공유

CHAPTER 5

작가: Siobelicious
last update 최신 업데이트: 2023-07-05 22:49:03

BROOK XAVIER....

Napatulala ang babae ng makita ang kan'yang mukha. Lihim s'yang natawa dahil sa nakikitang gulat sa mukha nito.

Nakaawang ang mapupula at manipis na labi ng dalaga at nakaramdam s'ya ng panunuyo ng kan'yang lalamunan habang nakatingin sa mga labi nito. Parang gusto n'ya itong kabigin at siilin ng halik na hindi n'ya maintindihan kung bakit nakaramdam s'ya ng ganitong attraction sa isang babae sa unang pagkikita pa lamang nila.

Ipinilig n'ya ang ulo at lihim na sinaway ang sarili. Hindi s'ya dapat nakaramdam ng ganito sa babae na ngayon n'ya lang nakita.

Isang tingin pa ang iginawad n'ya rito bago nagpasyang talikuran ang babae. Baka kung ano pa ang magawa n'ya kung magtatagal pa s'ya sa harapan nito.

Nagtuloy s'ya sa balak na bumili ng kape sa isang coffee shop na nadaan kanina at pilit na iwinaksi sa kan'yang isip ang imahi ng magandang babae na nakabangga.

Kinabukasan ay ipinatawag s'ya ng kan'yang ama. Nag-usap silang muli at tulad ng nangyari kahapon ay hindi naman sila nakapag-usap ng matino dahil mas marami pa ang sigawan at bangayan nila kaysa sa matinong pag-uusap.

Ngayon ay iginigiit nitong muli ang pagpapakasal sa anak ng ka sosyo nito sa negosyo na hindi n'ya naman kilala. Bwesit na bwesit s'ya dahil sa ginagawa ng ama kung kaya nagpasya s'yang umalis kinagabihan para puntahan ang kan'yang kaibigan na si Adam sa hotel nito.

Gusto n'ya ng kausap para may mapaglabasan s'ya ng kan'yang hinanakit. Tinawagan n'ya ang pinsan na si Henry ngunit nasa Europe ito at may tinatrabaho na misyon.

Mabuti sana kung misyon talaga pero alam n'ya naman na babae ang tinatrabaho nito sa Europa.

Lumabas s'ya ng bahay at nagmaneho patungo sa hotel ng kaibigan. Alam n'ya na sa mga oras na ito ay nasa hotel pa rin si Adam at nagtatrabaho.

Kasosyo ng Carson Engineering ang Evans Architectural Firm pati na ang Lewis Construction kaya wala s'yang takot na kahit hindi n'ya pamahalaan ang kompanya ng ama ay hindi ito lulubog dahil sa dalawang malalaking kompanya na nakaalalay rito at mga kaibigan n'ya pa.

Hindi n'ya alam kung may alam ba ang ama na magkaibigan sila at magkakilala ng may-ari ng dalawang malalaking kompanya na nakipag tie up dito.

Gusto n'ya na sa America na mamalagi at asikasuhin ang sariling negosyo ngunit panira ng buhay ang kan'yang ama at pinauwi s'ya dito sa Pilipinas para sundin ang mga pinapagawa nito sa kan'ya.

Ginawa s'ya nito na parang aso na pinapasunod sa mga gusto nito.

Nagtagis ang kan'yang mga bagang at naikuyom ang mga kamao dahil sa inis sa sariling tatay.

Hindi n'ya na namalayan na nakarating na pala s'ya sa Evans Hotel. Tumigil muna s'ya sa entrance banda para tawagan sana ang kaibigan ngunit nagulat na lang s'ya ng biglang may nagbukas ng pinto ng kan'yang kotse at pumasok ang isang babae na umiiyak.

Sinipat n'ya ito sa salamin at biglang kumabog ang kan'yang dibidib ng makilala ang babaeng walang pasubaling sumakay sa kan'yang sasakyan.

