Share

Chapter 12

last update Last Updated: 2025-04-18 21:23:18

Matapos magbihis si Mahalia, bumalik siya sa kusina. Naabutan niya si Gainne na nakaupo sa harap ng hapag-kainan. Umupo siya sa upuan sa harap nito.

“Saan mo nakuha ang mga pagkain na ito?” tanong niya habang tinitingnan ang mga nakalapag sa mesa—may kanin, inihaw na karne, sabaw ng isda, at soft drinks.

“Nagpahatid ako kay Crisostomo,” sagot ni Gainne. “Kain ka na,” dagdag pa niya habang sinisimulan na ring kumain. Gutom na siya at hinintay lang ang babae na matapos magbihis.

“Salamat…”

Natigilan si Gainne sa pagkain at tumingin sa kanya. Nagkatinginan sila, nagtataka si Mahalia sa reaksyon niya.

“Pwede bang huwag mong lagyan ng ‘po’ kapag nag-uusap tayo? Hindi naman ako ganoon katanda,” ani Gainne.

“Sige, Gainne… labingwalong taong gulang na rin naman ako.”

“Okay lang. Dalawampu’t anim na ako... Kita mo, hindi ako ganoon katanda.”

Muling bumalik si Gainne sa pagkain habang si Mahalia ay nagsimula na ring kumain. Naglagay siya ng pagkain sa kanyang plato habang nakatuon ang pansin sa kanyang kinakain.

Ang nakakailang katahimikan ay namutawi habang kumakain sila. Pagkatapos nilang kumain, niligpit ni Mahalia ang mesa habang si Gainne ay nag-iigib ng tubig mula sa ilog. Hindi niya maintindihan kung bakit niya ito ginagawa. Ang pagpunta niya sa El Tigre ay isang malaking katanungan para sa kanya.

Lahat ay bago sa kanya.

Naligo na rin si Gainne at pagbalik niya sa kubo, hindi na niya nakita si Mahalia. Nagbihis muna siya sa kwarto bago niya hinanap ang dalaga sa labas, pero hindi niya ito mahanap.

Umabot siya sa gubat ngunit wala pa rin siyang makita. Parang gusto na siyang mawalan ng pag-asa habang sumisigaw ng pangalan ni Mahalia, pero walang sumasagot.

Unti-unting dumilim ang kalangitan.

"Nasaan ka ba, Mahalia!" sigaw ni Gainne sa gitna ng kagubatan. "Mahalia!" Dumating siya sa dulo ng gubat kung saan may bangin. Nabulabog siya nang makita ang babaeng hinahanap niya; nakaupo si Mahalia sa isang malaking bato sa ilalim ng puno, nakatingin sa malayo.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kanya. Tumayo siya sa likuran habang pareho silang nakatingin sa lungsod, isang tanawin na nakakabighani. Ang mga ilaw doon ay parang mga bituin sa kanilang paningin.

"Isa sa mga pangarap ko ay makapunta doon," sabi ni Mahalia ukol sa lungsod. Alam niyang naroon si Gainne sa likod niya. Narinig niya itong tinatawag siya, ngunit hindi siya sumagot. "Dati, madalas akong nandito tuwing gabi para tingnan ang mga ilaw na 'yan."

"Alam mo ba na matagal na kitang hinahanap?" sagot ni Gainne, may galit na tono upang iwasan ang tanong ng babae.

"Oo, narinig ko," sagot ni Mahalia, hindi inaalis ang mga mata sa lungsod.

"Bakit hindi ka sumagot?!" Pinilit ni Gainne na kalmahin ang sarili. "Sige, huwag mo na akong sagutin."

Humarap si Mahalia kay Gainne. Bumuntong-hininga siya at ipinagpatuloy ang kwento na naputol kanina. "Hindi ako pinapayagan ng mama at papa ko na bumaba ng bundok kasi sabi nila maraming tao doon na aabuso lang sa inosensya ko." Yumuko siya habang nilalaro ang kanyang mga daliri. "Mukhang tama sila."

