LOGIN
Sa ikalawang pagkakataon ay muling sinipat ni Jade ang mukha niya sa harap ng salamin. Pagkatapos, nang matiyak niyang ayos na siya at mukha nang presentable, dinampot niya ang paborito niyang cologne sa ibabaw ng lumang antique na tokador—na ayon sa alam niya ay pag-aari pa ng kanyang Lolo noong nabubuhay pa ito.
Nagwisik siya ng cologne bago dinampot ang kanyang backpack na nasa ibabaw ng kama. Isinukbit niya iyon sa likuran at dumiretso palabas ng kanyang silid at ng kabahayan.
“Jade! Kumain ka na ba, hija? Heto, kunin mo ito, ipinagtabi kita.”
Ang ginang ang may-ari ng tindahan sa tapat nila, na may ihawan din ng barbeque at iba pang street food. Dati rin niya itong guro noong high school—mabait ito sa kanya at ganoon din sa kapatid niyang si Jude. Sa pag-iisip niya tungkol sa kuya niya, malungkot na napabuntong-hininga si Jade.
“Naku, maraming salamat po, Ma’am Cuevas. Medyo malayo pa po ang sweldo, kaya hindi ko pa po kayo mababayaran,” nahihiya niyang sabi.
Mabilis na umiling si Mrs. Cuevas. “Ano bang sinasabi mo? Bigay ko ’yan sa ’yo. Para namang hindi kita naging anak noong fourth year high school ka.” Ngumiti pa ito nang matamis pagkatapos.
Tumango lang si Jade sa sinabi ng dating guro at nagpaalam. Habang naglalakad, inilagay niya sa loob ng bag ang barbeque na ibinigay sa kanya. May free meal naman siya sa trabaho kaya bukas na lang niya iyon kakainin, para sa almusal.
Sakay na si Jade ng jeep nang muling lumutang ang isip niya at bumalik sa mga alaala.
Sa ngayon, mag-isa siyang namumuhay. Sabay na namatay sa isang car accident ang kanilang mga magulang noong fourth year high school pa lamang siya. Samantala, ang kuya naman niya ay mag-iisang taon nang nakakulong dahil sa diumano’y kasong pagpatay at tangkang pagnanakaw. Pero umaasa pa rin si Jade na balang araw ay makakasama niya muli si Jude. Muli siyang napabuntong-hininga.
Mahirap lang sila pero hindi kriminal ang kuya niya—siguradong sigurado siya roon. Naniniwala siya sa sinabi nito na wala itong kasalanan. Pero gaya ng sabi ng marami, ang hustisya ay para lang sa mayayaman… at napatunayan niya iyon.
Masaya silang magkapatid kahit simple lang ang kanilang buhay. Security guard si Jude sa isang kilalang kompanya. Masipag ito at plano siyang pag-aralin hanggang makatapos. Kolehiyo na siya noon at kumukuha ng kursong Education, nasa kalagitnaan na ng second semester ng ikalawang taon. Pero dahil sa nangyari sa kapatid niya, napilitan siyang huminto sa pag-aaral.
Labing-walo pa lang siya, pero pakiramdam niya ay napagdaanan na niya ang mga bagay na malamang ay hindi pa nararanasan ng iba na kasing-edad niya.
Muli siyang napabuntong-hininga at minabuting alisin muna sa isip ang mga alalahaning iyon.
*****
“Nasaan ka na ba, Dave? Nandito na ako sa bar—mga thirty minutes na yata akong naghihintay sa’yo dito!” iyon ang reklamo ng best friend niyang si John na kausap niya ngayon sa cellphone.
“Malapit na ako,” aniya, sabay mahina ang tawa. “Heto nga at nakikita na kita.” Muli siyang tumawa saka kinabigwas ang kaibigan, na napatingin sa gulat.
“Bakit ba ang tagal mo?” tanong ni John nang magkaharap na sila.
Agad silang inasikaso ng bartender nang senyasan ito ni John.
Nagbuntong-hininga si Dave bago nagsimulang magkuwento. “Oh, it’s my mother,” aniya, kasabay ng pag-iling. Inabot niya ang baso ng alak at uminom.
