LOGINNahugot ni Yelena ang hininga at bahagyang naguguluhang tumingin kay Philip na sumampa sa kaniyang tabi. Isiniksik ng bata ang malusog at matabang bulto.
"Auntie, sama kami ni Mama sa iyo."
Kunot ang mga kilay na tumingin siya kay Morgan para kompirmahin kung iyon din ba ang gusto ng lalaki o baka ito pa mismo ang nag-alok sa mag-ina na sumama sa kanila roon sa bahay.
"Galit na galit pa rin sina Mom and Dad, baka kung ano'ng gawin nila kay Nova. Doon muna sila mag-stay sa bahay natin." Nakatiim ang mga bagang na wika ni Morgan. "Pansamantala lang naman."
Halos matawa na siya, pero naisip niyang nasa sementeryo pa rin sila. Hindi yata tama na tumawa siya roon kahit dala pa iyon ng sama ng loob at galit.
Ang talino nga naman ng asawa niya. Sa kaniya sasama sina Nova at Philip habang ito ay babalik sa main house, sa bahay ng mga magulang nito at tutubusin ang galit ng pamilya para kay Nova. Napaka-responsable naman talaga.
Pero wala rin naman siyang choice. Papakinggan ba nito ang katuwiran niya sakaling hindi siya papayag? For sure hindi rin. Magsasayang lang siya ng effort at laway.
"Tayo na, Mang Carlos," apura niya sa driver.
Tumango ang lalaking nasa likod ng manibela. Pagdating ng bahay, malamang ay tumawag na in advance si Morgan kasi naihanda na ng mga kasambahay ang guest room.
Tumuloy si Yelena sa kaniyang kuwarto, nag-shower at humilata sa kama. Mabilis siyang nakatulog dala ng sobrang pagod. Kulang na lang ay mag-shutdown ang kaniyang utak. Nine o'clock na ng gabi nang magising siya. Nag-ring ang cellphone niya. Tawag mula sa isang kaibigan ang naka-register doon. Sinagot niya iyon.
"Naihanda ko na ang annulment papers ayon sa ni-request mo. Should I bring this personally to you?" tanong ng kausap.
"Thank you, Yaale." Nanlalambot ang boses niya gawa ng bago siyang gising. "Send it through delivery na lang."
"Pinag-iisipan mo bang maigi ang tungkol dito?"
Alam ni Yelena na worried sa kaniya ang kaibigan. Marami na itong hinawakang ganitong kaso at kabisado nito ang emosyonal trauma na dulot ng paghihiwalay sa mga babaeng tinraydor gaya niya.
"Hindi man naging mabuting asawa si Morgan pero may nagawa pa rin siyang -"
"Pag-iisipan ko pa ba? Deserve ba niya iyon?"
Pero naintindihan niya ang stand ni Yaale. Hindi malamang nito inaasahan ang kaniyang desisyon dahil sa personalidad niya. Hindi rin naman niya ini-expect na ang sira-ulo niyang asawa ay kayang ipahiya siya ng ganito.
"Ako na ang maghahatid nito sa iyo? Kailangan ko rin namang bumalik dito para sa overtime ko."
Nagpaalam ang kaibigan at ibinaba niya ang cellphone. Nagulat siguro iyon at first time niyang maging straight-forward. Ganito malamang kapag pagod na masyado ang puso. Kahit hininga niya ay may kasamang poot.
Nitong nagdaang mga araw, lutang siya hindi lang dahil nauubos ang kaniyang lakas at sigla. Nawalan na siya ng gana na makitungo sa ibang tao. Naging marahas siya at masungit. Bitter siguro ang tawag doon. Nagkaroon pa siya ng panic attack.
Kailangan din ba niyang mag-self-pity? Gaya ng sabi ni Morgan, hindi pa siya nito ginagalaw maski minsan. Wala nga sigurong maniniwalang sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa'y nananatili siyang virgin.
