Share

40 - dinner

Author: 4stratcats
last update Last Updated: 2025-09-25 14:23:30

Gigil na pinapanood ni Nova ang ginawa ni Yelena at kung paano ito hinangaan ng ibang mga naroon. Bakit ganoon? Noong college siya madalas din naman siyang purihin ng instructors nila pero hindi niya makuha ang recognition na nakukuha ni Yelena. Kung tutuusin ay mas bata sa kaniya ang babaeng ito.

"Nurse, monitor him every two hours, wag mong kalimutang i-turn-over sa susunod na shift bago ka mag-clock out mamaya. Medyo seryoso ang kalagayan niya. Naka-refer na siya for laboratory exam bukas," bilin nito sa nurse na umalalay.

"Okay po, Dr. Yena. Thank you po."

"Doc, maraming salamat po," pilit nagsalita ang pasyente."

Tumango si Yelena at umalis na.

Namumuhing hinatid ito ni Nova ng tanaw at akmang lalapitan niya ang pasyente.

"Huwag n'yo na po siyang pakialaman, baka ang ending ay mamatay siya," sikmat ng nurse.

"Ano'ng sabi mo?" maldita niyang pakli. "Doctor ako-"

"Hindi ka po licensed doctor. Bawal po nag-handle ng pasyente lalo na kung tulad nito na komplikado ang kaso."

Wala si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
Thank you sa update.Magandang gabi
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   40 - dinner

    Gigil na pinapanood ni Nova ang ginawa ni Yelena at kung paano ito hinangaan ng ibang mga naroon. Bakit ganoon? Noong college siya madalas din naman siyang purihin ng instructors nila pero hindi niya makuha ang recognition na nakukuha ni Yelena. Kung tutuusin ay mas bata sa kaniya ang babaeng ito. "Nurse, monitor him every two hours, wag mong kalimutang i-turn-over sa susunod na shift bago ka mag-clock out mamaya. Medyo seryoso ang kalagayan niya. Naka-refer na siya for laboratory exam bukas," bilin nito sa nurse na umalalay."Okay po, Dr. Yena. Thank you po.""Doc, maraming salamat po," pilit nagsalita ang pasyente."Tumango si Yelena at umalis na.Namumuhing hinatid ito ni Nova ng tanaw at akmang lalapitan niya ang pasyente."Huwag n'yo na po siyang pakialaman, baka ang ending ay mamatay siya," sikmat ng nurse. "Ano'ng sabi mo?" maldita niyang pakli. "Doctor ako-""Hindi ka po licensed doctor. Bawal po nag-handle ng pasyente lalo na kung tulad nito na komplikado ang kaso."Wala si

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   39 - chat

    Napangiti si Nova pagkatapos marinig ang sinabi ni Manang Luiza. Hindi man niya tiyak kung bakit nagsinungaling ang kasambahay pero pabor sa kaniya ang ginagawa nito. Ngayong umalis na si Yelena sa villa, siya ang bagong Mrs. Curtis at Madam sa bahay. Hindi siya papayag na makabalik pa ang babaeng iyon."Sigurado ka, Manang Lu na araw-araw umuuwi si Yelena? Hindi ko maramdaman ang presensya niya rito sa bahay. Isa pa, bakit kunti na lang ang books na nasa kuwarto? The last time I check, siksikan sa medical books iyon," sabi ni Morgan at naningkit ang mga mata. "Minsan lang po siyang hindi nakauwi rito, Sir. Noong kaarawan ng lola n'yo," sagot ng mayordoma."Morgan, baka dinala niya sa hospital ang books para may mababasa siya. Don't tell me iniisa-isa mo ang mga aklat doon shelf?" sabat ni Nova na nauumay na sa inaasta ng lalaki.Sinulyapan niya si Manang Luiza. Siguro natanto ng matanda na mas karapat-dapat siyang maging Madam sa bahay na iyon. Natutuwa siya sa mayordoma."Sige na,

