Share

Kabanata 6

last update Huling Na-update: 2023-07-14 14:50:52

Hindi makapagsalita si Tyler ng hingiin ni Jeckaye ang Divorce paper. Pinagmasdan niya itong mabuti. Ang dating Kaye na nakilala niya, puno ng buhay ang mga mata. Kahit na hindi ito nakangiti, makikita niyang kuntento na ito kapag magkasama sila. Kahit na minsan nagagalit siya rito pero nasanay siyang ito ang unang pupunta sa kanya at humingi ng sorry. Masasabi niyang sa loob ng siyam na buwan, naging mabait ito sa kanya. Mas naramdaman pa nga niya ang pag-aalaga nito noong mga panahon na nagkasakit siya. Naintindihan naman niyang hindi iyon magawa ni Lezlie dahil masama pa ang loob nito sa kanya noon. Ngunit alam rin niya kung ano ang pinagdaanan ng girlfriend niya. Masakit rin ang ginawa niyang panloloko rito. Ngayon na ang tamang panahon para makabawi siya sa nobya. Tila natauhan siya sa isiping iyon kaya binalingan niya si Dennis na ngayon ay nakatayo na rin at nanonood sa kanila.

"Kunin mo ang Divorce paper sa loob ng library."

Agad naman na tumalima si Dennis at pumasok sa library. Di nagtagal lumabas na rin ito, dala ang brown envelope kasama pati ballpen. Binigay nito kay Tyler.

Kinuha naman iyon ni Tyler at binigay kay Jeckaye.

"Nandiyan nakasaad ang lahat ng kondisyon sa paghihiwalay natin."

Binasa ni Jeckaye ang nilalaman ng Divorce paper. Mapang-uyam siyang ngumiti habang nakatingin kay Tyler.

"Hmmm, a luxury villa and a white mansion in makati? Kulang ito."

"What!?" Sabay na sagot ng dalawa, Tyler at Lezlie. Nasindak ang mga ito sa sinabi niya.

Hindi makapaniwala si Lezlie na kayang ibigay ni Tyler ang Villa at white mansion kay Jeckaye gayung matagal na niyang hinihingi iyon. Hindi binigay sa kanya ni Tyler dahil ang dahilan nito, doon din daw sila titira kapag ikinasal sila. Ngunit ngayon binigay lang kay Jeckaye? Hindi siya papayag. Kukunin niya sa babaeng ito ang dapat sana ay pag-aari niya. Nakuyom niya ang kamao ng binalingan si Tyler.

Samantalang si Tyler nanatili lang nakatitig kay Jeckaye. Hindi siya makapaniwala na kulang pa rin para rito ang binigay niya gayung espesyal sa kanya ang villa na yun.

"Why?" Tanong ni Jeckaye ng makita ang reaksyon ng mga ito. "May problema ba sa sinabi ko?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

Nagbuga ng hangin si Tyler. "Idagdag mo diyan kung magkano ang gusto mo." Payagan na lang niya kung magkano ang hinihingi nito. After all para din naman iyon sa anak nila.

"No!" Agaw ni Lezlie sa sinabi ni Tyler. "Seriously Babe? Pumapayag kang dagdagan pa niya ang binigay mo sa kanya? Sobrang laki na no'n!" Binalingan ni Lezlie si Jeckaye nanggagalaiti sa galit. "At ikaw na manghuhuthot ka, alam mo ba kung magkano ang halaga ng binigay sayo ni Tyler? It's 50 billion for pete' sake! Bilyon ang halaga ng mansion, maliban pa sa malaking villa, na bilyon na rin ang halaga! Tapos ikaw nakukulangan ka? Alam mo ba na halos patayin ko ang sarili ko para lang ibigay niya sa akin ang villa na yun?"

Balewalang tinapunan niya lang ito ng tingin. Ayaw niyang makipag-usap dito. Itinuon niya ang atensyon kay Tyler. "Gusto ko ang kalahati ng yaman mo. Nakalimutan mo na ba noong ikinasal tayo? Nagsumpaan tayo na lahat ng yaman mo ay akin at lahat ng akin ay maging sayo. Ngayong hiwalay na tayo, paghahati-an natin iyon. Besides, para din naman iyon kay Daric Ivan."

