Share

Chapter Seven : Sawyer's Blood

"Tulog na, andito lang ako. Okay?" Dahan-dahan naman tumango ang tatlo at pinahiga ko sila sa kama. Nakayakap si Azriel sa bewang ko, si Avyx ay naka unan sa kanang braso ko, si Axciel naman at sa kaliwang braso. Ilang minuto ay naramdaman ko na lang na nakatulog na ang tatlo.

Agad nakunot ang noo ko nang narinig ko ang ingay sa labas. Medyo nakabukas kasi ang pinto kaya rinig na rinig ko.

Dahan-dahan kung inalis ang yakap ng tatlo tsaka bumangon. Kinumutan ko muna sila. Rinig na rinig ko pa rin ang ingay na parang may nababasag. Kinuha ko ang flashlight sa drawer at lumabas sa kwarto ko. Sinira ko muna ng maayos ang pinto, baka papasukin pa sila don kung sino.

Sumalubong naman kaagad ang dilim ng buong mansion at flashlight lang ang dala ko.

"Hello? Nay Ema?" Tawag ko pero wala ni isang sagot.

"Berta?"

May nakita akong walis sa gilid kaya kinuha ko 'yon, kung may multo, may pamukpok na ako.

"Sawyer?" Pero wala akong narinig. Nasaan na kaya ang taga-bantay? Dapat nandito na sila sa loob dahil sa ingay.

"Ahh!" Napasigaw ako ng narinig kung nabasag na vase! Galing 'yon sa third floor at nabagsak! Hindi binagsak! Agad ko 'yon nilapitan at tama nga ako! Yong vase na palaging sinabi ni Nay Ema sa 'kin na 'wag na 'wag kung gagalawin!

"Fuck!" Nanlaki ang mata ko ng narinig ko ang baritong boses na 'yon!

Patakbo akong pumunta sa hagdan hanggang makarating ako sa third floor! Ang kalat! Binuksan ko ang ilaw pero ayaw bumukas! 

Impossible namang may magnanakaw dito dahil andaming bantay sa labas!

Agad akong lumapit sa kwarto kung saan malapit sa kwarto ng mga bata. Nakabukas pa ang ilaw don. Pero bago pa man ako makahakbang ay biglang may yumakap sa likod ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng naramdaman kung suminghot sa leeg ko.

"You're back..." Pilit kung inalis ang braso niya nakapalibot sa kamay ko pero mas lalo niyang hinipitan 'yon.

"B-bitawan mo 'ko!"

"N-no... please..."

Dahan-dahan akong humakbang pero nakayakap pa rin ito sa 'kin. Mas nilakihan ko ang hakbang ko at nilakihan rin nito ang hakbang na hindi naputol ang yakap nito sa 'kin.

"Sino ka ba ha?"

Narinig ko pang napatawa ito kaunti.

Siya pala ang lintik na ama ng tatlo! Gusto ko siyang sapakin ng bigla niyang hinalikan ang pisngi ko at naramdaman kung unti-unting gumapang ang kamay nito sa dibdib ko. Pero bago nakarating ay agad kung tinapik 'yon.

Amoy alak ang putik! Kaya pala!

Napagkamalan pa akong asawa niya!

Pero kailangan kung sumabay para hindi ako matangalan ng trabaho. Total hindi niya naman maalala.

"Pumunta na tayo sa kwarto mo."

"Kwarto natin." Pagtatama nito kaya napaikot tuloy ako sa mata ko. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kwarto niya habang nakayakap pa rin ito sa likod ko.

Natigilan ako ng nakita ko si Sawyer na nataranta at kinabahan mga mata nito habang nakatingin sa 'kin. Napalitan iyon ng pagtataka nang nakita ang posisyon ng ama nila Axciel. Dahan-dahang lumapit si Sawyer sa 'min at nilayo ako rito. Nagulat na lang ako ng bigla na lang niyang sinigawan si Sawyer.

"Fuck you Sawyer! Don't touch my wife!" Sigaw nito kaya dahilan binitawan ako ni Sawyer. 

"Damon! hindi siya ang asawa mo!" Sigaw din ni Sawyer kay Damon. 

