Share

Chapter 2

Author: Apple Mae
last update Last Updated: 2025-11-17 09:34:40

Hudson Del Fierro slammed his fist against the headboard, his chest rising and falling with pure rage.

The sunlight seeped through the massive glass windows of his master’s bedroom, catching the sharp angles of his face.

He was the kind of man who didn’t just enter a room… he dominated it. Pero parang may kulang… ang inaasahan niyang makita paggising niya ay wala sa tabi niya.

At thirty, Hudson was tall and broad-shouldered, his body honed by years of intense training in mixed martial arts and sports cars’ fast-paced lifestyle. His jawline was sharp, his nose straight, and his dark, stormy gray eyes carried both danger and allure, the kind of gaze that could freeze anyone in their tracks.

Pero sa pagkakataong iyon, nakahilata lang siya sa king-sized bed na magulo pa mula sa nakaraang gabi. At ang mas nagpapainit ng ulo niya? Wala na roon si Veena.

“Where the fùck is she?!” His voice thundered through the room, enough to make the two maids by the door flinch. “Paano niyo hinayaang makalabas siya? Wala bang nagbabantay sa pintuan?!”

One of the guards tried to explain, nanginginig pa habang nakatayo. “S-Sir, kanina po… we didn’t stop her from leaving. Wala naman po kasi kayong ibinilin na—”

“Bullshít!” Hudson cut him off, his gray eyes burning with fury. Mabilis siyang bumaba ng kama at tumayo sa harap nila. Ni hindi niya alintana ang kahubdan niya.

Napalunok ang mga babaeng katulong at umiwas ng tingin. Hinintay lang nila hanggang sa maisuot nito ang black sweatpants niya. He looked every bit the predator pacing inside his cage.

“She was supposed to be here beside me when I woke up! Hindi siya basta-basta lalabas ng bahay na ito nang wala man lang nagsasabi sa akin. So don’t you fúcking tell me you didn’t stop her!”

Yumuko ang mga kasambahay, halatang takot, may luha na rin sa mga mata nila. Tumayo naman nang matikas ang mga guwardiya… alam na alam nila kung anong klaseng tao si Hudson Del Fierro. Hindi siya iyong tipong nagpapalampas ng pagkakamali.

Napakamot si Hudson sa ulo, kita ang inis. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi… ang malambot na balat ni Veena, ang mga labi nito na kahit gaano katagal niyang hinalikan ay hindi siya magsasawa.

How she moaned when he was able to take away the pain of breaking her virginity. Yes. He was her first, and that made him more possessive of her. He wanted more, and he wanted her to be his forever.

“She fúcking slipped away,” bulong niya, halatang hindi makapaniwala pero puno ng pananabik na makasama itong muli.

Mabilis siyang lumingon sa mga tao niya, halos mapasinghap sa takot ang mga ito.

“Get out of my sight right now! Baka kung ano pang magawa ko sa inyo!”

“Yes, Sir!” sabay-sabay na sagot ng mga tao niya at halos sabay-sabay din na nag-alisan sa kuwarto.

Naiwan si Hudson, mahigpit na nakakuyom ang kamao niya. His lips curved into something between a smirk and a snarl.

“You can run, Veena… but you’ll never escape me. Not after last night. You’re mine, and no one will take you away from me.”

**

Pagbukas ng pintuan ay sumalubong ang Mayordoma ng mansyon kau Veena. Napakurap ito nang makita ang itsura niya.

“Ma’am Veena…” Hinagod pa siya nito ng tingin kaya napalunok siya.

Tumango si Veena at pilit inayos ang hitsura niya. “Ang Sir mo?”

“Po? Akala po namin kasama niyo kagabi si Sir Sixto.”

Natigilan si Veena. “A-Ano?” mahina niyang sagot, pilit na pinakakalma ang boses niya. “Anong… ibig mong sabihin?”

Lumapit si Manang, hawak pa ang basahan niya. “Hindi rin po umuwi si Sir Sixto kagabi. Sabi namin baka magkasama po kayo.”

