Se connecterAfter naming dinala si Trey sa clinic ay naawa ako sa kanya. Ilang sandali pa ay dumating sina kuya Eli at Daddy. Agad na dinaluhan nila si Trey na may malaking pasa sa panga, sa dibdib, sa may adams apple at kahit ang benti nito kaya galit na galit si kuya dahil sa nakakaawang hitsura ni Trey. "WHO DID THIS!" sigaw ni kuya Eli na pabalik-balik sa paglalakad dahil sa galit.
"Yung bago naming Teacher." Ani ng umiiyak na si Queen. Kahit mataray yan pagdating sa amin ay numero unong iyakin yan. "Bago? Hindi ko ata alam yun. Tara ituro mo at nang maturuan ko ng leksyon." Sobrang pula ni kuya sa galit at sa pagsisigaw marahil, pero si daddy ay tahimik lang sa tabi ni walang reaction. "Ku—ya—h—uwaģ. I did it. Hi-na-mon ko s'ya. I'm the lo-s-er. I ha-ve to kee-p my wor-d." hindi na ako na gulat dahil kahit si kuya CJ ay yun din ang sinabi na si Trey ang naghahamon. "I'm un-der h-er com-ma-nd now. I m-ust ob-ey her. I ma-de a ba-rgai-n i sho-uld co'ver it wit-h my a-ss. I'm fi-ne. Hin-di na-ma-n n'ya ako pi-nuru-han mas-akit nga lang." "NO! I HAVE TO GIVE THAT TEACHER A DAMN LESSON!" iba talaga si kuya magalit kaya spoiled kami sa kanya eh. "Eli, let it go. Narinig mo naman siguro diba? Trey is fine. Isa pa natoto na s'ya that's a the good thing. Hindi sa lahat ng panahon dapat mo silang ipagtanggol. They have to choose their own battle and stand up as a man." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy with a calm voice umapila pa sana si kuya pero sumenyas na si daddy to let it go. "I'm rea-lly fine ku-ya. Sa-lam-at sa pag-aalala. I ha-ve to go and see teacher Fal now. I know she-is wait-ing in the detention room." Naawa na naguguluhan ako sa inasal ni Trey."Does he love her already?" tanong ko sa sarili ko na tanging si Trey lang ang makakasagot. "Teacher Fal? Who is she son?" tanong ni daddy na sinagot naman ni Queen kaya nang malaman ni kuya na babae'ng guro ang nanakit kay Trey ay mas nagalit ito, hindi siya makapaniwalang babae ang kalaban ni Trey pero hindi nito nakuhang talunin. Sinabi ko rin na twenty-five lang ito at nakita ko ang paghanga ni dad dito. Sa bandang huli ay wala silang nagawa nang nagpupumilit si Trey na tumayo para puntahan si teacher Fal. "Sure ka ba dito?" Tanong ko kay Trey nang inihatid ko sa detention room pero tumango lang ito at tinapik ako sa balikat. "Baka saktan ka niya at hindi ka makakalaban?" Nag-alala talaga ako pero nginitian lang ako ni Trey na tila ba isang assurance na malabong mangyari ang iniisip ko. "Babalikan kita mamaya at sabay na tayong uuwi." Tumango lang siya pero ako nagbilang muna ng ilang sandali bago siya nakuhang iwan. [ Trey ] Paika-ika akong pumasok gamit ang crutches. At agad siyang tumingin sa gawi ko. Ewan pero nakitaan ko ang mga mata niya ng awa o pag-aalala marahil. "Huwag mo akong kaawaan, marunong akong tumupad sa usapan." "Sana bukas ka nalang nagpunta." Gusto kong ngumiti dahil nakaramdam ako ng saya dahil sa boses niyang may kasamang pag-alala. "Galit ka ba sa akin?" tanong niya pero umiling lang ako. "Ayokong gawin yun pero yun lang ang tingin kong way para mapaamo ka." At yumuko siya sa ibabaw ng mesa. Naglakad ako malapit sa kanya at naupo sa upoang ilang dipa ang layo sa mesa niya. "I'm fine. Kaya ko pa." "Trey, anong kwentong alam mo na maikukumpara mo sa buhay?" tanong niya at nagpag-isip ako umiling ako dahil