“Okay, walang bago. Iyan palagi ang problema mo,” sagot ni John sa tono na para bang siya man ay sawa na sa usapang iyon.
“Gusto niyang pakasalan ko si Yvette,” sabi pa ni Dave. Sinundan niya iyon ng mahinang tawa bago tinungga ang laman ng baso. Pagkatapos ay humingi pa siya ng isa pang shot sa waiter.
“Alam ko na rin ’yan,” maikling sagot ni John saka pabirong tinapik ang balikat niya. “Alam mo, bro? Maraming tao ang mas malaki pa ang problema kaysa sa ’yo. Katulad na lang ng isang ’yon.” Sabay turo nito sa direksyong may nangyayaring komosyon.
“OH, mabuti naman at nagkita tayo ngayon,” si Olivia iyon, ang ina ni Dave na dumulog sa mesa nang umagang iyon at kumakain na siya ng agahan bago pumasok sa trabaho.Noon siya tumayo saka hinalikan sa pisngi ang kanyang ina. “Sorry Ma, masyado lang akong busy sa business,” sagot niyang ipinagpatuloy ang pagkain.“Nakikita ko nga, kaya nga siguro nakakalimutan mo na ang obligasyon mo kay Yvette,” anito habang hinahalo ang kape na isinalin ng katulong sa tasa nito.Isang mabigat na buntong hininga lang ang isinagot ni Dave sa sinabing iyon ng Mama niya.Kabisado naman na kasi niya ang halos lahat ng dialogue ng kanyang ina at alam na niya kung saan papunta ang usapan na iyon. Alam rin niya na hindi siya mananalo sa discussion rito kaya hindi nalang siya nakikipagtalo.“Gusto kong maaga kang umuwi mamayang gabi. Iimbitahan ko siya dito for dinner. Para naman magkaroon kayo ng medyo mas mahabang time together,” ani Olivia saka dinala sa bibig nito ang tasa ng kape at humigop.“Busy ako M
“WOW, sobrang sweet naman. Alam mo kung hindi lang kita best friend maiingit ako sa iyo. Pero in fairness sa halimaw na manager mo ah, walang pakundangan kung makasisante eh samantalang ikaw na nga itong na-harass tapos ganun pa ang naging ending nang lahat? Ang unfair lang,” si Sheril iyon saka magkakasunod na umiling habang nasa tono ang matinding pagkadismaya.Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabing iyon ni Sheril. “Pero wala tayong magagawa, siya ang nakaupo kaya pwede niyang gawin iyon. Kahit unfair,” sagot niya. “But anyway may alok naman sa akin na trabaho si Dave kaya hindi ako magugutom,” pagkuwan ay minabuti niyang sabihin upang mabura ang galit sa tono ni Sheril.“Talaga? Siya iyon tumulong sa iyo di ba? Iyong nag-save sa iyo dun sa harasser mo?”“Oo. Baka bukas dalhin na niya dito ang contract namin,” sagot niya. “At isa pa, ang laki ng sweldo eh, one hundred thousand sa isang buwan,” kwento pa niya.Noon namilog ng husto ang mga mata ni Sheril. “Wow, anong trabaho ba
Sa narinig na prangkang sinabi ni Dave ay nabitin sa ere ang mug ng kape na hawag ni Jade. Pagkatapos, nagtatanong ang mga mata niyang pinakatitigan ang lalaki.“A-Anong sinabi mo? Trabaho ba kamo?” tanong niya rito.Tumango ang lalaki. “Madali lang, I mean, gusto ko sana na magpanggap ka bilang girlfriend ko,” ang walang gatol na sabi ni Dave.Sa narinig ay kamuntik nang mabilaukan ang dalaga. “Ano? Teka nga, bakla ka ano?” hindi niya napigilang matawa sa pagkakaisip ng unang posibleng dahilan ni Dave na pumasok sa isipan niya.“Ah, don’t call me that, okay?” anito sa nagbabantang tinig.Nangingiting ipinagpatuloy ni Jade ang pagkain. At nang manatili siyang tahimik ay noon pa lang muling nagsalita si Dave.“It’s because of my mother. Gusto niya akong ipakasal sa babaeng hindi ko naman gusto. I know I can stop her kung sakaling may maipakilala akong girlfriend sa kanya,” anito.“Akala ko noon sa mga TV series lang nangyayari ang ganyan, pati pala in real life,” ang isinagot niya sa h
