Share

KABANATA 5

Author: Mhiekyezha
last update Last Updated: 2022-10-21 21:40:49

“Best, thank you for this.” Nakangiting pasasalamat ni Zarina sa kaibigan n’yang si LC na naging punong-abala sa pag-organize ng surprise party para sa kaniya. Kung tutuusin advance party itong ginawa sa kaniya dahil next two weeks pa talaga siya mag-bi-birthday.

“Tsk, puwede ka naman magpasalamat. Bakit kailangan may pagyakap at paghalik pa sa pisngi?” pagrereklamo nito at saka lumayo nang kaunti sa kaniya.

Natatawang lumayo si Zarina sa kaibigan na pinupunasan ng tissue ang pisngi kung saan niya ito hinalikan.

Napailing na lang siya sa ginawa ng kaibigan.

Kung hindi niya talaga kilala si LC iisipin niya maarte ito at mayabang gaya ng pinapakita nito sa karamihan.

“Arte! Ganda ka, girl?” pang-iinis niya habang nakapamaywang.

"Are you lesbian?" balik na tanong nito na ikinatawa niya nang malakas.

"Duh! I’m not. Okay? Nag-kiss lang sa pisngi lesbian na? Baka ikaw?" ganting tanong niya.

“Me?” Exaggerated na itinuro ni LC ang sarili at pinasadahan ng tingin ang suot na black midi dress na hindi umabot sa tuhod.

"Look at me, Zia. Do you believe that this dress makes me a lesbian?"

Isang malutong na tawa ang isinagot ni Zarina sa kaibigan na may inis sa mukha. Pareho ang suot nila ni LC pero kulay pulang midi dress ang suot niya na mas maigsi sa suot nito. Lantad ang mahaba at makinis niyang mga hita.

"LC, you're too serious. I'm just kidding, okay!"

“Kung hindi mo lang birthday ngayon, papakaladkad kita sa mga bodyguard ko palabas ng South Ville,” pagbabanta pa nito sa kaniya na tinawanan lang niya.

Kilala niya ang kaibigan, ganito ito kahit noon pa man. Palaging panakot nito ang mga bodyguard na kasa-kasama nito sa mga kaklase nila na o sa mga nakakaaway nito.

LC is a spoiled brat just like her. Kaya nga pareho ang likaw ng mga bituka nila. Isang tinginan pa lang nila alam na alam agad nila ang ibig sabihin kahit hindi pa sila nagsasalita.

“Tara sa dance floor, Zia! Hindi ako nag-invite ng mga fafables dito para mabulok na nakatayo kasama ka. Sa ganda ko ngayon. Sure ako na maraming lalaki ang pipila sa akin para mapansin ko lang.”

Natawa siya nang mahina sa litanya ng kaibigan at napailing ng ulo, sumenyas siya rito na mauna na muna sa dance floor dahil wala pa siya sa mood para sumayaw.

Tumango naman ito at kumindat pa sa kaniya. 

“Sumunod ka,” bilin pa nito sa kaniya bago tumalikod. 

Sinundan niya na lang ng tingin si LC habang naglalakad ito na panay ang kembot ng baywang.

Nang makalayo ito ay saka naman niya naisipan na lumabas. Kumuha siya ng isang cocktail drink at naglakad palabas ng pavilion. 

Wala naman sa plano niya ang maki-party, kung hindi lang siya na-prank ni LC na nagpanggap ito na may mabigat na problema at kung natunugan n’ya na may ganitong ganap. Hinding-hindi siya pupunta rito.

Ngayon, namomroblema pa tuloy siya kung papaano makakauwi sa kanila ng hindi nagigising ang bantay sa gate nila. 

Papaano kung malaman pa ng magulang niya na wala siya sa kuwarto niya ngayon? Ano na lang iisipin ng Mommy niya kapag nalaman nito na umalis siya? 

Malamang! Iisipin ng mommy mo na talagang umiiwas ka kay Antoine, anang ng epal sa isip niya.

