Share

Babysitting The Billionaire's Triplets
Babysitting The Billionaire's Triplets
Author: Joliixis

Prologue

Nakangiting tumingin si Axciel sa ama habang buhat buhat nila ang baboy para katayin mamaya. Sigurado akong iiyak ito mamaya.

"Daddy! I already have a pet!"

"Me too!"

"Me three!" Sabay-sabay nilang binuhat ang baboy at inilapit sa ama nila dahilan natigilan ang ama nila at nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa anak.

"What the—don't come near—what the heck Axciel! I said don't you dare come near me! Let go of that pig!" Sigaw nito sa tatlo at dali-daling tumakbo papunta sa 'kin sa likod para magtago.

Agad naman din siyang tinawanan ng mga anak niya.

Halos mapunit na ang damit ko dahil nakahawak ng ama nila. Hindi ko akalain na takot pala ang ama nila sa mga baboy.

Tinignan ko naman ang tatlo na patawa-tawa pa ito. Nakita ko si Sebastian na kinuha ang isang biik at inilapit iyon ni Axciel kaya napatawa ito.

"Hoy mga dawending tikbalang 'wag niyong takutin ang ama niyo," saway ko sa tatlo agad naman itong sumimangot at binaba ang baboy na hawak nila.

Pero agad namang lumapit ang tatlong baboy papalit sa gawi namin kaya ang nagtago sa likod ko ay hindi mapakali.

"Shit! Shit! Don't come here!" Utos nito sa 'kin. Nakita ko naman napanguso si Sebastian.

"Daddy, 'di naman ito nangangagat," singit ni Sebastian. Tinignan ko naman si Damon.

"Sabihin mo na please." Nakangising sabi ko. Sumama naman kaagad ang mukha niya na tumingin sa 'kin.

"What—No! Are you fuc—"

"Di bahala k—" aalis na sana ako pera agad niya namang hinawakan ang damit ko para makalapit sa kanya at ginawa akong panangga sa mga baboy na kaharap ko ngayon.

"P-please."

"Sge." Agad ko namang tinignan ang tatlo. "Hoy kayong apat dawending tikbalang kunin nyo si Peppa, George at Chloé, don natin sila papakainin tapos tayo na din ang kakain sa kanila mamaya."

"We don't eat our pet's Mommy," sabay himas ni Ezriel sa baboy na si George. Agad namang tumango ang dalawang kapatid nito.

Sasagot na sana ako kaso bigla na lang sumigaw si Ching na tumakbo papalapit sa 'min at kasama niya rin si Yokyok at si Pareng Loloy. Nakita ko pang natigilan si Axciel habang nakatingin kay Ching na nakataas ang kilay habang tinitignan ang baboy na hawak niya. Mas mataas kasi kaunti si Ching kaysa kay Axciel.

"Hoy Axciel! kayo din..." sabay turo nito sa tatlo, "...kunin na namin ang mga iyan dahil saksakin na namin 'yan sa leeg para gawing litson!" may halong pananakot na tono nito.

Nanlaki naman ang mata ng tatlo dahil sa sinabi ni Ching. Rumehistro naman kaagad ang takot sa mukha ng tatlo habang si Sebastian ay nakangiting tumango-tango, na para bang excited letsonin ang baboy.

"No!" Sabay na sabi nito. Agad namang sumama ang mukha nito.

"Anong No? Nuknukin ko kaya 'yang pagmumukha niyo, eh?! Kailangan na namin 'yan dahil apat na oras pa 'yan bago maluto."

"Ching p-pwede ba nama— "

"Hindi pwede." Putol nito kay Avyx ang pinakamabait sa tatlo.

Agad namang lumapit at hinarap ni Axciel si Ching na iritadong mukha.

"This is our pet's not foods!" Sigaw ni Axciel pero agad naman lumapit si Yokyok at As as kay Axciel para protektahan si Ching.

"Hoy spoiled na bata! Wag mong sigawan si Ching!" sigaw ni AsAs kay Axciel. Galit namang humarang si Azriel kay Axciel at hinarap si As as.

"Ano?! Suntukan na lang oh!" sigaw nito kaya hindi ko mapigilang mapasapo sa noo. Binaba pa nito ang baboy na hawak niya at aakmang huhubadin sana ang t-shirt para makipag suntukan.

Pinigilan naman ito kaagad ni Avyx.

"Sige ba!"

"Baka dudugo iyang utak mo eh!" singal ni As As kay Azriel.

"I don't care!"

"Puwet mong kerker!" Dinugtungan naman kaagad ito ni Ching kaya pinigilan kung tumawa habang tinignan silang nag-aaway.

Si Ching lang ang babae sa kanila pero kung makaasta daig pang siren kung makasigaw."Tama na 'yan," awat ko sa kanila. Agad kung binalingan ng tingin si Pareng Loloy. "Pareng Loy pwede bang iyong sayo na lang baboy ang iihawin natin ngayon? Baka kasi umiyak ang mga 'to eh." Tukoy ko sa tatlo kaya agad naman itong tumango at pumayag.

Nagpaalam na itong pupunta na. Nakita ko pang inirapan muna ni Ching si Axciel bago umalis papatakbo.

Binalingan ko ng tingin ang lalaking nakatago pa rin sa likod ko at tinaasan ng kilay. Ni hindi man lang inawat ang mga anak niya? nakatingin lang ito sa mga bata na para bang gustong-gusto nakikitang nakipag-away.

Tinignan ko naman ito ng masama.

"Ikaw, sumunod ka kay Pareng Loloy, tulungan mo sila Pareng Loloy don!" sumama naman ang mukha nito.

"No way—"

"Axciel ilapit mo nga si—"

"Fine!" Agad ko naman itong ningitian ng matamis at tuluyan na siyang umalis.

Tingnan natin kung kaya mong magbuhat ng limampung kilo na baboy. Ke lalaking tao takot sa baboy. Nakita ko pang nandiri habang hawak-hawak ang paa ng baboy.

Narinig ko na lang pinagtatawanan ito ng mga kababata ko dahil sa inasta ni Damon. Ang laki ng katawan 'eh takot sa baboy. Unti-unting nawawala ang ngiti ko dahil biglang pumasok sa isip ko. Mauulit ba ito kung aalis na ako bilang taga bantay ng mga bata?

"Mommy, let's go." Narinig ko na lang si Avyx kaya pilit ko itong ningitian.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Maviel Dumpie
nabasa mo na lahat te?...
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
cute kaya ng baboy
goodnovel comment avatar
Aoife Vania
nandto aq dahil hndi ko mabasa sa watty
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status