LOGIN“No, Sixto. Hindi ko hihilingin ang annulment. Ako ang asawa mo. At kahit ilang beses mong sabihin na hindi mo ako mahal, I will fight for this marriage. Dahil ako ang pinili ng pamilya mo. Ako ang asawa mo sa harap ng Diyos at sa harap ng tao. At hindi mo puwedeng bastabasta mabubura iyon.”
Hindi umimik si Sixto, pero ramdam ni Veena ang galit sa titig niya. Si Jade naman, nakangisi lang, parang siya pa ang panalo.
Umangat ang baba ni Veena, pilit na ipinapakita ang lakas na hindi na halos maramdaman. Hindi siya aatras. Hindi siya aalis.
Hindi niya ibibigay si Sixto nang gano’n-gano’n na lang. Kahit nagdurugo na ang puso niya, kahit binabali na siya ng sakit, pinilit niyang tumindig. Kahit nilulunok na lang niya ang pride niya.
At sa mismong sandaling iyon, napagdesisyunan niya… kung para lang mapanatili si Sixto, kakayanin niya. Kahit siya lang ang lumalaban. Kahit siya lang ang umaasa.
Hindi pa humuhupa ang init ng pagtatalo nila kanina nang biglang may sumunod na kaluskos mula sa may pintuan. Bago pa siya makapagsalita, bumukas iyon at pumasok si Don Manny at Doña Cynthia Segovia, ang lolo’t lola ni Sixto.
“Good morning,” malamig pero may siglang bati ni Doña Cynthia habang maingat niyang isinasara ang pinto. “What is happening here? At bakit may tao rito na hindi dapat naririto ngayon?”
Napalunok si Veena at nanlambot ang mga tuhod niya.
Natigilan si Sixto, halatang hindi niya inaasahan ang pagdating ng lolo’t lola niya nang walang abiso.
Si Jade naman ay imbes na mahiya, ngumiti pa at bahagyang yumuko bilang pagbati.
“Good morning po,” magalang nitong sabi, na para bang wala siyang ginagawang mali. “Ako po si Jade…”
Pero hindi na siya pinatapos pa ni Don Manny.
“Alam namin kung sino ka,” madiin nitong putol, at ramdam agad ni Veena ang bigat ng titig niya.
Napatayo si Sixto mula sa pagkakaupo saka mabilis na nilapitan sila. “Lolo, Lola… hindi ko po inaasahan na pupunta kayo ngayon.” Halos nanginginig pa ang boses niya, baka isipin nilang kasalanan niya ang lahat.
Lumapit si Doña Cynthia, mariin ang pagkakatitig kay Sixto. “Ano itong naririnig namin, Sixto? Bakit may ibang babae dito, sa bahay na para lang sa iyo at sa asawa mo?”
Kita ni Veena na umigting ang mga panga ni Sixto, halatang naiipit sa sitwasyon. “Lola, hindi niyo naiintindihan. Si Jade… she’s sick, and she needs someone to take care of her. Kaya–”
“Kaya dinala mo siya rito?” mabilis na putol ni Don Manny, lumakas ang boses at halatang galit na. “Sa harap ng asawa mo? At kung hindi kami dumating ngayon, sa tingin mo hindi makararating sa amin ito?”
Totoong nasaktan si Veena kanina sa mga sinabi ni Sixto. Pero dahil sa pagtatanggol ng mga matatanda, kahit paano ay napalubag ang loob niya.
“Lolo, please, huwag kayong magalit,” agad na sumabad si Jade, halatang nagmamalinis. “Wala po akong ibang intensyon. I just needed Sixto kasi… siya lang po ang nandiyan para sa akin.”
“Hindi,” malamig na sagot ni Doña Cynthia. “Wala kang delicadeza! You went to the house of a married man wearing that?” Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ni Jade kaya napalunok ito at halatang napahiya.
“Lola–”
“Don’t call me lola! Hindi kita kaanu-ano!” angil ni Lola Cynthia. Napaawang ang mga labi ni Jade at namula ang mukha sa matinding pagkakahiya.
“Lola, please… be gentle on her. She’s sick,” pagtatanggol na naman ni Sixto kay Jade.
