Dis-oras na ng gabi at hindi na muling dinalaw ng antok si Yelena. Nasa verandah siya at natanaw ang itim na Chevrolet na pumasok sa bakuran. Maya-maya pa ay naroon na ang mag-ina at sumalubong, hila-hila ni Philip sa kamay si Nova. A harmonious family of three kung pagmasdan.
Pumihit siya at bumalik sa loob ng kuwarto. Nagtungo sa kama at humiga. Bakit ba nakita pa niya ang ganoong tagpo? Ilang minuto ang lumipas, narinig niya ang kaluskos sa may pintuan. Pumasok si Morgan na madilim ang mukha. Nagsumbong siguro ang mag-ina.
"Totoo bang tinakot mo si Philip kanina?" angil sa kaniya ng asawa.
"Oo. Pero bago ka magalit sa akin, tingnan mo muna ang family photo na tanging alaala ko sa aking mga magulang. Pinunit iyan ni Philip! At bakit ba kasi sila pumasok dito sa kuwarto? Sinabi mo ba na okay lang makialam sila sa mga gamit dito?"
Natigilan si Morgan. Hindi nakakilos. Lumamlam ang mga mata nito at nahawi ang lambong sa mukha. Tinangka nitong haplusin sa ulo si Yelena pero umiwas siya.
"Kasalanan ko, I apologize on behalf of Philip. If there is anything you want, I will compensate," pagkuwaý pahayag nito.
"Really? Anything is fine?" Pumeke siya ng ngiti. Suhol Ransom para sa galit niya at tampo. Ngayon niya naisip na baka lahat ng ibinigay nito sa kaniya ay bayad sa pagtatraydor nito.
"Of course," sincere na tango ni Morgan.
"Okay then, I want you to sign these." Ibinigay niya ang agreement na nakatago sa ilalim ng kaniyang unan. Matagal-tagal na rin niyang hinahanda iyon."
Kinuha ni Morgan ang papeles at binasa. "Real estate contract?"
Tumango si Yelena.
Walang maraming tanong, pinirmahan iyon ng lalaki. Ang second copy ay direkta sa payment method. Nilagdaan din iyon ng asawa niya. Very generous talaga ito pagdating sa pera. Hindi siya tinitipid at alam na niya ngayon kung bakit.
Pagkatapos pirmahan ang mga dokumento ay niyakap siya ni Morgan. "Naturuan ka talaga ng maayos ng kapatid mo, sensible, smart and well-behave." Pambobola nito.
Ilalayo na sana niya ang sarili sa lalaki nang may kumatok sa punto. Si Nova ang sumilip. Halos itulak siya ni Morgan palayo rito. Natigilan siya pero nakabawi rin agad. Para maging tapat sa babaeng minamahal, hindi siya ginalaw ng asawa sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama. Ngayong magkasama sila sa iisang bubong, kailangan nitong patunayan kay Nova na ito ay matino, sukdulang itapon siya nito sa isang tabi.
"Morgan, hinahanap ka ni Philip. Hindi siya makatulog." Kunwari helpless na reklamo ng babae.
"Pupuntahan ko siya." Bumaling sa kaniya ang asawa. "Okay lang ba? Wag ka nang magalit." Hindi rin naman nito hinintay na papayag siya o hindi. Lumabas ito ng kuwarto nila kasama si Nova.
Kinuha ni Yelena ang mga dokumento at sinipat ang nasa ilalim. Ang annulment papers nila. She is a sensible wife after all, sisimulan niyang mahalin ang sarili, palalayain, gagamutin ang sugat sa puso niya.
Nanalasa ang masamang panahon nang sumunod na araw. Ulan na may kasamang hangin. Wala siyang nabalitaan na may low pressure area o may bagyong parating. Sabagay, nas Ber-months na, dumadalas na ang pag-ulan.
Pagkatapos maligo ay nagpalit siya ng knitted blouse at nag-ayos ng sarili. Nasa tokador pa siya nang marinig ang ingay. Ang sakit sa tainga.
"Ano bang nangyayari sa labas?" usal niyang tinunton ang pintuan. Nag-ugat siya sa sahig nang makita ang kalat. Ang throw pillows ay nasa sahig. Nabuhusan pa yata iyon ng inumin. May mga bubog ng vase na umabot hanggang sa tapat ng pinto ng silid niya. Ang million dollar painting na nakasabit sa dingding sa may corridor ay wasak din.
"Manang Luiza?" Natilihan siya sa mayordoma na hinahabol si Philip. Nasaan ba si Nova at pinabayaan itong bata? Baka mahulog pa sa hagdanan.
