Chapter 4
Nakangiti ang matalik niyang kaibigan na si Castiel nang salubungin niya ito sa harap ng mansion. Nakapaskil ang mapang-asar nitong ngisi sa mga labi nang i-abot sa kanya ang isang pumpon ng bulaklak.
“Hindi mo sinabi sa akin na babalik ka sa hacienda. Change of mind?”
Inirapan niya ito at inaya ito papasok ng mansion. Nakasalubong niya si Nanang Yeye na pababa ng hagdan. Curious itong nakatingin kay Castiel.
“Nanang, palagay naman po nito sa vase,” aniya. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang nag-uusyusong pagtaas ng kilay ni Castiel sa sinabi niya.
Atubili pa ang matanda nang kunin nito mula sa kamay niya ang bulaklak. “Ikaw iyong binate ng mga Revamonte, hindi ba? Ang may-ari ng Rancho Revamonte?”
Ang Rancho Revamonte ay ang katabing lupain ng Hacienda Constancia.
Tumango si Castiel at magalang na bahagyang yumuko sa matanda. “Opo. Ako nga po.”
Tumango-tango si Nanang Yeye at sinulyapan ang hawak-hawak na bulaklak sa kamay bago siya muling tiningnan. “Saan ko nga ito ilalagay, Anak?”
“Sa vase po. Pakilagyan ng tubig at ilagay sa opisina ko.” Her office means, the guest room that she’s using.
“S-Sigurado ka?” kulit pa nito.
Halos kamutin niya ang kanyang pisngi sa kulit ni Nanang Yeye. Alam niya naman ang nais ipunto ng matanda, ngunit wala siyang pakialam doon. Gustong ipahiwatig nito sa kanya na dapat ay hindi siya tatanggap ng manliligaw dahil nasa bahay na iyon si Nexus.
Pakialam niya ba? Mas mabuti ngang makita ni Nexus na binigyan siya ng bulaklak ni Castiel.
“Doon lang po kami sa garden. Pakidalhan na lang po kami ng maiinom,” aniya at hinawakan sa kamay ang lalaki. Sunod-sunuran naman sa kanya si Castiel nang hilahin niya ito papunta sa malawak na hardin.
Halos itulak niya si Castiel paupo sa harap ng pabilog na breakfast table na naroroon. Tumawa ito nang inagaw niya ang kanyang kamay at umupo rin sa harap nito.
“Bakit parang bad mood ka yata? At saka bakit nga pala nandito ka sa Hacienda? This is a bomb to my system. Sa pagkakatanda ko, sinumpa mo ang Hacienda na ito pati na rin ang may-ari.”
“Bakit ang tsismoso mo?”
“I was just curious.”
Hindi niya ito sinagot at iniba na lang ang direksyon ng usapan. Nagpasalamat ito sa pagpapanggap niya bilang girlfriend nito nang nakaraang birthday party. Pinagpipilitan kasi ng mga magulang nito na ipakasal si Castiel sa nag-iisang anak ng mga Interino.
“W-Who are you?” biglang sita ng pamilyar na boses.
Sabay pa silang lumingon ni Castiel sa likuran nila. Malinaw ang iritasyon sa mata ng naka-upo sa wheelchair na si Nexus. Nasa likuran nito si Rex na siyang tumutulak sa wheelchair.
“Hey, Man,” bale-walang bati ni Castiel.
“S-Sino ka?”
Malakas na tinapakan niya ang pa ani Castiel nang akmang sasagot ito. Napa-igik ang lalaki.
“He’s Castiel Revamonte from Revamonte Ranch.”
“Hey, Man,” muling bati ni Castiel matapos siyang bigyan ng palihim na ngisi. “We met multiple times in some business gathering. I guess, Nexus Almeradez doesn’t recognized me.”
“He doesn’t remember anything,” singit niya para maiparating kay Castiel na huwag na itong magsalita pa.
“Oh, sorry. I’m just visiting Steph here.”
