Kagigising lang ni Zarina ng bandang alas diyes ng umaga nang makatanggap siya ng isang tawag.
"Hello?"
"Zan, it's me, Giselle," pagpapakilala ng kaibigan niyang si Giselle sa kabilang linya.
Giselle Tejeros is her drinking buddy and college friend. They usually take place at the pub on Friday nights. Sometimes, they even go out of town to drink and relax in other bars.
"Oh?"
“Magkita tayo sa SEO Mall sa BGC,” pag-aaya nito sa kaniya.
"Ahm…"
“Ano? ‘Wag mong sasabihin na hindi ka na naman sasama? Anong plano mo bulukin ang sarili mo sa kahihintay sa asawa mo?” naiinis nitong wika sa kaniya.
Marahil dahil palagi na lang siyang tumatanggi kapag nag-aaya ito sa mall or bar. Gusto man niyang sumama kay Giselle pero pinagbawalan siya ng asawa niya na sumama sa kaibigan dahil hindi raw maganda ang impluwensiya nito.
"Gie…."
“Kapag hindi ka pumunta rito, sinasabi ko sa’yo!” pagbabanta pa nito sa kaniya na ikinatawa niya nang mahina.
Parang nakikita na niya kasi ang itsura ng kaibigan. Nanlalaki na ang butas ng ilong nito at halos itirik na ang mata sa inis sa kan’ya.
“Okay, pupunta na ako d’yan,” natatawang niya pang wika.
“’Wag kang tumawa-tawa d’yan sinasabi ko sa’yo! Baka kapag nakita mo ang nakikita ko… Hmmph... malamang iiyak ka!”
“Huh? Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan niyang tanong.
Bagaman nakaramdam siya ng kaba sa sinabi nito ay hindi niya ipinahalata sa boses. Gusto niyang magpakampante at isipin na naiinis lang ang kaibigan niya sa kaniya.
Tumawa ito nang mahina. “By the way, where’s your husband?”
Napakunot-noo si Zarina at inalis ang cellphone na hawak sa tainga at bahagyang inilayo para tingnan bago ibinalik muli sa tainga.
“Huh? Ano sabi mo?” pag-uulit niya.
Gusto ni Zarina makasiguro na ang tinatanong nito ay asawa niya.
Isang maharot na tawa ang pinakawalan ni Giselle.
"Paranoid much? If I were you, all you had to do is come here and observe what I see?" may pang-uuyam na wika nito sa kaniya.
Sanay naman siya kay Giselle na gano’n magsalita pero ibang usapan kapag nababanggit ang asawa niya.
Huminga muna siya nang malalim bago napilitan na sumang-ayon sa kaibigan na puntahan niya ito sa SEO Mall.
May thirty minutes lang naman ang biyahe niya mula sa Makati. At dahil medyo maaga pa naman ay hindi naman masyadong ma-traffic papunta roon kaya niyang makapunta roon ng mga twenty minutes.
Nang ini-end call na niya ang cellphone ay dali-dali siyang tumawag sa opisina ng asawa. Nang sumagot ang sekretarya nito ay agad sinabing nasa business meeting ang asawa niya kasama ang ibang investor at baka hindi na bumalik sa opisina dahil may dinner meeting pa ito kay Mr. Alora. Nagbilin lang daw ang asawa niya ng mga gawain sa sekretarya.
Nagtatalo ang isip at puso niya kung pupuntahan ba ang kaibigan o hindi. Pero nanaig ang una niyang naisip. Dahil gusto niyang ipamukha rito na ang asawa niya ay busy sa pagtatrabaho at walang time pumunta sa mall.
Kahit naman na hindi sila okay ni Antoine ay ayaw niya pa rin na may masasabing masama ang ibang tao rito.
Nang makaligo at makapagbihis si Zarina ay agad niyang hinayon ang SEO Mall kung saan naghihintay sa kan’ya si Giselle.
“You're finally here,” masayang wika nito nang makita siya.
Ang ngiti nito ay tila naka-plaster dahil malapit na magpang-abot ang bibig at tainga nito.
"I don't waste my time, Giselle."
Bagaman nakangiti siya sa kaibigan ay sadya niyang ipinakita rito ang pag-irap n'ya.
“Hundred percent sure. Gusto mo nang makita ang nakita ko?”
Hindi umimik si Zarina sa kaibigan at nagpatianod na lang siya nang iginaya siya pahayon sa east wing ng mall.
Mula sa pinagtataguan ni Zarina kitang-kita niya ang asawa niyang si Antoine na may hinihintay sa tapat ng isang sikat na boutique habang may karga-kargang bata. Nakasuot pa rin ito ng three-piece suit na suot nito kanina bago umalis ng bahay.