“At paano si Veena, Sixto? Hindi mo man lang ba iniisip ang mararamdaman niya? Kapag maulit pa ito, sige sumama ka na sa babaeng iyan at huwag ka na ulit magpapakita pa sa amin!”
“Lola!” sabay na bulalas ni Veena at Sixto. Maging si Jade ay nanlaki ang mga mata.
“Kaya niyo pong itakwil ang apo niyo para lang sa walang kuwentang babaeng iyan na–”
Isang malutong na sampal ang ipinadapo ni Lola Cynthia sa pisngi ni Jade. Tumabingi ang mukha nito at napasinghap dahil hindi niya inaasahan iyon.
“Sino ang nagbigay sa ‘yo ng karapatang makisali sa usapan namin? Kung mayroon mang walang kwentang babae rito, ikaw iyon! Kasi, kabit ka!” sigaw ni Lola Cynthia.
“Cynthia, calm down… baka kung mapaano ka.” Mabilis na inalalayan ni Don Manny ang asawa na nanginginig na yata sa galit.
“Sixto!” baling ni Veena sa asawa niya at sumenyas. Mukhang nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin at agad nilapitan si Jade para ilayo sa matanda.
"Umuwi na tayo, Manny," matigas at naghahabol ng hangin na utos ni Doña Cynthia. Dinuro pa nito si Sixto. "Sumama ka sa amin, mag-uusap tayo. Pauuwiin mo na yang babae na yan. Ayaw kong mababalitaan na pumupunta siya rito!"
**
Tahimik na nakaupo si Veena sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina.
Umalis si Jade mag-isa at sumama naman si Sixto kina Don Manny at Doña Cynthia.
Tinitigan niya ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak na paulit-ulit bumabalik sa mga sinabi ni Sixto kanina. Ang bigat pa rin ng dibdib niya, pero pinipilit niyang huminga nang maayos.
Hanggang sa may marinig siyang tunog ng sasakyan sa labas ng gate.
Sa una ay inisip niyang baka si Sixto iyon, baka mabilis lang niyang naihatid ang mga lolo’t lola nito. Pero nang bumukas ang malaking gate at makita niyang isang itim na sportscar ang pumasok, halos mahulog ang tasa sa kanyang kamay.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Tumigil ang kotse sa mismong harap ng mansion, at bumukas ang pinto. Mula roon ay lumabas ang isang matangkad at may dominanteng awra ng lalaki.
Si Hudson Del Fierro.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nanuyo ang lalamunan niya, at ang puso? Para itong gustong kumawala sa dibdib sa sobrang lakas ng pintig.
Hindi niya alam kung dahil sa kaba, sa takot, o sa pinaghalong emosyon na hindi na niya kayang pangalanan. Basta ang alam niya, hindi siya makahinga.
Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa main door. Nakasuot siya ng black polo shirt na nakatupi ang manggas, dark jeans, mamahaling relo… nakamamangha at nakakatakot.
Naglakad ito papasok, bawat hakbang ay ramdam sa dibdib ni Veena. Napalunok siya, pilit pinipigilan ang pagnginig ng kanyang mga kamay. Pinapasok na siya ng katulong bago pa siya makahuma sa pagdating niya.
“Where is Sixto?” narinig niyang tanong nito.
“Umalis po, Sir… inihatid na po ang mga lolo at lola niya,” magalang na sagot ni Manang.
Nakahinga siya nang maluwag dahil siguradong aalis na ito dahil wala naman si Sixto. Pero nagkamali siya.
“It’s alright. Call the Lady of the house. I need to talk to her,” utos nito sa katulong. Simple lang ang pagkakasabi niya pero halatang napapasunod agad ang kausap.
“Sige po, Sir. Maupo po muna kayo,” alok ni Manang at iniwan na siya.
Lalong umalagwa ang dibdib ni Veena at gusto na lang niyang mawalan ng malay sa tindi ng nerbiyos.
“Ma’am, may naghahanap po kay Sir, gusto ka raw makausap,” pagbibigay-alam ni Manang. Gusto niya nang maiyak sa takot pero nagawa pa rin niyang magmukhang kalmado sa harap niya.
“O-Okay… pakidala na sa kusina itong kape. Malamig na, kaya hindi ko na mauubos. Please prepare a snack for the visitor,” utos niya.
