Share

KABANATA 2

Author: Mhiekyezha
last update Huling Na-update: 2022-10-01 14:03:20

Hindi na namalayan ni Zarina na nakatulog na siya sa labis na pag-iniisip at pag-iyak. Nang magising siya ay agad na hinanap ng mata niya ang orasan na nakapatong sa mini cabinet pasado alas dose na ng gabi pero wala pa rin si Antoine.

May plano pa kayang umuwi ang asawa niya?

Baka hindi na ‘yon umuwi. Kita mo naman na magkasama sila ng first love niya kanina? Baka nga hanggang sa mga oras na ‘to ay magkasama pa rin sila.

Mapakla siyang napatawa.

Malamang!

Baka nagkaayos na rin ang mga ito dahil sa kalokohan na ginawa niya no’n bago pa maikasal ang mga ito. 

The realization hit her hard.

Kung kailan naman kasi na okay na sila ni Antoine saka naman magpapakitang muli si Serenity sa asawa niya?

Hindi ba puwedeng maging masaya na lang siya kapiling ang asawa?

Lord, pinarurusahan niyo ba ako? 

Dagling pinunasan ni Zarina ang mga luhang naglandas sa kaniyang mukha. Simula ata nang mahalin niya ang asawa puro pag-iyak at paghihintay na lang ata ang nagagawa niya. 

Napagpasyahan ni Zarina na tumayo para hayunin ang kusina nang kumalam ang kaniyang sikmura. Marahil halos wala pa siyang kain buhat kaninang umaga ng sundan nila ni Giselle ang asawa.

Pagkatapos kumain ay agad niyang iniligpit at hinugasan ang pinagkainan. Dahil wala naman silang kasamang kawaksi sa bahay nila. Hindi kumuha si Antoine kahit pa pinipilit ng ama nito na dapat may kasama sila sa bahay. Pero ang katwiran ng asawa niya, dapat niyang matutunan ang mga gawaing bahay dahil hindi p’wedeng wala siyang alam sa bahay lalo pa’t mag-asawa na sila.

Now, she wonders why.

Isa ito sa paraan nito para pahirapan siya at sumuko. Gustong-gusto na ni Antoine na hiwalayan siya pero hindi lang nito magawa dahil sa ama nito na si Don Antonio. Kaya lahat ng pahirap ginagawa nito para siya na ang sumuko.

Kaya kahit wala siyang alam sa gawaing bahay at sanay na may katulong na gagawa para sa kan'ya. 

Ginawa niya pa rin. Kumikilos siya. Naglilinis ng bahay, naglalaba at luluto. Lahat 'yon pinag-aralan niya. Sa isip niya, baka dahil doon matutunan din siyang mahalin ng asawa. Baka dahil doon mabura niya ang lahat ng galit nito.

Baka dahil doon... 

Ituring siyang asawa.

Asawa?

Napailing na lang si Zarina sa tanong ng isip niya.

Antoine already owns her entire personality system, so even if she doesn't want to think about it, her brain does.

Nang matapos si Zarina maghugas at magligpit. Ang plano sana niya ay bumalik na lang sa silid para matulog kaysa isipin ang walang katapusan na tanong sa isip niya. 

Hindi pa man siya tuluyang nakakaakyat sa grand staircase ay bumukas ang pinto at iniluwa roon ang asawa niya.

Tila isa itong magnanakaw na nahuli ng may-ari ng bahay dahil nagulat ito at hindi makakilos sa kinatatayuan.

Mataman niyang tinitigan ang asawa mula ulo hanggang talampakan ay maayos ito. Walang bakas na may ginawa ito ng kahit na ano.

Paano ka naman nakakasiguro na wala? Eksaheradang singit na tanong ng isip niya. 

Napalunok si Zarina bago ipinilig ang ulo nang siya ang unang nakabawi sa pagkabigla.

“Kumain ka na ba?” masuyong tanong niya.

Gusto na niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa pa rin niyang maging mahinahon kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niyang mag-outburst sa harap nito.

Sa isip niya pinagsasampal na niya ang asawa dahil alam niya naman kung saan ito galing. Dati-rati kasi hindi siya nag-iisip ng kahit na ano rito. Kahit nga hindi ito madalas umuuwi sa bahay nila dahil alam niyang walang Serenity sa paligid nila. 

Pero iba na ngayon!

“I've done eating at the conference meeting,” sagot nito. Na agad iniwas ang mata sa kaniya nang mapansin siguro nito na mataman niyang pinagmamasdan ito.

Conference meeting your ass, asshole! Gigil na sigaw ng isip niya. 