Hula ni Zarina ang batang karga ng asawa n’ya ay nasa ilang buwan pa lamang. Based sa payat na pangangatawan nito at sa kung papaano ito buhatin ng asawa niya. Tila isang mamahaling baso na takot maibagsak.
Kung ano ang ginagawa ng asawa niya roon ay hindi niya alam.
Andaming tanong pumapasok sa isip niya, gaya kung sino ang ina ng bata?
Bakit kailangan kargahin ‘yon ni Antoine?
Bakit nagsinungaling ang sekretarya nito nang tumawag s’ya kanina? Ang sabi may mahalagang inaasikaso ang asawa niya.
Bago pa man maisipan ni Zarina na puntahan ang asawa at itanong kung sino ang batang karga nito.
May babaeng naglalakad palapit dito.
Nakasuot ng isang maxi dress na kulay dilaw simple pero malakas ang dating. Nakasuot ‘yon ng shades kaya hindi niya makilala ang babae.
Kitang-kita ni Zarina kung papaano ngitian ng asawa niya ang papalapit na babae. Animo’y slow-motion ang pagngiti nito sa babae. ‘Yong ngiti na hindi niya nakikita sa asawa niya kapag kasama siya. ‘Yong ngiti na masasabi niyang genuine talaga na hindi napipilitan dahil may kaharap na ibang tao. ‘Yong ngiti na para sa iisang tao lang inilalaan. At ang masakit hindi siya ang taong ‘yon.
Sad but the truth.
Hindi pa man nakakahuma si Zarina sa kinatatayuan. Daig niya pa ang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
"Hon, I bought this, look!"
Nakangiting ipinakita pa ng babae ang tatlong paper bag na hawak nito sa kamay at iniangat nang bahagya.
Hon?
Nag-e-echo sa pandinig ni Zarina ang salitang ‘yon. Dahil sa boses pa lang ng babae ay hindi siya maaaring magkamali. At iisang tao lang ang alam niyang tumatawag ng “Hon” sa asawa niya.
Mula sa kinatatayuan ni Zarina humakbang pa siya ng isa para malaman kung tama ba ang hinala niya.
Hindi nga siya nagkamali.
Serenity Sullivan!
Her husband's ex-fiancée.
Napapikit at napahawak si Zarina sa braso ng kaibigan niyang si Giselle para siyang mawawalan ng panimbang. Lahat ng tapang niya kanina ay biglang nawala. Ilang beses niya pang ikinurap-kurap ang mata kung talaga ba na ‘di siya dinadaya ng kaniyang paningin.
Pero hindi, eh! Talagang totoo ang nakikita niya.
Hindi lang siya basta namamalikmata.
Pero anong ginagawa ng dating kasintahan ng asawa niya rito? Kailan pa ito dumating? Bakit nandito ito ngayon? Bakit magkasama sila ng asawa niya? Nagkabalikan ba ang mga ito nang hindi niya nalalaman? Kailan pa? Anak ba nila ang batang karga ng asawa niya?
Nahilot niya ang sentido.
Ang huli balita niya kay Serenity umalis ito patungo Switzerland bago pa sila ikasal ni Antoine.
Maraming katanungan ang pumapasok sa isip niya pero wala siyang mahagilap na sagot. Mukhang pati ang utak niya hindi nakakapag-function nang maayos, dahil shock pa rin.
Nakaka-blangko ng utak.
Nakita niyang nakangiting inakbayan ng asawa niya si Serenity habang ang isang braso nito ay karga-karga pa rin ang bata.
What a perfect happy family!
Para silang isang masayang pamilya.
Sa isip ni Zarina gustong-gusto na niyang puntahan ang mga ito.
Sugurin...
Pagsisigawan at ipakita sa lahat ang ginagawang pagtataksil ng asawa niya at ang dating kasintahan nito.
Sa isip niya, gusto niyang hilahin ang buhok ni Serenity palayo sa asawa niya. Gusto niyang pagsasampalin ito hanggang umikot ang mukha.
‘Di niya magawa dahil hindi n’ya kaya!
Duwag siya!
Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ni Zarina sa kaniyang mata. Ang dibdib niya nanikip bigla. Ang lalamunan niya parang may nakabara na kung ano dahil hirap na hirap siya sa paglunok. Pakiramdam niya namamanhid ang buong pagkatao niya.
Sanay naman siyang masaktan ni Antoine mentally at emotionally.
Pero' yong ganito?
Hindi!
Dahil hindi niya napaghandaan ang ganitong eksena.
"Zan?"