"Manong pakihatid po ako sa bar, yong malayo po rito, please manong, ilayo n'yo po ako rito, please," umiiyak na pakiusap ng babae sa kan'ya. Sa hitsura nito ay mukhang malaki nga ang dinadala nitong problema ngayon at hindi n'ya maintindihan ang sarili habang palihim na nakatingin sa babaeng umiiyak.

Nakaramdam s'ya ng hindi maipaliwanag na galit sa taong dahilan ng pag-iyak ng dalaga.

"Please manong," muling pakiusap nito habang humahagolhol. Gusto n'ya sanang sawayin ito sa pagtawag sa kan'ya na manong ngunit sa nakikitang hitsura nito ngayon ay mukhang hindi ito makakausap ng matino kaya nanahimik na lamang s'ya at nagmaneho patungo sa bar na alam n'ya.

Nagulat din s'ya sa kan'yang sarili na napasunod s'ya ng babae at ngayon ay ipinagmaneho na ito patungo bar.

Panaka-naka n'yang sinisilip ito mula sa salamin at ganon pa rin ang sitwasyon nito sa likod. Walang tigil ang iyak nito na mas lalo n'yang ikinagalit sa taong may gawa nito sa babae.

Makalipas ang ilang minuto ay narating nila ang bar. Huminto s'ya sa harapan at akmang pagsabihan ang babae ngunit mabilis nitong inabot sa kan'ya ang isang papel na pera at nagpasalamat sabay bukas ng pinto at dali-daling lumabas.

Napatingin s'ya sa inabot nitong pera at mahinang natawa sa sarili.

"Fvck! I can't believe na nagawa ko ang maging isang uber driver," natatawang sabi n'ya sa sarili sabay iling dahil sa kan'yang kalokohan.

May bumusina sa kan'yang likod kaya pinausad n'ya ang sasakyan patungo sa car park sa di kalayuan. Itinigil n'ya muna ang sasakyan sa bakanteng parking space at nag-isip.

Ang iniisip n'ya ay ang dalaga na nasa loob na ng bar ngayon. Paano kung magpakalasing ito at e take advantage ng mga lalaki?

Sa sitwasyon nito ngayon ay alam n'yang wala na itong pakialam pa sa sarili. Dahil sa isiping iyon ay mabilis n'yang binuksan ang pinto at lumabas ng sasakyan.

Naglakad s'ya patungo sa entrance ng bar at pumasok sa loob at agad na hinanap ang babae.

Ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganito. Ang mag-alala sa isang babae na hindi n'ya nga kilala kahit ang pangalan.

At hindi din s'ya nito nakilala kanina pero ano itong ginagawa n'ya sa loob ng bar? Sinundan n'ya ang babae dahil nag-aalala s'ya rito na malasing ito at pagsamantalahan ng iba.

"Damn you Brook! Anong ginagawa mo?" lihim na kastigo n'ya sa sarili habang inilibot ang tingin sa loob ng bar.

Puno ng tao ang paligid kaya nahihirapan s'ya na hanapin ang dalaga ngunit hindi s'ya sumuko.

Sumiksik s'ya sa mga tao at nagtungo sa bar counter at nakahinga s'ya ng maluwag ng mamataan ang babae na nakaupo sa bar at umiinom.

Mag-isa lang itong umiinom at mukhang walang pakialam sa paligid nito. Nakayukyok ang ulo ng babae habang hawak ang kopita na may lamang alak.

Nagbuga s'ya ng hangin at nag-ipon ng sapat na lakas para lapitan ang dalaga.

"Damn it! Bakit ba ako umuurong sa ganitong bagay? I am not like this man! Bakit ngayon ay parang takot na takot ako? Fvck!" kastigo n'ya sa sarili ng mapansin ang inaasal.

Ipinilig n'ya ang ulo at naglakad patungo sa bar counter kung saan nakaupo ang babae. Umikot s'ya sa kabilang side at naupo paharap sa dalaga.

