Share

Chapter 3: Interaction

“What a small world, woman,” narinig ko pa ang pagkawala niya ng mapaklang tawa na ikinainis ko.

Nasa harapan ko siya, nakatayo at nakakrus ang mga braso nito sa kanyang dibdib habang diretso ang tingin sa akin. Kahit  nakayuko ako at hinihimas ang palad ko sa kaba, alam kong nakatingin siya sa akin.

“Psh! Sinong tanga naman ang nagsabi sayo na maliit ang mundo?” Bulong ko at hindi naman niya yon narinig dahil abala siyang nakatitig sa biodata na hiningi nito mula sa akin.

“Haila Santiago pala ang palangan mo?”

“Malamang, ‘yon ang nakasulat diyan e, siguro naman po ‘di kayo bulag ‘no,” sabay irap sa kaniya.

Napakagat ako ng labi ng padabog siyang lumapit sa’kin.

“Huwag ako ang pinagtritripan mo, bago ka lang dito at kaya pa kitang palitan ng iba, naiintindihan mo ‘ko?” nakataas-kilay niyang tanong sa akin kaya sa takot ko ay tumango nalang ako.

“I’m Ranz Rhaiven Mendoza. Sa tingin ko naman nasabi na ni Daddy na ako ang aalagaan mo,” seryosong ani niya.

Seryoso ba siya? Siya ‘yong aalagaan ko? Malaki na siya. Ba’t kailangan pa niya ng yaya? Ang weird.

“Opo.”

“Pwedeng tumingin ka sa akin ng direkta. Gusto kong suriin ang mukha mo kung mapagkakatiwalaan ka ba o hindi,” utos niya sa akin. “Huwag mo ‘kong ngitian diyan. Akala mo nakalimutan ko na ang eskandalong ginawa mo. Talagang hinanap mo ako ah,” wika niya at pinagkrus ang mga braso sa kanyang dibdib.

Naningkit ang mga mata kong tumingin sa kaniya. “Ang kapal naman po ng mukha nyong sabihin ‘yan, Sir. For your information, hindi po kita hinanap, ‘di ko naman inakala na ikaw ang anak ng amo ko e,” pagtataray ko sa kaniya. “ Sa tingin niyo ba papayag ako na maging yaya dito kung nalaman kong kayo ang aalagaan ko?”

“Then why are you here? Umalis ka na kung ganon.” Nakangising usal niya. “Siguro naman kasya ka sa pintuan namin palabas ng mansyon.”

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

“At sino ka para utusan ako? Ang pagkakaalam ko, si Sir Russel ang amo ko dito, hindi ikaw.”

Napansin ko ang paggalaw ng kanyang panga dahil siguro sa inis dulot ng sinabi ko.

“Tss.” Salubong ang mga kilay nito.”Yaya Erica!” Sigaw niya at kaagad namang lumapit ang yayang tinutukoy nito.

“Yes po, Sir Rhaiven.”

“Pwede bang ituro mo dito sa taong bundok na ‘to kung nasan ang magiging kwarto niya at pakipasyal na rin siya sa buong bahay baka maligaw pa ito e, masama na baka ‘di na makabalik,” asar niya na nakatitig sa’kin.

“Masusunod po, Sir.”

Ibinaling niya ang tingin sa akin sa nakakapikon na titig. “At ikaw, pagkatapos kang ipasyal, pumunta ka kaagad sa kwarto ko,” wika

niya at tuluyan na niya kaming iniwan papunta sa kwarto niya.

“Tara na.” Tugon ng yaya at sumunod nalang ako sa kanya.

_

“Come in.”

Pumasok na lang ako ng mahinhin at nadatnan ko siyang nanonood ng basketball habang nakahiga sa kama. Wow! Pati sa kwarto niya may malaking telebisyon, sosyal naman.

Nawala ang pagkamangha ko sa malaki niyang kwarto nang makita kung gaano ito kakalat at kagulo. Napatanong na lang ako sa isip ko kung kwarto ba ito ng tao o dump site. Nadamay ba itong kwarto niya sa worldwar II?

Nakangisi siya sa akin nang magtama ang aming tingin kaya umiwas ako kaagad. Para siyang manyakis sa tingin niya ah! Kinakabahan na ako alam nyo ba ‘yun. Dahil sa naiilang ako sa kanya ay umupo ako sa sofa na malapit sa’kin.

“Who told you to seat there?” Nakataas kilay nyang tanong sa’kin na nakatitig ng masama at sa takot ay tumayo kaagad ako.

Bumangon siya sa pagkakahiga saka lumakad siya palapit sa’kin.

“This time pag-uusapan natin ang mga rules na dapat mong sundin. Una, ayoko ng maingay. Pangalawa, ayoko ng makulit at kapag tinawag kita, dalian mong kumilos, ayoko sa mabagal. At panghuli..”

Tumingin muna ito sa akin mula ulo hanggang paa. “Ayoko sa maarte, naiintindihan mo?”

“Okay naman Sir, gets ko po lahat.” Wika ko at nagthumb ups pa pero imbes na matuwa siya ay tinapunan niya lang ako ng masamang tingin.

_

“Tinubuan ka na naman ng panibagong sungay dahil may bagong salta kang yaya ngayong  araw.” Usisa ni Luis sa akin nang minsan ay nagvideocall kami.

Nakwento ko sa kanila na dumating yong bago kong yaya na kinuha nina Mommy sa akin.

“So, anong balak mo?” Kenneth asked, ibinalik niya ang tingin sa hawak niyang selpon. Habang nakikipagvideocall ito ay abala sa paglalaro ng COD.

“Ano pa ba? Edi dating gawi. Hindi rin naman siya magtatagal dito e, baka bukas wala na siya dito kagaya ng mga nauna sa kanya. And guess what guys, yong babaeng nakwento ko sa inyo non na nakasagutan ko sa probinsya, siya yon. Sisiw lang ang babaeng yon, kaunting pananakot at pagmamalupit lang don, tatakbo na parang unggoy yon pabalik sa bundok.”

Kampate ako na hindi yon magtatagal dito sa bahay dahil gagawa at gagawa ko ng paraan kaagad para mapalayas siya. Nakaya ko ngang patalsikan ang mga nauna sa kanya, siya pa kaya.

Paniguradong magiging exciting ang mga gagawin ko sa kanya dahil may atraso siya sa akin na kinakailangan niyang pagbayaran.

“Ano kaya ang magandang gawin sa unggoy na yon?” Tanong ko sa kawalan habang nakasandal sa gaming chair ko matapos ang pagvivideocall namin ng mga kaibigan ko.

Kagaya ng nakagawian ko sinusubukan ko silang hingan ng suggestion kung ano ang mga magagandang gawin para mapalayas ang mga yaya ko. Nagbigay naman sila pero hindi ko gusto, masyadong baduy.

“I know you can do it, Rhaiven, dating gawi. Sisiw lang ang babaeng yon kaya mapapalayas mo rin siya agad-agad.” Pakikipag-usap ko sa sarili ko. “Lets do the first plan.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status