Dahan-dahan niyang ipinaling ang ulo sa kaibigan. Bakas sa magandang mukha ni Giselle ang pag-aalala sa kaniya. Marahil maski rin ito ay nagulat nang makita ang babaeng kasama ng asawa niya ay ang ex-fiancée nito.
“Gusto mo bang sundan natin sila?”
Para ano?
Para mas masaktan siya lalo!
Agad siyang umiling sa suhestiyon ng kaibigan.
Hindi na niya alam kung makakaya niya pa ba ang mga eksenang makikita ngayong araw na ‘to? At isa pa, hindi siya handa kung sakaling makita at mapansin ni Antoine na sinusundan niya ang mga ito.
What if? Magkaharap-harap silang tatlo?
Ano gagawin niya?
Baka pagtawanan pa siya ng mga ito lalo na si Serenity.
Paano kung hilingin ni Antoine na ipa-annulled ang kasal nila para malaya na nitong makasama at mahalin ang dating kasintahan nito.
Hindi niya kakayanin ‘yon!
Iniisip pa nga lang niya parang may libo-libong karayom na ang tumutusok sa puso niya. ‘Yong mahiwalayan pa kaya nang totohanan.
Baka ikamatay niya pa ‘yon!
She can't live without him.
How can she survive without him?
Paano siya?
Iniwan na siya ng magulang niya, pati ba naman asawa iiwanan pa rin siya?
"Zan—"
"I want to go home, Giselle."
"But—"
"Please…"
“Are you sure? Ayaw mo bang alamin kung—"
“Giselle, please... stop! I don’t wanna hear anything,” nahahapong saway sa kaibigan.
Ayaw na niyang makarinig ng kahit na ano. Ayaw na niyang madagdagan ang mga iniisip niya ngayon.
Ang gusto niya lang ay umuwi at magpahinga.
Pakiramdam niya pagod na pagod siya kahit ang totoo wala naman siyang ginawa kundi ang sundan ang asawa niya sa mall. Na ngayon, ay pinagsisisihan na niya kung bakit nakinig pa siya sa kaibigan.
Kung hindi siya inaya nito, hindi sana niya nakita ang asawa kasama ang dating kasintahan nito na masaya.
Gusto man niyang sisihin si Giselle pero hindi na niya ginawa. Dahil alam niya ginawa lang ‘yon ng kaibigan dahil concern ito sa kaniya.
Concern nga ba?
Hanggang sa makarating sila ni Giselle sa parking area ay walang nangahas sa kanilang basagin ang katahimikan.
Pagkapasok pa lang ni Zarina sa loob ng sasakyan agad niyang ipinikit ang mata at sumandal sa upuan. Gusto na niyang umuwi kung saan malaya siyang umiyak nang tahimik.
"Zan?"
Napamulat ng mata si Zarina.
Nakita niya si Giselle nakatunghay sa kaniya, ang mukha nito bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniya.
“Nakatulog na pala ako,” aniya at mabilis na inalis ang pagkakabit ng seatbelt niya pero hindi pa muna siya bumaba.
“Yeah, kanina pa kita ginigising kaso napasarap tulog mo.”
“Ahh... Ganoon ba?” walang buhay niyang sagot kay Giselle.
“Zan, I’m sorry. Kung alam ko na si Sere—"
“Bababa na ako, Giselle. Ingat ka pag-uwi.”
Hindi na niya hinintay ang tugon ni Giselle. Mabilis siyang bumaba sa sasakyan at hindi na lumingon sa kaibigan.
Pinutol na niya ang mga sasabihin nito dahil ayaw na niyang makarinig ng kahit na ano.
Kay Antoine at kay Sere-
Nevermind…
Kakalimutan niya ang nakita niya at magpapanggap na lang siya na walang nakita. Hindi puwedeng panghinaan siya ng loob. Lalo pa’t malapit na ang second wedding anniversary nila ni Antoine.
Bago buksan ni Zarina ang pinto ng kanilang bahay. Huminga muna siya nang malalim at nagpakawala ng isang buntong-hininga.
Ayaw niya na papasok siya sa bahay na may dinadalang negative vibes. Baka kumalat pa sa loob ng bahay nila at malasin pa sila.
Pagkapasok ni Zarina sa loob ng bahay agad niyang hinayon ang grand staircase pahayon sa second-floor kung saan ang kuwarto nilang mag-asawa.
Pagbukas ni Zarina ng pinto nakaramdam siya ng lungkot. Ang mata niya ay unti-unting nanlalabo dahil sa luha.
Luha na kanina niya pa pinipigilan.
Dito sa kuwartong ito, nabuhay ang pag-asa niya na maayos ang pagsasama nila ng asawa niya noong nakaraang buwan.
