Share

CHAPTER 74

“Hey, baby. Want to go date with me?”

“S-seryoso ka?”

magkasalubong ang kilay. "Seryoso ako na gusto kitang i-date. Bakit? Masama bang i-date ang babaeng gusto ko? Which is you by the way."

Napakurap-kurap siya kay Dane. "B-bakit parang galit ka s-sa 'kin?"

"Kasi pinagdududahan mo ang nararamdaman ko para sa 'yo." He looked irritated.

"Ilang 'l like you' ba ang gusto mong marinig mula sa 'kin para maniwala kang mahalaga ka sa 'kin? Para maniwala kang kaya kong gawin ang lahat para sa 'yo? O baka naman gusto mong laktawan ko ang 'l like you'

at dumeretso ako kaagad sa 'mahal kita'? Anong mas gusto mo?"

"Bakit? Mahal mo ba ako?" Balik tanong niya sa lalaki.

"Kung sabihin kong 'oo', anong gagawin mo?"

Naghahamon ang boses ni Dane. He never lied in terms of saying he liked someone.

Natahimik siya at parang naudlot ang dila niya. Ano nga ba ang gagawinniya? Ni hindi pa nga niya mapangalanan itong nararamdaman niya para rito.

"Natahimik ka." Pansin ni Dane sa kanya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status