Hindi makapaniwala si Gainne sa narinig. Naisip niya kung siya ba ang tinutukoy niyang masamang tao na aabuso sa kanya. Galit ba siya sa ginawa ko kagabi? tanong ng kanyang isip.

Umupo si Gainne sa tabi ni Mahalia. "Siguro ako ang tinutukoy mo... Galit ka ba sa akin dahil sa nangyari kagabi?"

Nagkibit ang mga kilay ni Mahalia at tumingin siya kay Gainne. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung galit siya o nahihiya. Ang nangyari sa kanila kagabi ay nagbigay sa kanya ng pagkalito.

"So, galit ka ba? Hindi mo iyon nagustuhan?" hindi makapaniwala si Gainne. "Parang hindi mo naman ito nagustuhan."

Lalong nag-igting ang mga kilay ni Mahalia, na lalong nagpagalit kay Gainne. Nakatakbo na siyang magsalita pero naunahan siya ng lalaki.

"Sa pagkakaalam ko, nasisiyahan ka sa mga daliri ko at sa unan!" binitiwan ni Gainne ang bawat salita na parang apoy.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan," tanong ni Mahalia na may pagkagulo sa isipan.

Nag-isip si Gainne kung ano ang hindi naiintindihan ni Mahalia. Tungkol ba ito sa usapan nila ngayon... o sa nangyari kagabi? Tumingin siya sa kawalan at tumawa. Hindi niya alam kung talagang hindi ito alam o kung nagkukunwari lamang ito.

Naging seryoso ulit si Gainne. Tumingin siya sa harapan nioa. "So, wala ka nang balak bumalik?"

"Wala na," sagot ni Mahalia na puno ng determinasyon. "Dito ako nabibilang, Gainne."

Nanlaki ang mga mata ni Gainne. Hindi niya alam ang sasabihin sa sagot ni Mahalia. Kung talagang desidido na siya, pipilitin niyang magbago ang isip nito. Tiniyak niya sa sarili na pagkalipas ng mga araw o linggo, babalik siya sa Maynila kasama si Mahalia.

Tiyak si Mahalia na hindi siya bababa ng bundok. Umaasa pa rin siyang babalik ang kanyang mga magulang. At kung babalik sila, hindi niya hahayaan na wala siya rito.

"A-ano bang magagawa ko para magbago ang isip mo?" biglang tanong ni Gainne. "Pakinggan mo ako, Mahalia, kung sasama ka sa akin, magkakaroon ka ng magandang buhay. Makukuha mo ang lahat ng gusto mo. Kung gusto mong mag-aral, tutulungan kita."

Nagningning ang mga mata ni Mahalia sa huling sinabi ni Gainne. Gusto niyang mag-aral pero hindi siya pinayagan ng kanyang mga magulang na bumaba.

"Ibibigay ko sa iyo ang lahat. Pera, kotse, bahay, basta akin lang... Kung nasaan ako, nandoon ka rin. Ano, deal?" Kahit mukhang sugar daddy si Gainne sa alok niya kay Mahalia, wala siyang pakialam. Ang tanging iniisip niya ay tatanggapin ni Mahalia ang alok niya. Alam niyang hindi tatanggi si Mahalia sa alok niya dahil masyado itong malaki.

Mapaklang ngumiti si Mahalia. Gusto niya ang alok ni Gainne, lalo na ang pag-aaral, pero mas mahalaga pa rin sa kanya ang kanyang mga magulang.

"Papayag ka na? Pumayag ka na." Pangungulit ni Gainne.

"Pasensya na pero ayoko."

