Tila natuod si Zarina sa kinatatayuan niya, ang akma niyang paghakbang ay nabitin sa ere. Hindi niya rin magawang lumingon dahil natatakot siya sa makikita niya. ‘Yong baritonong boses pa nga lang naririnig n’ya, iba na ang epekto no’n sa buong katawan niya. Halos lahat ata ng balahibo sa katawan niya ay nagsitaasan. Ang puso niya tila may sinalihan na car racing dahil sobrang bilis ng tibok no’n, para siyang aatakihin sa puso ng wala sa oras.
"I'm impatiently waiting for your answer, young lady! Where have you been? Why have you returned home late? You've lied to your mother, saying you were too busy studying to attend my welcome party."
Napalunok si Zarina at dahan-dahan ibinaba ang paa para makatayo nang maayos. Ramdam niya ang inis sa boses nito. Gusto man niyang salubungin ng tingin ito ay hindi niya magawa dahil hindi niya alam kung papaano ito haharapin, at sasagutin.
Bigla para siyang natataranta dahil naramdaman niyang kumilos ito mula sa likuran niya at naglakad palapit. Gustong-gusto na niya itong lingunin hindi niya magawa, pakiwari niya ang kaniyang leeg ay nanigas at hindi magawang ikilos papaling sa gawing likuran.
Her heart beats only for him.
"Baby Zi, why don't you look at me while I'm talking to you? Do you hate me that much?"
Napapitlag pa siya ng maramdaman ang hininga nito na tumatama sa punong-tainga niya. Kakaiba ang init na hatid sa kaniya, ang palad nito ay lumapat sa braso niya na dumausdos pababa hanggang sa kamay niya.
Gusto man niyang bawiin ‘yon ay hindi niya magawa dahil hinawakan na nito nang mahigpit.
“Hate? You’re too much conclusion.” Naiiling niyang sagot dito nang hindi pa rin lumilingon sa binata.
Mas lalo siyang kinabahan ng umikot ito paharap sa kaniya, kaya iniyuko niya ang ulo parang hindi niya kakayanin na salubungin ang tingin nito. ‘Yong boses pa nga lang naririnig niya halos naghuhumerentado na ang puso niya. Papaano pa kaya kung tiningnan niya pa ito? Baka mawindang ang buong pagkatao niya.
Hindi niya iniwas ang sarili rito ng tatlong taon para bumalik sa umpisa. At maghahabol sa lalaki. Tapos na siya sa part ng paghahabol at naka-move on na rin siya.
Naka-move on, nga ba? Singit na tanong sa isip niya.
Huminga nang malalim si Zarina at inipon ang lahat ng lakas ng loob niya bago iniangat ang ulo.
Gano’n na lang ang ginawa niyang pag-atras dahil nabungaran ng mata niya na hanggang dibdib lang siya nito. Sa taas niyang 5’6 ang buong akala niya ay maabutan niya ito o kahit hanggang balikat man lang nito.
Nabasa niya kasi na ideal sa isang magkarelasyon na dapat hindi masyadong nagkakalayo ang tangkad ng lalaki sa babae. Pero mas cute tingnan ang magkarelasyon kung mas maliit ang babae sa lalaki.
Parang silang dalawa lang.
Napalunok siya at napayuko ng ulo.
Kinakabahan na naman siya.
Parang hindi rin maganda ang epekto ng alak sa kaniya dahil parang roller coaster tuloy ang nararamdaman niya ngayon.
Parang masusuka siya na ewan!
Ano ba kasi ang ginawa nito sa makalipas ng tatlong taon? Sumobra naman ata sa tangkad.
Baka naman kaka—"
Bigla siyang napatingin sa braso nito baba hanggang sa kamay. Napalunok pa siya ng makita niya ang mga ugat nito sa kamay.
'Di kaya?
Isang tikhim ang narinig ni Zarina kaya napilitan pa siyang tingalain ito. Para na naman siyang matutulala.
He still looks exactly like three years ago pero mas nadepina ang mukha niya ngayon. Kung no’n ay hinahangan niya ang pagiging boy-next-door nito. Ngayon, ay para itong isang Greek God na bumaba galing sa Olympus.
She swallowed hard in anticipation.
"Baby Zi?"
"Huh?"
“I’m talking to you. Anong, huh?” Kunot-noo nitong tanong sa kan’ya na parang naiinip dahil hindi pa pala niya nasasagot ang tanong nito.
