ログインThank you so much po sa pagbabasa, may update na po ng chapter 176 pero kailangan pa i-approve ng editor. Iyon po ang chapter 175 na naulit, pinalitan ko na po ng content. Balikan n'yo na lang po once ma-approve na. Maraming salamat.
Hindi malaman ni Nova kung ano'ng palusot ang gagawin para lang hindi magawa ang DNA test. O, kung may panahon pa siya para gumawa ng dahilan para tumanggi."Nag-schedule na ako ng appointment para sa paternity test. It will be three days from now," pahayag ni Morgan at tumayo na."O-okay," wala siyang nagawa kundi ang tumango at sumang-ayon na muna. Wala siyang mahingan ng tulong dahil siya lang naman ang nakakaalam na hindi anak ni Morgan ang bata.Hindi rin pwedeng ipaalam niya kay Vettyna, lalo siyang malalagay sa alanganin dahil sa reputasyon ng lalaking nakabuntis sa kaniya.Pagkatapos kumain ay sumaglit siya sa kwarto ni Philip habang naglalaro ang bata sa playroom. Nakahilata siya sa kama at nag-iisip ng paraan. Nang bigla niyang maalala ang impormasyong nalaman niya noong huling may diskusyon doon sa Armadda Territory.Napangisi si Nova. Alam na niya kung paano lusutan ang DNA test. Masigla siyang bumangon at pinuntahan ang biyenan sa kwarto nito."Ano'ng kailangan mo?" pasik
"A-ano'ng negative?" tarantang bulalas ni Nova at hinablot ang dokumentong hawak ni Vettyna. "Paano? Akala ko ba gumawa ka ng paraan?""Itago mo iyan, tatawagan ko ang kakilala ko sa clinic. Itatanong ko kung ano'ng nangyari." Kinapa ng dalaga ang cellphone. "Buti na lang hindi si Martha ang nakatanggap niyan kung hindi lagot tayo."Halos tupiin ni Nova ang dokumento para lang maitago. Sumunod siya kay Vettyna patungo sa loob ng drawing room. Kauupo lamang niya sa couch nang tumunog naman ang cellphone niya."Tumawag si Morgan!" kabado niyang sabi.Sumenyas lang si Vettyna na sagutin niya habang hinihintay nitong makapasok ang tawag nito sa clinic.Tumayo si Nova at nagtungo sa kabilang sulok. "Hello, Morgan?""Libre ka ba bukas? Gusto kang kausapin ni Grandma.""Sige, pupunta ako." Agap niya. Baka pag-uusapan ang tungkol sa kasal nila. Natunaw ang kaba at ligalig sa puso niya."See you then.""Okay." Napangiti siya at hinaplos ang tiyan. Lalambot din si Morgan at mamahalin siya nito
Three days na siyang nakabalik sa bahay ng mga Villegas pero ramdam ni Nova na kakaiba pa rin ang trato sa kaniya ng buong mag-anak maliban lang kay Vettyna. Tuwing nakikita siya ng mga ito'y agad nag-iiba ang expression.Di bale na, bukas, darating na ang resulta ng DNA test. Kailangan niyang habaan ang pasensya."Pag-usapan natin ang tungkol sa pagbubuntis mo," komento ni Martha habang nasa hapagkainan sila at nag-aagahan.Hindi nakahuma si Nova. She haven't even had time to figure out how to settle the pregnancy with Morgan. Ayaw pa rin kasing tanggapin ng lalaki ang bata."If you are pregnant with your brother-in-law's child, kahihiyan iyan ng buong pamilya," pahayag ni Nathasia.Pakiramdam ni Nova ay sa panig na naman ni Yelena mapupunta ang advantage ng usapan. Gigil na sinulyapan niya ang babaeng patay-malisya na kumakain at tila walang naririnig."I was confused for a while, but now I know that I have done something wrong, from now on, I will definitely be a new person......"
