Share

Chapter 5

C5 

Nang makauwi kami sa bahay ay agad akong pumunta sa aking room at doon na ako umiyak ang sakit ng dibdib ko dahil sa nalaman at nakikita ko kina Ashley at Isaiah. Hindi ko din maintindihan bakit niya ginawa sa akin ito salamantalang minahal ko naman siya. Kinuha ko naman ang aking phone at sinubukang tawagan siya baka nakauwi na rin siya. Naka ilang ring ako pero hindi niya ito sinagot. Kaya naisipan ko nalang siyang I-text.

Me: hon pwede ba kitang makausap may itatanong lang sana ako sa’yo. Ilang minuto pa akong naghihintay sa reply niya pero wala siyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang paglalandas ng aking luha dahil binalewala niya ako hanggang sa nakatulogan ko nalang ang paghihintay sa kanyang response sa akin. 

Kinaumagahan ay matamlay parin ako at parang wala akong ganang pumasok dahil makikita ko lang doon si Isaiah na kasama si Ashley.

“Ma’am Charlotte kanina pa po naghihintay si sir Ansel sa’yo.” sabi naman ni yaya habang kumakatok sa pinto ng aking kwarto. Mabuti nalang at wala si mommy at daddy dahil maaga silang may meeting ngayon.

“Opo yaya nandiyan na po!” sagot ko naman sa kanya habang kinuha na ang aking bag. 

Pagbukas ko ng pinto ay nandon parin si yaya at naghihintay sa akin. Bumaba agad ako at hindi na kumain dahil wala naman akong ganang kumain simula kagabi. Nakatayo naman si Ansel sa kanyang sasakyan habang hinihintay ako kaya agad na akong pumasok ng sasakyan at ganon naman siya. 

“Why are you late ate?” tanong niya agad habang sinimulang buhayin ang makina.

“Sorry napasarap kasi ako sa pagtulog,” pagsisinungaling ko sa kanya.

“Are you crying?” nagulat naman ako sa kanyang tanong.

“B-bakit naman ako iiyak?” utal kong tanong sa kanya.

“Look at your swollen eyes.” Kinuha ko naman ang aking salamin sa bag at tiningnan ang aking mata. Hindi ako makapaniwalang napatingin dito dahil talagang namamaga ito nakakahiya naman kapag makita ito ng mga ka-klase ko.

“Are you crying because Isaiah has a girlfriend? Hindi mo ba alam na matagal na sila ni Ashley.” hindi ko naman mapigilang mapa-iyak ulit dahil sa kanyang sinabi.

“Stop crying ate hindi mo siya dapat ini-iyakan.” Hininto naman niya ang sasakyan at niyakap ako kaya lalo akong napa-iyak.

“Let’s not go to school now ate.” Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

“Lagot tayo kila mommy kapag gagawin natin yon.”

“Tsk di naman nila malalaman yon.”

“Anong hindi kilala mo naman si mommy,” ngumiti siya sa akin habang pinunasan ang aking luha.

“Huwag ka nang umiyak baka pagtawanan ka lalo ng mga kaklase mo.” Tumango ako sa kanya habang inayos na ang aking sarili.

Pagdating namin sa school ay hinatid ako ni Ansel sa aking classroom nagtitinginan naman sa amin ang aking mga classmate’s kaya yumuko nalang ako. Pagkapasok ko ay agad naman siyang umalis.

“Hey! Do you have a bullpen?” napakunot ang aking noo dahil sa katabi kung naghahanap na naman ng bullpen samantalang hindi nga niya binalik ang hiniram niya kahapon.

“Wala.” sambit ko sa kanya habang hindi siya tiningnan. Napa-angat naman ako ng mukha sa kanya ng agawin niya sa akin ang aking bag.

“Ano bang problema mo?” tanong ko sa kanya habang hinahalungkat niya ang aking bag.

“I’m looking for a bullpen ang damot mo kasi.”

“Ako pa yong madamot hindi mo nga binalik ang hiniram mo!”

“Miss.Garcia if you want to talk, you’d better just go out!” Napatingin ako sa aming prof habang galit din itong nakatingin sa akin.

“Sorry po,” hinging paumanhin ko sa kanya habang pinagtatawanan ako ng aking mga classmate’s.

“Best bilisan mo naman” mabilis ko namang niligpit ang aking mga gamit habang naghihintay na sa akin si Jezz. 

“Oo na saglit lang!” sabi ko sa kanya habang papalapit na ako sa kanya pero bigla na lamang akong natumba ng may bumangga sa akin. At pag angat ko ng mukha ay nagulat ako dahil si Isaiah pala ang nabangga ko.

“Sorry,” sambit ko sa kanya habang pinulot ang nalaglag kong book’s.

“Next time don’t be stupid.” bigla namang bumagsak ang aking luha dahil sa kanyang sinabi ang sakit niya kasing magsalita kahit girlfriend niya ako.

“Okay ka lang ba best?” Tumango naman ako kay Jezz habang pinunasan ang aking luha.