Kahit kating-kati na ang dila ni Zarina na tanungin ang asawa kung bakit kasama nito ang dating kasintahan ay hindi niya ginawa. 

Napahinga siya nang malalim.

Pilit siyang nagpapakahinahon dahil ayaw niyang magpadala sa emosyon na nararamdaman niya.

"Why are you still awake? Are you waiting for me?" 

Bakit gusto mo ba na tulog ako para hindi ko alam na umuwi ka nang late? Singit na tanong sa isip niya na hindi naman niya magawang isatinig.

“Kagigising ko lang, nakatulog kasi ako kanina,” mahinang tugon niya.

Agad na tumango ito at tumalikod sa kaniya para isara ang pinto bago humarap sa kaniya na kalmado. 

Biglang nakaramdam ng kaba si Zarina ng mga sandaling ‘yon. Dahil pakiramdam niya may ipagtatapat ito sa kaniya na bagay hindi pa niya kayang harapin kung sakaling tumama ang hinala ng isip niya.

Don’t cry, Zarina! Paalala niya pa sa sarili niya baka magmukhang kaawa-awa siya sa harap ng asawa.

Tama na ‘yong nagmumukha siyang tanga kapag nagkatalikod siya.

Napasinghap pa si Zarina nang lumakad papalapit ang asawa niya at ito naman ang mataman na nakatingin sa kaniya.

‘Yong tingin na sinusuri siya na para bang may nagawa siyang kasalanan. Nagtagal pa ang tingin nito sa mga mata niya.

"Go back to sleep because I'm only here to get some stuff. I'll be in Malaysia for a month for a business convention."

Sleep? Month? Malaysia?

Wait……...

Hindi pa man nagsi-sink in sa utak ni Zarina ang sinabi ng asawa niya ay naglakad na ito paakyat ng hagdanan. 

Basta na lang siya nilampasan nito na hindi man lang hinintay kung ano ang magiging sagot niya.

Kailan ba hiningi ng asawa niya ang opinyon niya?

Maang na sinundan na lang niya ng tingin ang asawa. 

What does he mean by traveling to Malaysia and attending a business convention for a month?

Ang kilos nito na may halong pagmamadali na tila bang may hinahabol ito na oras.

Is he going to leave me for a month?

No, because he will abandon you permanently! Sabat ng mahaderang isip niya.

Biglang kumabog nang husto ang dibdib niya sa kaba dahil sa naisip.

Agad siyang napasunod sa asawa. 

Kitang-kita niya na abala ito sa paglalagay ng mga damit sa maleta. Halos nasa tatlong maleta ang nakita niyang nakalabas para bang gusto nitong Haku tin ang lahat ng damit sa walk-in closet nila.

“Do you want me to help you?” mahina niyang tanong sa asawa na abala sa pagtupi ng mga damit para ilagay sa pangalawang maleta.

Gaga ka ng taon! Iiwanan ka na nga gusto mo pang tulungan na maglagay ng damit? Naiinis na singit ng isip niya.

Gano’n nga siguro kapag nagmahal? ‘Yong itong alam mo na iiwanan ka na pero hanggang sa huli ay pagsisilbihan mo pa rin.

"Go to sleep; I'm leaving. I'll close the door."

Natulala na lang si Zarina sa kinatatayuan nang lumabas ang asawa sa kanilang silid hila-hila ang tatlong maleta.

Dito na ba magtatapos ang pagiging Mrs. Savic niya?

Naglandas ang mga luha niya sa mga mata. 

Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin ngayon?

Susundan ba niya ang asawa o maghihintay na lang kung kailan ito babalik?

Wala sa sariling napatakip siya nang mukha gamit ang dalawang palad saka napahagulgol.

Wala na! 

Alam niya na hindi business convention ang pupuntahan ng asawa niya. Alam n’yang nagsisinungaling ito sa kaniya. 

Pero kahit gano’n hindi niya magawang tanungin ito. Natatakot siya sa magiging sagot nito. Natatakot s’ya baka mauwi sa hiwalayan ang mangyayari kung sakaling komprontahin n’ya ito. Natatakot siya na baka sa lahat ng ginawa niya para sa lalaki ay hindi siya ang piliin bandang huli.

Bakit hindi mo sundan para malaman mo? Paghahamon sa kan’ya ng isip niya.

Napatayo si Zarina at pinunasan ang luha sa mata. 

  

Susundan niya ang asawa buo na ang desisyon niya. Hindi p’wedeng maupo lang siya sa isang tabi para maghintay kung kailan ito babalik.

She will accept everything she witnesses and learns from her husband's actions.

Even if the truth hurts, she needs to know it.

