Share

Chapter 2

Author: pariahrei
last update Huling Na-update: 2022-01-26 19:17:33

Chapter 2

Nasundan niya ng tingin ang therapist na hinatid ni Alejandro palabas ng kwarto ni Nexus. Hindi maganda ang kinalabasan ng session ng learning abilities ng dati niyang asawa dahil hindi ito nakikipag-cooperate.

            Bumalik siya sa harapan ni Nexus na nakatingin sa kanya mula pa kanina. Umupo siya sa gilid ng higaan nito at inabot niya ang flashcards na ginamit kanina ng therapist.

            “Alam mo ba kung ano ito?” Ipinakita niya ang isang flashcard na may nakasulat na letrang ‘B’.

            Hindi siya sinagot ng lalaki bagkus ay nakatitig lang ito sa kanya.

            “This is letter B.” Kinuha niya ang isa pang flashcard. “And this is A.”

            Tumango si Nexus, naiintindihan ang sinabi niya.

            “Ano ito?” muli niyang tanong.

            “E-Ey.”

            “How about this one?”

            “B-B.”

            Bahagyang kumunot ang noo niya. “Alam mo naman pala eh. Bakit hindi ka sumasagot kanina nang tinanong ka no’ng therapist?”

            Parang bata lang na umiling si Nexus.

            Kumuha ulit siya ng isa pang flashcards at muling ipinakita. “Ito? Alam mo?”

            Nang tumango si Nexus ay mariin niyang kinagat ang kanyang mga labi. Alam naman pala nito ang mga itinuturo ng therapist kanina, bakit hindi ito sumasagot at panay lang ang tingin sa kanya?

            “Next time, kailangan mong sagutin kung ano ang itinatanong ng therapist.” Mistula siyang nanay na pinapagalitan ang anak dahil hindi ito nakasagot sa tanong ng guro. “Hindi pwedeng ganito ka palagi. Paano ka gagaling? Gusto mong gumaling ‘di ba?”

            “G-Gus..to,” he paused and look at her like a scolded kid, “ko, ikaw-w ang turo.”

            Umirap siya at naiinis na pinagmasdan ang dati niyang asawa. The man that she’s looking at right now, is far from the mighty Nexus Almeradez she knew.

Maputla ang mukha, walang kulay ang mga labi, may kahabaan ang buhok at mahaba ang balbas. Malayong-malayo sa Nexus Almeradez na walang sinasanto pagdating sa negosyo, makapangyarihan at kinatatakutan.

            Sa mga sumunod na sandali ay napilitan siyang turuan si Nexus. Kapag mas madali itong gumaling, mas mabilis siyang makakabalik sa dati niyang buhay at makakawala siya sa anino nito. Nang makatulog si Nexus matapos uminom ng gamot, tumayo na siya at lumabas ng kwarto.

            It’s been three days since she went to Manila. Wala siyang ginawa kundi manatili sa tabi nito. It was suffocating for her but she can’t do anything because this is a job for her. A mission that she needs to stand and survive or she’ll die if she let her anger explodes.

            “Amara,” tawag sa kanya ni Alejandro nang makasalubong niya ito sa elevator.

            Tipid niyang tinanguan ang lalaki at sinabayan ito maglakad patungong cafeteria ng hospital. Alam niya kasing kailangan nilang pag-usapan kung paano ang magiging buhay ni Nexus kapag na-discharge na ito sa hospital.

Kung may tao man sa loob ng hospital na totoong nagmamalasakit, si Alejandro iyon. At hindi niya nagustuhan na nainis siya bigla nang tila walang pakialam na umalis kanina si Hordan at Leticia bago pa man magsimula ang therapy ni Nexus.

            “It’s nice to see you again,” simula ng lalaki. “How are you?”

            “Doing fine until Leticia shows up again.”

            “I’m sorry if you need to endure this.”

            “It’s money. I need it.”

Simula pa lang ay maayos na ang pakikitungo sa kanya ni Alejandro at maituturing niyang kaibigan ito. Subalit, nang maghiwalay sila ni Nexus, mas pinili niyang putulin rin ang komunikasyon niya rito.

            “Kilala kita. Hindi mo iyon kailangan.”

            Nagkibit-balikat siya. “Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan.”

            Ilang segundo rin siya nitong tinitigan bago muling nagsalita. Tila may gustong sabihin ang mga mata nito ngunit mas pinili na lang manahimik.

Pinag-usapan nila ang tungkol sa pag-uwi ni Nexus sa Hacienda Constancia kapag nakalabas na ito ng hospital. Dahil ang alam nito ay mag-asawa pa rin sila, kailangan niya ring manirahan sa mansion nito sa hacienda.

