BriannaNaninibago ako sa loob ng aming classroom pagpasok ko ngayong umaga. Napakatahimik kasi ng mga kaklase ko. Lahat sila ay nakaupo lamang sa kani-kanilang upuan. Abala sila sa pagbabasa ng aming mga pinag-aralan sa nakalipas na buwan. Napailing na lamang ako nang makita kong seryoso rin sa pagbabasa ang kaibigan kong si Peter. Dati-rati kapag pumapasok ako sa classroom ay sobrang ingay ng mga kaklase ko at kanya-kanyang tsismisan. Pero ngayon ay tila mababait na mga estudyante na seryosong nag-aaral."Anong nangyari sa mga kaklase natin pati na rin sa'yo?" mahina kong bulong kay Peter matapos ko siyang lapitan. Tiningnan ko ang binabasa niyang notebook. Tama nga ako. Ang mgs pinsg-aralan namin sa mga nakalipas na buwan ang kanilang pinag-aaralan."Hindi mo ba nakikita ang ginagawa namin, Brianna? Nag-aaral kami para sa nalalapit na grading period natin. Para naman ngayong examin natin ay hindi ang classroom natin ang panghuli sa listahan ng mga nakapasa," mahabang paliwanag ni P
BriannaKanina pa ako nagpapalakad-lakad sa loob ng aking kuwarto. Hindi ako mapakali. Mayamaya lang kasi ay darating na si Dean para turuan ako. Ang usapan namin ay seven ng gabi siya pupunta rito sa bahay namin. Excited ako na kinakabahan. Dati-rati ay hanggang sa tingin lamang ako sa kanya pero ngayon ay nakakausap ko na siya at magiging tutor ko pa. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko sa kanyang harapan ngayon."Nandito na si Dean, Brianna," malakas na boses ni Mommy mula sa labas ng aking kuwarto. Biglang kumabog ang dibdib ko at hindi ko malaman ang sking gagawin. "Brianna, gising ka pa?" tanong ni Mommy nang hindi ako sumagot."Yes, Mom. Papasukin n'yo na lang po rito sa kuwarto ko," sagot ko. Baka kasi isipin ni Mommy na tulog na ako at pauwiin si Dean ay wala pang magtuturo sa akin. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko bago naupo sa harapan ng aking study table. Hinintay ko na lamang ang pagpasok ni Dean sa loob ng aking kuwarto."Good evening, Bry," mahinang ba
BriannaHalos mabingi ako sa ingay ng mga kaklase ko sa loob ng aming classroom. Kalalabas pa lamang ng result nang aming grading period at hindi kami ang nasa bottom list. Nagbunga ang pinaghirapan ng buong klase. Hindi rin nasayang ang ginawa kong pangungulit kay Bryle na turuan ako. Hindi ko kasi tinigilan ang kapatid ko hangga't hindi ko siya napapapayag na turuan ako. Nakulitan siguro sa akin kaya pumayag siyang turuan ako. At worth it naman dahil nakapasa ako. Nakapasa kaming lahat kaya naman ang ibig sabihin no'n ay makakasama kami sa camping ng klase nila Dean. At hindi lang iyon. Siguro naman nabawasan na ngayon ang mababang tingin sa amin ng mga taga ibang section lalong-lalo na iyong mga nasa top section. Two birds in one stone, 'ika nga sa kasabihan."Guys, listen!" malakas na tawag pansin ng aming teacher. Lahat naman kami ay tumahimik at natuon ang atensiyon sa teacher naming nakatayo sa harapan ng chalk board. "I'm proud of you, guys. Pinatunayan lamang ninyo na kapag
BriannaWalang imik lamang ako habang nagbibiyahe ang bus na sinasakyan namin patungo sa talampas ng Anaruta sa Bulacan. Hindi gaanong mataas ang talampas na iyon at malawak ang patag na lupa sa tuktok. Perfect para sa mga taong nais mag-camping lamang ngunit nais maranasan ang malamig na klima sa gabi. Para daw kasing nasa Baguio ang pakiramdam kapag nasa itaas ng talampas ng Anaruta. Nakaka-relax daw ng pakiramdam at nakakawala ng stress ang malamig na hangin sa itaas ng talampas.Pinabaunan ako ni Mommy ng makapal na kumot at jacket kaya tuloy medyo malaki ang bag pack na dala ko. Siguradong mahihirapan ako nito mamaya sa paglalakad lalo pa at paakyat kami. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang nagsalita si Ivy st kinausap si Dean."Dean, malaki kasi ang bag na dala ko kaya siguradong mahihirapan ako mamaya sa pag-akyat. Puwede bang tulungan mo ako sa pagdadala ng bag ko?" narinig ko ang malambing na pakiusap ni Ivy kay Dean. Gusto ko sanang lumingon sa kanila para taasan siya ng
