Share

Chapter Six : Damon Santo

Matapos kung pakainin ang mga bata ay inihabilin ko muna sila kay Berta. Agad akong nagbihis para makauwi kaagad. Pakababa ko sa hagdan ay nakita ko ang tatlo na nasa baba na naglalaro ng bagong bili na truck raw nila.

Binili daw 'yon ng Daddy nila.

Nakaka-bwesit naman ang Tatay nila, hindi man lang kayang umuwi rito para bisitahin ang mga anak niya.

Ni hindi ko rin nakita anong hitsura ng tatay nila.

Sabay namang napatingin ang tatlo sa 'kin.

"Mommy, saan ka pupunta?" Tanong ni Avyx sa 'kin.

"Dito lang kayo. Mag-grocery lang ako saglit," aniko at tumango naman ito. Kinuha ko na ang listahan na nasa mesa at nagpaalam na sa tatlo. Nakita ko na si Sawyer na naghihintay na sa 'kin sa labas. Nang nakita ako ay kaagad na itong pumasok kaya pumasok na rin ako sa passenger seat.

"Bilis!" 

Iritado kung sabi kay Sawyer. Ang bagal kasing maglakad. Dalawang oras na kaming nandito sa mall dahil ang bagal niyang maglakad. Inirapan lang ako nito. 

Napatingin ulit ako sa kanya ng nakita ko itong nahirapan sa pagbuhat ng mga pinabili namin. Lumapit na rin ako para kunin ang iba.

"Tsk." Rinig ko sa kanya kaya agad ko itong sinamaan ng tingin. Inismiran niya lang ako at nauna nang naglakad. Pumunta kami sa sasakyan at ilagay muna don ang ibang binili. Kailangan ko pang bumalik kasi hindi pa ako tapos mamili.

"Where the heck are you going?" Iritadong tono ni Sawyer nang babalik sana ako sa loob ng mall.

"Sa loob?"

"Get in. Uuwi na tayo," aniya kaya tinaasan ko kaagad ito ng kilay. Itinaas ko naman ang listahan.

"Meron pa akong bibilhin." Irita kung sabi. Kumunot naman kaagad ang noo nito.

"Bakit mo 'di binili kanina?" 

"Malamang! Andami mong dala tapos kung bibili naman akO. Mabubuhat mo ba lahat?!" Singal ko kaya tumahimik naman ito saglit.

"Tsk, dito na lang ako. Here." Sabay lahat sa black card at kinuha ko naman 'yon. Hindi na ako nagsalita at tumalikod na.

Agad kung binili ang kulang. Nakunot na lang ang noo ko habang nakatingin sa listahan na may nakalagay don na "Cinegang" sa panghuli dahilan napatawa ako. Sigurado akong 'yong dalawang dawinde ang naglagay n'un. Meron naman ingredients don kaya hindi ko na kailangan bumili pa. 

Babalik na sana ako sa parking lot nang napadaan ako sa tindahan na nagb-benta ng mga toy guns. Napangiti ako at pumasok ron.

Mukhang kailangan ko rin bumili pa sa 'kin, para naman may panlaban ako sa kanila. Syempre ginamit ko ang sarili kung pera. Yong pera na sobra na binigay sa 'kin ni Tita Yuni. 

Bumalik na kaagad ako sa sasakyan at nilagay muna sa likod ang dinala ko. Pagpasok ko ay nakita ko si Sawyer na kumakain. Inaya pa niya akong kumain pero tinangihan ko kaagad. Hindi naman ako gutom. Nang nakarating na kami sa mansion ay agad na akong bumaba. Kinuha ko lang 'yong isang paper bag at ang laruan na binili ko tsaka pumasok na. 

Agad akong natigilan ng may nakita akong apat paa sa ilalim ng bulaklak. Napangiti ako ng palihim dahil alam ko kung sino ang mga 'yon. Agad kung kinuha ang flour na binili ko at toy gun tsaka ni-ready ang mga 'yon. 

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila, bago pa nila ako hinagisan ng isang timba ng tubig at flour at inunahan ko na ang dalawa.

"Bulaga!" 

"What the hell!" Napasigaw ang dalawa dahil sa gulat at agad ko silang binuhusan ng flour.

"Haha!"

Tinignan ako nang masama sa dalawa at padabog na pumasok sa mansyon habang puno ang mga ulo nito ng harina. Agad kung tinutok ang toy gun ko sa kanina at pinagbabaril sila. 

"Ahhh!"

"Ouch!"

"Stop it!"

"Ano kayo ngayon?!" Patawa kung sabi. Tumakbo naman sila nang mabilis pata hindi matamaan. 

"Mommy!" Rinig kung natatawang boses ni Avyx kaya napatingin ako rito. May dala itong Ipad habang nakatutok sa 'kin.

