Home / Romance / Babysitting 12 Troubles Plus 1 / Chapter 6: Knife [Fujiko ]

Share

Chapter 6: Knife [Fujiko ]

Author: castrojasmin4
last update publish date: 2026-10-23 08:39:09

[ Fujiko ]

Bago ako umuwi kagabi ay tumawag ako ng police para ma e ayos ang naganap na riot sa Troubles University na sangkot ang mga estudyante. Dumating din ang principal para makipag-usap sa mga police. Ito na rin ang tumawag sa mga magulang ng mga estudyanteng sangot sa gulo. Napag-alaman kong twenty-five lang ang estudyante ng Troubles ang kasali at yung may mga dalang bakal at baril ay mga outsider na goons. Exhausted akong dumating sa apartment ko. Agad akong nalego at natulog ni hindi na ako nagbihis, mas sanay akong matulog nang hubad yun ay dahil sa lab, yun ang nakagisnan ko. Sanay ako sa lamig kaya hinahanap-hanap ng katawan ko. Pag galing ako sa isang laban. I find myself sleeping naked para mabawi ang energy na binuhos ko sa kalaban. Kinabukasan, nasa hallway palang ako ay nakita ko na ang mga estudyanteng kasama sa riot kagabe. Bakas ang takot sa mga hitsura nila nang makita ako. "Ganyan nga, matakot kayo." bulong ko sa sarili habang binigyan ko nang nakakatakot na titig ang bawat isa sa kanila.

"Miss Lee, yung mga kasali sa gulo kagabe anong plano mo?" Tanong ni sir panot kung tawagin ng lahat kahit na ibang mga guro. Tiningnan ko lang siya nang masama, siya kasi ang principal pero ako pa ang binigyan niya ng trabaho para mag-isip. Plano ko ngayon ay kausapin ang bawat gang ng school at daanin ang lahat sa maayos na pag-uusap pwera nalang kong magmamatigas sila. "Yung mga sangkot, paderetsohin mo sa detention class." yun lang at nag time-in na ako bago lumabas at saktong biglang tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase. Pagpasok ko sa klase ay nagulat ako nang lahat ng upoan ay okupado. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy sa klase. Gaya sa class A, ganun din ang nangyari sa class B, at C. After lunch ay nagpatuloy ako sa pagpasok sa detention room nang mapuno ito sa mga pasaway na mga estudyante sa riot kagabi kahit ang ten ultimate troubles ay nandito din. Inilabas ko mula sa bag ang isang patalim. Nanlaki ang mga mata nila nang tinarak ko ito sa ibabaw ng mesa.

"What the hell are you doing?! Paaralan to! Bawal kang magdala ng patalim." Sita ni Queen, pero hindi ko siya pinansin. "Get 1/8 part of paper. Write down your name and put it in this box." Lumingon ako sa pwedeng itusan. "Troy pakikulekta ng papel dapat bawat isa sa kanila ay maglagay nang pangalan nila sa box." may natanong kung paraa saan ang gagawin nila. "Ang sino mang pangalan ang mabunot ay bibigyan ko ng chance na patayin ako gamit ng kutsilyong ito sa loob ng isang minuto nang hindi ako lalaban. Pag hindi ninyo magawa ako ang papatay sa inyo." Maraming natuwa pero ang iba ay natakot. Kalimitan sa natakot ay ang mga pinatumba ko kagabi. "Pwede ding, tumawag kayo ng someone na tingin ninyo ay kaya akong patayin." Nagsukatan kami ni Queen nang tingin. "EAT-ALL-YOU-CAN GANG" Tawag ko sa mga ito lalo na sa leader nilang nanginginig na sa takot. "Ano? Uulutin ba natin? This time totohanin ko na." Pinagpapawisan itong tumayo at nangakong hindi na uulit at bubuwagin na ang gang dahil gusto pa daw nitong mabuhay. "Ganon ba? Ipapangako mo bang papasok kana sa klase ko at mag aattend ng detention?" tumango lang ito ng tumango.