"Philip wag iyan, hindi mo pwedeng paglaruan iyan!" Pilit inaagaw ni Manang Luiza ang bitbit ni Philip na tea set. Pag-aari niya iyon at isa sa mga regalo ng kaniyang in-laws na na paborito niya.
“Ayaw!” Sa halip na makinig ay hinambalos ni Philip sa sahig ang tea set, sabay pakita ng dila nito sa kanila. "Naglaro lang si Philip. Sabi ni Uncle, dito na bahay ko, katulong ka lang, alipin kita, di makikinig sa iyo Philip! Pangit ka!”
"Ano'ng sabi mo?" Lumabas si Yelena at hinarang ang bata. “Bad iyan, hindi maganda sa bata ang mambastos ng matanda.”
Nahinto si Philip. Nagkulay papel ang mukha. "Bad ka rin, sabi Mama, bad ka! Tawag mo halimaw kaya di ako makatulog! Dapat alis ikaw dito! Kapag alis ka, sabi Mama amin lang si Uncle."
"Ganoon ba?" Ngumisi siya. Sa halip na disiplinahin, iyon ang itinuro ni Nova sa anak nito? "Sige lang, maglaro ka lang. Hindi ako galit. Basta wag mong aawayin si Manang Luiza. Kapag ginawa mo iyon hindi na siya magluluto ng masarap na pagkain para sa iyo.”
"Talaga?" Namilog ang mga mata ng bata.
"Oo, pero ýong ink painting sa sala, wag mong galawin ha? Favorite ni Auntie iyon. Okay lang maglaro ka hanggang gusto mo.”
Alam niyang hindi naman makikinig si Philip. Nagtatakbo agad ito. Nagbasag ng gamit na tingin nito ay gusto niya. May instruction ba ito mula kay Nova? Kaso lang, kung bad woman siya, makikita ng mga ito ang level ng kaniyang kalupititan. Natuto siya noon na kapag binu-bully, dapat gumanti ng sampung beses.
"Maám, sigurado po ba kayo rito? Hahayaan nýo lang ýong bata? Baka maubos po ang mga gamit," angal ni Manang Luiza.
"Okay lang, Manang. Huwag nýo siyang pigilan. He is the only grandson of the Cuntis family. Hangga't masaya siya sa ginagawa niya, pabayaan nýo lang. Isa pa, spoiled siya sa kaniyang ina. Respetuhin natin ang parenting method ni Nova."
"Sige po, Maám. Labis-labis ang kabutihan ng puso nýo kaya inaabuso kayo ng iba."
Ngumiti si Yelena at sinipat ang oras sa suot na relos. "May extra gift box ba tayo rito, Manang? 'Yong pwedeng paglagyan ng size A4 na papers."
"Mayroon po yata sa storage, Maám. Kukunin ko lang po saglit."
Pumasok siya sa kuwarto at doon na hinintay si Manang Luiza. Bumalik ang mayordoma dala ang box. Kinuha niya iyon at doon nilagay ang annulment papers. Kinoldon pa niya ng pulang ribbon.
Pumasok ang sasakyan ni Morgan sa bakuran at itinabi niya iyon sa driveway. Napansin niyang may guards mula sa main house na nakabantay sa labas ng chapel. Sino'ng nandoon?Sa halip na tumuloy sa loob ng bahay, tinungo niya ang kapilya at nakita si Nova na nakaluhod sa ibaba ng altar. Itinulak niya ang guards na humarang at dinaluhong ang babae.Niyakap niya mula sa likod si Nova at kinarga. Tiim ang mga bagang na lumabas ng chapel at nilandas ang pathway papasok ng bahay. Ang suot niyang mahabang coat ay nagbigay ng kalmadong ora sa kaniyang tindig kahit nagdeliryo sa galit ang dibdib.Itinuloy niya sa guest room ang hipag at minasahe ang mga binti nito at tuhod na namumula. Halata ang poot sa kaniyang mga mata, hindi para kay Nova kundi sa sinuman na responsable sa pagpaparusa sa babae."Tanga ka ba? Bakit pumayag kang paluhurin doon?""Si Grandma ang nag-utos, ano'ng magagawa ko? Nagsumbong kasi ang asawa mo." Umiyak si Nova. "Hindi ko akalaing ganoon siya. Natatakot sa kaniya si P
