BriannaNanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Dean na siya palang kausap ni Rex sa opisina nito. Buhay si Dean. At higit sa lahat ay tama ang una kong hinala na siya at si Lance ay si Dean. Pero bakit niya iyon ito ipinagkaila sa akin? Bakit hinayaan niya ako magdusa sa pagkawala niya?Mabilis na tumayo sa kinauupuan niya si Dean at nilapitan ako. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Brianna. I'm sorry that I lied to you. I'm very sorry that I hid the truth that I'm alive."Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at dinama ang mainit niyang yakap. Akala ko ay hindi ko na mararanasan pang muli ang mayakap ng lalaking pinakamamahal ko.Akmang tutugunin ko na ang yakap niya nang sumagi sa isip ko ang mga paghihirap ng loob na ininda ko dahil sa pag-aakala kong patay na siya. Sukat sa isiping iyon ay itinulak ko siya at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha."Masaya ka ba sa ginawa mong pagpapanggap na patay ka na? Nag-enjoy ka ban
BRIANNANang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng aking silid at nakahiga sa aking kama, sa tabi ko ay naroon si Peter at nakayupyop ang ulo sa gilid ng aking kama at natutulog. Biglang umahon ang galit ko nang maalala ko ang sinabi niya bago ako nawalan ng malay. Bigla ko siyang pinaghahampas ng aking mga kamay."Bakit mo pinatay si Dean? Ano ang kasalanan niya sa'yo?" umiiyak na tanong ko kay Peter habang walang tigil ko siyang hinahampas ng aking mga kamay.Pupungas-pungas pa si Peter nang magising dahil sa sakit ng mga hampas ko sa kanya. Bigla itong napatayo at napaatras palayo sa akin."Calm down, Brianna! I am just kidding, okay?" pag-amin ni Peter sa akin. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Mamamatay tao? At isa pa, hahayaan ba ni Dean na patayin ko siya? Eh, mas magaling siyang makipaglaban kaysa sa akin."Sa aking narinig ay bigla akong napaiyak ng malakas. "I hate you, Peter. How could you joke at me like that?"Lumapit si Peter sa akin at nako-konsensiyang niyakap
BRIANNAMalayang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok habang nakatayo ako sa gilid ng baybayin sa isang isla sa Samar kung saan ako naroon ngayon. Probinsiya ito ni Desna at siya ang nagsabi sa akin na masarap daw magbakasyon sa probinsiya nito dahil malapit sila sa tabing-dagat kaya presko ang hangin. Kaya nang inalok ako ni Desna na magbakasyon sa bahay-bakasyunan nito ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanggap ang alok niya. At hindi naman ako nagsisi na nagpunta ako rito dahil maliban sa totoong presko ang hangin ay nakapag-isip-isip na rin ako ng maayos. Tama si Bryle. Ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa amin ay pagsubok lamang sa amin ni Dean. Pagsubok na parehong nalampasan namin. Bryle was right when he said that I should give myself another chance to feel happiness. And only Dean could give me that happiness. Only he would make me happy. Sa loob ng halos tatlong buwan kong pananatili rito sa isla ay madalas tumatawag sa akin si Bryle para sabihin na nakikiu
Brianna Matamis ang aking pagkakangiti habang pinapanuod ko ang guwapong hitsura ng aking groom na naghihintay sa akin sa harap ng altar. Pakiramdam ko ay napaka-suwerte ko talaga sa kanya. Dahi siya ang pinaka-guwapong groom na nakita ko sa buong buhay ko. At hindi lang 'yon siyempre, dahil mahal na mahal niya ako.Pero hindi lang ako ang masuwerte sa kanya dahil masuwerte rin naman siya sa akin. Dahil mahal na mahal ko rin siya. Sa katunayan ay tanging siya lamang ang lalaking minahal ko sa tanang buhay ko.Pakiramdam ko ay parang lumulutang ako sa alapaap habang naglalakad palapit sa kanya. Finally, my long time dream did came true. Sino ba naman ang mag-aakala na kaming dalawa ang magkakatuluyan? Eh hindi nga niya ako pinapansin noong mga teenager pa lamang kami. But look at us now, we still ended up together."You're so beautiful," hindi napigilang sabihin sa akin ng groom ko habang inaabot niya ang kamay ko. "Siyempre, guwapo ang magiging asawa ko kaya't kailangang maganda rin
