LOGINHindi pa rin makapaniwala si Melissa habang nakatitig sa lumang litrato na hawak niya. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga daliri habang marahang hinihimas ang kupas na larawan. May kopya rin siya ng litrato na iyon. Isa iyon sa pinakaimportanteng bagay na itinago niya sa loob ng maraming taon. Dahil kahit lumaki siya sa bahay-ampunan, hindi naman naging ganap na malungkot ang kabataan niya roon. At malaking dahilan noon ang apat na batang lalaking nakilala niya, sina Uno, Dos, Toto at Ten. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa alaala niya ang mga panahong magkakasama sila, ang simpleng paghahati-hati nila sa iisang tinapay kapag kulang ang pagkain. Ang pagtakas nila sa mga staff ng ampunan kapag may ginagawang kalokohan at kung paano niya palaging ipinagtatanggol ang apat na batang iyon noon. Tahimik kasi ang mga ito at palaging magkakasama pero may taglay na katalinuhan na ang mga ito at punong-puno ng talento kaya naman, madalas silang pag-initan at i-bully ng ibang
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Melissa. Ilang segundo siyang nanatiling nakatitig sa kisame habang pilit inaalala kung nasaan siya. Hindi pamilyar ang silid. Masyadong elegante. Masyadong tahimik. Dahan-dahan siyang bumangon at agad na napansin ang lawak ng kwartong kinaroroonan niya. Malalaki ang floor-to-ceiling windows na natatakpan ng kulay abong kurtina. May modern chandelier sa gitna ng kisame at mamahaling dark wood furniture sa bawat sulok. Para siyang nasa isang mamahaling suite ng five-star hotel. Ngunit kakaiba ang pakiramdam ng lugar. Hindi malamig. Hindi rin nakakatakot. Sa halip, may kakaibang init at katahimikan doon. Napahawak siya sa kanyang ulo nang bahagyang sumakit iyon dahil sa biglaang pagbangon. At doon niya napansin ang suot niya. Isang simpleng itim na t-shirt at boxer shorts. Bahagyang lumaki ang mga mata niya. Hindi niya iyon damit. Halatang panlalaki. Mabango rin iyon, halong amoy malinis na sabon at amoy panlalaking p
Tahimik ang buong dining hall maliban sa mahinang tunog ng kubyertos na tumatama sa mamahaling pinggan. Nakaupo si Blane sa pinakadulong bahagi ng mahabang hapag habang tahimik na hinihiwa ang steak sa plato ni Shia. Wala sana siyang balak bumaba. Ang totoo, mas gusto niyang manatili sa tabi ni Melissa. Gusto niyang siguraduhing maayos ang paghinga nito. Na hindi ito gigising na nanginginig o umiiyak muli dahil sa bangungot. Ngunit nangako siya kay Shia na sasabayan itong maghapunan kaya napilitan siyang bumaba. Kaya ngayon, tahimik niyang inililipat ang maliliit na piraso ng karne sa plato ng bata. “Eat slowly,” mababa niyang sabi. Agad namang tumango si Shia bago masayang kumain. Nakatingin lamang si Wade sa kanila habang nakasandal sa upuan nito na tila naaaliw. “You really look like father and daughter,” nakangiting komento nito. “Shia is really comfortable in your presence, Blane.” Napatingin siya sa batang babae sa tabi niya. Tahimik na kumakain si Shia h
Pagdating ni Blane sa kanyang silid, agad siyang dumiretso sa malawak na banyo. Hindi na niya pinansin pa ang sariling basang damit habang mabilis niyang binuksan ang gripo ng bathtub. Unti-unting napuno iyon ng maligamgam na tubig habang maingat niyang inaayos ang temperatura nito hanggang sa maging sapat ang init upang maibsan ang lamig na bumabalot sa katawan ni Melissa. Tahimik ang buong silid. Tanging lagaslas lamang ng tubig ang maririnig. Pagkatapos ay muli niyang nilingon ang babaeng walang malay sa kanyang mga bisig. Basang-basa ang buhok nito. Namumutla ang mukha. May bakas pa ng luha at pagod sa ekspresyon nito kahit nakapikit. At sa tuwing nakikita niya itong ganoon, parang may kung anong humihigpit sa loob ng dibdib niya. Dahan-dahan niya itong nilublob sa tubig habang maingat na inalalayan ang likod nito. Wala pa rin itong malay. Mahina lamang ang paghinga nito, dahilan upang lalo siyang hindi mapakali. Marahan niyang inalis ang basang blazer nito bag
