Share

Chapter 14

Brianna

Kanina pa kumukulo ang dugo ko habang nakatayo ako sa harapan ng gate at hawak sa itaas ng ulo ko ang may kalakihang plywood na may nakasulat na "HINDI NA AKO MALI-LATE AT TATALON SA PADER" habang pinagtatawanan ng mga estudyanteng nakakakita sa akin. Kahit si Peter ay hindi rin napigilan ang sarili na matawa sa hitsura ko. Para daw kasi akong nagbebenta ng plywood sa gilid ng kalsada.

Natatawa sila sa hitsura ko samantalang hindi na maipinta ang mukha ko. Kasalanan ni Dean ito. Kung hindi siya nagsalita ay hindi sana malalaman ng kasamahan niya na tumalon ako mula sa pader dahil na-late ako. Kahit crush ko siya ay nakadama ako ng inis sa kanya. Bakit? Porke ba crush ko ang isang tao ay hindi na ako makakaramdam ng inis sa kanya? Ibang usapan na 'yon.

"Magkano ba ang isang letra, Brianna? Bibilhin ko na lahat para makauwi ka na sa bahay mo," nakangising buska ni Peter sa akin.

Inirapan ko siya at ipinalo ko sa ulo niya ang hawak kong board. Hindi naman ito nasaktan dahil hind
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status