naguguluhan ako sa tanong, ni hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Kahit anong kwento, noong bata ka pa, anong kwento ang madalas mong naririnig?" "Meron ba?" Wala akong maaalalang kwento dahil hindi naman ganun ang yaya ko noon. Salbahe kami ni Troy kaya halos lingguhan kung palitan ni daddy ang mga yaya namin. "Hmmm... Cinderella? Beauty and the beast?" yun ang madalas kong naririnig kay Princess kaya yun ang naaalala ko. "Anong moral nang story ang napulot mo sa kwento?" "True love prevails tulad ni Belle, minahal niya ang pinakapangit na nilalang sa kabila ng masamang ugali nito," actually hindi ko pa napanood ang palabas, yun lang ang sabi ni Princess nang tanungin ito ni Queen sa moral lesson ng kwento. "Maari mo ba akong erespeto gaya ng pagrespeto ni Belle sa beast na yun? Hindi naman kasi ako kasing sama tulad nang inaakala ninyo. Hindi rin ako matapang, nagtatapang-tapangan lang ako dahil walang tutulong sa akin maliban sa sarili ko. Hindi tulad mo, may mga kapatid ka na kasangga mo sa lahat ng oras." Hindi ko alam pero nasaktan ako sa mga sinabi niya. "Ganun ba siya ka lungkot?" ani ko sa sarili, nakaramdam ako nang awa. "Mga kapatid ko, iba-iba ang ina. Pero mahal namin ang isa't isat. Masaya kami kahit lumaki kaming walang nanay." Ewan pero hindi ko alam kung bakit kusa nalang akong nagtapat. "Lumaki din akong walang ina. Ni hindi ko naramdaman na niyakap ako ng isang ina. Pareho pala tayo." "Sorry, sa inasal ko," nagmula sa puso ko ang paghingi ng sorry sa kanya at ngumiti lang din siya sa akin. "Pareho pala tayong walang ina." "Patawad din if nasaktan kita." "Mabait ka pala." At bigla siyang natawa sa sinabi ko saka umiling-iling at sinabing ayaw niyang maging mabait dahil maagang kinukuha ni God pero ako naman ang natameme sa sumunod niyang sinabi. "Ewan ko ba. Nang masaktan kita kanina at nakita ko kung paano umiyak si Queen sayo, nakaramdam ako ng kakaiba. Right there, gusto kong hawakan ka to make sure okay ka lang. I have this weird feeling. Maybe na sense kong mabait ka." "Mabait din ang mga kapatid ko mga kulang lang sa pansin. Gaya mo, nagtatapang-tapangan din sila para katakutan." Marami pa kaming pinag-usapan. Actually talking to her like this helps me a lot. Para bang nakahinga ako. Para ring nabunutan ako ng tinik. Parang nakahanap din ako ng kaibigan. "Madilim na pala di ko namalayan." Bigla akong napatayo nang maalala ko si Troy. "Kailangan ko na palang umuwi. Baka naghihintay na sa akin si Troy." "Sabay na tayo. Uuwi na rin ako." Sabay kaming naglalakad. Nasa may ground na kami nang makita ko na pinalibutan si Troy ng mga gangster na kalaban nila Third, Fourth at Fifth. Sa sitwasyon ko ngayon hindi ko matutulungan si Troy pero hindi ko naman siya pwedeng pabayaan pero bago pa ako gumalaw ay pinigilan na ako ni teacher Fal. "Akong bahala." "Pero—" binigay niya sa akin ang librong hawak niya at naglakad para ipagtanggol si Troy. "Mag ingat ka teacher Fal." Ngumiti lang siya sa akin. "Wag nalang kaya? Marami sila your risking your life." Sobrang pag-alala ko sa kanya. "Don't worry. It's a way to win Troy's heart." [ Troy ] After nang huling klase ko ay hinintay ko si Trey sa ground. Naka-upo pa ako malapit sa flag pole. Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Nagising ako nang may basta nalang humablot sa akin at nakita kong gabi na pala. Lahat sila may dalang tubo at kahoy. Kilala ko sila. Sila ang EAT-ALL-YOU-CAN GANG, ang kalaban nina Third, Fourth at Fifth. Nakaramdam ako nang takot. I can fight one on one pero sa mahigit dalawampu? Na may mga kutsilyo at pamalo? Alam ko katapusan ko na. "Hi guys mind if i join the fun?" Nagulat ako sa pagsipot ni teacher Fal sa harap ko. "Troy andito ka pala. Nag-alala si Trey sayo." Inakbayan niya ako and somehow i feel safe. "Salamat at dumating ka." hindi ko napigilan ang huwag magpasalamat dahil kahit papano ay may makakapagsabi sa pamilya ko kung sakaling mamamatay ako ngayon. "It's too early to say thank you. Hindi pa natin sila napatumba. Do you know how to fight?" "Yeah, but not as good as Trey or Third, Fourth, and Fifth." "That's good enough. Ang gusto ko lang gawin mo ay just try to stay alive okay? Ako na ang bahala sa kanila." tumango lang ako at sinuklian niya ako ng isang ngiti saka hinarap ang mga kalaban. "Sinong leader ninyo? Hindi n'yo ba alam na isa akong guro dito? At matalas ang memorya ko, kapag hindi ninyo kami paalisin dito ay mapipilitan akong labanan kayo." Biglang lumitaw ang leader at maangas pa na ipinakilala ang sarili. Wala itong takot kahit guro ang kalaban malaki daw ang atraso ng mga kapatid ko kaya sa akin sila gaganti. "Troy, gagawa ako ng daan para makalabas ka. Puntahan mo si Trey dahuman on your twelve o'clock angle. Ilabas mo siya at ako na ang bahala dito." "Pero—" "Listen Troy, kaya ko sila mas mahirap pagkayo ni Trey ang mapahamak. Now go." Nakatayo ako sa tabi ni teacher Fal nang ang bilis niyang binigyan ng shadow kick ang mga kalaban. Madali siyang nakagawa ng daan para sa akin at bigla niya akong tinulak. "GO TROY!" tumakbo na ako nang mabilis at gaya ng sabi niya ay nakita ko nga si Trey at agad ko s'yang hinila. "Trey tayo na! Umalis na tayo dito." Pero umiling si Trey, ayaw niyang iwan namin si teacher Fal. "Siya ang nag-utos na lumabas na tayo dito. Kailangan nating umalis para makahingi ng tulong sa labas." Umayaw pa siya at nag-isip, bakas sa mukha niya ang pag-aalala alam kong hindi siya aalis. "Promise babalikan ko siya. Ilalabas lang kita. Mahihirapan akong makikipag laban pag andiyan ka lalo pa ngayong hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo." Hinatak ko na siya at nagdaan kami sa gilid. Ingat na ingat kami na huwag mapansin nang ibang membro ng gang. "Troy si teacher Fal tingnan mo." Tawag ni Trey sa akin at tiningnan ko ang guro naming kasalukuyang nakikipaglaban. Kitang-kita ko kung paano pinaulanan ni teacher Fal nang suntok at sipa ang kalaban. Mangha din ako kung paano niya nailagan ang mga tubo at kutsiyo. "Holy SH*T!" napamura ako sa nakita ko. "Ang galing niya. Di na ako magtaka kung bakit natalo ka niya." "Wala pa akong nakitang kasing galing niya sa personal." panghanga na turan ni Trey, walang bitterness sa boses niya kahit natalo siya nito. Pero laking gulat ko nang binunot ni teacher Fal ang ballpen niya sa coat at inasinta niya ang may hawak na baril at tumagos ito sa kamay ng kaaway at nabitawan nito ang hawak. "All this time hindi pala mga ballpen ang mga yun kundi pen dagger? Astig!" turan ni Trey. Kitang kita ko ang pagkuha niya sa palamuti niya sa buhok na mga shureken pala ito. At mangha ako nang binunot niya ang kanyang belt na naging sword. Pinutol nito ang mga kahoy at bakal na dala ng mga kalaban. "AMAZING!!" Sabay naming