Napapikit siya dahil hindi niya na dapat sinabi iyon. Ang goal niya dapat ay mapaalis agad ang lalaking iyon.
“Good morning,” he greeted casually when he saw her. Pero hindi nakaligtas sa kanya na may kakaibang bigat sa tono ng boses niya.
Ang graying blue eyes ni Hudson ay nakatingin sa kanya… intense, unblinking. Para bang nahuhubaran siya sa tingin pa lang niya.
Napaatras siya nang kaunti, halos hindi lumabas ang boses niya. “H-Hudson… what are you doing here?”
Ngumiti siya, ngunit hindi iyon nakakapagpakalma sa nagwawala niyang puso. Mas lalo pa siyang kinabahan.
“I came to see you, Veena.”
“No, Sixto. Hindi ko hihilingin ang annulment. Ako ang asawa mo. At kahit ilang beses mong sabihin na hindi mo ako mahal, I will fight for this marriage. Dahil ako ang pinili ng pamilya mo. Ako ang asawa mo sa harap ng Diyos at sa harap ng tao. At hindi mo puwedeng bastabasta mabubura iyon.”Hindi umimik si Sixto, pero ramdam ni Veena ang galit sa titig niya. Si Jade naman, nakangisi lang, parang siya pa ang panalo.Umangat ang baba ni Veena, pilit na ipinapakita ang lakas na hindi na halos maramdaman. Hindi siya aatras. Hindi siya aalis.Hindi niya ibibigay si Sixto nang gano’n-gano’n na lang. Kahit nagdurugo na ang puso niya, kahit binabali na siya ng sakit, pinilit niyang tumindig. Kahit nilulunok na lang niya ang pride niya.At sa mismong sandaling iyon, napagdesisyunan niya… kung para lang mapanatili si Sixto, kakayanin niya. Kahit siya lang ang lumalaban. Kahit siya lang ang umaasa.Hindi pa humuhupa ang init ng pagtatalo nila kanina nang biglang may sumunod na kaluskos mula sa
Hudson Del Fierro slammed his fist against the headboard, his chest rising and falling with pure rage.The sunlight seeped through the massive glass windows of his master’s bedroom, catching the sharp angles of his face.He was the kind of man who didn’t just enter a room… he dominated it. Pero parang may kulang… ang inaasahan niyang makita paggising niya ay wala sa tabi niya.At thirty, Hudson was tall and broad-shouldered, his body honed by years of intense training in mixed martial arts and sports cars’ fast-paced lifestyle. His jawline was sharp, his nose straight, and his dark, stormy gray eyes carried both danger and allure, the kind of gaze that could freeze anyone in their tracks.Pero sa pagkakataong iyon, nakahilata lang siya sa king-sized bed na magulo pa mula sa nakaraang gabi. At ang mas nagpapainit ng ulo niya? Wala na roon si Veena.“Where the fùck is she?!” His voice thundered through the room, enough to make the two maids by the door flinch. “Paano niyo hinayaang maka
“Saan tayo pupunta?” tanong ni Veena sa kanyang asawa na si Sixto.“Bilisan mo na lang ang paglalakad para makapagpahinga ka na,” sambit ni Sixto.Hindi siya sigurado pero parang may matinding excitement sa tono nito.Alam niya kung bakit nagmamadali si Sixto na mailagak siya sa isang silid. Ito ay upang malaya na naman ito at ang babae nitong si Jade na gawin ang nais nila.Narating nila ang ikalimang palapag. Lalong nanlabo ang mga mata niya. Parang nabablangko ang utak niya. Pilit niyang inaaninag ang malamig na silid.“S-Sixto....” tawag niya sa asawa nang mailapag na siya sa malambot na kama. “Please don’t leave me…” pakiusap niya.“I will stay here with you,” nakangiting sagot nito. Lumapit ito sa dingding at may pinindot doon. Kasunod niyon ay lumamlam ang ilaw at halos hindi na ito makita.“Hindi kayo magkikita ni Jade?” hindi makapaniwalang tanong niya.“I will stay here with you…” mahinang tugon nito.Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong puwesto habang nakapiki