Noong una, nagtaka siya at kinutuban na baka may problema sa pagkalalaki ng asawa niya. Pero isang gabi, nakita niya ang lalaki sa study room, hawak ang photo album at kinutya ang kaniyang pagkababae. Malaking sampal iyon sa kaniya. Nalaman nitong naroon siya at agad siyang niyakap at nagpaliwanag.
"Yena, pasensya ka na. Kapag naiisip kong masasaktan ka sa gagawin natin, nahihirapan din ako. I can't stand it. Kaya pinagmamasdan ko na lang ang pictures mo." Pati lambing ng boses nito'y lantay ng panlilinlang pero naniwala siya. May pa-blush pa ng mukha ang gago.
Noong araw na nadiskubre niya kung sino ang talagang mahal nito, pagkauwi niya galing siyudad ay nagtungo siya sa study room. Binuksan ang cabinet at nakita ang album sa drawer. Lahat ng laman ay larawan ni Nova. Mga larawang itinuring nitong yaman. At siya? Parang basura na hindi man lang nito malaman kung saang sulok itatapon. Napaniwala pa siya ng asawa na photos niya ang laman ng album na iyon.
Paano nga ba siya nahulog kay Morgan?
Tama. Mistula siyang buntot nito noon na sunod nang sunod saan man ito magpunta. Hindi siya habol nang habol dito dahil lang kasama nito lagi ang kuya niya. Sa murang edad ay natuto siyan maghangad na maging asawa nito.
Mahaba ang pasensya nito, hindi madaling magalit at maginoo. Tuwing pumupunta ito sa kanila para sa kuya niya ay lagi itong may dalang pasalubong para sa kaniya. Humble and gentleman. Iyon ang pagkakikilala niya kay Morgan.
The same gentleman na mas gustong sisihin ang sarili sa kasalanang ginawa ng kaniyang hipag kaysa galawin ang asawa nitong abot-kamay lamang.
Ipinilig ni Yelena ang ulo at pilit winaksi sa isip ang katotohanang kirot lamang ang hatid sa kaniyang puso. Bumaba siya ng kama at nag-shower. Mukhang dumating na si Yaale, naririnig na kasi niya ang door bell. Napakabilis ng kaibigan niya.
Kasama sa proseso ng annulment ang areglo sa mag-asawa. Sasamahan sila upang tulungan sa procedures kung hindi na maaayos ang lahat sa pagitan nila. Habang pinag-uusapan nila ni Yaale ang sunod na gagawin, narinig ni Yelena ang kalabog mula sa itaas.
"Ano iyon?" Tumayo siya sa couch na inuupuan at lumabas ng study room. Nakita niya ang mayordoma nila na bumababa ng hagdanan. Maputla at hindi alam ang gagawin.
"Ma'am," atubiling nagsalita si Manang Luiza.
"Ano'ng nangyari?" tanong niya.
"Ang family photo sa bedroom n'yo, binasag po ni Philip, Ma'am!"
Inisip niyang ang photo frame lang ang nabasag, nakita pa niya ang bubog sa kamay ni Manang Luiza. Pero namutla si Yelena nang matantong hawak ni Manang Luiza ang larawan na nahati sa dalawa. Five years old lang siya nang mamatay ang parents niya at iisang family photo lang ang iniwang alaala ng mga ito sa kaniya.
"Nasaan ang bata, Manang?" Umakyat siya sa itaas at nadatnan si Nova na lumabas galing ng silid nila ni Morgan. Karga nito si Philip. "Bakit kayo pumasok sa masters bedroom?" sita niya sa mag-ina.
"Sabi ni Uncle ayos lang pasok ako sa kuwarto. At sabi rin Uncle aalagaan niya Philip at Mama tulad ng ginawa ni Papa," daldal ng bata.
Bata pa si Philip. Gusto niyang unawain na hindi pa ito natuturuan sa mga bagay-bagay pero sa mukha ni Nova ngayon parang wala naman itong balak na disiplinahin ang anak o magka-interes man lang na sabihin sa bata na mali ang ginawa nito.
"Philip, alam mo ba kung ano ang gagawin ni Santa Claus sa iyo ngayong darating na Pasko?"