            She used to live in there. Gamay na niya ang pasikot-sikot ng hacienda kaya lang hindi niya alam kung kaya niya bang manatili sa lugar kung saan marami silang masaya at mapait na alaala nila ni Nexus.

            Mananatili siya sa tabi ni Nexus hanggang sa makaalala na ito at doon niya lang makukuha ang kabuoang bayad ng kanyang serbisyo.

            Pagkatapos nilang mag-usap ni Alejandro ay umuwi siya sa condo ni Meimei. Nakatanggap siya ng tawag mula sa sekretarya—si Anjeanette, na nag-set ng appointment ang arkitekto at engineer para sa itatayong mga Casa.

 Tuloy ang expansion ng kanyang negosyo.

            Umalis siya sa Maynila na kay Alejandro lang siya nagpaalam. Naintindihan naman yata nito na ayaw niyang kausap si Nexus kaya hinayaan na lang siya nitong umalis ng hindi man lang nagpapakita sa dati niyang asawa.

            Naging busy siya sa nakalipas na halos isang buwan. Kaliwa’t kanan ang meeting niya dahil sa expansion. May mga investors din na nagpakita ng interes sa pakikipagsosyo sa kanya.

            Napatingin siya sa telepono nang bigla iyang tumunog. Ibinaba niya ang kanyang hawak-hawak na sign pen nang masilip na wala si Anjeanette sa table nito. Dinampot niya ang telepono at inilapit sa kanyang tainga.

            “This is Casa Amara, office of the CEO. What can I do for you?”

            “H-Hi,” wika ng pamilyar na boses sa kabilang linya. “T-To Amara S-Stephanie Almeradez, please.”

            Sandaling tumigil ang kanyang paghinga sa buong pangalan na binanggit ni Nexus sa kabilang linya.

            Sandali niyang binaba ang telepono at huminga ng malalim. Tumikhim siya bago muling inilapit iyon sa kanyang bibig.

            T-This is Amara Stephanie…A-Almeradez,” nagkandautal at hirap siyang ikabit ang apelyidong iyon sa pangalan niya.

            “S-Steph. Miss you…” Kumpara nang iniwan niya ito, mas maayos na ito magsalita ngayon. Pautal-utal pa rin ngunit nasasambit na nang mas malinaw ang mga salita.

            “Hey,” wika niya, hindi pinansin ang sinabi nitong na-miss siya nito.

            “K-Kailan ka pupunta ulit d-dito? H-Hindi ka nagpaalam sa…sa akin.”

            “Hindi ko alam. I’m busy,” she tried her very best to sound interested in what he was saying.

            Halos mag-iisang oras din siyang nagtiis na marinig ang boses ni Nexus. Kung hindi lang ito magdududa, malamang binabaan niya na ito ng telepono. Kahit nahihirapan at medyo pautal-utal, nagawa pa rin nitong ikwento sa kanya ang mga ginawa nito habang wala siya.

            Ibinida pa nito sa kanya na sumusunod daw ito sa itinuturo ng therapist dahil iyon daw ang gusto niya.

 Huh! Ginawa pa siyang dahilan. Kanda irap na naman siya dahil sa iritasyon.

            “I need to go. May meeting pa ako,” aniya.

            “O-Okay. B-Bye.”

            “Yeah.”

            “S-Steph,” malambing ang boses na tawag nito sa kanya nang akmang ibaba na niya ang telepono.

            She sighed quietly. “Hmn…”

            “I-I…love y-you.”

            Hindi niya inasahan ang reaksyon ng kanyang puso. Bumilis ang pagtibok niyon ng walang permiso niya kaya malutong siyang napamura at pabagsak na binitawan ang telepono.

            MALUHA-LUHA siyang sinalubong ni Nanang Yeye nang bumaba siya sa kotse ni Sebastian, ang asawa ng kanyang nakatatandang kapatid na si Neshara.

Hinatid siya ng mga ito sa bungad ng hacienda kung saan naroroon ang pick-up na naghihintay sa kanya.

            “Amara, naku anak. Miss na miss na kita,” hagulhol ng mayordoma ng mansion at mahigpit siyang niyakap. Hinaplos niya ang likod ng matanda at pinigilan ang sarili na maluha rin.

Dalawang taon niya rin hindi nakita ang mayordoma nag-alaga at kakampi niya noong nanatili pa siya sa mansion ng Hacienda Constancia.

            Bumitaw sa kanya ang matanda ngunit hindi lumayo, bagkus ay hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi.

            “Mas gumanda ka ngayon, Alaga ko.” Hinalikan siya nito sa magkabila niyang pisngi na parang isang ina nawalay ng matagal sa anak. 