Mataman lang s'yang nakatingin rito at hindi alintana ang tanong ng bartender sa kan'ya kung ano ang kan'yang order.

Mukhang nararamdaman naman ng dalaga na may tumitingin dito dahil nag-angat ito ng ulo at deritsong tumingin sa kan'yang kinaroroonan.

Nagsalubong ang kabilang mga mata at sa oras na iyon ay nararamdaman n'ya ang malakas na kalabog ng kan'yang dibdib na ngayon n'ya lang naramdaman sa tanang buhay n'ya.

He's thirty two years old pero never pa s'yang nakaramdam ng ganitong klaseng pakiramdam para sa isang babae.

And he admits that she has the most beautiful face he's ever seen. Nakakaakit ang ganda ng mukha nito at hindi nakakasawang tingnan.

Maamo at napakabait ng mukha ng dalaga ngunit mapang-akit lalo na ang mapupula at manipis na labi nito na kanina n'ya pa gustong halikan.

"Sir what's your oder?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig muli ang tanong ng bartender.

"Macallan on the rock please," sagot n'ya sa lalaki. Agad naman itong tumalima para ihanda ang kan'yang order.

Ibinalik n'ya ang tingin sa babae at nakita n'yang nagpapahid ito ng luha. Bigla na namang nabuhay ang galit n'ya sa taong nagpaiyak dito.

"Macallan on the rock sir," pukaw ng bartender sa kan'ya sabay lapag ng shot glass na may lamang alak sa kan'yang harapan.

Dinampot n'ya ang naturang bason at tumayo para lapitan ang dalaga. Wala na s'yang pakialam kung ano ang iisipin nito. Naupo s'ya sa tabi nito na ikinaangat ng tingin ng babae ng maramdaman ang kan'yang presensya.

"Hey! Isa ka din ba sa mga lalaking paasa at manloloko?" tanong nito habang namumungay ang mga mata na nakatingin sa kan'ya. Sa nakikita n'ya rito ay hindi ito sanay na uminom kaya mabilis lang ito na nalasing.

Sa uri ng tanong ng babae ay may ideya na s'ya kung bakit ito umiiyak at naglasing. Wala sa sariling naikuyom n'ya ang mga palad dahil sa galit na nararamdaman sa lalaking nanloko rito.

"Kung sinoman ang taong nanloko sayo, he is an idiot, a dick! A woman like you ay inaalagaan at tinatrato na parang prinsesa at hindi pinapaiyak o sinasaktan ng ganito," seryosong sabi n'ya sa babae. Nabigla din s'ya sa kan'yang sarili dahil sa pagsasalita ng ganon sa babae na ngayon ay mataman na nakatingin sa kan'ya.

Ngunit ang mas na ikinabigla n'ya ay ang pagtaas ng kamay nito at hinaplos ang kan'yang pisngi. Ilang boltahe ng kuryente ang lumukob sa kan'yang katawan ng magdampi ang balat nito sa kan'yang balat.

Mariin s'yang napapikit at ninamnam ang init na nagmumula sa palad ng dalaga.

"You're a good man Mr. Ang swerte ng babaeng mamahalin mo," paos ang boses na sabi nito. Itinaas n'ya ang kan'yang kamay at ipinatong sa kamay ng babae na nasa kan'yang pisngi.

"Call me Brook baby, and about what you said— I think I found her!" sagot n'ya at nagmulat ng mga mata. Nagsalubong ang kanilang mga tingin dahil mataman din pala itong nakatingin sa kan'yang mukha.

"Can I kiss you?" hindi napigilang tanong n'ya rito.

"Why?" mahinang tanong ng dalaga sa kan'ya.

"I want to taste your beautiful lips. I wa—," hindi n'ya na natapos ang gustong sabihin dahil agad na tinawid ng babae ang kanilang pagitan at ito na mismo ang humalik sa kan'ya.