"Ano bang nangyari kagabe?" Tanong ni DJ na naguguluhan.

"Hindi mo alam?" Saka ko binalingan ng tingin sina Trey at Troy na umiling mukhang kahit sila ay ayaw ipaalam ang nangyari sa mga kapatid. "Wala naman nagkatuwaan lang." Nang makolekta na ni Troy ang lahat ay ibinalik niya sa akin ang box. "Troy, alugin mo. Queen..." tawag ko dito at pinagtaasan ako ng kilay ng maldita. "Dahil hate mo ako bibigyan kita ng chance na piliin ang taong papatay sa akin." Ngumiti ito at hindi nagdalawang isip na bumunot saka binasa ang pangalan ng maswerteng nilalang.

"DJ SHIN." Nagtitigan kami ni DJ. Dahan-dahan siyang tumayo pero hindi niya hiniwalayan ang tingin ko. "Handa ka na bang mamatay B*tch?" Ani ni Queen at binigyan ko lang siya nang ngiti. "DJ, kailangang mapatay mo ako sa loob ng isang minuto. Kundi ako ang papatay sayo. Maliwanag ba?" Biglang tumayo si Trey at nagmamakaawang huwag si DJ na kahit si Troy ay ganun din ang pakiusap.

"Umupo kayong dalawa. Hindi kayo si DJ Shin. DJ Shin, are you ready?"

[ DJ ]

Nag-alala kami kina Trey at Troy. Alam naming nasa detention si Trey kasama ang bago naming guro. Mag alas nuebe na wala parin silang dalawa. Paroo't parito ang kapatid kong si CJ na pinakamatanda sa amin, well magkaedad lang kami pero mas matured siyang mag-isip kompara sa amin ni EJ, gaya ko nag-alala din siya. Si EJ ay gusto nang puntahan namin ang dalawa hindi alintana ang pilay niya pero bago pa kami naka alis ay dumating silang dalawa na kapwa tahimik. "Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kanila pero hindi sila sumagot at umiling lang. Kinabukasan ay masinsinang nag-uusap ang dalawa na tila may isang napakalaking sekreto itong tinatago. Pag dating namin sa school ay narinig kung tumawa si Third dahil sa mga nagkalat na EAT-ALL- YOU- CAN GANG malapit sa principal's office at mukhang mga naluging intsik. Napapansin ko rin na kahit sa klase ay hindi na natutulog ang dalawa. Ni ayaw nga nilang kumurap. "May nangyari ba sa kanila kagabe nang hindi namin alam?" Kumain kami nang tanghalian pero wala ang utak ko sa kinakain ko kundi nasa tanong "kung anong nangyangri kagabi".

"Kailangan ba talaga natin pumunta sa detention?" Arte ni Queen. "Kuya Trey kumusta ang unang araw ng detention mo?"

"Masaya. Hindi naman pala siya ganun ka sama gaya ng inaakala natin eh. Diyan na kayo at mag-dedetention pa ako." Tumayo si Trey pero sumunod si Troy dito at nagtawanan silang umalis.

"Anong meron? At basta nalang nakuha ni teacher Fal ang puso nila?" Pagpasok niya sa detention ay tahimik lang ako hanggang sa inilabas niya ang kutsilyo. Biglang nanginig ang katabi kong leader ng EAT-ALL-YOU-CAN GANG. May sinabi ito kay maam at naguguluhan ako. "Anong meron?" Nang mabunot ang pangalan ko at tinitigan niya ako, nakaramdam ako nang takot. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Sina Trey at Troy nakiusap pero hindi siya nakinig. Panay din ang iling nila sa akin. "Bakit Trey anong meron? Troy alam mo rin ba? Bakit takot na takot ang mga kasama natin dito? Anong meron sa kanya?"