“Ang sama talaga ng Isaiah na yon.”

“Ano ba kasalanan ko naman.” Pagtatanggol ko pa sa kanya.

Habang wala pa akong pasok ay naisipan ko munang pumunta sa rooftop para mapag-isa masyado kasing maingay at maraming student’s kaya minabuti ko nalang pumunta doon dahil tahimik sa rooftop. Pero bigla kong nakita si Isaiah kasama ang kanyang mga kaibigan na nag-uusap.

“Did you see how she looked pitiful before.” rinig ko namang sabi ni Ryan na kaibigan ni Isaiah.

“Give me my money.”

“Whoa di ka pa nga nakahalik doon dude!”

“Gago kaba I never wan’t to kiss her kahit nga sa text naiinis na ako sa kanya dahil panay ang message niya sa akin.”

“Well ganon siguro talaga kasi diba matagal ng may gusto sayo si Charlotte.” hindi ko naman mapigilang umiyak habang lumapit sa kanila at bigla kong sinampal si Isaiah.

“Walang hiya ka niloko mo lang ako!” iyak kong sabi sa kanya habang hinawakan niya ang kanyang pisngi na sinampal ko. pero bigla niya naman akong tinulak kaya natumba ako.

“How dare you slap me.”

“Bakit mo ginawa sa akin ‘to ha! Ano ang naging kasalanan ko sa inyo! Wala naman akong ginawang masama!” sigaw ko sa kanila habang umiiyak. Nagtatawanan naman sila habang nakatingin sa akin.

“Stupid. You think na magugustuhan kita? Stop dreaming Charlotte!”

“At inutusan ko lang ang boyfriend kung ligawan ka kasi kawawa ka naman,” Napayuko naman ako sa sinabi ni Ashley. Ang sama nila wala naman akong ginawang masama sa kanila pero bakit nila ginawa sa akin ‘to. Agad akong tumayo at tumakbo papalayo sa kanila. 

Pagdating ko sa labas ay agad akong pumunta sa gate at kinausap ang guard na lalabas ako. Hindi sana ito papayag pero nagsisinungaling akong may emergency sa bahay kaya pinayagan niya akong lumabas. Naglalakad lang ako sa labas habang umiiyak. Hindi ko maisip na kayang gawin sa akin yon ni Isaiah naging mabait naman akong girlfriend sa kanya pero sinaktan pa rin niya ako at niluko.at higit sa lahat ako lang pala ang tangang nag-aakala na boyfriend ko siya.Ang sama niya ang sama nila.

Napansin ko namang malalim na ang gabi kaya naisipan ko nang umuwi at inayos ang aking sarili. Pagdating ko sa bahay ay agad na akong pumasok pero isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin.

“What went into your brain and you left?” galit na tanong ni daddy sa akin.

“Sorry dad,”

“Sorry yan lang ang sasabihin mo pagkatapos ng ginawa mo! My God Charlotte kanina pa kami nag-alala ng daddy mo!” hindi ko naman maiwasang mapaiyak lalo sa sinabi ni mommy dahil ngayon ko lang narinig sa kanya na nag-aalala siya sa Akin. 

“What is your problem?”

“Gusto ko nang tumigil sa pag-aaral dad.” bigla naman akong napalingon sa kabila ng malakas ulit akong sinampal ni daddy.

“Are you out of your mind?”

“Kahit po mag transfer nalang po ako ng ibang school dad please po ayaw ko na doon dad!” pagmamakaawa ko kay daddy dahil ayaw ko nang makita pa si Isaiah at ang mga kaibigan niya ang sakit na kasi ng ginawa nila.

“No! hindi pwede iyang gusto mo.”

“But mommy please parang awa niyo na po.”

“Mom please po pagbigyan niyo na po si ate,” Niyakap naman ako ni Ansel kaya lalo akong napahagulhol.

“If that’s what you want I’ll just send you to your grandmother.”

“But honey!”

“That’s my final decision.”

“Thank you dad,” sambit ko kay daddy habang tumalikod na siya sa amin. Sinamaan naman ako ng tingin ni mommy kaya yumuko nalang ako.

Inalalayan naman ako ni Ansel papasok sa aking room habang umiiyak parin ako.

“Thank you Ansel sa pag-kumbinsi mo kay dad.”

“Wala yon ate sana maging masaya kana sa ibang school at makalimutan muna siya.” napangiti naman ako sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.

“Huwag kang mag-alala pag balik ko hindi na ako ang ate mong iyakin,” ngumiti din siya sa akin at ginulo ang aking buhok.

“Asahan ko yan,” 

“Lumabas ka na gusto ko ng magpahinga.”

“Basta wag ka nang umiyak.” Tumango naman ako sa kanya habang tumayo na siya at lumabas sa aking kwarto.

I promise na sa pagbalik ko ulit dito ay hindi na ako iiyak lalo na sa kanya pipilitin kong kalimutan siya. Iyak ko namang sabi sa isipan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status