            Kinuha ni Mang Ambo—ang asawa ni Nanang Yeye—ang kanyang mga gamit sa loob ng sasakyan ni Sebastian. Nakatingin lamang sa kanya ang ate niya pati na rin ang asawa nito habang tinutulungan niya si Mang Ambo.

            “Salamat sa paghatid, Ate,” wika niya sa kapatid na nakatayo na sa harapan ng kotse.

            “Wala ‘yon.” Hinawakan nito ang magkabila niyang kamay at pinisil iyon. “Magiging maayos ka ba rito? Sigurado ka ba sa disisyon mo? Pwede kang mag-back out sa usapan niyo ni Leticia. Sebastian can lend you money.”

            “I will be fine.” Matatag ang kanyang ba

            Bumuntong-hininga ang kanyang kapatid at muling pinisil ang magkabila niyang kamay Niyakap at hinalikan siya sa ulo katulad ng kung paano siya nito halikan no’ng mga bata pa lamang sila. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ang mga ito sa kanya matapos siyang bilinan ng nakatatandang kapatid na dalaw-dalawin niya ang mga ito sa bahay. 

            “Tara na, Anak,” yaya sa kanya ni Nanang Yeye. Katulad pa rin ng dati, mabait at palakwento ang matanda. Nang magsimulang pumasok ang sasakyan sa loob ng lupain ng mga Almeradez, nagsimulang magkwento ang matanda sa mga nangyari sa Hacienda simula ng umalis siya.

The Hacienda looks wider than before. Iba na rin ang kulay ng malaking gate sa pinakabungad ng lupain kung saan may arko na nakalagay ang pangalan ng hacienda. Natataniman pa rin ng puno ang magkabilang gilid ng driveway ngunit nadagdagan ng mga bench roon. May mga katamtamang laki rin na puno ng mangga sa kaliwang bahagi ng driveway. Wala pa ang mga iyon nang umalis siya.

            Ilang sandali pa ay natanaw na niya ang mansion na nakatayo sa pinakagitnang bahagi ng malawak na lupain. Katulad ng dati, kulay puti pa rin ang kulay niyon. Matayog pa ring nakatayo na tila kastilyo sa pinakagitna ng kaharian.

            Sa harapan niyon ay nakatanim ang mga bulaklak na kumo-konekta sa kaliwang gilid ng mansion na may malawak na hardin.

            May tatlong katulong na agad na lumapit sa kanila nang tumigil ang sasakyan sa front door ng mansion.

            “Sa master’s bedroom niyo ilagay ang mga maleta,” utos ni Nanang Yeye.

            “Sa guest room po, sa harap ng master’s bedroom.”

            “Pero anak di ba—”

            “Ako na pong bahala,” wika niya nang akmang babanggitin nito ang tungkol sa na-aalala ni Nexus na mag-asawa sila.

            Tumango ang matanda at hinayaan ang dalawa katulong na buhatin papasok ang mga maleta niya.

            “Nasabi ko na sa mga trabahador ang sitwasyon. Walang magbabanggit kay Nexus na hiwalay na kayo. Pati na rin ang mga trabahador sa taniman ay nasabihan ko na rin. Hindi naman kami nahirapan ni Ambo na kausapin sila dahil mabilis naman silang kausap. At saka isa pa, alam nila ang kalagayan ni Nexus.”

            “Salamat po.” Inaya siya nito papasok sa loob ng mansion.

Nag-atubili pa siyang itapak ang kanyang mga paa sa malinis na sahig ng bahay. Tila bigla siyang nilukob ng kalungkutan at ang mga alaala ng kahapon ay mistulang agos na rumagasa sa kanyang sistema.

            Inihakbang niya ang isang paa papasok. Sumunod ang isa pang paa hanggang sa namalayan na lang niya ang sarili na nakatitig sa nakasabit na malaking larawan nila ni Nexus sa living room. Masaya ang ngiti niya sa larawan, habang si Nexus naman ay kahit nakataas lang ng bahagya ang sulok ng labi, bakas naman sa mga mata ang kasayahan.

            Kumuyom ang kamao niya, gustong suntukin ang larawan na iyon.

            Humarap siya sa mayordoma at itinuro ang wedding picture. “Hindi naman siguro kailangang i-display pa ang picture na iyan.”

            “S-Sige. Ipapaalis ko na lang,” tanging sagot ng mayordoma nang makita ang hindi maitagong iritasyon sa mukha niya. Nagtawag ito ng katulong.

Hindi niya na nilingon pang muli ang wedding picture nang alisin iyon ng dalawang katulong.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nelly Jean Almar
Naalalako si lysa na naka 8milyon kay gideon
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 3:

    Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 2

    Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 1

    Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Epilogue

    Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 3)

    Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 2)

    Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 1)

    Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 63

    Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 62

    Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status