ILANG sandali lang at tinatakbo na nila ang kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue o mas kilala sa tawag na EDSA.Tahimik lang siyang naupo sa passenger ng sasakyan ng lalaking kahit pangalan ay hindi niya alam. Pero ito, paano nito nalamang kung ano ang pangalan niya?“Pinagtanong ko sa mga kasamahan mo sa trabaho, kung iyon ang iniisip mo,” ang lalaki.Napalingon si Jade dahil sa kanyang narinig. “P-Paano mo nalaman na iyon ang iniisip ko? Manghuhula ka ba?” taka niyang tanong.Ngumiti lang ito sa kanya nang lingunin siya.Sa isang iglap pakiramdam niya ay parang nahipnotismohan siyang bigla dahil sa well, ngayon lang niya napansin na angking kagwapuhan pala ng lalaki.At hindi lang ito basta gwapo kundi saksakan ng gwapo.Moreno, matangos ang ilong, mapupula ang mga labi na parang kay sarap kung humalik. May three-day beard nakadagdag sa angkin nitong karisma, at maganda ang pangangatawan. Kanina, napansin niyang matangkad rin ito dahil lumampas lang ng kaunti sa balikat nito a
Nang bumukas ang pintuan ng opisina ng manager ay noon mabilis na sinundan ni Dave ang waitress na napag-alaman niyang Jade ang pangalan.“Miss, sandali lang, J-Jade, right?” habol niya dito.Noon malungkot siyang hinarap ng babae saka tiningala at tumango. “Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa ginawa mo kanina. Salamat ah, kung hindi ka dumating baka kung ano na ang nangyari at ginawa sa akin ng lalaking iyon,” anito sa kanya.Sandaling pinakatitigan ni Dave ang maganda at maliit na mukha ng babae. Pare iyong manika na may bilugan at magagandang mga mata. Manipis na labi at matangos na ilong. Maputi ito, matangkad, slim ang pangangatawan, at maitim ang buhok na lampas-balikat ang haba.“It’s okay,” aniya.Tumango lang ulit ang babae saka pumunit ang isang pilit na ngiti sa mga labi nito. “Sige, I have to go, thank you ulit,” anito bago siya tinalikuran.Sinundan lang niya ang papalayo nitong bulto. Para lang siyang muling natauhan nang marinig niya ang kaibigang si John sa kan
“CUSTOMER ako dito, kaya kapag sinabi kong maupo ka, maupo ka!” sigaw kay Jade ng isang matabang lalaking customer nila na halatang lasing na lasing.“Sir, kanina ko pa nga po pinapaintindi sa inyo, waitress ako dito, hindi po ako katulad ng iniisip ninyo,” paliwanag niya saka pinagsikapan unawain ang lalaki sa kabila ng katotohanan na malapit na siyang mapikon rito.“Wala akong pakealam kahit manager ka pa o kung ano ka! Gusto ko maupo ka dito! Babayaran kita! Bakit ha? Akala mo ba wala akong pera? Sige sabihin mo sa akin ngayon, magkano ka ba?” ang galit at sumisigaw parin nitong tanong sa kanya na umagaw na sa atensyon ng ibang naroroon.Sa puntong iyon ay mabilis na namula ang mukha ni Jade dahil sa galit. Gustong-gusto na niya itong sampalin dahil likas na bastos ang bibig nito pero nagpigil parin siya. Alam niyang kapag ginawa niya iyon ay matatanggal siya sa trabaho at iyon ang hindi niya gustong mangyari.Kaya para makaiwas sa anumang hindi maganda na pwedeng mangyari ay minab