Itinago ni Yelena sa ilalim ng cabinet ang box at hinarangan iyon ng ilan sa designer bags niya. Minsan kasi ay naghahalungkat doon si Morgan, ayaw niyang makita nito ang box bago ang takdang araw na nasa kaniyang plano.Umunat siya at matagal na nakatitig sa door mirror ng cabinet matapos isara iyon. Nasa ganoon siyang ayos nang muling bulabugin ni Manang Luiza na nakalimutan na yatang kumatok at binalya pabukas ang pinto."Maám! May nangyari po sa ibaba," nangangatal ang boses ng mayordoma. "Ang ink painting na ginawa ni Sir Victor ay sinira ni Philip!""Ano'ng sabi nýo?" Nalukot ang mukha ni Yelena at kumaripas palabas ng kuwarto. Humabol sa kaniya si Manang Luiza na sa sobrang nerbiyos ay natapilok pa. Bumaba sila ng sala at nadatnan doon ang wasak na painting.Bumuntong-hininga siya at naglibot ang mga mata, hinahanap si Nova. Pero wala roon ang babae. Aroganteng lumapit sa kanila si Philip at namaywang na wari pag-aari nito ang buong bahay at libre itong sirain ang mga gamit na
Dis-oras na ng gabi at hindi na muling dinalaw ng antok si Yelena. Nasa verandah siya at natanaw ang itim na Chevrolet na pumasok sa bakuran. Maya-maya pa ay naroon na ang mag-ina at sumalubong, hila-hila ni Philip sa kamay si Nova. A harmonious family of three kung pagmasdan.Pumihit siya at bumalik sa loob ng kuwarto. Nagtungo sa kama at humiga. Bakit ba nakita pa niya ang ganoong tagpo? Ilang minuto ang lumipas, narinig niya ang kaluskos sa may pintuan. Pumasok si Morgan na madilim ang mukha. Nagsumbong siguro ang mag-ina."Totoo bang tinakot mo si Philip kanina?" angil sa kaniya ng asawa."Oo. Pero bago ka magalit sa akin, tingnan mo muna ang family photo na tanging alaala ko sa aking mga magulang. Pinunit iyan ni Philip! At bakit ba kasi sila pumasok dito sa kuwarto? Sinabi mo ba na okay lang makialam sila sa mga gamit dito?"Natigilan si Morgan. Hindi nakakilos. Lumamlam ang mga mata nito at nahawi ang lambong sa mukha. Tinangka nitong haplusin sa ulo si Yelena pero umiwas siya.
Nahugot ni Yelena ang hininga at bahagyang naguguluhang tumingin kay Philip na sumampa sa kaniyang tabi. Isiniksik ng bata ang malusog at matabang bulto."Auntie, sama kami ni Mama sa iyo."Kunot ang mga kilay na tumingin siya kay Morgan para kompirmahin kung iyon din ba ang gusto ng lalaki o baka ito pa mismo ang nag-alok sa mag-ina na sumama sa kanila roon sa bahay."Galit na galit pa rin sina Mom and Dad, baka kung ano'ng gawin nila kay Nova. Doon muna sila mag-stay sa bahay natin." Nakatiim ang mga bagang na wika ni Morgan. "Pansamantala lang naman."Halos matawa na siya, pero naisip niyang nasa sementeryo pa rin sila. Hindi yata tama na tumawa siya roon kahit dala pa iyon ng sama ng loob at galit.Ang talino nga naman ng asawa niya. Sa kaniya sasama sina Nova at Philip habang ito ay babalik sa main house, sa bahay ng mga magulang nito at tutubusin ang galit ng pamilya para kay Nova. Napaka-responsable naman talaga.Pero wala rin naman siyang choice. Papakinggan ba nito ang katuwi
Tatlong taon ng pagiging mag-asawa nila ay mistulang alikabok na hindi na mahagilap ni Yelena ang halaga. Kaya matapos mamatay ang panganay na kapatid ni Morgan, naglakas-loob siyang mag-file ng annulment. Gusto niyang lumaya, sa kabila ng mga pangamba sa posibleng epekto ng desisyon niya sa buong pamilya at sa mismong sarili niya, dahil aaminin man niya o hindi, minahal niya nang buong puso ang asawa."Ano ito?" Sumimangot si Morgan, nakarehistro sa mga mata ang gulat. "Dahil lamang hinarang ko ang sampal mo para kay Nova?" angil ng lalaking hindi makapaniwala.Tuwing binabanggit nito ang pangalan ng hipag, naroon ang pagsuyo na hindi niya madama kapag pangalan niya ang sinasambit ng lalaki.Hinamig ni Yelena ang sarili at malamig na sumagot, "Oo, dahil sa ilang beses mong pagtatanggol sa kaniya. Pinagmumukha mo akong kawawa, Morgan. Ako ang asawa mo at hipag mo lang si Nova. Pero nasaan ba ang simpatiya mo? Hindi ko na hihintaying sabihin mong umalis ako dahil mas importante sa iyo