Parang biglang lumiit ang mundo ni Veena. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Ang lakas ng kabog ng puso niya, ramdam niya hanggang sa tainga.

“A-Ako lang… ako lang ang umuwi,” pilit niyang sabi, sabay iwas ng tingin. “Si Sixto… hindi pa rin ba talaga dumarating hanggang ngayon?”

Umiling si Manang, at kita ni Veena ang pag-aalala sa mukha nito. “Hindi pa po, Ma’am. Wala pang tawag, wala ring message.”

Parang binuhusan si Veena ng malamig na tubig. Kung hindi niya kasama si Sixto kagabi… tapos hindi siya ang lalaking nasa kama kanina paggising niya… ibig sabihin…

Lalong nanginig ang mga kamay niya.

Diyos ko… ano bang nangyari kagabi?

“Ma’am, gusto niyo po bang kumain muna? Mukhang pagod na pagod kayo.” Pagpapatuloy pa ni Manang, halatang nagtataka sa magulo niyang hitsura. Hindi pa rin kasi sapat kahit nag-ayos siya nang kaunti kanina bago bumaba ng taxi.

Umiling si Veena. “Hindi. Gusto ko lang magpahinga.”

Mabilis siyang umakyat sa kuwarto nilang mag-asawa. Bawat hakbang, parang tinutusok ng karayom ang dibdib niya. Ang dami niyang tanong na lalo lang dumarami, pero wala kahit isa ang may kasagutan.

Pagkasara niya ng pintuan, napaupo siya sa sahig, umiiyak nang tahimik, yakap ang sarili niyang mga braso na parang gusto niyang burahin ang lahat ng nangyari.

Napakagat siya sa labi, pinipigilan ang sigaw ng pagkasuklam at hiya sa sarili.

Pero ang sakit ng katawan niya, ang mga labi niyang namamaga, at ang imahe ng mukha ni Hudson na huli niyang nakita bago siya tumakbo palabas ng kuwartong iyon kanina… lahat iyon, hindi niya kayang burahin.

At ngayon, mas lalo siyang natatakot. Dahil kung totoo nga… paano niya haharapin ang asawa niya? Nagtaksil siya rito at ipinaubaya ang sarili sa ibang lalaki… at ang mas masakit pa ay sa kaibigan mismo nito.

Pumasok siya agad sa banyo, halos madapa pa sa pagmamadali. Pagtingin niya sa salamin ay napaatras siya. At doon niya lang napansin ang mga mapupulang marka sa leeg… sa braso… hanggang sa dibdib.

Nanginginig ang mga kamay niya habang binubuksan ang shower knob. Bumuhos ang malamig na tubig, pero pakiramdam niya hindi iyon sapat para linisin ang dumi na bumabalot sa balat niya.

Dinampot niya ang sabon at body scrub saka sinimulang kuskusin ang bawat parte ng katawan niya, halos gasgasin na ang balat sa sobrang diin.

“Please… go away…” paulit-ulit niyang bulong, pilit iniisip na baka kapag mas lalo niyang kinuskos ay mabubura rin ang lahat ng nangyari.

Pero habang ginagawa niya iyon, mas lalo niyang nakikita ang mga marka at pamumula sa balat niya. Mga ebidensya na hindi niya kayang itanggi.

Pagdampi ng kamay niya sa dibdib ay napaigtad siya sa kirot. Maging ang mga nipplès niya ay tila namamaga. Ang bigat ng pakiramdam, para bang may nakadagan pa rin doon.

Hudson Del Fierro.

Ang pangalan niya ay umaalingawngaw sa utak ni Veena, parang latigong humahampas sa kaluluwa niya.

Napaluhod si Veena sa malamig na sahig ng banyo, habang patuloy ang agos ng tubig mula sa shower. Doon siya tuluyang umiyak nang malakas, wala siyang pakialam kung marinig man ng mga kasambahay.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Nakakadiri. Nandidiri siya sa sarili niya. Para siyang binaboy, at ang mas masakit pa, hindi niya alam kung paano haharapin ang asawa niya. O kung paano ipapaliwanag na wala siyang matandaan man lang sa nangyari.