"Bigay siya maraming candy kay Philip!" hiyaw ng bata.
"No," she smiled menacingly. "Puputulin niya ang kamay mo na bumasag sa photo frame at pumunit sa picture, tapos ilalagay niya ang putol mong kamay sa oven, kapag naluto na ay ibibigay niya sa halimaw para kainin."
Naubos ang kulay sa mukha ng bata. Yumakap ito kay Nova at umiyak. "Ayaw putol kamay ni Philip, ayaw!" sigaw nito.
"Ano ka ba naman? Huwag mong takutin ng ganyan ang bata. Hindi niya alam ang ginawa niya," busangot na sita ni Nova sa kaniya.
"Habang maaga pa turuan mo na ng magandang asal ang anak mo at disiplinahin mo? Ano pa ba ang kaya mong gawin maliban sa extreme sports?" malamig niyang utas at tumalikod na para pumasok sa loob ng kuwarto.
Three days ang effectivity ng sick leave ni Yelena na itinawag lang niya kay Gerald, gayundin sa city health office. Sa loob ng tatlong araw ay naging considerate naman si Argus sa kaniya. Hindi siya ginagalaw maliban sa sinabi nitong love-making internship na ka-e-enroll lang daw nito. Kailangan niya itong pagbigyan dahil masyado nitong seneryoso iyon. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng sarili sa harap ng dresser nang lumabas ng bathroom si Argus. A skimpy towel loosely wrapped around his waist down to his lower territory. That's hard monster in his groin is half-aroused and far from being behave despite the full blast aircondition.Iniwas niya ang mga mata nang titigan siya ng lalaki at sinusundan kung saan tumatama ang mga mata niya. "Are you fit to go to work?" tanong nito na naiwan ang aliw kahit sa tono ng boses. "Pwede ba akong sumama sa iyo sa Le Cadran? May meeting ngayon para sa R & D. I need to be there." Tumango ang lalaki at nagbihis. Muli niyang sinipat ang sarili sa s
"May sugat ka ba?" Angela asked, hinagod nito ng nag-aalalang tingin ang buong katawan ni Yelena. Nahihiyang umiling ang babae at tiniklop nang maigi ang mga hita. She is sore down there. Feeling niya, napunit ang cervix lining niya at magang-maga. Pero hindi siguro iyon ang dahilan kaya siya nilagnat. Nahawa siya kay Yaale. Kulang din siya sa pahinga nitong nagdaang mga araw kaya bumigay ang resistensya at immune system niya. "Wala akong sugat. Pasensya ka na at inabala ka pa nina Argus at Rolly. Normal na trangkaso lang naman ito.""Hmn...mataas pa rin ang temperature mo pero normal naman ang blood pressure-""Doc Angel, kumusta na si Doc Yena?" Pumasok doon si Rolly, bitbit ang tray na may pagkain. Kasunod nito si Argus na may dala ring tray, sliced fruits naman ang naroon at herbal juice na katulad ng madalas gawin ni Lola Ale. "Is she getting any better?" tanong ni Argus matapos ilapag sa food table ang fruits na nasa crystal bowl. "Did you force yourself on her?" prangkang t
Pangko ni Argus si Yelena habang papasok ng bahay. Itinuloy na niya sa kuwarto ang babae at maingat na nilapag sa kama. Her clothes is barely wrapped around her, soaked with the smell of their love-making. Kailangan niyang balikan ang panty nito roon sa sasakyan bago pa iyon makita ni Rolly mamaya."Kailangan kong pumunta ng hospital," pilipit na sabi ni Yelena at akmang babangon ngunit nalukot ang mukha. "Magpahinga ka muna. Hindi ka makalakad ng maayos paano ka magra-rounds sa mga pasyente mo? Rest for tonight, bawi ka na lang bukas. I'll get you a change of clothes."Kumuha siya ng shirt sa loob ng cabinet. Damit niya iyon. Binihisan niya si Yelena na bawat galaw yata ng katawan ay napapakislot. Ganito ba ang epekto ng unang p********k ng mag-asawa? Nakaisang beses lang sila pero daig pa nito ang binugbog. Or perhaps, he did not do it right. Paano naman niya malalaman? Nakatulog ang babae. Lumabas siya ng bahay at binalikan ang sasakyan. Kinuha niya ang panty ni Yelena. Sumabit a
