Share

KABANATA 2

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2025-11-19 12:07:47

“CUSTOMER ako dito, kaya kapag sinabi kong maupo ka, maupo ka!” sigaw kay Jade ng isang matabang lalaking customer nila na halatang lasing na lasing.

“Sir, kanina ko pa nga po pinapaintindi sa inyo, waitress ako dito, hindi po ako katulad ng iniisip ninyo,” paliwanag niya saka pinagsikapan unawain ang lalaki sa kabila ng katotohanan na malapit na siyang mapikon rito.

“Wala akong pakealam kahit manager ka pa o kung ano ka! Gusto ko maupo ka dito! Babayaran kita! Bakit ha? Akala mo ba wala akong pera? Sige sabihin mo sa akin ngayon, magkano ka ba?” ang galit at sumisigaw parin nitong tanong sa kanya na umagaw na sa atensyon ng ibang naroroon.

Sa puntong iyon ay mabilis na namula ang mukha ni Jade dahil sa galit. Gustong-gusto na niya itong sampalin dahil likas na bastos ang bibig nito pero nagpigil parin siya. Alam niyang kapag ginawa niya iyon ay matatanggal siya sa trabaho at iyon ang hindi niya gustong mangyari.

Kaya para makaiwas sa anumang hindi maganda na pwedeng mangyari ay minabuti niyang magpaalam na sa lalaki. Noon siya umakma nang aalis pero iba ang nangyari sa pagtalikod niya. Bigla ay dinakma ng lalaking lasing ang puwitan niya.

Hindi niya maintindihan. Hindi naman malaswa ang suot niya bilang kanilang uniporme at dahil narin sa prominenteng mga tao ang nagpupunta doon. Naka-kulay itim siya na slack pants at black polo siya. Wala siyang dahilan para bastusin siya ng ganoon ng lalaking ito kung pananamit lang ang gagawing basehan. At dahil nga sa nagulat, kasama narin doon ang katotohanan na kanina pa siya pinapahiya ng lalaki ay mabilis niya sinampal.

“Bastos! Walang hiya ka! Walang kang respeto sa babae!” ang galit na galit niyang sigaw.

Agad na gumuhit ang matinding galit sa mukha ng lalaki at umakma ito sa sasampalin siya. Noon pumikit si Jade saka hinintay na dumapo sa mukha niya ang posibleng malakas na sampal na alam niyang ikabubuwala niya. Pero iba ang nangyari.

“Hoy, saan ka ba nag-aral ng elementary at mukhang palagi kang absent sa GMRC class ninyo? Hindi ka ba tinuruan na ang mga babae hindi sinasaktan?” tanong ng isang lalaking estranghero sa kanyang harasser habang hawak nito ang kamay nitong gagamitin sana nitong panampal sa kanya.

“Huwag kang makealam dito kung ayaw mong masaktan!” anitong pilit na binawi ang sariling kamay pero hindi iyon binitiwan ng lalaki.

“Ah talaga, sasaktan mo ako? Eh talaga palang wala kang breeding eh! Daig ka pa ng mga asong kalye!” sagot ulit ng lalaki.

“Hindi ko na gusto ang tabas ng dila mo ah!” ang lalaking lasing na sumuntok pero nakailag ang lalaking para kay Jade ay kanyang knight in shining armor.

*****

“I’M so sorry Jade but I have to fire you. Kailangang may managot sa nangyari at dahil nga sa iyo naman nagsimula ang away, ikaw ang dapat na magbayad dahil sa nangyari,” ang club manager na si Dianne iyon nang kausapin siya nito matapos ang insidente.

“Pero Miss Dianne, binastos po ako nung customer,” giit niya kahit kung tutuusin, alam rin naman niya sa sarili niyang wala nang magbabago.

“I know, pero wala akong choice. Hindi natin pwedeng ikatwiran ang ganoon, alam mo iyon hindi ba? Please, huwag mo nang gawing mahirap ito para sa akin. Makakaalis ka na,” pagtataboy pa nito sa kanya.

Sa puntong iyon alam ni Jade na wala na siyang magagawa, kaya naman katulad ng gustong mangyari ni Dianne lumabas na siya ng opisina nito, nagtungo ng locker room at umuwi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 128

    KAHIT totoong nilamon na talaga siya ng tuluyan ng nainom niyang alak ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin ni Jade ang pagtaas-baba ng dibdib ni Dave dahil sa kanyang ginawa.Pagkatapos niyang padaanan ng hintuturo niya ang mga labi nito ay ibinaba naman niya sa malapad at matipuno nitong dibdib ang kanyang mga haplos. This time gamit na niya ang dalawa niyang mga kamay.“You’re killing me,” nasa tono ng pananalita ni Dave ang matinding temtasyon at nagustuhan iyon ng dalaga.“Yeah? So why don’t you do the first move?” she asked him seductively.Noon umangat ang sulok ng labi ni Dave at pagkatapos ay inilapit ang baso nitong may laman na alak at sinaid iyon.“Nope,” anito sa tono na nanunukso bagaman nakangiti.Sa puntong iyon ay nakaramdam ng matinding challenge si Jade hindi lang dahil sa tono ng pananalita ng binata kundi pati na rin sa nakikita niyang damdamin sa mga mata nito.Ala