sabi ni Trey. Nakanga-nga na talaga kami. Kasi yung mga bracelet niya ay hindi pala basta-basta na bracelet lang kundi mga karayom pala ito. Isa-isa niyang tinusok ang sumugod sa kanya at bigla silang na paralyze. Hindi na kami nakagalaw ni Trey at nanunood nalang kami. Nang maubos ni teacher ang kaaway ay agad kaming pumalakpak. Bigla niya kaming tiningnan ng masama. "ANONG TINUTUNGANGA NINYO D'YAN? DIDN'T I TELL YOU TO GO HOME?" "Teacher Fal, ang galing n'yo! Salamat sa pagkakaligtas sa kapatid ko." Ani ni Trey at na iyak akong niyakap siya at inakbayan niya ako. "Salamat teacher. Utang ko ang buhay ko sa iyo." "I'm glad your okay. Umuwi na kayo bago ko utangin ang mga buhay ninyo!" at mabilis kong inakay si Trey palabas pero nakangiti kaming naglalakad.[ Fal ]Nagising ako dahil sa init na nagmumula sa labas. Binuksan ko ang terrace at nasilaw ako sa sinag ng araw. Ang ganda ng panahon sana palaging ganito. Masaya ako knowing Seohki is my daughter with Eli at tanggap siya bilang Shin sa pamilya. Ang bonus ko ay ang declaration of love ni Eli and his proposal."Loving the morning...?" tanong ng kadarating lang na si Eli at agad akong niyakap while we are facing the green view sa labas at ang blue sky."I'm liking it. Wish that every morning is as calm as this.""Yeah. Sana nga eh. Sana matapos na ang lahat. So we can get married and we will have our happy ending.""Yeah, I know.""How about if we take a few days off? Let's all go to Baguio. It would be fun. Or we can go to Zambales and swim? Maybe Palawan sounds good too?""Everything is great. Let's vote to that!" Hinila ko siya at dumeritso kami sa sala pero walang tao at narinig namin ang tawanan sa likod bahay. Everybody are set to dive in the pool pero natigil nang sabihin kong
[Eli]Were having a breakfast together. Knowing that Seohki is my real daughter makes me so happy and relieved. Ngayon ko napatunayan ang lukso ng dugo. Everytime she smiles so innocently I wish Fal smiles like that. Madali niyang nakasundo ang mga troubles kahit hindi pa nila alam ang tunay na katayuan ni Seohki. Kung ako lang gusto ko nang sabihin kaso si Fal ang gusto ay saka na pag okay na ang lahat. Huwag daw naming biglain ang mga bata baka magalit sila kay Seohki.Pero deep inside, I want Seohki to feel being welcome as my daughter. I have my lawyer work on her paper works para legal na siyang maging Shin. Gusto ko na ring marinig araw-araw na papa ang tawag niya sa akin hindi sir Eli."Seohki, kailan dadalaw ang boyfriend mo dito?""Ahh ehh... ano po, epapaalala ko po baka nakalimutan niya po.""Ano ba kasi ang problema mo kay Raiden? Mahal naman nya si Seohki." Tanggol ni mama pero si papa disidido talaga."Ikaw Queen." Biglang napalundag ito. "May problema ba Queen?""Wala n
[Seohki]Over lunch I convinced my parents na huwag munang sabihin sa kanila na alam na nilang impostor lang si Samantha. Gusto kong pag-aralan ang lahat at ipahiya si Samantha besides gusto kong makaganti sa kanya. Sa ngayon sapat na sa akin ang malamang may magulang ako. Papa ask me kung gusto kong mag shopping. Hindi naman komontra si mama Fal pero ayoko lang magmalabis. Besides marami namang pinahiram si Queen sa akin kaya okay na ako doon. Inihatid ako ni Raiden sa school nang may tumawag sa kanya. Agad s'yang lumayo sa akin. Bigla akong nakaramdam ng selos."Bakit ayaw n'yang marinig ko ang usapan kung wala naman? May babae ba sya?"Kitang-kita ko s'yang sumakay ng motorsiklo at pinaharorot ito. Imbis na pumasok ay pumara ako ng taxi at pinasundan ko si Raiden. Sa isang lumang warehouse siya tumigil. Agad akong nagtago para hindi niya makita. Nagulat ako nang makita kong hindi lang si Raiden ang tao kundi marami sila."Among meron dito? Bakit ang raming lalaki? Bakit boss ang ta