“Amph… I-I mean…” Pumikit muna siya nang mariin at ipinilig ang ulo para alisin ang hindi magandang naiisip. “Hmmm… what are you exactly doing here?” tanong niya ng makabawi sa pagkabigla.
Tumawa ito nang mahina pero napaka-sexy sa pandinig niya.
“Baby Zi, I came here because I want to see my little sister. And besides, ako ang nag-drive sa magulang mo. Dinala ko na rin sa kuwarto mo ang mga pasalubong ko sa’yo.”
Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito kaya napatingin siya rito.
Nalaman kaya ng magulang niya na wala siya sa kuwarto?
“No, worries. Ako lang ang nakakaalam na wala ka sa kuwarto mo,” maagap nitong sagot na tila nahuhulaan nito ang nasa isip niya.
"Ahh... okay! Why haven't you come home yet?"
Tumaas ang isang kilay nito at mataman siyang tiningnan. Gano’n na lang ang pagsinghap niya ng hawakan nito ang mukha niya. Yumuko ito at inilapit nang husto ang mukha sa kaniya. Halos wala ng pagitan sa kanila. Amoy na rin niya ang pinaghalong alak at mint sa bibig nito. Bigla siyang napapikit nang bumaba ang mukha nito sa labi niya. Naramdaman niya na hinawakan nito ang pisngi niya at pinisil para mapaawang ang bibig niya.
"You came home at this hour, and you were intoxicated?" pigil na gigil nitong tanong sa kaniya.
Bigla siyang napamulat sa narinig.
“I’m twenty-one,” katwiran niya at agad na iniiwas ang tingin.
"Turning twenty-one, little sis. Not “twenty-one.” Kahit twenty-one ka pa! You're not meant to be drunk and come home late. What if someone rapes you? Kaya mo ba ang sarili mo? Kaya mo bang ipagtanggol?" gigil nitong wika at pinasadahan pa siya ng tingin. Na lalong ikinasingkit ng mata nito sa inis. "Now, look at you? Holy cow, you're wearing a little dress! Dinaig mo pa ang mga babae sa America sa klase ng pananamit mo!" Naiiling pa ito ng ulo at tumingin sa pader na kung saan siya dumaan.
Tila nakikita nito kung papaano niya inakyat ang pader para makapasok paloob ng bakuran.
"Did you climb up there while wearing that? For Pete's sake! Eunice. Aren't you concerned that what you're doing could lead to an accident?"
Eunice... Kailan ba na may nangahas na tumawag sa kaniyang second name maliban sa lalaking ito?
Wala! Dahil never siyang nagpatawag sa mga kaibigan niya ng Eunice.
Natulala lang si Zarina sa nakikitang inis sa mukha ni Antoine. Hindi niya naiintindihan kung ano ang pinagsasabi nito sa kaniya. Para itong nasa loob ng isang television na walang boses.
Pinasadahan n’ya ng tingin ang buhok nito na sadyang hinayaang nakalugay na hanggang balikat. Ang makapal nitong kilay na pinarisan ng kulay abo na mata, ang matangos na ilong at mapulang labi na animo’y naka-lipstick kahit hindi naman.
At ang….
Napalunok si Zarina ng bumaba ang tingin niya sa suot nitong puting long-sleeve na may iilang butones ang nakabukas sa harap. Bakat ang magandang pangangatawan nito, na halatang batak sa pag-gym.
Napahawak siya sa kaniyang leeg ng dumako ang tingin niya pababa sa suot nitong pants. Parang bigla nanuyo ang lalamunan niya nang magtagal ang mata niya sa harapan ng pants nito.
So... blessed!
Napalunok siya dahil sa naisip.
Ilang babae na kaya ang napasaya nito?
O….MG!
“Eunice!” Malakas na tawag sa kan’ya ni Antoine na ikinabalik ng diwa niya.
“What? Could you kindly quit shouting? Baka magising sina Mommy at Daddy. Ano ba kasi ang pinuputok ng butse mo d’yan? Kung itong damit ko ang problema mo? P’wes! Kahit manggalaiti ka sa galit… Wala na! Nasuot ko na. Naka-akyat na ako sa pader at dapat…” Tumingin pa muna siya sa pambisig na relo. “Sa ganitong oras, nasa taas na ako at dapat natutulog na! Kung hindi ka ba naman pumunta-punta pa rito at naghintay sa akin. E, ‘di sana ngayon natutulog ka na rin o ‘di kaya ay nakikipag-inuman sa mga kaibigan mo!” inis niyang sagot dito.