Nanlaki ang mata ko ng may binunot si Damon sa bewang niya na baril at agad na pinaputukan si Sawyer sa balikat. Napangiwi naman si Sawyer at hinawakan ang balikat nito para pigilan ang tumulong dugo.

Hindi ako makagalaw dahil sa nakita ko. Agad akong kinain ng takot at nanginginig na ang buong katawan ko. Ngayon lang akong nakakita ng baril sa totoong buhay. 

Ngayon lang.

"One wrong move. Hindi na ako magdadalawang isip na ipaputok ito sa noo mo pag nilapitan mo ang asawa ko!" 

Nag-alalang napatingin naman kaagad si Sawyer sa 'kin.

"Don't look at her!"

Sinenyasan ako ni Sawyer na magsalita.

"D-damon, ibaba mo ang b-baril mo... p-please..." Takot kung boses. Nanginginig kung hinawakan ang kamay niyang may hawak na baril at dahan-dahan 'yong binaba. 

"I'm sorry..." 

Kita ko ang gulat na mukha ni Sawyer habang binangit ang dalawang salitang 'yon galing kay Damon.

"Ikaw na b-bahala sa k-kanya," sabi ni Sawyer. Magsalita na sana ako kaagad niya naman kaming tinalikuran. Napatingin ako sa sahig at andaming dugo ni Sawyer. 

"Babe..."

Napatalon ako konti dahil sa narinig ko. 

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil sa kaba at nanginginig na rin ang katawan ko.

"Ilayo m-mo sa 'kin aang b-baril na 'yan..." Naramdaman kung natigilan siya sa sinabi ko.

"Y-you're still afraid of guns... I'm sorry... 'wag m-mo lang akong iwan ulit..." May pakaawang tono nito kaya dahan-dahan naman akong tumango. Binato niya kung saan ang baril at yumakap ulit sa 'kin.

"M-matulog na t-tayo?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mautal. Naramdaman kung napangiti ito sa sinabi ko at tumango. 

Kailangan kung maging matapang ngayon dahil gusto ko pang mabuhay. Sana okay lang si Sawyer baka naubusan na 'yon ng dugo. Hindi naman siguro mamamatay 'yon. May mangyari talagang masama sa 'kin pag gagawa ako ng mali habang katabi ko pa ang ama ng mga bata.

Kaya pala takot ang mga bata sa kanya.

Mas mabuting tumakbo ang mga 'yon sa kwarto ko para hindi makita ang ginawa ng ama nila kay Sawyer. Ganito ba 'to palagi? Wala namang sinabi si Nay Ema tungkol sa ugali ng ama nang mga bata. Naawa ako sa kanila.

Sabay kaming pumasok sa kwarto niya. Ang kwarto niya lang ang may ilaw kaya humarap ako sa kanya. 

Nanlaki ang mata kung napatingin sa buong mukha niya habang siya naman matamis na ngumiti at nakatingin din sa 'kin. Hindi akalain na ang ganda pala ng pagmumukha ng ama ng tatlong bulilit na 'yon. May lahi palang diwata ang pamilya nila...

"I thought you would leave me... Akala ko iniwan mo na ako..." May lambing na tono nito. Ang takot na naramdaman ko ay napalitan iyon ng kiliti–hindi! Problema! Magpanggap na lang akong asawa niya? Ibig sabihin may asawa talaga siya?

Tapos gagawin akong kabit? Lintik! Lasing kasi kaya wala akong magagawa!

Ayaw ko ring mamatay! Pagsasabihin kung hindi niya ako asawa baka barilin pa ako!

"A-ano... Umalis b-ba ako?" 

Nakunot naman ang noo nito sa sinabi ko. Sh't ang cute tingnan. Pero putakte hindi pwede 'to!

Hindi ko alam anong nangyari sa kanya ng nakita kung may namumuong hula nito sa mga mata niya at tuluyan 'yong nagsibagsakan.

"M-mas pinili mo ang hayop na 'yon kaysa sa sa 'kin..." Naluluhang sabi nito. Nataranta naman ako ng napayuko ito at humagulgol. Walang na akong naisip kundi yakapin na lang siya. "W-why? Bakit mo ako iniwan? Kung ako sana ang pinili mo hindi lahat ng 'to ay mangyayari sa iyo... may pamilya na sana tayo..." Mas hinigpitan nito ang yakap at binaon ang mukha sa leeg ko.

