Paakyat si Gainne sa ikalawang palapag para sundan ang kaniyang mag-ina sa kwarto. Pumasok siya dito at naabutan niya si mahalia na nakatayo, nakaharap sa anak nila. Nilapitan niya ito, tumayo siya sa likuran nito at akmang hahawakan niya ang balikat ng babae ay bigla na lamang itong humarap sa kaniya kaya hindi ito natuloy.“Gainne, mag-usap tayo,” mahinahon na sabi ni Mahalia.“Yes, naisip ko rin na kailangan natin mag-usap para kay Gyvanne.”“Nakapagpasya na ako—”“Listen to me, Mahalia,” he cut her off. “Ako na ang bahala, makikipag-usap ako kay Primo tungkol sa pagdo-donate niya ng dugo.”“You mean, payag kana?” Maingak-ingak si Mahalia. Tumango si Gainne. “Oo basta ako makikipag-usap sa kanya. Hayaan mo ako ang makikipag-usap sa kanya,” saad niya.“Maraming salamat.” Yumakap si Mahalia sa lalaki na halatang nagulat sa ginawa niya. “I know it’s hard for you to talk to your brother, thank you dahil hind imo pinairal ang galit mo sa kanya.”“Para anak natin, gagawin ko ang lahat,
“Tapatin na kita, dok Barquin, kailangan na natin maoperahan ang anak mo sa lalong madaling panahon. Lalong tumatagal… palala nang palala ang CHD niya. Bukas ang ductus arteriosus niya and according sa report niya may nakita ring mga butas sa kanyang puso. Doc Gainne, your son needs surgery as soon as possible. Kailangan natin makahanap ng matching blood donor para sa kaniya."“I can pay nay amount for the blood donor.”“Alam naman natin na mahirap makahanap ng AB negative type blood. 1% sa mundo ang meron lamang nito.”“Meron akong kilala na blood donor, kakausapin namin siya,” sabat ni Mahalia sa pag-uusap ng dalawa na kinakuha niya ng mga atensyon nito. Nakaupo ang anak sa kanyang mga hita. Dumako ang paningin niya kay Gainne, hindi niya inakala na nakatingin rin ito sa kanya.“No, Mahalia, hindi pwede na siya ang magiging blood donor ni Gyvanne. Makakahanap tayo ng iba, makakahanap pa tayo ng iba.”“Gainne, pwede ba, isang-tabi mo muna ang galit mo sa iyong kapatid, anak mo itong
Mahalia wore the dress. Tinitingnan niya ang sarili niya sa human size na salamin na nasa kanyang harapan. She smiled as she saw herself on the mirror. “Ang ganda mo, Mahalia…” puri niya sa kanyang sarili.“Yes, you’re so beautiful, Mahalia.”Napalingon si Mahalia sa bandang likuran niya kung nasaan ang pintuan nang marinig ang boses ni Gainne. Ngumiti siya dito nang makita ang lalaki na nakatayo sa gitna ng pintuan.Lumapit si Gyvanne sa ama nito, tumayo ito sa gilid ng lalaki habang nakapanaywang. “Mama bakit ang tagal mo, gusto ko nang umalis mama.” Kitang-kita ang pagkabagot sa naging reaksyon ng mukha.Dumako ang paningin ni Gainne sa anak. Napatawa siya nang makita niyang nakapamaywang ito.“Yes, you’re so pretty mama but I can make it little faster.”“Oo na.” muling humarap pabalik sa salamin.“Maliligo muna ako. Just five minutes.” Tumalikod si Gainne at pumasok sa pintuan ng banyo.Bumalik na rin si Gyvanne sa kama. Naglagay ng manipis na na make-up sa mukha saka lumabas ng c
Muling umupo si Gainne sa kanyang upuan. Naglagay siya ng pagkain sa kanyang plato saka sinubuan ang sarili. Napalingon siya sa kanyang anak na pakiramdam niya nakatingin sa kanya. Hindi nga nagkamali ang pakiramdam niya. Kumukurap-kurap ito na halatang nagpapapansin.Gainne smiled. “Eat now, Gyvanne. Huwag kang gumaganyan-ganyan sa akin,” bulalas niya.Walang salitang kumain si Gyvanne. He ate the food in his plate. Ganoon din si Mahalia, kumain na rin. Kumakain sila na isang masaya at buo na pamilya.Pagkatapos kumain, dinala ni Gainne ang anak sa sala habang nililigpit ni Mahalia ang kinainan nila. Mayroon naman silang limang katulong ngunit hindi sila nakadepende sa mga ito. Mas gusto ni Mahalia siya ang mag-aasikaso sa kanyang mag-ama. She loves to take care of them.“Diba papa, where going to mall this day. Sinabi mo iyon sa akin kahapon. Ilalabas mo ako diba…” ani Gyvanne habang nakaupo sa sofa, katabi ang kanyang ama.“Oo nga no. I almost forgot, kiddo.” Ginulo niya ang buhok
Nakatayo si Gainne sa harapan ng kaniyang mag-ina na nakahiga sa kama. Nagdadalawang-isip siya kung tatabi ba siya ng higa dito. Nakapikit ang mga mata ni Mahalia, ngunit halata naman na hindi pa ito tulog. Gumalaw ang mga pilit-mata nito.Umupo si Gainne sa gilid ng kama, lumingon muna siya kay Mahalia saka tumabi dito ng higa. Nakaharap siya sa nakatalikod na babae sa kanya. Bigla itong bumaling sa kanya sabay bukas ng mga mata dahilan nang pagtagpo ng kanilang paningin.“A-anong tinitingnan mo?” biglang tanong ni Mahalia.Tipid na ngumiti si Gainne. “Nothing.”“Matulog na nga tayo.” Ipinikit ulit ni Mahalia ang mga mata nang biglang may humawak sa kanyang kamay na may yakap na unan. Binuksan niya ulit ang kanyang mga mata. “Bakit Gainne?”“Are you really okay na matulog tayo ng magkatabi? What I mean, asawa muna ngayon si Primo, brother-in law muna ako. Hindi ka ba naiilang sa akin?”“Bakit naiilang ka ba sa akin?” balik tanong ni Mahalia.“Nope.”Ngumiti si Mahalia. “Iyon naman pa
At night, pagkatapos kumain, pinaliguan muna ni Mahalia ang anak bago pinahiga sa kama para patulogin. Nasa loob sila ng kwarto ni Gainne na kasalukuyan na hindi pa pumasok. “Mama, nasaan si papa?” tanong ni Gyvanne sa ina. “Gusto ko nandito siya sa tabi habang natutulog ako.”“Nasa labaas pa si papa mo anak e, baka papasok lang iyon maya-maya,” sagot ni Mahalia. “Baka kasi nag-uusap pa sila ng tito Cris mo.”Gyvanne pouted. May namuo na luha sa gilig ng kanyang mga mata. “Gusto ko siyang katabi mama, papuntahin mo na siya dito,” may pagmamakaawa niyang wika. “Takota ko baka mawala na naman siya pagising ko.” Niyakap ni Mahalia ang anak. Damang-dama niya ang takot sa puso nito dahil sa lakas ang kabog. “Hindi iyon mangyayari, Gyvanne. Hiindi ka niya iwan. Mahal na mahal ka ng papa Gainne mo.” Hinapuhap niya ang bandang likuran nito.“Pero mama, paano kung iwan niya ulit tayo? Natatakot na akong walang papa,” Gyvanne insisted.Hindi alam kung anong isasagot ni Mahalia sa anak. Mahigp