Kung kanina pinagpapantasyahan niya ito. Puwes! Ngayon, hindi na. Bumabalik na naman ang iritasyon niya sa lalaki. Kahit pa na patay na patay siya rito, nungka na ipaparamdam niya uli ‘yon.
Ay… wait! Anong patay na patay? She almost forgot; she's already moved on.
Kaya dapat wala na siyang pakialam sa sasabihin nito sa kaniya. Her world does not revolve around him.
Sadya niyang ipinakita ang pag-ikot ng mata niya at pakunwari ay bored niya itong tiningnan.
Huminga nang malalim si Antoine at nakapamaywang na tumingala sa taas na tila nagpipigil ng inis sa kaniya. Parang gusto na naman niyang matutulala sa kaguwapuhan nitong taglay.
Ang hindi niya maintindihan kung bakit nagagalit ito sa kan’ya gayong ang mga babae nito ay mas kinulang pa sa tela ang suot kumpara sa suot niya ngayon.
Baka naaakit sa’yo? Kaya kunwari nagagalit, panggagatong ng isang bahagi sa isip niya na ikinangiti niya nang lihim.
"What time do you go to school tomorrow... I mean, today?" tanong nito nang matapos ang mahabang patlang sa pagitan nila.
Bagamat ayaw niyang sagutin ay sa huli ay napilitan na rin siyang sabihin dahil umiikot na ang kan’yang paningin at pakiramdam niya ay may gustong lumabas sa bibig niya na pinipigilan pa niya hangga’t kaya.
"Two o'clock in the afternoon; may I go now?"
Nang makita niyang tumango si Antoine ay nagmamadali na siyang maglakad palampas rito ngunit hindi pa s’ya tuluyang nakakalayo ay bigla na lang siya nitong hinila sa braso.
The next thing she knew, he hugged her tightly and called her name.
Huminga nang malalim si Zarina, ramdam ang bigat na bumabara sa dibdib niya. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili pero wala siyang laban sa lungkot na sumilay sa kaniya. Totoo ang sinabi ni Serenity. Paulit-ulit iyong umuukilkil sa isip niya—kahit ano pa sigurong gawin niya, hinding-hindi siya mapapansin ni Antoine.Kailangan na ba niyang sumuko? Pero paano? Paano niya bibitawan ang pagmamahal na halos buong pagkatao na niya? At ang mana—ang huling bagay na pinanghahawakan niya para mapatunayan sa sarili niyang karapat-dapat siya?Umupo siya sa isang bench sa Ayala Triangle, pinagmamasdan ang mga puno na siyang nagbibigay lilim sa kinauupuan niya. Hinawakan niya ang paper bag na kanina pa niya dala, ramdam ang lamig ng plastic container sa loob. Parang sumasabay pa ang pagkain sa bigat ng nararamdaman niya.Lahat ng confidence na inipon niya bago pumunta sa opisina ni Antoine naglaho bigla ng kausapin siya ni Serenity. Ininsulto at pinagmalakihan siya nito. Napatingin siya sa mga
Tahimik na nakaupo si Antoine sa loob ng kanyang study, tanging ilaw lang ng laptop ang nagbibigay-liwanag sa paligid.His eyes were fixed on the wallpaper—isang lumang litrato nila ni Zarina na matagal nang naka-set doon. Trese anyos pa lang si Zarina noon, habang siya naman ay bente tres na, nang magkasama silang nagbakasyon sa Hacienda Savic.Nasa upuan siya habang si Zarina ay nakatayo sa likuran niya, nakayakap ito sa kanya na parang ayaw bumitaw.Napangiti siya nang bahagya, at halos hindi namalayan na hinaplos ng kanyang daliri ang mukha ni Zarina sa litrato.Kay ganda talaga ni Zarina. Even at such a young age. Zarina’s beauty was already striking. The soft curve of her figure, the brightness of her smile, at ang mga mata nitong parang laging may sinasabi.She was both seductive and innocent.Antoine leaned back on his chair, eyes still glued to Zarina’s smile frozen on the screen.He remembered that day. Hayagan si Zarina sa nararamdaman nito para sa kanya na palagi niya l