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   38 - empty bed

    Yelena's shoulders fell down and relaxed. "Morgan, kaya kong mag-drive. Puntahan mo na sila at doon ka magpaliwanag saka samahan mo na si Nova. Her sports car is waiting." Iminuwestra niya ang showroom kung saan tanaw mula sa kinaroroonan nila ang sasakyang binili ni Morgan para sa hipag nito.No amount of explanation can change the fact that he cheated and that she has to deal with it professionally. Hindi niya ibababa sa level ni Nova ang sarili niya. Lalong hindi siya papayag na magtanim ng kalituhan si Morgan sa utak niya tapos sa bansang huli ay lalabas na siya ang may kasalanan. Hinayaan nitong sa paningin ng iba ay si Nova ang asawa nito at siya ay kabit na sumisira sa relasyon ng iba."Yena-""Mr. Curtis, marami pa akong gagawin. Excuse me," pormal niyang sabi na gumulat kay Morgan."Mr. Curtis?" Dumilim ang mukha ng lalaki.Ang sinabi niya ay malinaw na pagmarka ng boundary sa pagitan nilang dalawa. That formal address is not just for setting limits but for building high wall

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   37 - car

    "Ang babaeng iyon ang kabit ng asawa mo?" tanong ni Gerald pagkapasok nila ng opisina ni Yelena. Tinutukoy nito si Nova na nasa lobby at kung anu-ano'ng token ang binibigay sa mga empleyado. Hindi na siya magtataka kung bukas o sa susunod na araw ay magbabago ang pakikitungo sa kaniya ng iba. Hindi lang basta token ang binibigay ni Nova, may kasamang kuwento iyon at madalas siya ang kontrabida."First love siya ni Morgan," sagot ni Yelena at naupo sa silya. Pumasok ang secretary at binigay sa kaniya ang listahan ng mga gustong magpa-check up."Lumapit si Morgan sa aking ama at narinig kong ni-recommend ni Dad sa Mayor si Nova. Kakausapin ko si Dad-""Huwag na, okay lang." Ngumiti siya ng tipid. "Hindi basta hihingi ng pabor si Morgan sa ibang tao. Tiyak may agreement sila ng Dad mo tungkol sa business. Hayaan mo na. I can make a room for Nova. Ako na lang ang iiwas sa kaniya para hindi kami magkagulo.""I'm sorry, sinabi ni Dad sa akin ang tungkol dito pero hindi ko gaanong pinansin,"

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   36 - workmate

    Humupa ang munting eksena at bumalik sa couch si Argus. Ilang saglit pa ay nakatuon na siya sa tablet at inaasikaso ang ilang business transactions online. "Hindi mo susundan si Yelena?" tanong ni Mark na pinagyabang ang regalong bigay ng babae."Is there any reason for me to do that?" Nag-angat siya ng tingin sa kaibigan. "You're acting strange, Mark. Go out there and accommodate your guests, the scene is over."Sa halip na makinig ay naupo sa kabukod na couch si Mark. "I am hoping you will convince Yelena to file an annulment, Argus. This kind marriage with Morgan is not healthy for her. Kinakawawa na siya ng gagong iyon."Tumawa ng pagak si Argus. "Baka nakalimutan mong itinapon niya ng buong puso ang sarili niya kay Morgan.""Dahil wala na siyang mapuntahan pagkatapos mo siyang iwanan doon sa Armadda! Sino ba ang pwede niyang lapitan? Si Morgan ang nakikita niyang sasagip sa kaniya, pero ang sira-ulong iyon ay wala rin namang nagawa laban sa mga kamag-anak mo. Hinayaan lang masak

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   35 - broken screen

    Nagmistulang manok na sinakal ang dalawang babaeng lalo na nang makita ng mga itong lumapit siya. Kalmado siyang humalukipkip at binigyan ng ngiti ang dalawa."Sige lang, mag-usap lang kayo. Pero gusto kong makinig. May karapatan siguro ako, kasi ako ang topic ninyo, eh.""H-hindi ikaw ang tinutukoy namin kundi si Nova. Ang kapal kasi ng mukha niya. Nilalandi niya ang asawa mo kahit narito ka, di ba?" Halatang gustong makatakas ng mga ito sa nakaambang parusa.Nilingon ni Yelena ang gawi nina Morgan at Nova na magkatabi sa couch. Saktong tumingin sa kaniyang dako ang asawa. Nanlaki ang mga mata nito at kaagad tumayo. Lumayo kay Nova. Tumikwas ang kilay niya."Ano'ng mayroon? Did I miss something?" Lumapit sa kanila si Nova. Sumunod si Morgan sa babae."Pinagtatanggol kita rito sa mga nanira sa iyo," naaaliw niyang sagot. "Pinagsabihan ko sila, makapal daw kasi ang mukha mo at malandi ka. Hinaharot mo raw ang asawa ng ibang babae."Nagkulay kamates ang mukha ng dalawang babaeng nagmama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status