"Nagv-video ka?" Mangha kung sabi at napatawa.

"Yes Mommy! Kawawa ang dalawa!" 

Sabay tuloy kaming napatawa. Binuhat ko si Avyx papasok at bumungad kaagad sa 'min si Nay Ema na nakatayo sa harap nina Azriel at Axciel habang pinupunasan ng tuwalya ang mga mukha nuto dahil sa harina.

"Oh? ano kayo?" Pang-aasar na tono ko tsaka binelatan. Tinawanan naman sila ng kapatid nila.

"Maghihiganti kami!" Sigaw ni Axciel. Tatakbo na sana ito papunta sa kwarto niya para kunin ang baril nila pero agad kung tinutok sa kanila ang toy gun na dala-dala ko.

"Sge, ipuputok ko 'to pag-aalis ka sa kinatatayuan mo." Pananakot ko. Lihim akong napangiti ng napahinto naman ito at dahan-dahang tumingin sa 'kin.

Nakakuyom pa ang maliliit na kamao nito.

Kita ko namang napayakap si Azriel kay Nay Ema. Si Nay Ema naman ay natatawa habang nakatingin sa 'min.

"Mabuti pa mag-snack muna kayo. May niluto akong donut sa kusina," ani ni Nay Ema. Kita ko namang ngumiti ng malaki ang tatlo at mabilis na tumakbo papunta ng kusina. Agad namang bumaba si Avyx sa pagkakabuhat ko at sinundan ang kapatid.

Tinignan naman ako ni Nay Ema. 

"Ikaw na bahala sa tatlo. Kanina ka pa hinihintay n'un. Panay tanong din sa 'kin kung kailan ka uuwi." Nakangiting sabi nito.

Mukhang unti-unti na akong nagustuhan ng mga bata ah.

"Tutulungan ko muna sina Sawyer sa paglalagay ng grocery sa stock room."

"Sge Nay. Ako na bahala sa mga 'yon." Tinanguan lang ako nito at ako naman ay pumunta sa kwarto nila para kumuha ng damit. Para bihisan ang mga unggoy na 'yon.

Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko ang tatlo na kumakain. Ang kalat nilang kumain! Ang daming chocolates sa gilid ng labi at may chocolates rin sa t-shirt na suot nila. Humalo pa 'yon sa harina.

"Hoy!" Sigaw ko. Sabay nilang nabitawan ang donut na kinain nila dahil sa gulat.

Napatakip tuloy ako sa bibig ko habang nakatingin sa donut na nasa sahig. Binalingan ko nang tingin ang tatlo na naluluhang nakatingin sa kinagatan nilang donut.

"H-hala sorr–"

"Ahh!"

"Ahhh!"

"Ahh!"

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko nang sabay-sabay silang umiyak. 

"S-sorry! Sorry! Gagawa ako ulit!" Patahan ko rito kaso hindi pa rin tumahan.

"Isusumbong kita kay Daddy! Ahhh!" Iyak na sabi ni Axciel habang tuloy-tuloy ang agos ng luha nito. Hindi ako mapakali dahil ngayon ko lang silang nakita na nagkaganito dahil sa donut!

"Ahhh!"

"Daddyyy!"

"S-sorry! Gagawa ako ulit! Promise! Shhh tahan na! Tahan na!" Pilit kung niyakap ang tatlo kaso itutulak lang ako.

"No!" Nanlaki ang mata ko ng bumaba si Axciel sa upuan at humiga sa sahig tsaka parang igat na binudburan ng asin.

Napasapo tuloy ako sa noo ko dahil ang ingay ng tatlo!

"T-tahan na, gagawa ako ng sinigang at donut pag titigil kayo sa kakaiyak," aniko at sabay rin silang tumigil sa kakaiyak at tumingin sa 'kin. 

Napatingin ako kay Axciel na bumangon ito at pinunasan ang sariling luha tsaka tumingin sa 'kin.

"Good. We'll wait," aniya at bumalik sa kakaupo.

Napanganga tuloy akong napatingin sa tatlo. Putakte, ganito ba sila? Jusko. Kung mga anak ko 'to kanina ko pa ito pinagsasampal ng kawali.

"Jusko, mamamatay ako ng maaga dahil sa inyo." Sabay lapit kay Azriel at Axciel para palitan 'yon ng t-shirt. 

Pagkatapos ay agad naman akong nagluto para sa kanila. Nagluto muna ako ng sinigang bago ang donut. 

"Anong gusto niyong gawin pagkatapos n'yong kumain?" Aniko habang tinignan silang kumakain. Mukhang masama ata ang tanong ko nang biglang ngumisi si Axciel na tumingin sa 'kin.

"Hmm, what about RG?" Nakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"RG?" Taka kung tanong sa kanila.