"DJ SHIN!" nagising ako sa hampas ni teacher Fal sa mesa. "Kanina pa ako nagsasalita dito nakikinig ka ba?"

"Huh? Ahh hindi po!"

"Tsk...tsk... sabi ko handa ka na ba? Kung oo lumapit kana at kunin mo itong patalim at simulan muna akong patayin."

"May tanong ako."

"Wala tayong panahon sa Q and A ngayon. Lumapit kana dito at simulan muna."

"Anong mangyayari pag napatay mo ako?"

"Isusunod ko ang sino mang kakalabanin ako."

"At pag napatay kita?" Ngumiti siya at umiling.

"Edi magpa-fiesta ka!"

"Ayoko!"

"Takot ka?"

"Ayaw ko kung hindi mo sasabihin sa akin ang dahilan."

"Magbibilang ako nang sampu. Pag hindi ka lumapit dito ako ang lalapit sayo at hindi mo gugustohin ang gagawin ko." Hindi ako natakot sa kanya. Kaya imbis na lumapit ay bumalik ako nang upo. Nakatingin lang siya. "Isa!" tumayo na siya at inayos ang kanyang suot saka naglakad sa gawi ko pero humarang sina Trey at Troy. "Dalawa!" pinigilan siya nina Trey at Troy pero tinapik niya lang ang dalawa at may binulong dito kaya pinakawalan din siya. "Tatlo!" nagpatuloy siya sa paglalakad at huminto lang siya nang nasa dalawang upoan nalang ang pagitan. "I'm waiting DJ!"

"Hindi mo ako matatakot sa pag bibilang mo!"

"Apat!" hinarangan siya ni Queen pero bigla itong bumagsak. Sa gulat ay napatayo ako ni Hindi ko nakita kung anong ginawa niya sa sobrang bilis. "Lima!" tinawag niya ako pero hindi ako lumapit bagkos ay bumalik ako nang upo ng masiguro kong okay lang si Queen. "Anim!" nasa harapan ko na siya at nagsukatan kami ng tingin kahit kinakabahan ako ay hindi ko pinapahalata sa kanya. "Pito!" mahina niya'ng sabi pero akmang susuntukin sana siya ni Third nang nahawakan niya ang kamao nito at walang babalang binali ito. "Walo!" tumayo na rin si kuya CJ at King na nasa harapan ko pero hinawakan lang sila ni teacher Fal sa balikat at pina-upo niya lang ang nga ito at sinabihang huwag makigulo. "Siyam!" walang sabi ay hinatak niya ako patayo.

"HINDI AKO TAKOT SAYO!" Sigaw ko dito.

"HINDI KO HINIHINGI NA MATAKOT KA SA AKIN O SINO MAN SA INYO!" galit na sigaw din niya. "ANG AKIN LANG AY HUWAG KAYONG GUMAWA NG KABALBALAN SA LOOB NG PAARALANG ITO KUNDI DETENTION ANG KAKABAGSAKAN NINYO! AND DENTENTION MEANS AKO! IBIG SABIHIN MAKIKITA NINYO ANG DEMONYONG MUKHA KO ARAW-ARAW!"

"ANONG NANGYARI KAGABE?" ganti kong sigaw sa kanya.

"Pagsasabihin ko anong gagawin mo?"

"GUSTO KO LANG MALAMAN!"

"Sige sa isang kondisyon."

"Ano yun?"

"Kailangan mo muna akong patayin!"

"BALIW KANA BA? BAKIT ITUTULAK MO AKONG MAGING CRIMINAL? I'M JUST ONLY 16! GUSTO KO PANG MAKATAPOS NG PAG AARAL!"