Kagigising lamang ni Yelena at binulabog siya ng balitang nababasa sa newsfeed ng kaniyang account. Sabog din ang inbox niya sa message requests mula sa mga taong humihingi ng paumanhin.Ginimbal kasi ang social media at mg news outlets matapos pakawalan ng Le Cadran public information office ang mga katibayang nakalap tungkol sa epekto ng gamot na ginawa ni Yelena. Kasabay ng release statement ng laboratory ay pinost din ng law firm ni Yaale ang affidavit ng tatlong witness na lumapit sa abogada, bukod pa roon ay naglabas din ng saksi at medical records ang Cuntis Corporation sa limang empleyado ng kompanya na may mga sakit at kasalukuyang under medication ng cancer drug. Sa isang gabi lang ay bumaliktad na ang sitwasyon. Ang Armadda at DK Pharma ang nalagay sa sentro ng bashing at husga ng mga tao. Sinugod ng taga-media ang hospital kung saan naka-confine ang sinasabing mga pasyenteng napasok sa ICU, kasama ng alagad ng batas na may mga dokumento galing sa korte, inutos ng otoridad
Nakarating ng Pagoda si Argus. Dumaan siya ng police station at inabutan ang pagpapalaya kay Nova mula sa detention. Naroon sina Victor at Vettyna. Hindi na siya bumaba ng sasakyan at nakamasid lamang mula sa parking area."Boss, nasa mansion na raw si Doc Yena," sabi ni Rolly matapos basahin ang message ng look-out bodyguards ni Yelena. "Tumuloy na tayo roon," utos niya at isinuot na muli ang dark eyeglasses. "Rolly, i-notify mo mamaya si Dr. Robin, tell him to turn in the evidence later tonight and send instructions to PR department to coordinate with the mainstream media for preliminary news. Gusto kong makita bukas sa newspaper at sa live broadcast.""Areglado, Boss." -Positive ang result ng DNA!-Binasa ni Argus ang chat ng asawa. Sa emoticon pa lang na naka-attach sa message ay ramdam niya ang ligaya nito. Napangiti ang lalaki at nag-reply.-The Villegas must be very delighted to have found their youngest princess. Mukhang madadagdagan ang magiging kaagaw ko sa iyo, hindi na l
Siguro, sa dami ng sakit at pang-aalipustang natanggap ni Yelena sa nakaraan kaya naging manhid siya at hindi na masyadong apektado sa mga nababasang pang-babash sa social media. Ayaw niyang mag-invest ng emosyon sa mga bagay na wala naman siyang mapapala. "Stop reading those comments, mai-stress ka lang," awat ni Jeremy. Lulan sila ng sasakyan nito patungong Pagoda Valley. Naisip lang naman niyang silipin ang mga komento ng netizens ukol sa palpak daw na cancer medicine na ginawa niya. "I'm fine, words can't kill me. I learned to play their game. By the way, pwede ko ba imbitahin si Yaale sa mansion?" Tumingin sa kaniya ang kapatid. "Of course, your friend is a family friend. Mas okay rin iyon para ma-settle ang problema nilang dalawa ni Mark. Si Vettyna yata ang gumawa ng kalokohan noon para magkahiwalay sila."Masiglang tumango si Yelena at magiliw na ngumiti. "Thank you, Jeremy."May usapan sila ni Yaale na sa susunod na araw ay ipo-post nito ang affidavit ng tatlong suppose wi
"Then tell me, paano mo ako matutulungan?" mahinahong tanong ni Madam Eleanor."Kasali si Yelena sa project ng Le Cadran, 'yong development ng gamot na panlaban sa cancer. Pagkakaalam ko po ay siya ang team leader ng research and development," sagot ni Nova at nang mapansin niyang interesado sa susu
Gitlang tumingin si Nova kay Morgan. "Iniisip mo talagang mabait si Yelena? Hindi mo ba nakita na kahit nagmakaawa ako ay wala naman siyang pakialam?""And your point?" angil ni Morgan."Hindi ko maintindihan! Bakita kayong lahat, naniniwalang mabuting tao at mabait ang babaeng iyon gayong kung tutu
Sino ang mas mahalaga sa kaniya? Madali lang naman sana sagutin ang tanong na iyon kung nasa normal na pamantayan ang relasyon ni Yelena kay Argus. Kung sana ay tunay niya itong kapatid at kung sana ay hindi kapatid ang tingin ng iba sa kanila.Hindi niya ito kapatid kaya okay lang siguro ang romant
Hindi mapalagay si Nova habang sakay ng taxi. Kailangan niyang makita ngayong gabi si Yelena. May kokompirmahin lang siya at hopefully magagamit niya iyon para pumabor muli si Morgan sa kaniya. "Bumalik tayo sa Elegance Road," utos niya sa driver.Nag-U-turn ang taxi pagdating sa intersection at bu


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




