Share

Chapter 4: The Plan

“Gusto ko ng korean chicken wings,” sagot ko nang tanungin ng yaya ko kung ano ang gusto kong ulam ngayong tanghalian.

“Noted, Sir.” Sabay tango niya habang abala na isinusulat sa maliit na papel yong mga pagkain na gusto kong kainin. “May idadagdag pa po ba kayo, Sir?”

“Wala na.” Sagot ko kaya umalis na siya. Napahinto lang siya sa paglalakad nang magsalita ulit ako. “Pero gusto ko sa korean chicken wings, puro left ha.”

Napnsin ko ang pagkunot ng noo niya. “Paano ko  naman po malalaman kung kaliwang pakpak yon ng manok?” Pansin ko ang inis sa boses niya.

Walang gana kong ibinalik sa computer ko ang aking tingin, nakasandal pa ako sa gaming chair ko. “Problema mo na yon.”

Kahit rinig na rinig ko ang pagdadabog niya, hindi ko nagawang mainis o magalit manlang. Natawa na lang ako kung tutusin. Sinadya niya pang padabog na isara yong pintuan nang lumabas ito. At kahit hindi ko nakita ang itsura niya, alam kong nainis siya sa ipinag-utos ko.

Wala e, may demonyo tayong utak!

“Kain na po, Sir.” Hinihingal na usal niya isang oras matapos niyang magtungo dito sa kwarto ko.

Sobrang tagal niya kung tutuusin. Isang simpleng ulam lang naman yong nirequest ko sa kanya. Pero syempre, hindi naman ako tanga para hindi alam ang dahilan non.

“Bat ang tagal mo? Alam mo bang nagpapatayan na yong mga bulate ko sa tiyan dahil sa kabagalan mo?” Kunwaring panenermon ko sa kanya para matakot siya.

Malalim ang buntong hininga na pinakawalan nya bago niya ako sinagot. “Sinong di mababagalan sa request niyong korean chicken wings na puro left? Sa tingin niyo ba madali. Malamang sa malamang, pinag-isipan akong baliw ng mga tinderang pinagtanungan ko ng gusto niyong kaliwang pakpak ng manok. Psh! Buong palengke, hinalungkat ko na para lang makahanap ng left wings.”

“Hindi ko na yon problema. Tinanong mo ko kung ano ang gusto kong kainin this lunch, sumagot lang naman ako ah.” I tried not to laugh.

“Ah talaga?”

“Where’s my korean chicken wings that I requested to you?” Pag-iiba ko ng usapan bago pa ako matawa sa itsura niya.

Nakabusangot siyang naglakad pabalik sa kusina upang kunin yong niluto niya. Abot hanggang teinga yong ngisi ko dahil unang plano ko pa lang sa pagpapalayas sa kanya ay nagtagumpay na ako. Cant wait sa mga susunod kong plano.

Kahit pwede naman yon kamayin ay ginamitan ko pa talaga ito ng tinidor. Hindi naman talaga ako nagcrave sa korean chicken wings e. Sinusubukan ko lamang siya at kasali ito sa plano ko na pahirapan itong bagong salta kong yaya.

“Bat makunat to? Niluto mo ba to ng maayos?” Pag-iinarte ko kahit ang totoo ay tama ang pagkakaluto niya. Nag-iinarte lang ako na makunat dahil may bagong kalokohan na naman na pumapasok sa utak ko.

Lumapit siya sa gawi ko para icheck kung makunat nga yong niluto niya. “Hindi naman po makunat ah.”

“Ayoko na niyan. Mas gusto ko pala ng carbonara.” Usal ko pagkatapos ay umalis ako sa aking kinauupuan saka nagtungo pabalik sa gaming chair ko upang maglaro.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga, dala siguro yon ng inis. “Wow ah, matapos kong magpakahirap maghanap ng puro left wings at magpakaduling kakanood kung paano to lutuin, babalewalain niyo ng ganun lang? Dugo at pawis ang puhunan ko dyan.”

“E sa makunat e. Sinong gaganahan kumain kung ganyan.”

“Hindi naman ah, paanong makunat e niluto ko yan ng maayos. Psh!”

“Huwag ng maraming satsat, ipagluto mo na ako ng carbonara. Ayoko ng may bacon ah.” Satsat ko at hindi na siya tinapunan ng tingin.

Hindi nakaligtas sa pandinig ko yong pagmura niya ng pabulong. “Sir, hindi ako marunong magluto ng carbonara na gusto niyo.”