"PRECISELY! MGA BATA PALANG KAYO! MAY MAGANDA PANG BUHAY ANG NAGHIHINTAY SA INYO PERO BAKIT SINASAYANG NINYO ANG PAGKAKATAON NA YUN? IMBIS NA PAG HUSAYAN NINYO ANG PAG-AARAL PARA SA KINABUKASAN NINYO AY KAYO PA ANG SUMISIRA NITO. TINATAGURIAN KAYONG SAKIT NG ULO NG PAARALAN PERO NGAYONG BINIGYAN KO KAYO NANG CHANCE NA PATAYIN AKO PERO TAKOT KAYONG MASIRA ANG BUHAY NINYO? MATAGAL NA ITONG SIRA BAGO PALANG AKO PUMASOK DITO." na bigla kami sa malakas na pag-sigaw niya na ngayon lang namin narinig. "KUNG GUSTO MONG MAKITA ANG BUKAS MO DJ HUSAYAN MO ANG PAG-AARAL MO. AT KUNG SINASABI MONG MAHAL MO ANG BUHAY MO MATUTO KANG LUMABAN NG PATAS AT RUMESPETO." Nagbalik siya sa harap at kinuha ang patalim. "KITA N'YO ITO?" itinaas niya ang patalim sa ere. "ANG PATALIM NA ITO ANG MAGBABAGO SA BUHAY NINYO KUNG HINDI KAYO MAKIKINIG SA MAGULANG AT GURO NINYO. ITO ANG TATAPOS SA MAGANDA NINYONG PLANO."

"Bakit po?"

"Dahil ang patalim na ito ang huhusga sa magiging buhay ninyo. Malas mo kung mapatay mo ang kalaban mo dahil mabubuhay ka na hihimasin ang malamig na rehas ng kulungan para pagbayaran ang kasalanan mo. At malas mo rin kung ikaw ang mapatay dahil matatapos na ang buhay mo at ang mga pangarap mo."

"Kaya mo ba dinala yan para epakita sa amin ang realidad?" Sagbat ko.

"Kaya ko to dinala para bigyan kayo nang pangaral sa buhay. Na sa isang pagkakamali ay maari ninyo itong pagsisihan habang buhay. Huwag ninyong hayaan na isang kutsilyo ang huhusga sa magiging buhay ninyo at siyang kikitil sa maganda ninyong pangarap kung gugustuhin ninyo. Mga bata palang kayo, mayaman, ayaw n'yo bang makita ang buong mundo?" Bigla kaming natahimik. Dahil halos lahat kami tinamaan sa mga sinabi niya. "Ma swerte ang iba sa inyo dahil may magulang pa kayong patuloy na nag-aalala sa inyo kung may sakit kayo. Mga magulang na hindi sumusuko na balang araw ay titino kayo. Kung sanay kasing swerte ninyo ako sa buhay." Bigla siyang nalungkot at kitang kita ako ang pag iba ng kulay ng mata niya, na ngayon ay tila parang iiyak. "Gumawa kayo ng reflection tungkol sa "knife". Sana kahit papano ay may naituro ako sa inyo tungkol sa kahalagahan ng buhay na sinasayang ninyo. Pag isipan ninyong mabuti, hindi buhay ko ang magbabago kundi buhay ninyo." At lumabas na siya nang classroom. Kita kong pinahid ni Trey at Troy ang luha nila. Hindi ko namalayan na umiyak na pala ako. Kaya tinakbo ko ang labas at hinabol siya.

"Teacher Fal..!"

"Ano? Magtatanong ka pa ba kung anong nangyari kagabi?"

"No. I just want to say thank you."