Now or never!

Kinuha ni Zarina ang susi ng sasakyan na nakalagay sa ibabaw ng vanity mirror. Hinila na rin niya ang jacket na nakasampay sa upuan.

Patakbo siyang bumaba ng hagdanan at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ng sasakyan ay agad niyang pinasibad ang kaniyang Blue Ford Mustang.

Regalo 'yon ng namayapa niyang ama bago siya mag-twenty-one birthday.

Hindi na niya kailangan mag-isip kung saan siya pupunta. Dahil parang may sariling isip ang kan’yang sasakyan dahil dumiretso ito sa isang building na kung saan may unit ang asawa niya.

Buenavista Condominium ang nakalagay sa harapan ng building. 

Ang alam niya hindi basta-basta ang presyo ng mga unit doon. Tanging mga mayayaman lang ang nakaka-a-afford.

Mayaman naman siya. At minsan na rin niyang pinangarap na magkaroon ng sariling unit sa building na ‘yon. Pero buhat na maging asawa niya si Antoine halos buong buhay niya ay sa asawa umikot. 

Napangiti siya nang mapait bago lumingon muli sa entrance ng condominium.

Confirm!

Napatawa siya nang mahina. Nang ma-realize kung gaano kalakas ang kutob niya. 

She was right! 

Hindi business convention ang pupuntahan nito. Dahil kitang-kita niya ang isang malaking maleta na hila-hila ng asawa niya habang nakasunod dito si Serenity na may karga-kargang bata.

Dali-dali niyang kinuha ang cellphone pagkuwan tinawagan ang asawa niya. Mula sa loob ng sasakyan kitang-kita niya ang asawa na huminto sa paglalakad at kinuha nito ang cellphone sa bulsa. Nakita niya pa na nagkatinginan pa muna ang dalawa bago tiningnan muli ang cellphone na tila nagdadalawang isip kung sasagutin ba ang tawag n’ya o hindi. Mayamaya ay ini-off ng asawa niya ang cellphone at isinilid muli sa bulsa.

Isang tawa na pagak ang pinakawalan ni Zarina habang pinupunasan ang mga luhang naglalandas sa mga mata niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 87

    Pagpasok ni Zarina sa lobby ng Savic Avionics Corporation, agad na naningkit ang mga mata niya.Serenity.Standing just a few steps away from the CEO’s elevator. Her long, pale blue silk maxi dress hugged her frame in all the right places—flowy, elegant, and graceful.Sa isang kamay nito, may hawak siyang isang minimalist pero halatang mamahaling food bag. Custom. Designer. Obvious.Tila ba pareho pa sila ng pakay—may dala rin itong pagkain.Binagalan niya ang paglalakad, sabay obserba.Sa mga nakaraang araw na na-oobserbahan niya ito, laging maluluwag ang mga suot ni Serenity. Pero kadalasan ay lapat sa dibdib ang tela, tapos ay sobrang flowy pababa. She had that signature look—soft but structured, effortless yet precise.Naalala pa ni Zarina 'yung lumang feature nito sa isang lifestyle magazine. Bronzed shoulders, toned arms, slim waist. Sexy, yes. Pero hindi bastos. Hindi pilit. May ganong klase ng femininity si Serenity—yung hindi kailangang sumigaw para mapansin.At ngayon, kahit

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 86

    Pabagsak na isinara ni Antoine ang pinto ng kotse. Mariing napapikit siya, halos hindi makahinga. Ang dibdib niya’y mabigat, puno ng emosyon na hindi niya maipaliwanag. Sa dami ng tanong na nag-uunahan sa isip niya ay hindi na niya alam kung ano ang unahin. He loved Zarina. There was no question about that. His heart and mind have always been clear from the beginning to now.Pero ang iniwang last will ni Don Zandro ang parang bomba sa pagitan nilang dalawa. Parang may alam ang matanda—na may mangyayaring hindi nila inaasahan. Dahil kung wala, bakit siya isinama sa testamento bilang tagapangalaga ng ilan sa mga ari-arian? At ang daddy niya tila may alam na noon pa, kaya ba na pinipilit siya nito dahil sa ari-arian na mayroon si Zarina? Napailing siya.How ironic that it felt as if he had no choice at all.Ini-start niya ang sasakyan. Mabilis ang pagpitik ng kamay niya sa manibela. Kailangan niyang abalahin ang sarili kung hindi mababali siya. Pagdating sa Savic Avionics Corporation,