Bandang hapon, narinig ni Veena ang malakas na busina sa labas. Napabalikwas siya mula sa kama. Ramdam niya ang kaba, parang gusto niyang sumuka. Dumating na siya. Dumating na yata si Sixto. Hindi niya nga rin namalayang nakatulog siya sa kaiiyak.

Nag-unahan ang mga katulong sa pagbukas ng gate. Mula sa bintana, tanaw niya ang pamilyar na kotse. Bumaba si Sixto, maayos ang suot, parang walang nangyari, parang normal lang ang lahat. Nakangiti pa siya nang ibinaba ang sunglasses.

“Nasaan si Veena?” agad niyang tanong kay Manang habang tinatanggal ang coat niya.

“Sir, nandoon po sa taas, nagpapahinga. Kanina pa po siya dumating,” sagot ni Manang.

Tumango si Sixto, halatang pagod pero excited. “Tawagin mo siya, gusto ko siyang makita.”

Doon ay lalo siyang napaiyak nang tahimik. Nakatayo lang si Veena sa gilid ng pinto ng kuwarto nila, pinapakinggan siya habang nagsasalita sa baba.

Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa guilt. Gusto niyang bumaba, gusto niyang yakapin ang asawa niya, pero nanginginig ang mga tuhod niya. Natatakot siyang makita nito ang mga pasa. Natatakot siyang tumingin nang diretso sa mga mata niya at makita ang bagong sikreto na pilit niyang itinatago.

At sa sandaling narinig niyang umaakyat na ito sa hagdan, mas lalo siyang kinabahan.

Narinig niya ang bawat yabag ni Sixto sa hagdan. Mabigat, pamilyar, pero ngayon parang bawat tunog ay tinatamaan ang puso niya ng matalim na bato.

Humigpit ang kapit ni Veena sa kumot, halos mawalan ng kulay ang kamao niya sa higpit. Pilit niyang pinapakalma ang sarili.

Pagbukas ng pinto, bumungad ang mukha ni Sixto. Maayos pa rin siya, mabango ang hitsura, walang bahid ng pagod na parang galing sa inuman o party kagabi. Ang ngiti niya ay pilit binasa ni Veena… pero alam niyang hindi iyon para sa kanya.

“Veena,” mahina nitong tawag.

Pinilit niyang ngumiti kahit ramdam niya ang pamamaga ng mga labi niya. “Kararating mo lang?”

Tumango si Sixto, tinanggal ang relo at inilapag iyon sa mesa. Para bang walang problema, parang wala man lang balak magpaliwanag kung bakit hindi sila magkasamang umuwi.

Hindi na napigilan ni Veena. Mabilis niyang tinanong, halos pabulong pero puno ng kaba.

“Sixto… nasaan ka ba kagabi? Bakit hindi ka umuwi? I mean, bakit hindi tayo sabay na umuwi?”

Natigilan siya, tumingin saglit kay Veena, tapos parang wala lang bago sumagot. “Si Jade. May sakit siya kagabi. Tinawagan ako. Medyo boring na iyong party, so I just stayed with her. Magdamag.”

Parang may sumabog na bomba sa loob ng dibdib niya. Napasinghap siya pero agad niyang tinakpan ng pilit at mapait na ngiti ang reaksyon niya. Si Jade. Palagi na lang si Jade. Lagi itong handang puntahan at alagaan ni Sixto. Pero sa kanya, laging nawawala kapag kailangan niya ito.

“Ni hindi mo man lang naisip na naiwan ako roon, Sixto? Hindi mo man lang…”

Gusto niyang isigaw… Habang inaalagaan mo siya, alam mo ba kung anong nangyayari sa akin? Habang pinipili mo siya, bakit ako napunta sa kama ng kaibigan mo?