Napabuga na lang siya sa hangin dahil sa frustration. Ipinatong niya ang dalawang braso sa balustre habang pinapagalaw ang inumin sa baso.

“Zia, what are you doing here?” tanong ng baritonong boses na nagpalingon at nagpaayos ng tayo niya.

Tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw nila sa madilim na bahagi ng balkonahe, pero hindi hadlang ‘yon para hindi niya makita ang taong naglalakad papalapit sa kaniya. 

It’s Marlon Uy the chick magnet in their university. Katunayan, maraming babae ang nahuhumaling dito. Maraming babae ang tumataas ang kilay sa kaniya kapag kasama niya ito. 

“I know that look, lady? So, are you attracted to me?” nanunudyong tanong nito na inaangat-baba pa ang kilay habang naglalakad palapit sa kaniya.

Nagpakawala ng isang maharot na tawa si Zarina at hinampas ang balikat ni Marlon. Kung hindi lang ito pusong babae malamang magugustuhan niya ito. Maaari na ‘tong pamalit kay Antoine. Hindi man nito kasing guwapo si Antoine pero hindi naman ito papahuli sa lalaki.

“Baka ikaw? You’re attracted to me?” ganting pagbibiro niya rito at ikinawit ang isang kamay sa leeg nito.

Ito naman ang tumawa nang mahina at hinawi ng mga daliri nito ang buhok at kumindat sa kaniya. Ang isang kamay nito ay mabilis na pumulupot sa baywang niya.

“Hindi pa ako baliw, girl! Maganda ka lang, ako D’yosa na!” paanas na bulong nito sa tainga niya. 

Nagkatinginan sila at sabay nagkatawanan. Kung may makakakita sa kanila iisipin may relasyon sila at iisipin ng iba ay naghahalikan sila dahil sa lapit ng mga mukha nila.

“D’yosa ka, pero nakatago ka pa rin sa katawan na ‘yan. Kaya sa akin pa rin bagsak mo, babe,” ganting bulong naman niya rito na ikinatawa nito nang mahina.

“Babe, tara na sa loob. Baka kasi ‘di ako makapagpigil sa’yo—”

“Hahalikan mo ako?” gagad niya na hindi na ito pinatapos magsalita.

“Baka masabunutan kita sa kilay,” inis nitong bulong na tinawanan lang niya.

Napailing na lang si Marlon at umayos na ng tayo.

“Pasok na tayo,” pag-aaya nito sa kaniya.

“Okay, tara na,” pagsang-ayon niya.

Awtomatikong pumulupot ang braso nito sa baywang niya at iginaya na siya nito papasok muli ng pavilion.

“Zia, Marlon! Here!” Malakas na tawag sa kanila ni LC at kinawayan pa sila nito. Sabay pa sila nagkatinginan at nagngitian bago naglakad pahayon sa dance floor.

“Saan kayo galing?” tanong ni LC na punong-puno nang pagdududa habang nakatingin sa kanila.  

Tumawa siya nang mahina at napailing ng ulo. 

Lingid sa kaalaman kasi ni LC ang tunay na pagkatao ni Marlon, tanging siya lang ang nakakaalam no’n.

"Zia?"

“Awat na!” aniya at hinila ang dalawang kaibigan sa gitna ng dance floor. Hindi niya gustong sagutin ang mga tanong nito na puro pagdududa.

Sa bawat tapos ng isang tugtog ay agad na kumukuha si LC ng inumin nilang tatlo na parang ginawa na lang tubig ang alak para hindi sila ma-dehydrate sa kakasayaw. 

Habang palalim nang palalim ang gabi, pataas naman nang pataas ang tama ng alak kay Zarina. Panay ang tawa nila ni LC habang sumasayaw habang si Marlon naman ay hindi makadiskarte sa mga lalaking natitipuhan nito dahil inaalala sila. 

Bandang alas kuwatro ng umaga ay inihatid na siya ni Marlon sa kanila.

“Babe, we’re here.” Mahinang tapik ni Marlon sa pisngi niya.

Agad niyang inilinga ang ulo at tila siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mismong tapat ng bahay nila ipinarada ni Marlon ang sasakyan nito.