“Hindi ko na yon problema, gawan mo ulit ng paraan.” Tinapunan ko siya ng tingin at halata sa mukha niya na problemado siya. “Nahihirapan ka na yata? Bukas ang pintuan namin at kasya ka don palabas if gusto mo ng umalis.”

Inirapan niya ako at sininghalan ng nakahawak sa magkabila niyang beywang. “Psh! Kahit sabay pa tayo lumabas kung gusto mo. Alam mo, Sir, hindi na bago sa akin yong ganito. Sige lang, gawin mo lahat ng trip mo, basta walang iyakan sa huli.” Ngumisi pa ito na ikinakulo ng dugo ko.

“What the fuck!” Pagmumura ko nang tuluyan na siyang makalabas ng kwarto ko. Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi niya. Bakit imbes na siya ang mapikon ay ako pa?

_

 “Blag! Blag! Blag! Blag! “

Malakas na tunog ng takip ng kaserola  na pinaresan ko ng  sandok na pamalo upang makagawa ng ingay sa kwadradong silid ng alaga ko upang magising ito sa pagkahimbing-himbing niyang pagkatulog.

Napansin ko na napamulat ito ng mata, naniningkit pa.

“Magandang umaga po Sir!”

“Tss! Walang maganda sa umaga ko dahil ngayon pa lang nasira mo na!” Bulyaw pabalik ni Sir at padabog na tinakpan ang teinga gamit ang isang unan. Tumagilid siya ng bahagya sa gawi ko dahil naiirita siya siguro sa pagmumukha ko.

“Sir, bangon na po diyan,” pangungulit ko at hinampas ulit ang takip ng kaserola na nagpaingay ulit sa silid niya na kanina ay napakatahimik.

 “Alam mo ikaw, kung wala kang magawa sa buhay mo pwedeng h’wag mo ko’ng isali, ha? Nakikita mong ang sarap ng tulog ko dito. Kung mambulabog ka ‘kala mo naman sa’yo ‘tong bahay. Tss.”

“E Sir, umaga na po kasi at trabaho ko po na gisingin kayo. ‘Di ba nga po yaya niyo ‘ko? Ginagawa ko lang po ang trabaho ko.”

 “Pwes, yaya lang kita at wala kang pakialam kung hanggang kailan ko gustong matulog. H’wag ka ngang feeling close.” Iritadong usal nito at akmang ihahampas ang unan sa akin ay  mabilis ako na umilag na tatawa-tawa pa.

“Inutusan lang po ako ni Sir Russel na gisingin kayo kasi may pasok pa daw po kayo e.” Nakangusong paliwanag ko.

“Inutusan ka pala, ba’t kailangan mo pang magdala ng takip ng kaserola at sandok para gisingin ako? Ha?”

“Sir, ilang beses po kayang kitang ginising kanina pero wala, tulog mantika ka pa rin. Sinampal ko pa kayo, pero makapal mukha niyo kaya ‘di kayo nagising. Kung alam ko lang na takip ng kaserola at sandok magpapagising sa inyo, hindi na sana pa ako nagpakapagod.”

“Sino maysabi sa’yo na sampalin ako? Utos din ba ‘yun ni Daddy sa’yo?” Naiinis na tanong nya.

 “Hindi po Sir, ‘yon po pumasok sa isip ko na paraan para magising kayo. Astig nga po, dalawang palad ko sumampal sa’yo wala ka pa ring malay,” tumawa pa ito ng malakas at hindi manlang alintana ang binata na nakatingin sa kanya.

“Anong karapatan mo na sampalin ako?”

“Ang sabi ng Lola ko, kapag ang isang tao ayaw gumising, sampalin para bumangon.”

“Tangina! Pwedeng umalis ka na lang? Lalo mo lang sinisira araw ko,” tugon ni Sir Rhaiven saka isinuklay ang daliri sa magulo niyang buhok. Naiinis na talaga siya sa akin.

“Akala ko ba nasira ko na? ‘Yun sabi nyo kanina ‘di ba?” Dahil sa sinabi ko na ‘yon  ay tinignan niya lalo ako ng masama kaya nakaramdam ako ng takot.  “Sabi ko nga, Sir, aalis na ako. Bye, Sir,” kumaway pa ako ng may ngiti sa mga labi bago tuluyang umalis.

_

“Goodmorning po, Sir,” bati sa kanya ni Erica at tanging tango na lamang ang naisagot nito dahil halatang wala siyang gana.

“Nasa’n sina Daddy saka si Rhaivee?” Bungad na tanong nya sa akin.

“Uhm! Umalis na po silang dalawa dahil po hindi ka na po nila mahintay,” sarkastimo ngunit magalang na ko sa kanya.