“H-Hindi k-ko kailangan ang s-sorry mo,” mas naging madilim ang mukha ni Nexus sa pagkakataong iyon. Nakikipagkompetensiya ang dilim ng awra nito sa maliwanang na sikat ng araw.
Marahas na itinuro ni Nexus ang daan palabas ng hardin. “U-Umalis ka rito.”
“What?”
“Umalis k-ka rito!” sigaw ni Nexus kasabay ng pagpasok ng limang kalalakihan na nakilala niyang mga iniwang bodyguard ni Alejandro.
Dinaklot ng mga bagong dating ang magkabilang braso ni Castiel.
“A-Ayaw kong ma…m-makikita siya u-ulit dito!”
Bago pa man makapalag si Castiel, nagsimula na ang mga naglalakihang lalaki na kaladkarin ito palabas. Sinikmuraan ng isa ang kawawang Revamonte nang tinangka nitong pumalag.
“What the f*ck?” malutong niyang mura at hindi nakatiis na hampasin ang bodyguard na sumikmura sa kaibigan.
Kumuyom ang kanyang kamao nang hindi man lang natinang sa hampas niya. Diretso sana ang kamao niya sa panga nito kung hindi lang nito nasalo kasabay ng paghapit sa kanyang baywang ng Nexus mula sa likuran niya.
“Huwag niyong sasaktan si Castiel. Yari kayo sa akin.”
Hindi siya pinakinggan ng mga lalaki at mas kinaladkad pa ng mga ito si Castiel. Marahas niyang inalis sa pagkakapulupot sa kanyang baywang ang braso ni Nexus at galit na hinarap ito.
“What the f*ck, Almeradez? Kailangan bang maging ganon ka kabastos?” sigaw niya habang matalim ang mga mata at nangangalit ang mga ngipin.
“H-Hindi ko g-gusto ang inaasta mo, A-Amara Stephanie,” mariin nitong sagot sa kanya.
“Wala akong pakialam kung gusto mo o hindi. Wala kang karapatan. Wala! So, you better shut your mouth before I slapped you with how shitty you are.”
“A-Asawa mo ako,” ganti ni Nexus.
“T-nginang asawa ‘yan.” Kung hindi lang naka-wheel chair si Nexus, malamang binigyan niya na ito ng uppercut. “Para sabihin ko sa ‘yo—”
“Anong nangyayari rito?” Naputol ang sasabihin niya nang humahangos na dumating si Nanang Yeye. Natauhan siya at gustong sampalin ang bibig.
Ilang beses niyang ikinuyom at ibinuka ang kamay para payapain ang sarili habang nakikipaglaban ng masamang tingin kay Nexus. Ang pagtaas-baba ng kanyang dibd ib ay nagpapatunay na umalpas ang galit na pilit niyang kinadenahan noon.
“Bakit nagsisigawan kayong dalawa?” Si Nanang ulit, pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila. “Rex? Anong nangyari?”
Hindi sumagot ang nurse na kanina pa parang nanonood lang ng teleserye na nakatanga sa kanila.
Lumunok siya upang alisin ang bara sa lalamunan bago pigil ang sarili na humarap sa mayordoma. “Wala po, Manang.”
Bago pa man makasagot ang matanda ay tinalikuran niya na ang tatlo. Malalaki ang kanyang hakbang na lumabas siya sa garden. Napatakbo siya sa loob ng elevator at gigil na pinagpipindot ang button. Hindi pa man siya nakalalabas ng elevator ay nagsimula ng mangilid ang mga luha niya.
Kinagat niya ang loob ng kanyang bibig at mabilis na tinakbo ang kwartong inuokupa. Sunod-sunod na nagsipatakan ang kanyang mga luha kasabay ng paglapat ng pinto pasara.
Tinakpan niya ang kanyang bibig at niyakap ang sarili nang umalpas ang masakit na hikbi sa kanyang bibig. Nasundan iyon ng isa pa…dalawa pa…hanggang hindi na niya mabilang.
After two years, she cried again. After that painful death of her unborn child, ngayon na lang siya ulit umiyak. Same man, same reason…
Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n
Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi
Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy
Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H
Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.
Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l