“Atras mo nang kaunti,” utos niya rito na ikinakunot-noo nito. 

"Why?"

“’Wag ka ng magtanong, basta atras mo na lang.”

Muli s’yang tiningnan ni Marlon bago pinaatras ang sasakyan lampas sa bahay nila.

“Ihinto mo d’yan.” Turo niya sa tapat ng kapitbahay nila.

Nang maihinto nito ang sasakyan ay dali-dali niyang tinanggal ang pagkakabit ng seatbelt niya at binuksan ang pinto. 

Nanlalamig siya sa pawis dahil nakita niyang naroon na sa garahe ang sasakyan na ginamit ng magulang niya kagabi. 

"What the hell are you—"

“Shhh! ‘Wag ka ngang maingay, nakikita mo na ngang umaakyat ‘yong tao,” inis na saway niya rito. 

Hindi siya makaakyat nang maayos sa pader gawa nang nanginginig ang mga tuhod niya. Hindi niya alam kung sa rami ba nang nainom n’yang alak o sa kaba na baka mahuli siya?

Lumingon siya kay Marlon na nakatingin lang sa kan’ya. Tinaasan niya ito ng kilay at sinenyasan na lumapit sa kan’ya na agad namang sumunod.

"Why?"

"Buhatin mo 'ko."

"What? Are you serious?"

“Oo, ano? Gusto mo bang mapagalitan ako kapag nahuli ako rito kasama ka?” Hinila niya ito palapit sa kaniya para hindi na ito makatanggi.

“Fuck! Kung alam ko lang na ganito mangyayari—”

“Kapag nahuli tayo ni Daddy sasabihin ko na boyfriend kita at malamang ipapakasal ako sa’yo. Gusto mo ba ‘yon? Ano bubuhatin mo ba ako—”

Nagulat si Zarina nang biglang umupo patalikod si Marlon sa harap niya at hinawakan ang magkabilang binti niya para igiya sa balikat nito.

"Sure, ka ba?"

“Tsk, andami mong tanong. Kanina, nagagalit ka—”

“Hindi ako nagagalit,” pag-alma niya sa sasabihin ni Marlon.

Hindi naman siya nagagalit, naiinis lang siya dahil tila wala itong balak na tulungan siyang umakyat ng pader. Sa taas niyang 5’6 ay hindi naman niya maaabot ang pader at makasampa dahil mas mataas ‘yon.

“Sumampa ka na! Baka magbago pa isip ko hayaan kita rito, babe.”

Inis na inirapan niya ito at dahan-dahan niyang inilagay ang dalawang binti sa harap nito at umupo sa may bandang batok.

“Fuck!” mahinang mura nito na ikinabigla pa niya dahil tumayo ito agad nang hindi pa s’ya nakakaayos ng upo. Kamuntikan pa s’yang mahulog kung hindi siya nakakapit sa ulo nito.

“Ano ba? Gusto mo ba talaga akong mamatay?”

“Bakit kasi hindi ka man lang nag-short o kahit na cycling man lang? Nakakainis ka naman, kababaing mong tao!” naiinis nitong wika sa kaniya. 

Ramdam niya sa boses ng kaibigan na may hindi ito nagugustuhan, at gusto n’yang matawa dahil parang alam na niya kung bakit gano’n na lang ang reaksyon nito? At kung bakit parang diring-diri ito?

Nakaramdam tuloy siya ng hiya pero hindi naman puwedeng bumaba pa siya dahil wala ng ibang bubuhat sa kaniya.

"Shhh…! At least you have an idea about my—"

“Oh, Fuck! Bibilisan mo bang umakyat o sisigaw ako para magising ang security guard n’yong tulog?” nawawalan na pasensiya nitong tanong sa kaniya. Kita niya rin ang pagpunas nito ng pawis sa noo at leeg na tila init na init.

“Oo, na! Ito na nga at aakyat na. Masyado kang high blood. Siguro, nagiging lalaki ka na sa akin?” pang-iinis niya pa sa kaibigan na hindi komportable sa ilalim niya.