Nabigla si Gainne. Ngayon lang siya naka-incounter ng babaeng katulad nito. Lahat na ata ay na-offer niya, pero tumanggi pa rin. Babaero siya, kaya marami siyang nakilalang mga babaeng pumapayag kahit alak lang ang i-offer niya para makasama siya. Akala niya ganun din ang babaeng kaharap niya ngayon. Akala niya madali lamang niya itong mapapa-oo. Pero hindi pala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 93

    Muling umupo si Gainne sa kanyang upuan. Naglagay siya ng pagkain sa kanyang plato saka sinubuan ang sarili. Napalingon siya sa kanyang anak na pakiramdam niya nakatingin sa kanya. Hindi nga nagkamali ang pakiramdam niya. Kumukurap-kurap ito na halatang nagpapapansin.Gainne smiled. “Eat now, Gyvanne. Huwag kang gumaganyan-ganyan sa akin,” bulalas niya.Walang salitang kumain si Gyvanne. He ate the food in his plate. Ganoon din si Mahalia, kumain na rin. Kumakain sila na isang masaya at buo na pamilya.Pagkatapos kumain, dinala ni Gainne ang anak sa sala habang nililigpit ni Mahalia ang kinainan nila. Mayroon naman silang limang katulong ngunit hindi sila nakadepende sa mga ito. Mas gusto ni Mahalia siya ang mag-aasikaso sa kanyang mag-ama. She loves to take care of them.“Diba papa, where going to mall this day. Sinabi mo iyon sa akin kahapon. Ilalabas mo ako diba…” ani Gyvanne habang nakaupo sa sofa, katabi ang kanyang ama.“Oo nga no. I almost forgot, kiddo.” Ginulo niya ang buhok

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 92

    Nakatayo si Gainne sa harapan ng kaniyang mag-ina na nakahiga sa kama. Nagdadalawang-isip siya kung tatabi ba siya ng higa dito. Nakapikit ang mga mata ni Mahalia, ngunit halata naman na hindi pa ito tulog. Gumalaw ang mga pilit-mata nito.Umupo si Gainne sa gilid ng kama, lumingon muna siya kay Mahalia saka tumabi dito ng higa. Nakaharap siya sa nakatalikod na babae sa kanya. Bigla itong bumaling sa kanya sabay bukas ng mga mata dahilan nang pagtagpo ng kanilang paningin.“A-anong tinitingnan mo?” biglang tanong ni Mahalia.Tipid na ngumiti si Gainne. “Nothing.”“Matulog na nga tayo.” Ipinikit ulit ni Mahalia ang mga mata nang biglang may humawak sa kanyang kamay na may yakap na unan. Binuksan niya ulit ang kanyang mga mata. “Bakit Gainne?”“Are you really okay na matulog tayo ng magkatabi? What I mean, asawa muna ngayon si Primo, brother-in law muna ako. Hindi ka ba naiilang sa akin?”“Bakit naiilang ka ba sa akin?” balik tanong ni Mahalia.“Nope.”Ngumiti si Mahalia. “Iyon naman pa

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 91

    At night, pagkatapos kumain, pinaliguan muna ni Mahalia ang anak bago pinahiga sa kama para patulogin. Nasa loob sila ng kwarto ni Gainne na kasalukuyan na hindi pa pumasok. “Mama, nasaan si papa?” tanong ni Gyvanne sa ina. “Gusto ko nandito siya sa tabi habang natutulog ako.”“Nasa labaas pa si papa mo anak e, baka papasok lang iyon maya-maya,” sagot ni Mahalia. “Baka kasi nag-uusap pa sila ng tito Cris mo.”Gyvanne pouted. May namuo na luha sa gilig ng kanyang mga mata. “Gusto ko siyang katabi mama, papuntahin mo na siya dito,” may pagmamakaawa niyang wika. “Takota ko baka mawala na naman siya pagising ko.” Niyakap ni Mahalia ang anak. Damang-dama niya ang takot sa puso nito dahil sa lakas ang kabog. “Hindi iyon mangyayari, Gyvanne. Hiindi ka niya iwan. Mahal na mahal ka ng papa Gainne mo.” Hinapuhap niya ang bandang likuran nito.“Pero mama, paano kung iwan niya ulit tayo? Natatakot na akong walang papa,” Gyvanne insisted.Hindi alam kung anong isasagot ni Mahalia sa anak. Mahigp