"Ang kapal ng mukha mo para hingiin yun kay Tyler! Napaghalataan kang pera lang ang habol mo sa kanya!"

Gumuhit ang kirot sa puso ni Tyler ng marealized ang sinabi ni Lezlie. Hindi malabong mangyari iyon. Hindi niya alam ang pagkatao ni Jeckaye. Out of nowhere bigla lang itong sumulpot sa harapan niya at sinabing buntis sa anak niya.

Binalingan ni Jeckaye si Lezlie. "Bakit Ikaw? Hindi ba ganun ka rin? Pinaglalaban ko lang ang karapatan ko sa yaman ng asawa ko. Ikaw ano ba ang pinaglalaban mo?"

Natameme ito sa sinabi niya. Kung tutuusin hindi na niya kailangan ang yaman ni Tyler. Ngunit sinasagad ng babaeng ito ang pasensya niya. "Oh, by the way, Tyler, pipirmahan ko lang ito kapag magkasundo tayo na aalis sa pamamahay mo." Dagdag sa sinabi niya habang nakatingin sa asawa na magiging Ex-husband na niya.

Parang tuod si Tyler habang matagal na nakatitig kay Kaye. Ibang-iba na ito ngayon sa Kaye na nakilala niya Nine months ago. Tinapunan niya ito ng malahulugang tingin bago binalingan si Dennis.

"Bigyan mo siya ng additional attachment."

"Tyler!" Puno ng galit ang mukha ni Lezlie ng makita na binigyan ni Dennis si Jeckaye ng isa pang malinis na papel upang doon e-lista ang lahat ng kondisyon nito sa paghihiwalay ng dalawa. Ngunit walang pumapansin sa kanya.

Nasa kalagitnaan ng pagsulat si Jeckaye ng bigla itong hinablot ni Lezlie upang punitin. "This is madness!"

Tumaas ang isang kilay niya habang pinupunit nito ang papel kaya naman umigkas ang kamay niya.

SLAP!

Napahawak muli ito sa pisngi ng sampalin niya. "You, daughter of a bitch!" Galit itong gumanti sa kanya ngunit hindi natuloy dahil umawat sa kanila si Tyler.

"Enough!"

Hindi makapaniwala na tiningnan ni Lezlie ang nobyo. "Tyler, huwag mong sabihin na magpapauto ka na naman sa babaeng yan! Hindi mo ba nahalata? Pera lang ang habol niya sayo!"

"Pumili ka, susundin natin ang inaangal mo ngunit walang kasal, o, hahayaan ako sa desisyon ngunit magpapakasal tayo?"

Natigilan si Lezlie. "Sss..syempre magpapakasal tayo." Alanganin niyang sagot.

"Then, shut—up!" Madiin nitong pagkakasabi dahilan upang tumahimik si Lezlie. Halos bumaon na ang kanyang mahahabang kuko sa palad dahil sa higpit ng pagkakatikom nito. Nakatingin lang siya kay Jeckaye ngunit pakiramdam niya gusto na niya itong patayin ngayon. Sinusubukan talaga nito ang kademonyohan niya. Bumaba ang tingin niya sa sanggol na karga nito. "Maghintay ka lang Jeckaye, kukunin ko sayo ang lahat, maging ang nag-iisang anak mo. Ililibing kita ng buhay hanggang sa isumpa mo ang araw na pumasok ka sa buhay namin ni Tyler."

Ramdam ni Jeckaye ang galit ni Lezlie ngunit hindi niya iyon pinansin. Tinuloy niya ang ilan sa mga kondisyon na gusto niya sa attachment bago iyon ibigay kay Tyler.

Nagdikit ang dalawang kilay ni Tyler ng makita ang ilan sa kondisyon nito.

"Two times a week?" Halata ang pagka-disgusto sa boses nito. "Do you know what you mean by this? Nilalayo mo sa akin ang anak ko!" Reklamo nito.