Pero wala siyang nasabi.

Nilulon niya ang lahat ng pait at pilit na ikinubli ang sakit. Dahil alam na alam niya ang isasagot nito kung sakaling sumbatan niya.

“Ah… ganun ba,” mahina niyang sagot, may bikig ang lalamunan. “Mabuti naman at… napuntahan mo siya.”

Ngumisi si Sixto, pero malamig. “Of course. Alam mo namang hindi ko matitiis ang babaeng mahal ko, hindi ba?”

Muli ay naramdaman ni Veena ang pagkadurog ng puso niya. Sinasadya talaga niya ito para siya na mismo ang makipaghiwalay.

Matagal na niyang alam na hindi siya minahal ng asawa niya. Hindi siya tinitingnan nito gaya ng pagtitig kay Jade. Para kay Sixto, isa lang siyang babaeng napilitan niyang pakasalan, isang obligasyon na iginawad ng pamilya.

Tumalikod si Sixto sandali para magpalit ng damit, at doon tinakpan ni Veena ang bibig niya, pinigil ang mga hikbi.

Kasalanan niya ito dahil pinilit niyang pakasalan si Sixto kahit hindi naman talaga siya ang gusto nito.

Hindi niya puwedeng ipagtapat ang nangyari kagabi… kung paanong gumuho ang mundo niya sa pagkawala ng dignidad niya sa tabi ng kaibigan at business partner nito. Lalo lang silang magkakaroon ng dahilan para hiwalayan siya.

Kinabukasan, maaga pa lang, narinig na ni Veena ang ingay sa sala. Mabigat pa rin ang katawan niya, pero bumangon siya dahil may kakaibang kaba na dumapo sa dibdib niya.

Pagbaba niya ng hagdan, muntik na siyang mapamura sa nakita niya.

Si Jade.

Nakaupo ito sa sofa na para bang siya ang may-ari ng bahay. Halos nakabilad ang katawan, naka-nightgown pa, may kasamang maliit na overnight bag.

“Good morning, Veena,” sarkastikong bati ni Jade, halatang nananadya. “Pasensya na, but I’ll be staying here for a while. Hindi ko na kayang mag-isa sa condo ko, lalo na ngayon na masama ang pakiramdam ko.”

Nanlaki ang mga mata ni Veena, at bago pa niya mapigilan, lumabas ang matagal na niyang itinatagong galit. “Jade, ang kapal din talaga ng mukha mo, ano? Dito pa talaga sa bahay namin? Sa harap ko pa?”

Ngumisi si Jade, parang alam na alam na matatalo niya si Veena kahit ito pa ang legal na asawa. “Sixto loves me, Veena. Alam mo naman iyan. Kaya wag ka na ring magpanggap na masakit ito para sa iyo. Ikaw ang intruder dito, hindi ako. You forced my boyfriend to marry you. Ginamit mo ang paawa effect mo sa lolo at lola niya.”

Parang binuhusan si Veena ng kumukulong tubig. Siya ang asawa, pero siya ang tinawag na intruder.

Pero hindi siya magpapatalo.

“At the end of the day, hindi ikaw ang asawa. Hindi ikaw ang pinakasalan,” mariing sagot ni Veena, pilit pinatatatag ang boses kahit nanginginig na ang mga kamay niya. “Ako. Ako ang may karapatan dito, Jade. Kung may dapat lumayo, ikaw iyon.”

Bago pa makasagot si Jade, bumukas ang pinto. Dumating si Sixto. Pawisan pa, halatang galing sa pagja-jogging. At sa isang iglap, nawala ang kaunting lakas ng loob ni Veena… pero hindi siya umatras.

“Sixto,” lumapit agad si Jade sa kanya, parang siya ang asawa rito at hindi si Veena. “I told Veena na dito na muna ako. I hope it’s okay.”

Hindi na napigilan ni Veena ang sumigaw. “Okay? Naririnig mo ba ang kahibangan ng babaeng yan, Sixto? Papayagan mong dito tumira ang… ang babae mo? Sa mismong bahay natin?”