Hindi s'ya nakahuma sa umpisa dahil sa pagkagulat ngunit ng mahimasmasan ay agad na pumulupot ang kan'yang braso sa bewang nito at kinabig ito palapit sa kan'yang katawan habang magkahinang ang kanilang mga labi.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (7)
goodnovel comment avatar
Joanne Mondano
Hysss ang bilis mong mag da moves brook lakas NG kamandag nhalikn kna agad
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
pinagtagpo na naman kayong dalawa brook at autum
goodnovel comment avatar
Jeck Tan(Google)
Nah kruss ulit landas ng Dalawang nilalang
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE    EPILOGUE

    HAILEY ROMESHELL..."Ahhhhhh!" malakas na hiyaw n'ya habang mahigpit na nakakapit sa gilid ng kama ang mga kamay. Sobrang sakit ng kan'yang t'yan at halos mawalan na s'ya ng boses sa kakasigaw.Pawis na pawis din s'ya at parang panawan na ng ulirat dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi n'ya inakala na ganito pala kasakit ang manganak.Nasa delivery room s'ya at kasalukoyang umiere para mailabas ang kanilang panganay ni Henry. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay naglilihi pa s'ya ngayon ay ilalabas n'ya na ang kanilang panganay.Hindi n'ya pinasok ang asawa sa delivery room dahil baka mawalan na naman ito ng malay katulad sa nangyari dito noong malaman nila na buntis s'ya.Matapang na agent ng FBI pero hinimatay ng malaman na buntis s'ya. Pinagtatawanan ito ng pamilya nila lalong-lalo na ang nga pinsan nito ng malaman ang nangyari rito."Isang ere pa Hailey," utos sa kan'ya ni Lucy na s'yang doctor n'ya ngayon. Ayaw ni Flinn ng lalaking doctor at gusto pa nitong magwala

  • BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE    THE BILLIONAIRE AND THE BRAT C45

    HENRY FLINN..."Henry lumayas ka rito, ang baho-baho mo!" sigaw ng asawa sa kan'ya habang pinagbabato s'ya ng mga unan at pinapalayas sa kanilang kwarto. Hindi n'ya alam kung bakit bigla na lamang ito naging ganito sa kan'ya.Ayaw s'ya nitong makita sa bahay at ayaw din s'ya nitong nasa malapit lalo na kapag maamoy nito ang kan'yang amoy. Wala naman s'yang putok o amoy sa katawan pero pakiramdam ni Hailey ay masusuka ito kapag nasisinghot ang amoy n'ya."Baby ano ba ang nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong n'ya rito."Get out! Huwag mo akong bwesitin Henry, lumayas ka!" naiiyak na taboy nito sa kan'ya. Gusto n'ya man itong lapitan ngunit nag-aalala s'ya na baka mas lalo pa itong magalit kaya lumabas na muna s'ya at bumaba.Pabagsak s'yang naupo sa sofa at inihilamos ang palad sa mukha. Hindi n'ya na alam ang gagawin. Limang araw ng ganito si Hailey at hindi n'ya alam kung bakit. Wala naman s'yang ginawang kasalanan rito.Baka ganito talaga ang ugali ng mga babae. Sa una lang sweet sa

  • BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE    THE BILLIONAIRE AND THE BRAT C44

    HAILEY ROMESHELL...Natapos ang kanilang kasal na masaya ang lahat. Dumiretso din agad sila sa reception kung saan ay nakakalula na naman ang garbo ng mga dekorasyon.Hindi n'ya napansin kanina na sobrang elegante pala ng kasal nila ni Flinn dahil nasa asawa ang kan'yang buong atensyon.Wala s'yang alam na ikakasal na pala sila at ang lahat ng preparasyon ay ang kan'yang mga magulang at ang mga magulang ni Henry ang nag-ayos dahil ayon nga sa asawa n'ya ay surprise wedding daw sana ngunit nabuko n'ya ito ng minsang nag galit-galitan s'ya rito.Napaamin ito ng wala sa oras dahil sa takot na baka tuloyan s'yang magalit dahil sa hindi nito pag-uwi ng ilang araw kung saan ay nasa bahay pala nito para tumulong sa preparasyon sa kanilang kasal.Ito din ang pumili ng gown na isusuot n'ya at muntik pa s'yang himatayin ng malaman ang presyo. Parang ayaw n'yang isuot dahil sa takot na baka masira n'ya ito.Inilibot n'ya ang tingin sa buong reception at napailing na lamang s'ya dahil sa hitsura

  • BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE    THE BILLIONAIRE AND THE BRAT C43

    HAILEY ROMESHELL...She was holding her tears while walking in the aisle. Looking at the handsome man in front na nagpapahid din ng kan'yang mga luha habang nakatingin sa kan'ya na naglalakad palapit rito.The man who has a very long patience sa pag-uugali n'ya. The man who chose to stay with her kahit pa ang sama ng trato n'ya rito simula pagkabata. The man who understands her and the man who loves her the most.Ang nag-iisang lalaki sa buhay n'ya.Henry Flinn Sanchez Carson her man and her soon to be husband. Parang kailan lang ay puro galit pa ang nararamdaman n'ya rito. Ngayon ay napalitan na ng sobra-sobrang pagmamahal sa lalaki.Henry is her karma— a good and the best karma indeed! Ang karma na hinding-hindi n'ya pagsisisihan, ang karma na pinakagusto n'ya sa lahat.The wedding song he picked for her entourage is the same song that he sang when he asked her if he could be his girl.Kaya memorable sa kan'ya ang kantang ito dahil ito ang kauna-unahang kanta na ipinarinig sa kan'ya

  • BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE    THE BILLIONAIRE AND THE BRAT C42

    HAILEY ROMESHELL...The proposal day had passed at parang nasa cloud nine pa rin ang pakiramdam n'ya. Malapad ang ngiti at panay ang tingin n'ya sa kan'yang daliri kung saan kumikinang ang suot na singsing.Hindi n'ya inaasahan na gagawin ni Henry ang pag propose sa kan'ya sa mismong anniversary nila. Limang taon silang naging magkasintahan at hindi n'ya pa naman naisip na magpo-propose si Henry dahil masaya naman sila pareho sa kanilang relasyon.At isa pa ay pareho din silang busy sa buhay na hindi na nila namalayan ang paglipas ng mga taon. No dull moment sa relasyon nila at masasabi n'yang isang ulirang kasintahan si Flinn.Never s'ya nito binigyan ng sakit ng ulo at never nito pinaramdam sa kan'ya kahit minsan na nawawalan ito ng gana. Simula ng maging opisyal na sila ay walang nagbago sa pakikitungo ni Flinn sa kan'ya bagkus ay mas lalo pa s'yang minahal nito at mas naging sobrang maalaga pa ng binata sa kan'ya.They are already engaged and soon ay magiging legal na mag-asawa na

  • BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE    THE BILLIONAIRE AND THE BRAT C41

    HAILEY ROMESHELL..."Ms. Hailey our western distributors are asking if we could increase the production of our products for next month release," tanong ng kan'yang sekretarya."No! We are not going to exceed on the quantity that we are going to market every month. Bigyan n'yo lang sila ng nasa kota nila and don't give extra for them to hoard and sell it sa mas mataas na presyo kapag nagkaubosan. Ang lahat ng gumagawa ng hoarding will be banned for being our distributors. Be fair to everyone dahil hindi lang sila ang mga distributor natin, unfair sa iba na kumukuha lang ng tamang stocks every month para sa market quota," seryoso at puno ng otorisasyon na utos n'ya rito."Copy ma'am! Masusunod po," magalang na sagot ng kan'yang sekretarya. Palagi n'ya itong naririnig mula sa mga distributor nila na mahilig mag hoard ng mga stocks."Tell me kung may magreklamo Eivenn at ako ang haharap sa kanila," dagdag n'ya pa. Tumango ito at magalang na nagpaalam sa kan'ya.Parang kailan lang ay isa l

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status