[Fal]Maaga akong nagising. Masakit ang ulo ko dahil sa natanggap kong email kay Taeko. Hindi ko na kaya ang sakit kaya naglasing ako kagabe. Pag dungaw ko sa bintana ay nakita ko si Seohki na nagwawalis ng bakuran. Agad kong tiningnan ang orasan it's four in the morning. Bigla akong nagalit. Bumaba ako at nakita kong makintab na ang sahig at malinis na. Dumaan ako sa kusina at nakita kong may naka salang na na kanin sa rice cooker. May mga sandwich na ring ginawa na nasa lalagyan for Princess and Prince."Good morning po miss Fal.""Anong ginagawa mo?!""Po? Naglilinis po.""Bakit? Sinabi ko bang katulong ka dito?""Hindi po kaso nahihiya po akong tumira ng libre.""Itigil mo yan. Hindi kita pinatira dito para ipalasap sayo ang buhay na kinagisnan mo. Simula ngayon ayokong gawin mo ang dati mong ginagawa. Wala kang ibang gagawin kundi mag-aral at tuparin ang pagiging doktor.""Po? Talaga po?"Mangiyak-ngiyak na sabi ni Seohki at parang may punyal na bumaon sa puso ko nang makita ko a
[Leandro]Leandro Siville Shin ang tunay at buo kong pangalan. Kapatid ko si Zacharias Ludwig Shin. Lumaki ako sa pag-aakalang magkapatid kami ni Zachy hanggang sa dumating ang tunay na ina ni Zachy at hindi lang mayaman kundi sobrang yaman niya. Si Beatriz Ayala na isang pinay. Bago namatay si Beatriz ay pinamana niya kay Zachy ang lahat ng pag-aari ng mga Ayala. Paano ko alam? Dahil saksi ako at magkaibigan kami ni Zachy at sinasabi niya sa akin ang lahat.Mahirap ang magulang namin. Si nanay ay isang guro at ang tatay kong si Menandro Shin ay isang doktor. Gayun paman ay namuhay kaming mapayapa at tahimik. Pareho kaming mahal ng magulang namin. Pero kahit pantay yun para sa akin hindi pantay yun dahil mayaman si Zachy at ako ay isa lang mahirap.Nang lumaki na kami ni Zachy ay naging malayo na ang aming agwat. Lumaking siyang gwapo at matalino samantalang ako ay bobo. Lahat iniidolo siya samantalang ako ay isa lamang niyang anino. Nang mamatay ang magulang namin ay si Zachy ang tum
[Fal]Sa buong buhay ko simula nang matututo akong lumaban at pumatay ay hindi ako kailaman man natatakot mamatay. Pero ngayon, I'm scared too death. Hindi lang para sa sarili ko kundi para sa pamilyang Shin na natutunan kong pangalagaan at kay Eli."Teacher Fal. Don't worry about the Yakuza. I will deal with them. I will stop them if kailangan. Hindi ko hahayaan na makalapit sila sayo.""Anong gagawin mo hindi sila basta-basta.""I need to go back sa Japan and gathered more Infos." Napatango-tango lang ako kay Raiden. Alam kong guilty din siya sa magiging kaligtasan ko kasi I set him free for killing his father. "You need more men.""I have an army of it!""Saan?""Mga poor deliquent student ng JN High na willing gawin ang lahat for money.""Mag-ingat ka.""Teacher when I'm away please do me a favor. Maari bang sa inyo muna tumira si Seohki? Mas mapapanatag ako kung ikaw ang kasama niya.""You really love her don't you? Ang mas nakakatawa kamukha ko pa. Sige. Isasama ko siya sa bahay