Tumitig si Sixto kay Veena, malamig ang mga mata. Walang ni katiting na usig ng konsensya. “Veena, if you can’t handle this situation anymore, then maybe you should talk to my family and request for annulment.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BETRAYED & SOLD BY MY HUSBAND (SPG)   Chapter 3

    “No, Sixto. Hindi ko hihilingin ang annulment. Ako ang asawa mo. At kahit ilang beses mong sabihin na hindi mo ako mahal, I will fight for this marriage. Dahil ako ang pinili ng pamilya mo. Ako ang asawa mo sa harap ng Diyos at sa harap ng tao. At hindi mo puwedeng bastabasta mabubura iyon.”Hindi umimik si Sixto, pero ramdam ni Veena ang galit sa titig niya. Si Jade naman, nakangisi lang, parang siya pa ang panalo.Umangat ang baba ni Veena, pilit na ipinapakita ang lakas na hindi na halos maramdaman. Hindi siya aatras. Hindi siya aalis.Hindi niya ibibigay si Sixto nang gano’n-gano’n na lang. Kahit nagdurugo na ang puso niya, kahit binabali na siya ng sakit, pinilit niyang tumindig. Kahit nilulunok na lang niya ang pride niya.At sa mismong sandaling iyon, napagdesisyunan niya… kung para lang mapanatili si Sixto, kakayanin niya. Kahit siya lang ang lumalaban. Kahit siya lang ang umaasa.Hindi pa humuhupa ang init ng pagtatalo nila kanina nang biglang may sumunod na kaluskos mula sa

  • BETRAYED & SOLD BY MY HUSBAND (SPG)   Chapter 2

    Hudson Del Fierro slammed his fist against the headboard, his chest rising and falling with pure rage.The sunlight seeped through the massive glass windows of his master’s bedroom, catching the sharp angles of his face.He was the kind of man who didn’t just enter a room… he dominated it. Pero parang may kulang… ang inaasahan niyang makita paggising niya ay wala sa tabi niya.At thirty, Hudson was tall and broad-shouldered, his body honed by years of intense training in mixed martial arts and sports cars’ fast-paced lifestyle. His jawline was sharp, his nose straight, and his dark, stormy gray eyes carried both danger and allure, the kind of gaze that could freeze anyone in their tracks.Pero sa pagkakataong iyon, nakahilata lang siya sa king-sized bed na magulo pa mula sa nakaraang gabi. At ang mas nagpapainit ng ulo niya? Wala na roon si Veena.“Where the fùck is she?!” His voice thundered through the room, enough to make the two maids by the door flinch. “Paano niyo hinayaang maka

  • BETRAYED & SOLD BY MY HUSBAND (SPG)   Chapter 1

    “Saan tayo pupunta?” tanong ni Veena sa kanyang asawa na si Sixto.“Bilisan mo na lang ang paglalakad para makapagpahinga ka na,” sambit ni Sixto.Hindi siya sigurado pero parang may matinding excitement sa tono nito.Alam niya kung bakit nagmamadali si Sixto na mailagak siya sa isang silid. Ito ay upang malaya na naman ito at ang babae nitong si Jade na gawin ang nais nila.Narating nila ang ikalimang palapag. Lalong nanlabo ang mga mata niya. Parang nabablangko ang utak niya. Pilit niyang inaaninag ang malamig na silid.“S-Sixto....” tawag niya sa asawa nang mailapag na siya sa malambot na kama. “Please don’t leave me…” pakiusap niya.“I will stay here with you,” nakangiting sagot nito. Lumapit ito sa dingding at may pinindot doon. Kasunod niyon ay lumamlam ang ilaw at halos hindi na ito makita.“Hindi kayo magkikita ni Jade?” hindi makapaniwalang tanong niya.“I will stay here with you…” mahinang tugon nito.Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong puwesto habang nakapiki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status