Share

Chapter 3- Level Up

It's been more than a week since she last saw him. No show, no text or call. Napabuntong hininga si Eloisa. Namimiss na nya si Drew. Gustong gusto na nya makita o kahit man lamang marinig lang boses ng lalaki. Hindi na nga siya nakatiis and sent him an emoji hoping he would finally update her. Napuyat na nga sya at lumuwa ang mata kakahintay pero bigo sya.

Nang mapasagi ang mata nya sa glass door, nakita nyang nanlalalim ang mata nya at ang haggard nya. She seemed low energy when not around the source of inspiration. Nalungkot sya nang mapagmasdan ang repleksyon nya sa elevator glass door. What if he suddenly showed up tapos ganito ang maabutan itsura nya? Dali dali nyang inilabas ang compact powder at nagretouch ng powder at nag apply ng manipis na lipstick. She even puckered to check if nalagyan ang buong labi ng lipstick.

To her surprise, she found him about to ride the elevator. He managed to give her a smile and greet her.

Napasimangot si Eloisa nang maalala na hindi sya nireplyan ng damuho.

"Anong problema? You seemed a little down?"

Aba at nagtanong pa ang mokong na 'to. Lalo tuloy tumulis ang nguso nya.

"Hindi ka man lang nagreply," she sounded as if she was really hurt.

"How am I supposed to reply to that weird emoji?" napakamot ulo si Andrew.

"Nagreply ka man lang sana nang kahit ano..."

He fought the urge na kurutin ang pisngi ng dalaga. He finds that silly attitude cute pero pinigilan ni Drew ang sarili.

"I would next time."

"Welcome back!" she smiled sweetly at him.

"Did you clear things up with Josh?" bigla ay tanong nya sa dalaga.

She nodded. " I didn't want to hurt anybody pero wala talagang choice."

"And all the other guys?"

Nilabas nya ang phone to show her call history pati planner para ipakita na cleared na sya.

"So can we now go on dates?"

"Only real couples go on dates."

Muling nalukot ang mukha ng dalaga. Halatang dismayado ito.

"Why do you look so adorable?" sambit ni Andrew.

Namula ang pisngi ni Eloisa sa papuri ni Andrew.

"I'll have to check if my schedule is clear this weekend. I 'll have to trust to plan our first date since I'm busy.See you around." he said smiling.

"A-alis ka uli?"

"Yes, mejo busy sa site ngayon. I'm also looking forward to a relaxing weekend. Kaya ikaw na ang bahala.Just text me the time and location on Friday night. I'll be there. "

Tumango na lang si Eloisa bilang tugon dahil pilit na itinatago ang kilig.

"Are you okay? Your cheeks are so red."

"I'm fine." she answered non chalantly at tumalikod para itago ang pamumula ng buong mukha.

Kulang na lang tumalon sa saya si Eloisa pero dahil masyado namang halata yun ay nagpapadyak na lang siya nang umalis na ang lalaki.

Now, nag iisip sya saan ba magandang magpunta on a first date? She looked it up on the net. Marami syang nakitang options pero ang una sa lahat at picnic. She loved the idea! She will prepare their food.

Abang na abang na si Eloisa pero tila usad pagong ang mga araw. Kulang na lang ay hinahin nya ang araw para Sabado na uli. She could finally see his beautiful face and hear his manly voice. Naiimagine na nya ang mga mangyayari. Napapanaginipan na rin nya ang magaganap sa kanilang first date.

Nilista na agad ni Eloisa ang mga bibilhin that Friday night bago sya umuwi. She was about to step out of the building nang masalubong nya na humahangos si Andrew. She wondered what happened.

Nahalata siguro ni Andrew na nagtataka sya kaya nagpaliwanag ito.

"I forgot something important. Kamusta ka?" dederecho na sana ito sa building nang bumalik ito. "Sabay na tayo umuwi? Would you wait for me?"

Hindi sya nakaimik agad pero namula ang buong mukha nya. Inakala ni Andrew na ayaw nya.

"Do you feel uncomfortable?"

"N-no!" anya na sunod sunod na umiling. "I'll wait for you."

"Good." ani Andrew who seemed pleased with her response at dali dali na tumakbo para balikan ang importanteng naiwan. "I'll be back shortly."

Tumango si Eloisa. Ang saya nya. What a way to end her weekday. At least makakasama nya pa sandali si Andrew.

But to her dismay ay biglang umulan. Baka sakaling kung saan pa sana sila makarating if hindi sana umuulan. Nakaisip ng kalokohan si Eloisa para mas magkalapit sila. Iniisip nya that he must have an umbrella kaya hindi nya ilalabas yung kanya para mas magkalapit sila.

Nang lumabas na ang hinihintay nya, mukhang nadismaya rin ito na umulan bigla.

"Hindi ko pa naman dinala ang kotse ko para sana sabay tayong mag commute."

"M-magcocommute ka?

"Tayo."

Parang natuliro ang isip ni Eloisa sa narinig. Ang sarap pala pakinggan.

"T-tayo?" ulit nya.

Inalis ng lalaki ang coat at pinandong sa ulo nya saka sya niyakap para hindi sya mabasa.

That was way better than what she imagined! Imagination lang ba ni Eloisa or may level up na ang feelings ni Drew sa kanya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status