"It's a game, mommy." Sabi ni Azriel at nakangisi pa. Magsasalita na sana si Avyx pero tinakpan kaagad ni Axciel ang bibig niya. Kita ko ang pag-alalang mata ni Avyx habang pailing-iling ito.

"Paano ba 'yan?"

"Azriel, Avyx and me are soldiers and then we need an R and ikaw 'yon Mommy." Paliwanag ni Axciel. "It's like a criminal and a pulis game. You are the criminal."

"Sge, bilisan niyong kumain para maglaro na tayo," aniko at dali-dali naman inubot ng dalawa ang pagkain nila. Napatingin naman ako kay Avyx na magsasalita na sana ito pero pinanlakihan ito ng mata ni Axciel. 

Lumapit naman sa 'kin si Avyx at yumakap.

"Mommy sorry..." May pag-alalang tono nito.

"Bakit naman?" Taka kung sabi pero hindi niya ako sinagot.

"Done!"

Binuhat ko si Avyx dahil sabi ng dalawa sa sala raw kami maglalaro. Bumaba naman si Avyx at sumunod sa kapatid na kukunin muna ang gamit na gagamitin nila. Pagbaba nila ay may dala-dala na silang toy gun at posas? Nagbihis pa sila ng uniporme na pang sundalo.

Lumapit naman sa 'kin si Avyx at pinusasan ako. Nilagay ko naman ang kamay ko sa likod at pinusasan niya. 

Pinatalikod naman niya ako sa kanila kaya nagsimula na akong nagtaka. Pero sinunod ko naman ang ginawa ni Avyx.

"Mommy!" Rinig kung sigaw ni Azriel.

"Ano?"

"Alam mo ba ano ang RG?" Aniya. Umiling naman kaagad ako. Wala naman akong alam sa RG-RG na 'yan. Baka bagong laro 'yan ng pambata.

"Hindi, ano ba 'yon?" Narinig ko namang tumawa si Axciel sa sagot ko.

"Mommy, ikaw si Rizal at kami ang soldiers," nagtaka naman ako sa sinabi ni Axciel.

"Oh tapos?"

"Oh tapos? Mommy, ano bang ginawa ng mga soldiers kay Rizal?"

"Binaril patalikod?"

"Exactly!" Sigaw niya. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito! Tatakbo na sana ako ay pinagbabaril na nila ang likod ko! Mga putang*na! Ang hina ng utak ko!

"Tama na—Aray!" Hindi ako makaganti dahil nakaposas ako! 

Ansakit na nang likod ko!

"Tulong!" Sigaw ko pero tinawanan lang ako! Hangang nakarating kami sa labas ng mansyon panay baril pa rin nila sa 'kin. Nakita ko pang pinagtatawanan pa ako ng ibang taga-bantay! 

"Mga walang hiya! Tulon—Ahh! Aray! Tama na!" Naiiyak na ako! Bwesit ang mga batang 'to! Mas demonyo pa sa demonyo!

"Hahaha!"

"Mommy!" Natatawang sigaw ni Azriel at Axciel.

Wala na akong lakas dahilan natumba na ako sa bermuda grass malapit sa fountain.

Ansakit na nang likod ko...

Buti at nakita kaagad ako ni Nay Ema at sinuway kaagad ang mga demonyong humabol sa 'kin. Tinanggal na niya ang posas at tumayo na ako. Nakita ko si Axciel at Azriel na pigil tawa habang nakay Sawyer ang malalaking toy gun nila. Si Avyx naman ang nag-guilty sa ginawa niya.

Hindi ko na pinansin ang tatlo at pumasok na lang sa mansyon at dumeritso sa kwarto ko.

Binagsak ko ang sarili ko sa kama dahil sa pagod at sakit ng likod ko.

"Makakaganti rin ako..." Naisahan pa ako ng mga 'yon. Jusko. 

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng hating gabi dahil may panay katok sa pinto ko. Inis naman akong bumangon at binuksan 'yon. 

Nagulat na lang ako ng pumasok kaagad sina Axciel, Avyx at Azriel na sumampa kaagad sa kama ko. Naka pajama pa ang tatlo na gulo-gulo ang buhok nito. Nakita kung nanginginig sa takot ang tatlo.

"M-mommy..." Naiiyak na sabi ni Axciel. 

Nag-alala naman akong nakatingin sa kanila at lumapit. Agad naman nila akong niyakap ng mahigpit. Naramdaman kung ang lakas ng tibok ng puso nila habang hinihingal pa si Azriel.

Ngayon ko lang sila nakitang ganito, natatakot, na para bang may anong nangyaring masama sa kanila.

"Shh, andito si Mommy. Di ko kayo pababayaan..."

Komen (1)
goodnovel comment avatar
April Denise
It’s good chapter
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status