Mabilis na isinampa ni Zarina ang dalawang kamay sa ibabaw ng pader at isinunod niya ang kanang paa para maingat ang katawan. Nang makaakyat ay agad siyang tumalon pababa nang hindi nagpapasalamat sa kaibigan. 

Dahan-dahan ang ginawa niyang paglakad at maingat na dumaan sa gilid ng gazebo para makaikot pahayon sa bandang swimming pool area, dahil doon siya dadaan para makapasok sa loob ng bahay nila. Iniwanan niyang bukas ‘yon kagabi bago siya umalis.

Kahit malamig ang simoy ng hangin, pakiramdam ni Zarina pinagpapawis siya nang malapot. Ang mga kamay niya nanlalamig at ang puso niya parang tinatambol nang malakas. Hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya dahil sa halo-halong emosyon ang nag-uunahan sa kaniya.

Para siyang matatae na ewan. 

"Where have you been, young woman?" 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 87

    Pagpasok ni Zarina sa lobby ng Savic Avionics Corporation, agad na naningkit ang mga mata niya.Serenity.Standing just a few steps away from the CEO’s elevator. Her long, pale blue silk maxi dress hugged her frame in all the right places—flowy, elegant, and graceful.Sa isang kamay nito, may hawak siyang isang minimalist pero halatang mamahaling food bag. Custom. Designer. Obvious.Tila ba pareho pa sila ng pakay—may dala rin itong pagkain.Binagalan niya ang paglalakad, sabay obserba.Sa mga nakaraang araw na na-oobserbahan niya ito, laging maluluwag ang mga suot ni Serenity. Pero kadalasan ay lapat sa dibdib ang tela, tapos ay sobrang flowy pababa. She had that signature look—soft but structured, effortless yet precise.Naalala pa ni Zarina 'yung lumang feature nito sa isang lifestyle magazine. Bronzed shoulders, toned arms, slim waist. Sexy, yes. Pero hindi bastos. Hindi pilit. May ganong klase ng femininity si Serenity—yung hindi kailangang sumigaw para mapansin.At ngayon, kahit

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 86

    Pabagsak na isinara ni Antoine ang pinto ng kotse. Mariing napapikit siya, halos hindi makahinga. Ang dibdib niya’y mabigat, puno ng emosyon na hindi niya maipaliwanag. Sa dami ng tanong na nag-uunahan sa isip niya ay hindi na niya alam kung ano ang unahin. He loved Zarina. There was no question about that. His heart and mind have always been clear from the beginning to now.Pero ang iniwang last will ni Don Zandro ang parang bomba sa pagitan nilang dalawa. Parang may alam ang matanda—na may mangyayaring hindi nila inaasahan. Dahil kung wala, bakit siya isinama sa testamento bilang tagapangalaga ng ilan sa mga ari-arian? At ang daddy niya tila may alam na noon pa, kaya ba na pinipilit siya nito dahil sa ari-arian na mayroon si Zarina? Napailing siya.How ironic that it felt as if he had no choice at all.Ini-start niya ang sasakyan. Mabilis ang pagpitik ng kamay niya sa manibela. Kailangan niyang abalahin ang sarili kung hindi mababali siya. Pagdating sa Savic Avionics Corporation,

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 85

    Tahimik si Javier. Pero hindi iyon katahimikang walang laman. Sa pagkakatikom ng kanyang panga, sa higpit ng pagkakakapit niya sa armrest ng upuan, malinaw ang bagabag at sama ng loob na pilit niyang nilulunok. Hindi siya umiimik, pero malakas ang sigaw ng katawan niya—ng damdaming matagal nang pinipigilan. Ang pangalawang testamento ay hindi na siya kasali, kaya't mahinahon siyang tumayo, kasama ang kaniyang pamilya. Bago umalis, humarap siya kay Zarina, pilit ang ngiting sa kaniyang labi. "Aalis na ako, iha," aniya, bahagyang tumango. "Sana... anuman ang nilalaman ng last will ng papa mo, hindi ito maging dahilan para maputol ang ugnayan natin bilang magkamag-anak. Kung sakaling may kailangan ka—anumang bagay—pumunta ka lang sa Negros. Huwag kang mag-atubili." Napalunok si Zarina. May kirot sa lalamunan, pero pinilit niyang ngumiti sa Tito niya. "Salamat po, Uncle Javier. Ingat po kayo sa pag-uwi. Jaz, James, and Auntie Wilma." Tumango lamang ang mga ito, walang imik, ngunit

