work mo yan. Alam mong malaki ang sahod at doble ang sahod mo sa kanila. 

This is a great opportunity for you. Kahit na maraming nagkakandarapa para maging indorser ka lang." Her manager is getting annoyed. Para itong nagpapaliwanag sa anak niya.

"Sinabi ko 'yon sa paparating na Sir. Lee nang sabihin niya sakin ang petsa at oras kung kailan ka magso-shoot, pero talagang pinanindigan niya ang desisyon niya." 

Bumagsak ang balikat ni Yves. "Alam mo naman na nasilaw ka sa offer ni Sir. Del Fierro, malaki at triple ang bayad sayo."

"Correction lang ah, ikaw ang unang nasilaw bago ako. Kaloka ka!"

Napasabunot siya sa sariling buhok sa sobrang frustrasyon na nararamdaman. 

"Okay na sana talaga eh! Kung hindi lang siya ang may-ar—"

"What do you mean?" Malinaw na narinig ni Yveas ang sabi nito.

"Wala! I'm so f*cking stress. Sayang din ang shoot ko next week. Maybe you can talk with him."

Napailing ang manager nito. "You know I can't, pwera nalang kung type ka no’n."

Napangiwi ito sa sinabi ni Yves.

"Shut up! Hindi yan nakakatulong. Alam mo naman kung gaano ako ka allergic sa mga lalaki right?"

"Argh! I can't believe that guy!" Pinandiyak niya ang paa sa sahig sa inis saka padaskol na umupo sa sofa. "Argh! What should I do! Kasalanan mo talaga to’ Yves eh!" 

Yves smiled reassuringly at her. Sanay na sanay na talaga ito sa dalaga. "Leave it to me. Ako naman ang Manager mo, e. Akong bahala. I'll talk to Sir. Lee." 

Nakahinga ito ng maluwag. Teka papayag naman kaya 'yon?

Ngumiwi si Maxine. "Bakit kay Sir. Lee kaya mong makiusap? Are you afraid with that man!?"

"I'm not. Pero sa rango niya. Yes." Seryosong sabi nito.

"Let's see what will happen." Tumayo si Yves at nakipagbeso beso sa kaniya. "Tatawagan na lang kita mamaya for further updates okay? Ipirmi mo. Ako nang bahala."

Dumausdos siya ng upo sa sofa. "Okay."

Nang makalabas si Yves sa condo niya, nakaramdam siya ng kapayapaan at tamang-tama namang nakatanggap siya ng in coming call mula sa Mommy niya. She will never talk her mom in phone kung may mga taong nakapaligid sa kanya dahil they always talking about sa mga malalim na bagay.

"What mom?" She had no appetite to answer the other line. Every time she hears her mother's voice. Pakiramdam niya ay bubungangaan at pagsasabihan lang siya nito. 

"Lorie, your other cousin, is supposed to get married two weeks from now. Imbitado tayo. At hindi pwedeng hindi tayo pupunta."

Nalukot kaagad ang mukha niya na nakapahinga na kanina. "Another wedding? At bakit ako imbitado? Hindi naman kami close. Ni hindi ko nga siya kilala eh. Next time mom. Wag na kamo nila ako bigyan ng imbitasyon. Besides, umaalis din naman ako agad at marami akong work ngayon."

"Well, siguro gusto ka lang inggitin dahil hanggang ngayon matigas ka pa rin. I don't know Maxine pero hindi naman kita pinalaki ng ganyan. Before sobrang sweet mo pero ngayon you are solid as a ro—"

Umikot ang mga mata niya. "Pwede ba, mommy, ako pa talaga huh? Masaya naman ako sa buhay kasama ng career ko pwede ba. Bakit naman ako magpupusong mamon."

Sarkastiko siyang tumawa. "For sure, maghihiwalay din ang dalawang 'yon, iiyak si Lorie at magdudusa siya kasi lahat ng lalaki sa mundo manloloko. Tulad ni Dad….. tulad ng mga lalaking wala ng ginawa kung hindi saktan ang mga babae. And did you know mom? Hindi dadami ang member ng acer club kung hindi tama ang sinasabi ko ngayon." Huminga ito ng malalim.

"And tell Lorie whoever she is. Na sige. Pupunta ako para uminom ng champaign at kumain lang. That's all. No gift dahil wala namang maganda sa araw na yan. Saka ko na siya reregaluhan kapag happy ending na storya nila. Huh! Goodluck lang talaga."

"Why are you acting like ampalaya, Maxine? Hindi naman lahat ng lalaki, manloloko." Bumuntong hininga ang ina nito.

"You know, hindi ako kumakain ng ampalaya kaya imposibleng doon kita pinaglihi."

She snorted. "No mom! Lahat sila ganoon. Yes you hate ampalaya kaya nga you always compare me sa ibang babae di’ba?"

"Maxine. That's not it. Masyado lang kasing mali ang paniniwala mo."

"No mom it is. Ako lang naman ang naguguluhan sayo dahil kahit iniwan kana ni dad. Ganyan pa rin ang paniniwala mo. You keep yourself kind kahit na alam mong napakalaki ng kasalanan niya sayo. At pwede ba. Kung sayo pwede ang mga bagay na ganon. Well sa’kin hindi ako papayag na ganunin lang ng lalaki."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status