BriannaMag-e-eleven ng umaga nakarating sa tuktok ng talampas ang team namin. Mabuti na lamang at hindi gaanong matindi ang pagtirik ng araw kaya hindi masakit sa balat. Pagdating sa itaas ng talampas ay mapapa-wow talaga ang sino man sa kakaibang experience. Kahit na may araw at walang masisilungan ay hindi gaanong mararamdaman ang init. Ang mas mararamdaman mo ay ang tila nanunuot na lamig ng hangin. Preskong-presko ang hangin at tunay na nakakawala ng stress. Hindi man kasing-lamig sa Baguio ay hindi naman pahuhuli sa lamig ang tuktok ng talampas nang Anaruta."Everybody listen!" tawag pansin ni Ma-am Salve sa atensiyon ng lahat nang mga estudyante. "Magtulung-tulong kayo sa pag-ayos ng tent ninyo para may matulugan kayo mamayang gabi. At walang lalapit sa gilid ng bangen dahil sobrang delikado. Maliwanag?" "Yes, Ma'am!!" sabay-sabay naming sagot. Tapos nagkanya-kanya na kami sa paglalagay ng tent namin. Ang mga tent na inaayos namin ay nauna nang iniakyat sa talampas ng mga in
BrainnaKung malamig ang hangin sa araw ay doble naman ang lamig sa gabi. Nakasuot na nga akong makapal na sweater ay nararamdaman ko pa rin ang lamig sa aking katawan. Ngunit kahit nakakapanginig ang lamig ay masarap pa rin sa pakiramdam. Hindi kasi mararamdaman sa kapatagan ang ganitong pakiramdam.Nakabawas sa malamig na pakiramdam ang apoy na ginawa ng mga estudyanteng lalaki. Apat na grupo kami at sa bawat grupo ay nakapalibot sa apoy para kahit paano ay mabawasan ang lamig na nararamdaman ng bawat isa.Tahimik lamang kaming lahat habang ninanamnam ang init ns ibinibigay sa amin ng apoy mula sa naglalagablab na mga tuyong kahoy. Nakaka-bored pero walang nais na magsalita kahit isa sa amin. Kahit si Ivy na nasa grupo namin at katabi ni Dean sa pag-upo ay walang kibo lamang sa kinauupuan nito."Ma'am, ang boring naman kung mauupo lang tayo sa harapan ng at magtititigan lamang. Walang excitement," hindi nakatiis sa katahimikan na wika ni Carlo, isa sa mga kaklase ni Dean."Anong gus
BriannaWalang imik lamang ako habang sakay kami ng bus pabalik sa school namin. Katabi ko pa rin sa upuan sina Dean at Ivy. Katulad ko ay tahimik lang din si Dean sa upuan niya. Kahit na kinakausap siya ni Ivy ay tango at iling lamang ang kanyang sagot kaya nanahimik na rin si Ivy sa upuan niya habang nakasimangot.Gusto ko sanang lumipat ng upuan at tumabi na lamang kay Peter kanina pag-akyat namin sa bus ngunit ang sabi ni Ma'am Salve ay kung sino ang katabi namin pagpunta ay siya ring katabi namin pabalik para masigurado na walang naiwan na estudyante. Kaya no choice ako kundi ang maging katabi ang dalawa sa upuan.Nang magsipagbabaan na kami pagkarating namin sa school ay tinulungan ako ni Peter sa pagdala ng bag ko at inalalayan niya ako pagbaba ng bus. Tinukso tuloy kami ng mga Marites at Mario naming mga kasama. Marites at Mari ang tawag ko sa kanilang mga tsismosang lalaki at babae. Ginaya ko lamang ang napanuod ko sa tv noong isang araw."Confirm na ba, Peter? Kayo na ni Bri
Brianna"Mom, isama ninyo ako sa Manila. Ayokong maiwan dito nang mag-isa," nakikiusap na sabi ko sa Mommy ko. Pupunta sila ngayon sa Manila para makiramay at makipaglibing na rin sa pinsan ng mommy ko na namatay dahil sa atake sa puso. Ang Daddy ko ay naroon na at doon na lamang sila magkikita. Si Bryle ay isasama ni Mommy samantalang ako lamang mag-isa ang maiiwan sa bahay. May pasok kasi next day kaya hindi ako puwedeng isama nila. Ayaw ni Mommy na mag-absent ako sa klase samantalang ang kakambal ko ay wala namang pasok sa Lunes kaya puwedeng sumama. Ang kaso ako lamang ang maiiwan sa bahay namin. Nakakatakot kayang mag-isa lamang ako."Huwag kang mag-alala, Brianna. Sinabi ko na kay Amalia na sa bahay ka nila muna matutulog habang wala pa kami," nakangiting sagot ni Mommy sa akin. Nahinto ako sa pagmamarakulyo nang marinig ko ang sinabi niya."O 'ayan Ate Brin. Huwag ka nang malungkot diyan. Dapat magsaya ka pa nga dahil magkakaroon ka ng chance na makipaglapit kay Kuya Dean," nan