Ilang linggo na ang lumipas mula nang huling makita ni Blane si Melissa. Tahimik ang mga araw niya, pero hindi siya mapakali. Hinayaan niyang gawin nito ang pag-aayos ng kumpanya, ang paglilinis ng lahat ng kalat na iniwan ni Axel. Alam niyang kaya nito. Alam niyang matatag si Melissa. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang katahimikan nito. Walang text. Walang tawag. Walang kahit anong senyales. At kahit gaano niya pilit na itago sa sarili, namimiss niya ito. Namimiss niyang makita ang mga mata nito na puno ng determinasyon. Namimiss niyang marinig ang boses nito. Namimiss niya si Melissa. Nang gabing iyon, paalis na si Blane mula sa isang meeting. Pauwi na sana siya sa Han Mansion dahil may family dinner sila. At nandoon din si Shia, dumalaw ito kanina sa Han Mall, na ipinangako niyang sasamahan sa hapunan. Nasa isip niya ang mga obligasyon pero may kulang. Si Melissa. Bigla ay ginulat siya ng pagtunog ng kanyang cellphone. Isang mensahe ang natanggap niya. Nang
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Melissa. Puting kisame ang bumungad sa kanya at mabagal na beep ng monitor ang naririnig niya. Nakakaamoy din siya ng disinfectant na pamilyar sa ospital. Sandaling naguluhan siya, hanggang sa unti-unting bumalik ang lahat. Ang abandonadong bahay. Si Axel at ang mga salitang binitawan nito. “Hindi ba abo na siya?” Biglang bumigat ang dibdib niya. “Aliyah…” mahina niyang bulong, agad na napahawak sa sarili niyang dibdib. “Melissa.” Isang pamilyar na boses ang narinig niya. Dahan-dahan niyang inikot ang tingin. At doon, nakita niya si Blane. Nasa tabi ng kama niya. Nakaupo, bahagyang nakayuko, ngunit agad na tumingin sa kanya nang magmulat siya. May bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. At sa sandaling iyon, hindi maintindihan ni Melissa kung bakit biglang kumislot ang puso niya. Her heart skipped a beat. “Blane…” mahina niyang tawag. Agad itong tumayo at lumapit. “Don’t move too much,” mahinahon nitong sabi. “You’re s
Bumaba si Melissa sa taxi, mahigpit ang yakap niya sa urn ng kanyang anak, naglakad siya at tumapat sa mataas na gate ng malaking bahay. Pinindot niya ang doorbell, at habang nakatayong naghihintay ng pagbubukas niyon, sunod-sunod na busina ang umalingawngaw sa kanyang likuran. Wala siyang lakas na
Tumigil ang taxi sa harap ng isang gusali. Pagkabayad ni Melissa sa driver, mabilis siyang bumaba at naglakad papasok. Doon, sinalubong siya ng isang pulis na nakauniporme at isang lalaki sa likod nito. "Nasaan ang anak ko?" kaagad na tanong niya, halo-halo ang nararamdaman niya sa mga sandaling
Nang magising si Melissa, kaagad siyang bumangon at pinagmasdan ang paligid. Natitiyak niyang nasa ospital siya base sa mga aparatong nakikita niya. Maya-maya, bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. "Gising ka na, ma'am," sabi nito. "Bakit ako nandito? Sino ang nagdala sa akin dito?" ta
Ipinarada ni Melissa ang sasakyan di-kalayuan sa two-storey house, sa gitna ng mga sirang sasakyan at kumpol ng basura. Sa malayo, nakita niya ang bahayan—kung hindi siya nagkakamali, iyon ay isang squatter area sa lungsod. Bumaba siya ng sasakyan, hindi alintana ang pumapatak na ulan. Naglakad siy