“Tsk! Whatever. Dalhan mo nga ako ng pancake doon, ‘yon ang gusto kong maging breakfast ngayon e,” utos niya sa akin na nakacross ang mga braso sa dibdib nito. Halatang inis na inis pa rin sa tono ng boses nito pati na rin ang postura niya.

“Okay, sige po, Sir. Tatapusin ko lang po ‘tong---”

“Ngayon na! Ayokong pinaghihintay ako.”

Sa takot na masigawan ulit, sinunod ko na kaagad ang utos niya’t ipighanda nga siya ng gusto niyang breakfast.

“By the way, naihanda ko na lahat ng lalabhan mo. Lahat ng kalat sa kwarto ko pakilinis ng mabuti at kapag ‘di sakto sa panlasa ko ang paglilinis mo, uulitin mo, maliwanag?”

“Opo, Sir.”

“Sira ‘yong washing machine kaya magkamay ka sa paglalaba,” walang ganang utos pa nito na nakatingin sa ibang direksyon.

“Po? Bakit po sira? Kay yaman niyo sira naman pala washing machine niyo. Ano ba ‘yan,” reklamo ko at napakamot pa sa ulo.

“May problema ka ba doon? Ha?” Taas-kilay nitong singhal.

“Ah-eh wala naman po, Sir. Keri ko pong magkamay sa paglalaba,” napipilitin ko na sagot pero sa kaloob-looban ay naiinis ako.

“Okay, good. Ipaghanda mo na ako at baka malate ako,” pagkasabi niya ng ganoon ay tinalikuran na nya ako’t saka naglakad papunta sa dining area.

_

“O, Haila, heto pa daw ang lalabhan mo sabi ni Sir Rhaiven kanina,” sulpot ng kasama namin na kasambahay na si Nancy na may hawak na mga sapatos.

“Lahat po ‘yan?”

“Oo, matagal na rin daw na hindi nakatikim ng sabon ang mga ‘to kaya kailangan na daw labhan. Mga bente pares lang naman,” wika ng babae at tumango na lang ako. Iniwan na niya ako  pagkalapag ng mga sapatos sa may left side ko.

Isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa ako nangangalahati sa mga nilalabhan ko. Ramdam ko na ‘yong pananakit ng mga braso ko pero hindi ko kailangang tumigil dahil baka magalit ang alaga ko pag-uwi.

“Haila, bakit nagkakamay ka sa paglalaba?” Tanong ni Erica na nakakunot-noo. Binigyan ko ito ng tingin saglit bago ibinalik sa ginagawa ko.

“Naku! Sanay naman po ako, saka okay lang, nag-eenjoy naman ako e,” palusot ko sa kasama at bahagya pa akong tumawa.

Nagsalita ulit si Erica at napahilot sa kanyang sentido. “Hay! Naku, hindi mo naman kailangang magkamay para maglaba e. “

Nagtaka ako sa naging komento ni Erica. “E, manang, sabi po kasi ni Sir Rhaiven sira daw ang washing machine kaya magkamay raw ako sa paglalaba.”

“Ano?”

“Opo, sinabi niya po sa’kin kanina. Ang dami nga po ‘tong pinalaba niya sa’kin, ang sakit na ng mga braso ko,” wika ko at hinimas ang kaliwang braso ko na makirot.

“Anong sira? Hindi naman ah.”

 “Po?”

“Ano ka ba. Kakabili lang noong nakaraang linggo ‘yong washing machine ng masyon. Tsaka, imposible naman na masira ‘yon agad, mahal pa naman ang bili noon ni Sir Russel sa pagkakaalam ko,” paliwanag nito at halos malaglag ang panga sa narining ko.

Bakit hindi ko naramdaman na pinagtripan lang ako ni Sir Rhaiven?

 “Hindi po sira?” Paninigurado ko habang nakaduro sa naturang washing machine na umaandar na.

“Hindi nga. Ayan oh, kita mong umaandar,”

“Bwisit na demonyo ‘yon! Nakakainis! Bakit niya sinabing sira ang washing machine nila, hindi naman pala! Anong tingin niya sa’kin ignorante? Psh! Kahit mahirap kami kaya ko pa rin gumamit ng ganoong bagay. ‘Kala niya hindi ako gaganti? Tss. Lintik lang ang walang ganti.” Muntik pang magusot ang mga damit niyang kinukusot ko’t iimagine ko na pagmumukha niya ‘yon. Talagang pinagtrtripan niya ako at hindi ko mapapalampas ‘to.

Gaganti ako!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status