Marami ng malulutong na mura na nasabi sa isip ko ngayon.

Lasing eh! Kailangan kung makisabay!

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Tahan na... ahh... tulog kana..." Gusto kung batukan ang sarili ko ngayon.

"Hmm, I missed you so much. Let's sleep now," aniya. Siya na ang bumitaw sa kakayakap at hinawakan ang kamay ko. Agad ko itong inalalayan dahil muntik pa itong matumba. 

Napasigaw ako ng bigla niyang binagsak sa kama ang katawan niya kaya napasama tuloy ako.

Laking gulat ko nang bigla na lang siya pumaibabaw sa 'kin at walang pasabing bigla niya akong hinalikan!

Mama! Tulong! Ang first kiss ko!

Ramdam na ramdam ko ang dila niya na nasa labi ko at kinagat pa ito!

Jusko!

Nilakasan ko ang sarili ko para mawala siya sa ibabaw ko. Naputol ang halik namin at ako naman ang pumalit sa pwesto niya! Pumaibabaw ako sa kanya habang hawak-hawak ko ang magkabilang kamay niya sa magkabilang gilid niya.

Pero ang lintik biglang ngumisi.

"Still wild, huh? I liked it." Nagngingitngit na ang mga ngipin ko ngayon dahil gusto ko na siyang susuntukin. Agad naman niyang tinangal ang pagkakahawak ko sa kamay niya at niyakap niya ako habang nasa ibabaw ako sa kanya.

"I'm tired and sleepy... mabuti't bumalik ka kaagad sa 'kin..." 

Rinig na rinig ko tibok ng puso niya. 

Sa bawat tibok ng puso niya ay mas mararamdaman ako sa sarili ko kakaiba. Napatingin ako sa relo niya. Malapit na palang mag four ng umaga. 

"Matulog ka na," ani ko tsaka tumango naman ito at hinalikan niya muna ako ang noo ko tsaka hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin. Narinig ko pang bumulong na 'wag ko raw siyang iwan. Ang lala pala ng ginawa ng asawa nito. 

Tinignan ko ang maamo niya mukha habang natutulog. Ang ganda palang lahi nito. 

"Kung 'di mo pa lang binaril si Sawyer baka crush na kita ngayon..." Bulong ko habang nakatingin sa kanya. Napabuntong hininga tuloy ako at wala sa isip na nakatulog sa ibabaw niya. 

Pagkagising ko ay inasahan ko na talagang wala siya sa tabi ko. 

Pagkabangon ko sa kama ay agad naman ako hindi makagalaw sa posisyon ko ng pagbungad ko ay may tumutok sa 'kin na baril. Nanlamig ang buong katawan ko nang nakita kung sino ang may hawak n'un. Si Sir Damon... Galit at galit ang mga mata nito habang nakatingin sa 'kin.

Unti-unti akong napatingin sa baril na hawak niya. Iyon 'yung baril na ginamit niya kay Sawyer.

"Who the fuck are you?!" 

Napatalon ako sa sigaw niya. Walang lumabas sa bibig ko dahil sa takot! Baka kung anong mangyari sa 'kin. Ano ba 'tong pinasukan ko... Ayaw ko na... Gusto ko nang bumalik kina Tita Yuni... 

"S-sir—"

"Shut up! Who are you bitch?!" Nanikip bigla ang dibdib ko nang sinabi niya ang salitang 'yon. Pero mas nadagdagan 'yon ng bigla niya akong sinampal ng malakas dahilan na bagsak ako sa sahig.

Hindi ko mapigilang napaluha dahil ni isang beses ay wala pang nakasampal sa 'kin kundi siya lang... Hindi nga ako na sampal nina Nanay...

Siya lang...

"T-tama na ho—Ahh!" Napasigaw ako ng bigla niyang pinaputukan ang pwesto ko. Buti't hindi ako natamaan. Agad kung tinakpan ang tainga ko at hindi mapigilan napasigaw dahil paulit-ulit niyang pinaputok ang baril niya malapit sa pwesto ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
expressa
ajnjjn js. dj. sk dj
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status