Pagkaalis ni Mark ay hinatak ni Yelena si Yaale patungo sa loob ng kusina. Matindi ang kaba at excitement niya para sa kaibigan pero nalilito rin siya kung paano nangyaring may ganoon na intimacy na pala ang kaibigan niya at si Mark nang hindi man lang niya alam."Seryoso ba talaga iyon?" atat niyang tanong.Tumango si Yaale. "Sorry, di ko na lang sinabi sa iyo dahil akala ko pinagti-tripan lang ako ni Mark. Isa pa, kaibigan siya ni Argus at alam kong gusto mong umiwas sa grupo nila.""Kailan pa siya nanligaw sa iyo?" Para siyang teenager na kinikilig."Mga isang taon na rin. Hindi ko nga siya seneryoso. Tini-test ko lang siya kanina sa marriage proposal. Hindi ko akalaing papayag siya."Niyakap ni Yelena ang kaibigan. "Mabuting lalaki si Mark. Bigyan mo siya ng chance.""Kahit naman subukan kong makalusot, hindi ko na iyon magagawa pa. Oo nga pala, bakit maghahakot ka ng gamit mo patungo roon sa kabilang bahay? Nakita ko 'yong maleta mo, naka-ready kaya tinanong ko kanina si Rolly, sa
"Okay na ba ang friend mo? No trauma?" tanong ni Argus at itinuro ng mga mata ang couch. Pinapaupo si Yelena roon. Sinipat muna ng babae ang mga paa niya. Masyadong strict pagdating sa kalinisan si Argus at halos makalimutan na niya ang bagay na iyon dahil sa tagal ng panahong hindi sila nagkasama. "It's fine, you don't need to take off your slippers," sabi nito.Pero hinubad pa rin niya. Masarap naman sa talampakan ang makapal na carpet ng sahig. Naglakad siya patungo sa couch at naupo roon habang tinatanaw ang box ng panties niya na nasa kama."Thank you nga pala ulit sa tulong mo kay Yaale," nagsalita siya para basagin ang intimacy na unti-unting bumalot sa paligid."No worries, you will pay it with your...everything you are capable to give, right?"Tumango siya at ibinaba ang paningin. Kapalit ng katawan niya, iyon ba ang tinutukoy ng lalaki? Lumapit sa kaniya si Argus at may nilapag na dokumento sa mesita sa kaniyang harapan."Sign this.""Dinampot niya ang dokumento at napamula
Sa ancestral house ng mga Cuntis.Aburidong pumasok ng drawing room si Morgan kung saan naghihintay ang kaniyang ina. Kasalukuyan itong nagkakape habang nagbabasa ng balita sa pahayagan. Nang makita siya ay ibinaba nito ang newspaper at hinagod siya ng naiiritang tingin."Saan mo dinala si Nova?" tanong ng ginang sabay turo sa kaibayong couch upang paupuin si Morgan."Narito lang siya sa Magallanes, Mom.""Hinahanap na siya ni Philip. Ano bang problema at bigla mong inilayo sa isa't isa ang mag-ina? Alam kong maraming pagkakamaling nagawa si Nova sa pamilya natin, pero hipag mo pa rin siya. Asawa siya ng kapatid mo, Morgan, ina siya ng iyong pamangkin. Kahit may kasalanan pa siya, bahagi na siya ng pamilya.""Nagsinungaling siya, Mom. She deceived us. Hindi siya si Xarajean, hindi siya ang batang nagligtas sa ating dalawa noon. Ninakaw lang niya ang kwintas sa tunay na Zarajean."Saglit na natameme si Corie at namilog ang mga mata. "Kung ganoon, nasaan ang tunay na Xarajean?""Naroon n