Brianna PovPaglabas ko sa tarangkan ng gate namin habang hila-hila ko ang aking bisikleta ay nagulat ako nang makita kong nasa labas pa ng gate nila si Dean at tila may inaayos sa bisiklita nito. Nakapagtataka na sa ganitong oras ay wala pa ito sa school. Maagang pumapasok si Dean sa school kaya maaga rin akong gumigising para makasabay sa kanya sa pagpasok sa school kahit nakabuntot lamang ako sa likuran niya ng mga ilang metro ang layo. Pero ngayon ay tinanghali ako ng gising dahil nanuod pa ako ng Asian drama kagabi. Halos maghahating-gabi na yata ako nakatulog kagabi. 'Tapos napanaginipan ko na naman na ikinakasal kami ni Dean kaya lalong napasarap ang tulog ko't tinanghali na ako ng gising. Inaasahan ko na talaga na wala na siya, nakaalis na papuntang school dahil late na nga akong nagising. Pero laking-gulat ko nang makita ko siyang nasa harapan pa ng kanilang bahay. Hmm, hinihintay niya yata ako kaya hindi pa siya umaalis papuntang school. Kahit alam ko na imahinasyon ko la
Brianna"Hintayin mo naman ako, Peter. Nakita mo na ngang marami akong libro na pupulutin 'tapos bibilisan mo pa ang paglalakad mo. Napaka-walang kuwenta mo talagang kaibigan. Napaka-ungentleman mo rin," nangungunsensiyang sabi ko sa kaibigan ko. Naglaglagan kasi sa semento ang ibang libro na dala ko habang naglalakad kami sa hallway ng school.Marami kasi akong hiniram na books dahil nagpapahiram din ang kakambal ko. Tinatamad kasi itong pumunta ng library kaya nakisabay na lang sa akin."Eh sino ba naman kasi ang nagsabing manghiram ka ng maraming libro? Mukhang nanuno sa punso ka yata at bigla kang sinipag magbasa," nang-aasar na sagot ni Peter. "Hindi naman ito akin lahat. Mas marami ang kay Bry—" Napahinto ako sa pagsasalita nang pag-angat ko ng aking mukha ay wala na sa harapan ko ang kaibigan ko. Hmp! Napaka-ungetleman talaga. Hindi man lang huminto sa paglalakad para tulungan akong magbitbit ng mga dala-dala kong libro.Akmang tatayo na ako nang bigla na lamang may dalawang k
BriannaIlang minuto nang nakalabas si Dean ay nananatili pa rin akong natunganga sa nilabasan niyang pintuan. For the first time ay pinuntahan niya ako sa classroom ko kahit pa para lamang ibigay ang naiwan kong sapatos sa labas kanina. Kahit gano'n lang ay masaya pa rin ako na pinuntahan niya ako."Breath, Brianna, for Pete's sake! Wala na siya pero halos hindi ka pa rin humihinga diyan. Gusto mo bang siya ang maging dahilan para matigok ka?" may pagkainis sa tono ng boses ni Peter nang magsalita. Bahagya pa nitong niyugyog ang aking balikat na tila ginigising ako. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakahanda na ang nakamamatay kong tingin para sa kanya. "Oopss, sorry. Ginigising lang kita dahil baka nangangarap ka pa rin," tabingi ang pagkakangiti na turan niya."Makukulong ba ako kung papatay ako ngayon ng kutong-lupa?" tanong ko sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nakahanda ko siyang sakalin kapag mahawakan ko siya. Habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya ay dahan-
Brianna"O bakit mas maaga ka yatang gumising ngayon, Brianna?" hindi napigilang puna sa akin ng Mommy ko nang makita niyang four-thirty palang ng umaga ay gising na ako. Gising na rin si Mommy kasi maaga talaga siya kung gumising. Inaasikaso niya kasi lahat ng gamit namin bago pumasok sa school. Mula sa paghahanda sa mga uniform namin ni Bryle, sapatos, baon na pagkain sa school saka iyong umagahan namin. Actually, I can do it by myself. And Bryle too. We're big enough para i-asa pa namin kay Mommy ang mga ganoong bagay. But she insisted to do it. Gusto raw kasi niya na siya ang mag-asikaso sa amin dahil siya ang nanay. Kaya hinayaan na lang namin siya na gawin ang gusto niya."Gusto ko kasing sumabay kay Dean sa pagpasok sa school, Mommy," matamis ang pagkakangiting sagot ko sa kanya."Pero masyado pang maaga, Brianna. Mamayang alas otso pa ang pasok ninyo. Siguradong aantukin ka lang sa loob ng classroom. Bumalik ka sa loob at matulog muli," utos niya sa akin.Nakasimangot na buma