The echo of her heels against the polished marble floor rang louder than usual.Kampante siya na hindi susunod si Zarina dahil alam niya na tinamaan ito sa sinabi niya. She would not stand idly by, only to be outmaneuvered—only to watch Zarina steal Antoine away from her completely. Kailangan niya si Antoine para maisalba siya sa tiyak na kahihiyan. Kailangan ng anak niya ang magiging ama. Kaya hindi siya papayag na makuha ni Zarina si Antoine. Humigpit ang hawak niya sa paper bag na dala, as if it was the only thing keeping her grounded. She rehearsed her smile a dozen times sa isip niya—isang maskara ng pagiging kalmado at propesyonal—kahit sa loob-loob niya, nag-aalab ang dibdib niya sa kaba at selos.Huminga pa siya nang malalim at handa na sana siyang pumasok sa opisina ni Antoine, pero bago pa niya mapihit ang doorknob, napansin niyang bahagyang nakaawang ang pinto.Napahinto siya.Her hand froze mid-air, knuckles whitening as she clutched the bag tighter. May kung anong inst
Pagpasok ni Zarina sa lobby ng Savic Avionics Corporation, agad na naningkit ang mga mata niya.Serenity.Standing just a few steps away from the CEO’s elevator. Her long, pale blue silk maxi dress hugged her frame in all the right places—flowy, elegant, and graceful.Sa isang kamay nito, may hawak siyang isang minimalist pero halatang mamahaling food bag. Custom. Designer. Obvious.Tila ba pareho pa sila ng pakay—may dala rin itong pagkain.Binagalan niya ang paglalakad, sabay obserba.Sa mga nakaraang araw na na-oobserbahan niya ito, laging maluluwag ang mga suot ni Serenity. Pero kadalasan ay lapat sa dibdib ang tela, tapos ay sobrang flowy pababa. She had that signature look—soft but structured, effortless yet precise.Naalala pa ni Zarina 'yung lumang feature nito sa isang lifestyle magazine. Bronzed shoulders, toned arms, slim waist. Sexy, yes. Pero hindi bastos. Hindi pilit. May ganong klase ng femininity si Serenity—yung hindi kailangang sumigaw para mapansin.At ngayon, kahit
Pabagsak na isinara ni Antoine ang pinto ng kotse. Mariing napapikit siya, halos hindi makahinga. Ang dibdib niya’y mabigat, puno ng emosyon na hindi niya maipaliwanag. Sa dami ng tanong na nag-uunahan sa isip niya ay hindi na niya alam kung ano ang unahin. He loved Zarina. There was no question about that. His heart and mind have always been clear from the beginning to now.Pero ang iniwang last will ni Don Zandro ang parang bomba sa pagitan nilang dalawa. Parang may alam ang matanda—na may mangyayaring hindi nila inaasahan. Dahil kung wala, bakit siya isinama sa testamento bilang tagapangalaga ng ilan sa mga ari-arian? At ang daddy niya tila may alam na noon pa, kaya ba na pinipilit siya nito dahil sa ari-arian na mayroon si Zarina? Napailing siya.How ironic that it felt as if he had no choice at all.Ini-start niya ang sasakyan. Mabilis ang pagpitik ng kamay niya sa manibela. Kailangan niyang abalahin ang sarili kung hindi mababali siya. Pagdating sa Savic Avionics Corporation,
Tahimik si Javier. Pero hindi iyon katahimikang walang laman. Sa pagkakatikom ng kanyang panga, sa higpit ng pagkakakapit niya sa armrest ng upuan, malinaw ang bagabag at sama ng loob na pilit niyang nilulunok. Hindi siya umiimik, pero malakas ang sigaw ng katawan niya—ng damdaming matagal nang pinipigilan. Ang pangalawang testamento ay hindi na siya kasali, kaya't mahinahon siyang tumayo, kasama ang kaniyang pamilya. Bago umalis, humarap siya kay Zarina, pilit ang ngiting sa kaniyang labi. "Aalis na ako, iha," aniya, bahagyang tumango. "Sana... anuman ang nilalaman ng last will ng papa mo, hindi ito maging dahilan para maputol ang ugnayan natin bilang magkamag-anak. Kung sakaling may kailangan ka—anumang bagay—pumunta ka lang sa Negros. Huwag kang mag-atubili." Napalunok si Zarina. May kirot sa lalamunan, pero pinilit niyang ngumiti sa Tito niya. "Salamat po, Uncle Javier. Ingat po kayo sa pag-uwi. Jaz, James, and Auntie Wilma." Tumango lamang ang mga ito, walang imik, ngunit