"Paghusayan mo ang buhay mo DJ. Alam kong may malaki kang pangarap na gusto mong makamit. Kung ako ang ina mo ikakatuwa ko kung makikita kitang malayo sa pagiging ngayon mo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Babysitting 12 Troubles Plus 1    Chapter 31: My Wife, my saviour

    [ Fifth ]Gaya ng dati andito na naman ako sa ilalim ng puno at nakahiga nang may kumiliti sa taenga ako at bigla akong napabangon."ANO BA!""Kung maka-sigaw akala mo...""Anong kailangan mo?""Yung atraso mo sa akin. Kailangan natin ilalagay sa papel yun na pag eighteen na tayo papakasalan mo ako.""Baliw ka ba?!""Ayaw mong gawin? Sige gagawin kong miserable ang buhay mo!""Sinong tinatakot mo ako?" Iniwan ko ang baliw na babaeng yun. Natagpuan kong may kausap si Third na babae. Inis na tumabi ako sa kanya."Fifth kilala mo yun? Si Gwen yung crush ninyo ni Fourth. Niyaya tayo sa birthday. Ano join tayo?""Wag ka sa akin mag paalam kay Queen.""Sige basta sama tayo dun huh?"Masakit ang ulo ko hanggang sa matapos ang huling period. Naupo ako sa canteen para mag late lunch nang makita ko ang babaeng yun na may kausap na mga lalaki at nagpapakilala sa kanya."See? Marami naman pa lang manliligaw bakit ako ang peneste ng kasal?"Pagkatapos kong kumain ay agad kong nakita si Third at Fo

  • Babysitting 12 Troubles Plus 1    Chapter 30: The Act

    [ Eli ]"Daddy?"Pinakatitigan ko lang ang babaeng kasing edad ni Queen. Wala akong makitang pagkakapareho namin. Ni hindi ko maramdaman ang tinatawag nilang luksong dugo. "At paano niya ako nakuhang tawaging daddy nang ganun kadali? Ni wala man lang ba siyang hinanakit sa akin? Kung ama niya nga ako bakit hindi niya ako nakuhang hanapin sa loob ng napakahabang panahon? Bakit ngayon pa?""Daddy?" Ulit ko."Bakit dad nagdududa ka ba?""No, hindi ako nagdududa dahil in the first place hindi ako naniniwala sayo. Hindi kita anak at wala akong anak.""How could you say that?""Hindi kita anak narinig mo? Kaya itigil n'yo na ang larong ito!""ELIJAH! PAANO MO NAATIM NA TALIKURAN ANG ANAK MO? HINDI NIYA KASALANAN ANG MALAYO SAYO! HUWAG MO SIYANG PARUSAHAN!" sigaw ni Leandro."Bakit ngayon pa? Sa haba ng taon ngayon pa? Bakit? Dahil sa tingin ninyo ngayon na ang tamang panahon upang gamitin siya laban sa akin? Para ano? Perahan ako? Pwes nagkakamali kayo! Dahil hindi ninyo ako mauuto ng gany

  • Babysitting 12 Troubles Plus 1    Chapter 29: Truth or Lies

    [ Eli ]Nauna ang meeting ko sa Singapore. Pagkatapos ay sa Macau sana kaso na cancel. Kadarating lang namin dito sa Korea. Ang plano eh sa Japan ang meeting kaso nagka aberya daw ang mga ka meeting ko sabi ng secretary ko kaya sa Korea nalang daw. Hindi na ako nag comment kasi this past days ay walang tigil sa kakasakit ang ulo ko."Diane are we in the right hotel?""Yes sir.""Bakit dito? Safe ba dito? Asan sila George?""Nauna na po sila to secure the place."Bumaba na ako at nag check in. I feel weird. Pakiramdam ko ay mga matang naka tingin sa akin. Nagtuloy na ako sa room ko. Pagkatapos nag fresh up ay tinawagan ko si Fal pero busy ang number niya. Kaya napag pasyahan ko na lang na libutin ang lugar. Isasara ko na sana ang pintuan ng lumabas ang secretary ko. Nagulat itong makita ako."Sir saan po kayo pupunta?""Bakit gusto mong malaman? Security ba kita?""Sir sorry po.""Magpapahangin lang ako.""Pero may meeting po kayo.""Alam ko. Babalik din ako. Mamaya pa naman ang meet