"Hindi ko siya nilalayo sayo! Umiiwas lang ako sa gulo." Katwiran niya ngunit ang totoo, ayaw lang niya malaman ni Tyler ang plano niyang pagtakas bukas kasama ang kanyang anak.

Nagtagis ang bagang ni Tyler habang nakatingin kay Kaye. "He's my son!"

"But you have your woman! Hindi naman pwedeng araw-araw kang pupunta sa apartment gayung may babae kang naghihintay sayo!" Sinulyapan nito si Lezlie.

Nagbuga ng hangin si Tyler habang nakapamewang. Kailan pa naging sakit sa ulo itong asawa niya? Ngunit wala siyang magawa. Sanggol pa lang ang anak niya at matatalo siya sa custody kapag idinaan niya ito sa korte. Automatic na sa ina mapupunta ang bata. Baka mas lalong hindi niya makita ang kanyang mag-ina. Hindi na siya nagreklamo pa. Ngunit muling umakyat ang dugo niya ng marinig muli itong nagsalita.

"Mang Kulas, pakidala na lang ng mga gamit ng baby sa ibaba."

"Anong binabalak mo?" Nagtataka niyang tanong.

"Babalik sa apartment." Tumalikod na ito sa kanila at sumunod naman si Mang Kulas na dala ang dalawang luggage nito.

"Fuck!" Humakbang din siya upang sundan ang mga ito.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (52)
goodnovel comment avatar
Pacita Labargan Janeo
good story but hindi ma unlock so stop reading na lang hangang dito na lang e
goodnovel comment avatar
Neneng Montañez
Ang Ganda ng story
goodnovel comment avatar
Majs Reyes
i want to.read more
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 229

    Nagmulat ng mata si Amor. Hindi pa man lubos nakabalik ang ulirat niya nang pumasok sa kanyang ilong ang masangsang na amoy ng alikabok.Dahan-dahan niyang inikot ang paningin at napansin ang malamlam na ilaw na pumapasok mula sa bitak ng sirang bintana.Mainit ang pakiramdam ng kanyang mga kamay at

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 228

    “Wala pa ba si Amor?” Maya-maya’y tanong ni Tyler habang binabalingan si Chris.“Wala pa, boss. Kanina ko pa nga siya hinihintay eh. Dapat nandito na ’yon,” sagot ni Chris.Biglang nakaramdam ng kaba si Tyler. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Amor, ngunit hindi ito sumasagot. Nagriring

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 227

    ISANG ORAS ANG NAKALIPAS Pinahid ni Amor ang kanyang mga luha. Baka hinahanap na siya ng Kuya niya. Matagal-tagal din siyang nagmuni-muni sa loob ng maliit na park kung saan mangilan-ngilan lang ang tumatambay. Kahit paano, naaliw siya sa mga batang naglalaro sa swing at naghahabulan sa damuhan.Na

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 226

    Bumagsak ang luha ni Amor. Hawak niya ang kanyang tiyan. “Sorry, baby. Nabigo si Mommy. Marami akong pangarap para sa’yo kaya ako nagsusumikap. Ngunit kailangan na nating bumalik sa lola mo.” Sinarili niya ang sinabi sa kanyang anak. Nandito na ang problema. Kailangan na niya itong harapin.Agad ni

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 225

    “Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba masaya na nandito kami?” tanong ni Tyler, bahagyang nakakunot ang noo.“Oo nga, Amor. Daig mo pa ang nakalunok ng pakwan,” dagdag ni Kaye sabay tawa, birong-biro ang tono.Nanatiling nakaupo si Amor, at hindi mapakali. Nag-aalala siyang baka mahalata ng mg

  • BURIED LOVE OUT OF FAITHFUL MISTAKE   Kabanata 224

    “M-Mimi...”Nagkatinginan sila. Walang salita. Nanginginig ang labi ni Amor.“Elie...” mahina niyang sagot.Mabilis siyang niyakap ni Elion, mahigpit. Para bang ayaw nang pakawalan.“Amor, I’m sorry. Hindi kita agad nakilala. Alam mo bang matagal kitang hinanap? Kung saan-saan ako napadpad—lahat gin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status