LOGINHan Mall. Tahimik ang loob ng pribadong opisina ni Blane, malamig ang hangin mula sa air conditioner at tila masyadong maayos ang lahat kumpara sa kaguluhang bumabalot sa isip ni Melissa. Nakatayo siya sa harap ng malaking mesa, tuwid ang tindig, habang si Blane naman ay nakaupo sa kanyang swivel chair, bahagyang nakasandal at pinagmamasdan siya. “What did you just say?” mababa ngunit seryosong tanong ni Blane, halatang hindi pa nito lubos na napoproseso ang narinig. “Victoria is dead,” diretso niyang sagot, walang paligoy-ligoy. “It looks like the people she owed money to found out that the land deeds were fake… and they didn’t take it lightly.” Sandaling natahimik ang silid. “So… they killed your stepmother,” mahinang saad ni Blane, tila kinukumpirma ang sitwasyon. Tumango si Melissa, malamig ang ekspresyon, ngunit may bahagyang bigat sa kanyang mga mata. “And now Bianca wants to sue me,” dugtong niya. “She’s accusing me of being involved. And I need your help, Blane
Hingal na hingal na tumatakbo si Victoria sa madilim na eskinita, ang tunog ng kanyang takong ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa basang semento. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pilit niyang pinapakalma ang sarili...pero paano? Ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula nang marinig niya ang usapan ng mga tauhan ni K sa loob ng casino. “Fake ang land deeds na binigay ng babaeng ‘yon.” “Galit na galit si Boss. Gusto niya madakip si Victoria...dead or alive.” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan niya. Hindi na siya nagdalawang-isip. Agad siyang tumalikod at nagmamadaling lumabas ngunit sa malas, namataan siya ng isa sa mga tauhan. “Ayun siya!” Doon na nagsimula ang habulan. Ngayon, walang tigil siyang tumatakbo, lumiliko sa bawat madilim na sulok ng eskinita. Ang lugar ay halos abandonado, walang ilaw kundi ang kumukurap na poste, walang tao kundi ang mga anino ng panganib. Pero kahit anong tago niya, masyadong marami ang humahabol. “Hanapin n
Nakangiti si Blane habang marahang hinahaplos ang buhok ni Melissa, na mahimbing na nakahiga sa ibabaw ng kanyang dibdib. Hinayaan niya itong magpahinga. Alam niyang napagod ito lalo na at ito ang halos gumawa kanina. Lumipas ang ilang minuto, hanggang sa mapansin niyang tuluyan na itong nakatulog. Bahagya siyang napatawa, saka marahang bumulong. “Oh, Melissa…” mahina niyang sambit, puno ng damdaming hindi niya madaling maipaliwanag. “You don’t know how much I’ve wanted this… every single day. Ikaw at ako, ganito lang, habang yakap ang isa't isa pagkatapos ng lahat.” Patuloy ang marahan niyang paghagod sa buhok nito, tila ayaw bitawan ang sandaling iyon. Alam niyang malalim na ang tulog nito at hindi nito naririnig ang mga sinasabi niya. “I know you have things to deal with,” dagdag niya, mas mababa na ang boses, “and I’m willing to help you, without expecting anything in return. But I wanted this moment too… to be with you… to have you like this, even just for a while.” Sag
Pinutol ni Melissa ang halik at marahang itinulak palayo si Blane. Saglit itong natigilan, nakita niya sa mga mata nito ang bahagyang pagprotesta. Ngunit hindi niya ito itinulak para tapusin iyon. Sa halip, tumayo siya at walang salitang hinawakan ang kamay nito. Hinila niya ito papunta sa kabilang pinto, sa isang nakasarang pinto sa loob ng opisina niya. Pagbukas niya ng pinto, tumambad ang isang payak na silid, maliit, maayos, at halos walang dekorasyon. May isang single bed na maayos ang pagkakatiklop ng kumot at unan, isang maliit na side table na may lamp, at simpleng cabinet sa gilid. Walang anumang disenyo sa loob, lugar lang na ginawa para lang maging pahingahan niya. Tahimik silang pumasok. Hanggang sa makarating sila sa paanan ng kama. Doon, marahan niya itong tinulak pababa. Umupo si Blane, hindi inaalis ang tingin sa kanya, tila ba hinihintay ang bawat susunod niyang gagawin. “You helped me leave the casino safely,” mahinang sabi niya, ang boses ay kontrolado n