  • Babysitting 12 Troubles Plus 1    Chapter 28: Mission

    [ Taeko ]Ako si Taeko Takeshi. Isa akong Filipino-Korean-Japanese. Illegitimate son ako ng Prime Minister ng Korea sa nanay kung bayaran. Haft Filipina at half Japanese ang nanay ko. Lumaki ako at nagkaisip sa Japan. Lahat nang pwedeng pagkakitaan ay pinasok ko para mabuhay kami nang nagkasakit ang nanay ko. Bago siya namatay ay dinala niya ako sa Korea para ipakilala sa ama ko pero pinatapon kami sa labas na parang aso. Yun ang huling beses at isinumpa ko nang kailanman ay hindi lalapit sa kanya. Nang namatay si nanay ay naging palaboy ako sa kalsada ng Tokyo sa gulang na labing dalawa.Lumaki akong galit sa mundo at puno nang paghihigante. Ilang gang na rin ang sinalihan ko. Hanggang sa nakilala ko si teacher Fal. Ang nagpabago sa aking pananaw sa buhay. Iniligtas niya ako sa gabe ng aking kamatayan. Nang ginawa akong pang pain sa isang death game ng underworld sa gulang na labing 13. Wala pa akong kaalam alam kung ano yun. Huli na nang malaman ko. Ginawa lang pala akong pain ng

  • Babysitting 12 Troubles Plus 1    Chapter 27: Transferee

    [ Queen ]Simula nang nasa bahay na si Teacher Fal ay nagkaroon na kami ng direction sa buhay. Feeling namin mayroon na kaming nanay sa bahay na pinapangaralan kami pag nagkakamali kami at mas nauna pang mag cheer sa amin pag nakatama kami. Ang sarap sa pakiramdam. Marami akong dinalang libro dahil babasahin ko ito. Nagustuhan ko kasi ang una n'yang libro yung Wrinkled in Time at gustong-gusto rin nila Princess at Prince ang kwento. Paakyat na ako ng hagdanan nang mahulog ang mga dala kong libro. Kukunin ko na sana ang last na libro yung Traveler's Wish pero may nauna nang pumulot nito isang chineto na lalaking walang kangiti-ngiti. Akala ko ibibigay n'ya sa akin pero imbis gawin ay binasa n'ya ang summary sa likod saka binalik sa akin."Pangit ang kwento huwag mo nang basahin. E try mo yung Sumpa ni Luha mas maganda yung kwento para sa mga bata may moral lesson pa.""Pe-pero—-""Wala ka pa lang taste sa libro."Pinamulahan ako ng mukha sa inis. "Aba't—- Sino ka ba? Ngayon lang ata ki

  • Babysitting 12 Troubles Plus 1    Chapter 26: The Plan

    [ Fal ]Kalalabas lang ni Princess. Okay narin si Eli pero natatakot ako para sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paroon at parito ang lakad ko. Hindi ko alam kung anung gagawin."Are you worried for kuya Eli?"Nilingon ko si Queen na nakatayo sa pintuan. Umupo ako at umupo din siya. "Nag-iisip ako kung ano ang pwede kong gawin para mabantayan ko kayong lahat.""Lahat? Kasama si Kuya?""I need your help.""How can i help? For our safety tutulong ako kahit ano.""Kailangang alamin mo ang where about ng mga kuya mo. Dapat hindi kayo maghiwalay. Dapat walang aalis sa inyo. School at bahay lang pupuntahan ninyo maliwanag?" Hindi siya nagsalita agad at tila nag-iisip. "Maliwanag?""Gagawin ko.""Kakausapin ko and head ng security sa school para huwag palabasin sina Prince at Princess habang wala ako. Ang kuya mo na lang ang kakausapin ko. Paano ko siya ma mababanntayan?""Why are you doing all of this? Sabi mo walang kayo ni kuya pero sobra kang nag-aalala para sa safety niya. T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status