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 84

    “Don’t worry. My son will agree with whatever I want. Kilala ko ang anak ko. Susunod iyon sa gusto ko kaya huwag kang mag-alala.”Natigilan si Antoine sa may pinto ng opisina.Nakahawak na siya sa door handle pero bigla siyang napako sa kinatatayuan, parang may malamig na hangin na sumalpok sa likod niya.Nauna na si Don Antonio pumasok sa opisina para kunin ang ilang papeles bago pumunta sa Buenavista Hotel, kung saan babasahin ang mana ni Zarina mula sa mga namayapa nitong magulang.Siya naman, galing pa sa presinto kasama si Serenity para I-report ang nangyari sa dating kasintahan.Ayaw sana nito na mag-report dahil baka isa lang daw sa mga fans nito ang may gawa. Pero siya ang nagpumilit. Hindi siya mapalagay. He needed to make sure na hindi na mauulit ang ganoong pangyayari.Hindi rin naman habang buhay ay puwede itong manatili sa condo niya. Personal space niya iyon.“I’ll take care of everything. No one will suspect a thing. My men are clean. They follow orders—nothing more.”N

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 83

    Nagising si Antoine sa malamlam na liwanag ng umagang sumisilip sa bintana. Tumama ang sinag ng araw sa gilid ng kanyang mukha, ramdam niya ang init nito sa malamig pang balat. Tahimik siyang bumangon, dumiretso sa kusina—suot pa rin ang maluwag na sando at kupas na pajama.Pagpasok pa lang, naamoy na niya ang sinangag… at kape. Home. Familiar.“Hi, Hon—Oops, sorry,” mabilis na bawi ni Serenity, kitang-kita ang awkward sa mukha niya. “I mean… good morning,” dagdag niya, pilit ang ngiti habang inaayos ang mga plato sa mesa.Antoine nodded slightly. “Good morning. You’re up early.”She wore a white nightdress under a satin robe. Ang buong ayos niya—parang sinadyang gawing relaxed, pero may bigat sa mata. Pilit ang normal. Pilit ang tahimik.“I told you, I’m a morning person,” she said, motioning to the table. “Come eat. Sorry, I used your kitchen. I just… wanted to cook something special. Like old times.”Napatingin si Antoine sa mga ulam—longganisa, garlic rice, itlog na maalat with

  • BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]   KABANATA 82

    Maagang nagising si Zarina kinabukasan, kahit pa halos madaling araw na siya nakatulog kanina sa kaiisip kay Antoine. Parang hindi sapat ang ilang oras na tulog para mapawi ang bigat sa dibdib niya.Nakatayo siya ngayon sa balkonahe ng kwarto niya, nakasandal sa malamig na bakal habang pinagmamasdan ang tahimik na hardin. Maliwanag na ang langit, pero may lungkot pa rin sa paligid. Parang pati kalikasan ay nakikiramay sa nararamdaman niya.Napatingin siya sa garahe mula sa taas. Wala pa rin ang sasakyan ni Antoine. Siguradong hindi ito umuwi at kasama nito ang babaing iyon. At kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili na baka may ibang rason kung bakit ito nagpakita kay Serenity ng dis oras ng gabi ay may bahagi sa puso niya na nagsasabi na baka may ginagawa ang dalawa sa loob ng condo nito. Kung ano-ano ang iniisip niya. Para bang siya ang may bahay na niloloko ng asawa. Huminga siya nang malalim at pumasok na ulit sa loob. Nag-shower siya. Ang malamig na tubig ay parang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status