Dahil sa loob ng isang kalahating taong mahigit. Sa ibang kuwarto siya na tutulog habang ang asawa niya ay madalas na sa condo nito nauwi.
Pero noong isang buwan umuwi ito at nag-request na magtabi silang matulog.
‘Yon ata ang pinakamasayang gabi niya.
Pero... Katulad din ng mga paninda sa grocery lahat may exipiration.
At ang expiration na ‘yon, nagsimula na noong isang Linggo.
Ngumiti siya nang mapakla habang ang luha niya ay hindi matigil kakalabas sa mata niya.
Now she knows why Antoine is suddenly cold to her.
Buong akala niya ay busy talaga ito sa trabaho. Ibang trabaho pala ang pinagkakaabalahan nito.
Dahan-dahan siyang naglakad pahayon sa kama at umupo sa tapat kung saan nakasabit ang kanilang wedding picture.
Pinagmasdan niya nang maigi ang litrato nila ni Antoine. Kung siya ay nakangiti sa larawan, ang asawa niya ay seryoso ang mukha.
Hindi man lang mabanat kahit isang ngiti sa labi nito.
Halatang napilitan lang para magpa-picture.
Pero kahit ganoon, sobrang guwapo pa rin ng asawa niya sa picture.
Ang makapal nitong kilay, ang namimilantik ang pilikmata na dinaig pa ang babae. Matangos na ilong, prominent jawline at ang labi nito na paborito niya, kahit na ilang beses pa lang niya natikman ‘yon.
Kaya nga nabaliw siya nang husto rito kahit na alam niyang ikakasal na ito sa fiancée na si Serenity.
Ginawan niya ng paraan para siya ang maging Mrs. Antoine Savic sa huli.
Nagtagumpay naman siya.
Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ni Zarina habang nakatingin lang siya sa wedding picture, marami siyang na-realize ng mga sandaling ‘yon.
Para siyang natanggalan ng helmet sa ulo sa rami ng mga na-realize niya.
Andami niyang maling nagawa.
Andami niyang nasaktan noon, dahil sa pagiging spoiled brat at inconsiderate niya.
Nag-backfire lahat ngayon sa kaniya.
Now, what?
Hahayaan na ba niya si Antoine at Serenity?
No! Agad na tutol ng isip niya.
Pagpasok ni Zarina sa lobby ng Savic Avionics Corporation, agad na naningkit ang mga mata niya.Serenity.Standing just a few steps away from the CEO’s elevator. Her long, pale blue silk maxi dress hugged her frame in all the right places—flowy, elegant, and graceful.Sa isang kamay nito, may hawak siyang isang minimalist pero halatang mamahaling food bag. Custom. Designer. Obvious.Tila ba pareho pa sila ng pakay—may dala rin itong pagkain.Binagalan niya ang paglalakad, sabay obserba.Sa mga nakaraang araw na na-oobserbahan niya ito, laging maluluwag ang mga suot ni Serenity. Pero kadalasan ay lapat sa dibdib ang tela, tapos ay sobrang flowy pababa. She had that signature look—soft but structured, effortless yet precise.Naalala pa ni Zarina 'yung lumang feature nito sa isang lifestyle magazine. Bronzed shoulders, toned arms, slim waist. Sexy, yes. Pero hindi bastos. Hindi pilit. May ganong klase ng femininity si Serenity—yung hindi kailangang sumigaw para mapansin.At ngayon, kahit
Pabagsak na isinara ni Antoine ang pinto ng kotse. Mariing napapikit siya, halos hindi makahinga. Ang dibdib niya’y mabigat, puno ng emosyon na hindi niya maipaliwanag. Sa dami ng tanong na nag-uunahan sa isip niya ay hindi na niya alam kung ano ang unahin. He loved Zarina. There was no question about that. His heart and mind have always been clear from the beginning to now.Pero ang iniwang last will ni Don Zandro ang parang bomba sa pagitan nilang dalawa. Parang may alam ang matanda—na may mangyayaring hindi nila inaasahan. Dahil kung wala, bakit siya isinama sa testamento bilang tagapangalaga ng ilan sa mga ari-arian? At ang daddy niya tila may alam na noon pa, kaya ba na pinipilit siya nito dahil sa ari-arian na mayroon si Zarina? Napailing siya.How ironic that it felt as if he had no choice at all.Ini-start niya ang sasakyan. Mabilis ang pagpitik ng kamay niya sa manibela. Kailangan niyang abalahin ang sarili kung hindi mababali siya. Pagdating sa Savic Avionics Corporation,