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 85

    Tahimik si Javier. Pero hindi iyon katahimikang walang laman. Sa pagkakatikom ng kanyang panga, sa higpit ng pagkakakapit niya sa armrest ng upuan, malinaw ang bagabag at sama ng loob na pilit niyang nilulunok. Hindi siya umiimik, pero malakas ang sigaw ng katawan niya—ng damdaming matagal nang pinipigilan. Ang pangalawang testamento ay hindi na siya kasali, kaya't mahinahon siyang tumayo, kasama ang kaniyang pamilya. Bago umalis, humarap siya kay Zarina, pilit ang ngiting sa kaniyang labi. "Aalis na ako, iha," aniya, bahagyang tumango. "Sana... anuman ang nilalaman ng last will ng papa mo, hindi ito maging dahilan para maputol ang ugnayan natin bilang magkamag-anak. Kung sakaling may kailangan ka—anumang bagay—pumunta ka lang sa Negros. Huwag kang mag-atubili." Napalunok si Zarina. May kirot sa lalamunan, pero pinilit niyang ngumiti sa Tito niya. "Salamat po, Uncle Javier. Ingat po kayo sa pag-uwi. Jaz, James, and Auntie Wilma." Tumango lamang ang mga ito, walang imik, ngunit

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 84

    “Don’t worry. My son will agree with whatever I want. Kilala ko ang anak ko. Susunod iyon sa gusto ko kaya huwag kang mag-alala.”Natigilan si Antoine sa may pinto ng opisina.Nakahawak na siya sa door handle pero bigla siyang napako sa kinatatayuan, parang may malamig na hangin na sumalpok sa likod niya.Nauna na si Don Antonio pumasok sa opisina para kunin ang ilang papeles bago pumunta sa Buenavista Hotel, kung saan babasahin ang mana ni Zarina mula sa mga namayapa nitong magulang.Siya naman, galing pa sa presinto kasama si Serenity para I-report ang nangyari sa dating kasintahan.Ayaw sana nito na mag-report dahil baka isa lang daw sa mga fans nito ang may gawa. Pero siya ang nagpumilit. Hindi siya mapalagay. He needed to make sure na hindi na mauulit ang ganoong pangyayari.Hindi rin naman habang buhay ay puwede itong manatili sa condo niya. Personal space niya iyon.“I’ll take care of everything. No one will suspect a thing. My men are clean. They follow orders—nothing more.”N

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 83

    Nagising si Antoine sa malamlam na liwanag ng umagang sumisilip sa bintana. Tumama ang sinag ng araw sa gilid ng kanyang mukha, ramdam niya ang init nito sa malamig pang balat. Tahimik siyang bumangon, dumiretso sa kusina—suot pa rin ang maluwag na sando at kupas na pajama.Pagpasok pa lang, naamoy na niya ang sinangag… at kape. Home. Familiar.“Hi, Hon—Oops, sorry,” mabilis na bawi ni Serenity, kitang-kita ang awkward sa mukha niya. “I mean… good morning,” dagdag niya, pilit ang ngiti habang inaayos ang mga plato sa mesa.Antoine nodded slightly. “Good morning. You’re up early.”She wore a white nightdress under a satin robe. Ang buong ayos niya—parang sinadyang gawing relaxed, pero may bigat sa mata. Pilit ang normal. Pilit ang tahimik.“I told you, I’m a morning person,” she said, motioning to the table. “Come eat. Sorry, I used your kitchen. I just… wanted to cook something special. Like old times.”Napatingin si Antoine sa mga ulam—longganisa, garlic rice, itlog na maalat with

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 82

    Maagang nagising si Zarina kinabukasan, kahit pa halos madaling araw na siya nakatulog kanina sa kaiisip kay Antoine. Parang hindi sapat ang ilang oras na tulog para mapawi ang bigat sa dibdib niya.Nakatayo siya ngayon sa balkonahe ng kwarto niya, nakasandal sa malamig na bakal habang pinagmamasdan ang tahimik na hardin. Maliwanag na ang langit, pero may lungkot pa rin sa paligid. Parang pati kalikasan ay nakikiramay sa nararamdaman niya.Napatingin siya sa garahe mula sa taas. Wala pa rin ang sasakyan ni Antoine. Siguradong hindi ito umuwi at kasama nito ang babaing iyon. At kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na baka may ibang rason kung bakit ito nagpakita kay Serenity ng dis oras ng gabi ay may bahagi sa puso niya na nagsasabi na baka may ginagawa ang dalawa sa loob ng condo nito. Kung ano-ano ang iniisip niya. Para bang siya ang may bahay na niloloko ng asawa. Huminga siya nang malalim at pumasok na ulit sa loob. Nag-shower siya. Ang malamig na tubig ay parang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status