"There’s a crumb on your lip." mahinang sabi nito, bahagyang nakangiti. Nanigas si Melissa. Parang sabay-sabay na sumabog ang lahat ng sensasyon sa loob niya, ang init ng haplos, ang lapit ng mukha nito at ang mga titig nito na tila tumatagos sa kanya. Masyado itong malapit. Masyadong… delikado. Pinasya niyang umiwas at bahagyang umatras sa kinauupuan. “I—I can handle that,” mabilis niyang sabi, halatang naguguluhan. Agad niyang kinuha ang napkin at pinunasan ang sariling labi, saka nagkunwaring abala sa pagkain. Ngunit hindi niya maitago ang bahagyang panginginig ng kanyang kamay. Tahimik lang si Blane, pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Alam nito. Alam nito ang epekto nito sa kanya. At tila hindi iyon aksidente. Mas lalong bumigat ang hangin sa pagitan nila. Sinubukan niyang ibalik sa normal ang lahat. “Kumain ka na,” sabi niya, pilit na nagpakanormal. “Baka lumamig na ang pagkain.” Ngunit hindi agad kumilos si Blane. Sa halip, sumandal ito nang bahagya sa upu
Nang magsalita si Blane, tila tumigil sandali ang mundo ni Melissa. “Then let me help you get your revenge, Melissa.” Saglit siyang natigilan. May kung anong bumigat sa dibdib niya, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kakaibang gaan na matagal na niyang hindi naramdaman. Ngunit mabilis din niya iyong pinigil. Bahagya siyang umiling at umatras ng kalahating hakbang. “No… it’s okay,” mahinahon niyang sagot, pilit pinapanatiling matatag ang tinig. “I can handle it.” Bahagyang kumunot ang noo ng binata, tila hindi inaasahan ang pagtanggi niya. “Hindi dahil ayaw ko,” dagdag niya, iniiwas ang tingin. “Ayoko lang na maabala ka… at ayokong masanay.” Noong una, malinaw ang plano niya, gagamitin niya si Blane para maghiganti. Walang emosyon. Walang komplikasyon na namamagitan sa kanila. Lahat ay kontrolado niya. Ngunit hindi niya inaasahan na ang sarili niyang damdamin ang unang tatraydor sa kanya. Hindi niya napansin kung kailan nagsimulang magbago ang lahat kung kailan nagi
Sa isang Italian restaurant sa loob ng Han Mall, niyaya siyang kumain ni Blane Han. Tanghalian na, at karaniwan nang puno ng mga kumakain ang restaurant, pero sa pagkakataon iyon, sila lang dalawa ni Blane ang naroon sa loob. Pinagmasdan niya ang paligid, napansin niyang ingat na ingat din ang mga
“What happened to your forehead?” Napatigil si Melissa sa paghigop ng kape nang marinig ang tanong ni Mr. Han. Nahimigan niya ang pag-aalala sa tinig nito, kaya't ibinaba niya ang tasa at nahaplos ang may bendang noo. “Ah, aksidente akong nadulas at tumama ito sa mesa,” pagsisinungaling niya,
Sinulyapan ni Melissa ang sarili sa repleksyon ng salamin, her eyes roamed over every detail of her new image. She wore a bold office attire that wasn't her usual style – one that accentuated her curves and highlighted her figure. Kung dati ay maluwag at disente ang mga damit niya, ngayon ay sinady
Nang makaalis si manang, naiwan si Melissa na yakap ang kahon, ang puso niya'y tila nabalot ng lungkot. Kinuha niya ang flashlight na iniwan ni manang, ang liwanag nito'y nagbigay ng kaunting sigla sa madilim na silid. Hindi siya natatakot sa multo o masamang espiritu, pero ang takot niya'y nasa mg







