Share

Chapter 74

Brianna

Magmula nang nalaman ko na hindi si Dean ang lalaking nakita ko na kamukha niya sa loob ng bar ay pilit kong iwinaglit siya sa aking isip. Naisip ko na tama si Rex. Dapat mag-move on na ako. Ayokong hindi matahimik ang kaluluwa ni Dean dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mapait niyang sinapit.

Para malibang ko ang sarili ko ay madalas akong nagtutungo sa mall pagkatapos magsara ng coffee shop ko. Kagaya ngayon, maaga kaming nagsara dahil birthday ng dalawang staff ko. At dahil maaga pa kaya ipinasya kong maglibot sa mall hanggang sa mapgod ako. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay saka lamang ako uuwi sa bahay ko kapag nakaramdam na ako ng pagod at antok. Pagdating ko sa bahay ay matutulog agad ako kaya hindi ko na maiisip si Dean.

Ngayon ay naabutan ako ng pagsasara ng mall dahil nanuod pa ako ng sine kaya paglabas ko ay mga sarado na pala ang bawat stall sa loob ng mall. Nagmamadaling lumaba ako ng mall dahil nakakaramdam na ako ng antok.

Punuan ang park
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status