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 90

    Magkasabay silang kumain ng tanghalian. Hindi maipinta ang mukha ni Gyvanne dahil sa broccoli na nasa kanyang harapan. Katabi niya si Mahalia habang nasa nakaupo si Gainne sa harapan ng kanyang mag-ina.“Kumain ka na, anak. Maglalaro tayo mamaya sa labas,” wika ni Gainne sa anak niya.“Hindi siya pwede lumabas, maalikabog sa labas, Gainne,” sabat ni Mahalia.Nakatingin ang anak sa ina na may namumuo na luha sa mga mata. “Pero mama, gusto ko maglaro sa labas…” ngumuso siya para maawa ang kanyang ina.“It’s safe outside the house, Mahalia, Sasamahan ko naman siya, don’t worry hindi ko hahayaan na may mangyari sa anak ko. He is my son too, hindi ako papyag na may mangyari sa kanya.”Bumuntonghininga na lamang si Mahalia. Sa pagkakataon, pakiramdam niya pinagtutulungan siya sa kanyang mag-ama. Umiling-iling na lamang siya habang nagsimulang subukan ang anak.“Mama payag kana po, behave naman ako sa labas, hindi po ako hahawak ng madumi.”Nakaramdam ng awa si Mahalia sa anak. Pakiramdam ni

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 89

    Tumayo si Gainne at lumapit kay Mahalia. Walang pagdadalawang-isip na niyakap niya ito. Lalong humahagulhol ang babae habang nasa bisig niya ito.“Ang anak ko, Gainne.”“Hindi ko hahayaan na mapahamak ang anak natin, kahit pa buhay ko ibibigay ko sa kanya para maligtas lamang siya.”Kahit papano gumaan ang nararamdaman ni Mahalia dahil sa sinabi ng lalaki. She hugged him back. Ang dala-dala niyang bigat sa puso ay unti-unting nababawasan. Alam niya sa pagkakataon na ito mayroon na siyang katuwang sa pag-aalaga sa anak nila. Sigurado siyang hindi nito hahayaan na mawalay sa kanila si Gyvanne.Bumitaw sila sa isa’t isa. Pinunasan ni Gainne ang pisngi ni Mahalia na basa sa luha. Humihingus-hingos ang babae. Napalayo na lamang sila sa isa’t isa nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok roon si Crisostomo na hawak-hawak ang kamay ni Gyvanne at hila-hila palapit sa kanila.“Huwag ninyong subukan na sundan itong anak ninyo dahil hindi ako magyayo,” bulalas ni Crisostomo.Dumako ang paningi

  • BREAKING THY INNOCENT   Chapter 88

    Chapter 88 Seeing his son eating ice cream makes gainne’s heart ache with regret. Nasasaktan siya dahil kung nalaman lamang niya ng maaga na anak niya ang batang nasa harapan niya ngayon, marami na sana silang masasayang alaala na nabuo. Pakiramdam niya kulang na kulang na ang mga araw na gumawa nang masayang alaala. Pinunasan ni Gainne ang gilid ng bibig ni Gyvanne na nagkalat ng ice cream. Tumigil naman rin ito sa pagsubo at hinayaan ang ama na gawin ang paglilinis sa nakakalat sa bibig. “Ayaw mong kumain, papa?” tanong ng bata sa ama. “ayaw mo ba sa ice cream?” Natapos na punasan ni Gainne ang gilid ng labi ng bata. “Of course, gusto ko rin iyan. Bibigyan mo ba ako?” nakangiti siya sa anak niya. Tumango si Gyvanne. Nilahad niya ang isang box ng ice cream sa harapan ng ama niya. Masaya siya na ishe-share niya ang paborito niyang ice cream sa kanyang ama. tinanggap naman ito ni Gainne. Dinampot niya ang kutsara at sumalok sa ice cream saka sinubo. Ngayon hindi na siya nagtataka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status