Tahimik si Javier. Pero hindi iyon katahimikang walang laman. Sa pagkakatikom ng kanyang panga, sa higpit ng pagkakakapit niya sa armrest ng upuan, malinaw ang bagabag at sama ng loob na pilit niyang nilulunok. Hindi siya umiimik, pero malakas ang sigaw ng katawan niya—ng damdaming matagal nang pinipigilan. Ang pangalawang testamento ay hindi na siya kasali, kaya't mahinahon siyang tumayo, kasama ang kaniyang pamilya. Bago umalis, humarap siya kay Zarina, pilit ang ngiting sa kaniyang labi. "Aalis na ako, iha," aniya, bahagyang tumango. "Sana... anuman ang nilalaman ng last will ng papa mo, hindi ito maging dahilan para maputol ang ugnayan natin bilang magkamag-anak. Kung sakaling may kailangan ka—anumang bagay—pumunta ka lang sa Negros. Huwag kang mag-atubili." Napalunok si Zarina. May kirot sa lalamunan, pero pinilit niyang ngumiti sa Tito niya. "Salamat po, Uncle Javier. Ingat po kayo sa pag-uwi. Jaz, James, and Auntie Wilma." Tumango lamang ang mga ito, walang imik, ngunit
“Don’t worry. My son will agree with whatever I want. Kilala ko ang anak ko. Susunod iyon sa gusto ko kaya huwag kang mag-alala.”Natigilan si Antoine sa may pinto ng opisina.Nakahawak na siya sa door handle pero bigla siyang napako sa kinatatayuan, parang may malamig na hangin na sumalpok sa likod niya.Nauna na si Don Antonio pumasok sa opisina para kunin ang ilang papeles bago pumunta sa Buenavista Hotel, kung saan babasahin ang mana ni Zarina mula sa mga namayapa nitong magulang.Siya naman, galing pa sa presinto kasama si Serenity para I-report ang nangyari sa dating kasintahan.Ayaw sana nito na mag-report dahil baka isa lang daw sa mga fans nito ang may gawa. Pero siya ang nagpumilit. Hindi siya mapalagay. He needed to make sure na hindi na mauulit ang ganoong pangyayari.Hindi rin naman habang buhay ay puwede itong manatili sa condo niya. Personal space niya iyon.“I’ll take care of everything. No one will suspect a thing. My men are clean. They follow orders—nothing more.”N
Nagising si Antoine sa malamlam na liwanag ng umagang sumisilip sa bintana. Tumama ang sinag ng araw sa gilid ng kanyang mukha, ramdam niya ang init nito sa malamig pang balat. Tahimik siyang bumangon, dumiretso sa kusina—suot pa rin ang maluwag na sando at kupas na pajama.Pagpasok pa lang, naamoy na niya ang sinangag… at kape. Home. Familiar.“Hi, Hon—Oops, sorry,” mabilis na bawi ni Serenity, kitang-kita ang awkward sa mukha niya. “I mean… good morning,” dagdag niya, pilit ang ngiti habang inaayos ang mga plato sa mesa.Antoine nodded slightly. “Good morning. You’re up early.”She wore a white nightdress under a satin robe. Ang buong ayos niya—parang sinadyang gawing relaxed, pero may bigat sa mata. Pilit ang normal. Pilit ang tahimik.“I told you, I’m a morning person,” she said, motioning to the table. “Come eat. Sorry, I used your kitchen. I just… wanted to cook something special. Like old times.”Napatingin si Antoine sa mga ulam—longganisa, garlic rice, itlog na maalat with
Maagang nagising si Zarina kinabukasan, kahit pa halos madaling araw na siya nakatulog kanina sa kaiisip kay Antoine. Parang hindi sapat ang ilang oras na tulog para mapawi ang bigat sa dibdib niya.Nakatayo siya ngayon sa balkonahe ng kwarto niya, nakasandal sa malamig na bakal habang pinagmamasdan ang tahimik na hardin. Maliwanag na ang langit, pero may lungkot pa rin sa paligid. Parang pati kalikasan ay nakikiramay sa nararamdaman niya.Napatingin siya sa garahe mula sa taas. Wala pa rin ang sasakyan ni Antoine. Siguradong hindi ito umuwi at kasama nito ang babaing iyon. At kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na baka may ibang rason kung bakit ito nagpakita kay Serenity ng dis oras ng gabi ay may bahagi sa puso niya na nagsasabi na baka may ginagawa ang dalawa sa loob ng condo nito. Kung ano-ano ang iniisip niya. Para bang siya ang may bahay na niloloko ng asawa. Huminga siya nang malalim at pumasok na ulit sa loob. Nag-shower siya. Ang malamig na tubig ay parang