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 127

    MATAGAL na napatitig si Jade sa mukha ni Dave dahil sa sinabi nitong iyon.So, hindi pa nga talaga niya lubusang kilala ang lalaki dahil marami pa siyang hindi nalalaman tungkol rito.“Kaya umalis si Papa nang mamatay si Danilo, kasi labis niyang dinamdam ang nangyari. Ang totoo kasi masyadong malapit si Papa sa kapatid kong iyon. Kasi ang palaging sinasabi sa akin ni Mama noong bata pa ako, ang nanay ni Danilo ang talagang mahal ng tatay namin,” paliwanag ni Dave sa kanya.“Ibig sabihin ba noon pinagseselosan ng mother mo si Danilo?” paglilinaw niyang tanong.Nagkibit ng mga balikat nito si Dave saka nagsalita.“Maybe, kasi kung hindi, bakit naman ganoon ang trato niya sa kapatid ko? Bakit palagi siyang galit kay Danilo kahit kung tutuusin ay sinubukan naman ng brother ko na mapalapit sa kanya?”Nagbuntong hininga si Jade dahil sa kanyang narinig.“Mahirap talaga kapag hindi buo ang pagmamaha

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 126

    “WHAT do you mean long story? Ano ba talagang nangyari Dave?” tanong ulit niya saka naupo sa tabi ng binata.Noon malungkot siyang nilingon ng binata.“Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ang lahat ng nangyari sa ating dalawa at ang lahat ng nakaraan, hindi ko alam,” sagot sa kanya ni Dave.Mula nang makilala niya si Dave ay ngayon pa lamang niya ito nakita sa ganitong anyo. Parang hopeless at nanghihina. Parang nawala ang tigas sa itsura nito, dahilan kaya hindi niya napigilan ang matinding pagkahabag na naramdaman niya para sa binata.“Sabihin mo sa akin, makikinig ako,” aniyang hinawakan ang kamay ng binata pagkatapos.Nakita niyang kumibot ang mga labi ni Dave. Pero bago pa man ito nakapagsalita ay nakita na niya ang pag-agos ng mga luha ng binata. This time ay hindi na siya nagdalawang isip. She pulled the young man saka ito mahigpit na niyakap.“It’s okay,” aniya.Ilang sand

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 125

    NANG araw ring iyon ay naunang pinuntahan ni Dave si Jude para kausapin ito. Sa simula ay tunay nga namang nagdalawang isip siyang gawin iyon dahil baka magalit ito pero nagkamali siya.Katulad kasi ni Jade ay likas na mabait ang lalaki at naunawaan nito ang lahat ng ipinaliwanag niya.Mula sa ginawa niyang pag-amin sa dito sa lahat ng sinabi sa kanya ni Atty. Vergara.“Hindi ko naisip na kapatid mo si sir Danilo although magkapareho kayo kayo ng apelyido. Inisip ko kasi na baka nagkataon lang. Maliit nga ang mundo katulad ng sinasabi nila,” komento pa ni Jude.They way on their way para kausapin ang kanyang ina. Gusto kasi niya na nakaharap si Jude oras na sabihin niya kay Olivia ang tungkol sa lahat ng nalamang niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawang itago ng mother niya ang lahat ng tungkol sa kanyang nalaman.“Yeah, small world. And personally, gusto kong humingi ng tawad. Sa pagsisimula ng mul

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 124

    “…after all, you didn't know me before, just think that I am one of the many women who have gone through your life that you can replace anytime…”Ang mga salitang iyon ang ngayon ay paulit-ulit na tila ba sirang plakang nagpi-play sa pandinig ni Dave.Kinabukasan iyon at hindi na rin naman siya umuwi. Nag-stay siya sa kanyang penthouse dahil pakiramdam niya dito siya makakapag-isip ng mas magandang solusyon sa kanyang problema.Kahit anong gawin niya wala siyang maramdamang hinanakit kay Jade. Siguro dahil alam niya ang totoo. Dahil alam niya kung gaano siya nito kamahal.Ang totoo nagagalit siya sa sarili niya pero lalong higit sa kanyang ina. Kung hindi dahil sa panghihimasok nito ay hindi mangyayari sa kanya at kay Jade ang ganito.Kung tutuusin pwede niyang puntahan si Olivia at pagsalitaan ng hindi magaganda. Pero sa abot ng kaniyang makakaya ay pinipigilan niya iyon. Dahil alam niya at nakatitiyak siya na or

  • BILLIONAIRE'S CONTRACT GIRLFRIEND (FILIPINO)   KABANATA 123

    NARINIG ni Jade ang sinabing iyon ng binata at agad na ay na-overwhelm ng matinding kaligayahan ang kanyang puso. Pero gaano mang katindi ang kagustuhan niyang sagutin si Dave ng isang sweet yes ay hindi niya magawa.Hinayaan nalang niyang angkinin si Dave.Sa ganoong paraan man lang sana ay magawa niyang maiparamdam dito ang katotohanan ng kanyang nararamdaman. Ang tunay na nasa puso niya.Minabuti niyang mag-pretend na hindi niya naririnig ang sinasabi ng binata dahil hindi rin niya ito kayang i-reject.*****MATAGAL nang tulog si Dave nang mula sa mahigpit nitong pagkakayakap sa kanya ay pinagsikan ni Jade ang makawala.Alam niyang hindi ito ang huli dahil sigurado siyang gagawa si Dave ng paraan para maulit ito.Sa puntong iyon ay hindi napigilan ni Jade ang matawa ng mahina kasabay ng muling pagpatak ng kanyang luha. Para lang pagsisihan ang hindi niya pagpipigil dahil iyon ang gumising sa binata.“Hey,” ang na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status