Huminga nang malalim si Shaina habang nakatayo sa harap ng salamin ng comfort room ng building ng papasukan na niyang trabaho. Pinagpapawisan ang palad niya, idagdag pa ang nanginginig niyang tuhod, at parang may maliit na martilyo sa dibdib niya na walang tigil sa pagpukpok. In short, kinakain na siya ng kaba. Kaya hindi niya alam kung kaba pa ba ‘tong nararamdaman niya ngayon o natatae na ba siya.
“Okay, Shaina. Kaya mo ‘to,” bulong niya sa sarili at sinabayan ng matamis na ngiti habang nakatingin pa rin siya sa salamin. “First day lang ‘to. Hindi ka matatae. Hindi ka matatae!”
Napailing siya sa sariling repleksyon. Kapag talaga kinakabahan ka kung ano-ano na lang ang nararamdaman mo.
Inayos niya ang kaniyang buhok. Hindi siya mukhang handa sa ayos niya. Hindi siya mukhang killer secretary na kayang tapatan ang supladong boss niya. Para siyang batang first time pumasok sa eskwela na naiwan ng nanay sa gate. Muli tuloy siyang napailing.
Kinuha niya ang pressed powder sa bag, nagretouch at pinilit magpout sa salamin. “There. Presentable ka ng tingnan. Hindi na halatang gusto mo nang tumakbo pauwi.” Inayos niya ulit ang buhok at kinindatan ang sarili. Kahit paano, gumaan ang loob niya.
Just when she was starting to breathe normally, biglang bumukas ang pinto ng CR. At muli na naman siyang nakaramdam ng kaba kaya sa hindi niya malamang dahilan ay nagawa niyang pumasok sa cubicle at doon nagtago. Dalawang babae ang pumasok, parehong naka-office attire at mukhang sanay na sa building. Hindi siya agad napansin na pumasok siya sa cubicle. dahil busy ang mga ito sa kwentuhan. Hindi ba napansin or hindi lang talaga siya worth it pansinin?
“Bes, narinig mo ba yong tungkol sa nag-apply kahapon?” panimula ng isa.
Wait, ako ba ang pinag-uusapan nila? Bulong niya sa sarili.
“Diyos ko, oo!” sagot ng isa pa, sabay tawa. “Nagpunta raw sa interview na may putik-putik ang damit. Walang ka-poise-poise daw, te! Parang hindi daw mag-aapply, eh. Kung ako ‘yon, magtatago na lang ako sa ilalim ng mesa kaysa humarap pa kay Sir Lukas.”
Narinig pa niyang nagtawanan ang dalawa kaya kating-kati ang mga paa niya na lumabas sa cubicle at ipag-untog ang dalawang chismosa. Porque hindi alam ang totoong dahilan kung bakit siya naputikan ay gagawin na ng mga ito na gawin siyang chismis for the day.
“At eto pa,” tuloy ng unang chismosa. “Ang chika, tinanggap daw agad ni Sir Lukas. Aba, anong meron? Baka naman may hidden talent si girl!”
At nagtawanan na naman ang dalawang bruha. Hindi na talaga niya napigilan kaya binuksan na niya nag pinto ng cubicle at lumabas. Walang pakundangang nilingon niya ang mga chismosa at tiningnan ang dalawa from head to toe.
Akala mo naman mga magaganda, mga mukha naming paa.
“Hi,” pakunwaring ngumiti siya sa dalawa, kahit sa loob-loob niya gusto na niyang ibalibag ang pressed powder case sa kanila.
Hindi makaimik ang dalawa. Kaya mabilis niyang isinara ang powder na kanina pa niya hawak, sinuksok sa bag, at dere-deretsong lumabas na ng CR. Taas-noo. Parang walang nangyari.
Pero habang nagmamartsa siya sa hallway, nagngangalit ang isip niya.
Unang araw pa lang, trending na agad ako as Miss Putikan. At sino dapat sisihin? Hindi yong dalawang bruha sa CR—kundi yong boss kong mayabang na parang hari kung umasta! Kung hindi niya ako nilublob sa putikan gamit ang luxury car niya, hindi ako magiging katatawanan ngayon. Kagigil!
Kumuyom ang kamao niya.
Kung hindi lang ako gipit, kung hindi lang kailangan ng pamilya ko, hinding-hindi ko tatanggapin ang trabahong ‘to. Pero dahil kay Lukas Vergara, ako na ngayon ang official office tea. At swear, gusto ko siyang ibaon ng buhay sa putikan kung saan niya ako unang bininyagan! Ilublob ko siya don nang paulit-ulit, tapos tabunan hanggang sa wala nang matira kundi yung mayabang niyang ngiti!
Mariin niyang kinagat ang labi.
Pero hindi pwede. Hindi ko siya pwedeng patayin. Joke lang ‘yon, mabait pa rin ako no! Dahil kung mawawalan ako ng trabaho, paano na ang nanay at tatay ko sa Cebu? Paano na lang ang pamilya ko?
Huminga siya nang malalim, pilit kumalma.
Fine. Hindi ko siya ibabaon sa putikan. Sa septic tank na lang para mas bagay.
HUMINGA siya ng malalim bago kumatok sa glass door na may nakasulat na CEO – Lukas Vergara.
Hindi niya alam kung bakit parang may kaba sa dibdib niya na para bang hinahabol siya ng multo.Relax, Shaina. Trabaho lang ‘to. Trabaho na parang wala kang choice. Ganon lang, okay? Chillax.
“Come in.”
Narinig niya ang malalim pero kalamado na boses mula sa loob.
Pagpasok niya, parang ibang Lukas Vergara ang bumungad sa kanya. Hindi ito yong lalaking kahapon ay mayabang na nakasandal sa swivel chair nito na tila minamaliit siya mula ulo hanggang paa. Natatandaan pa niya talaga ang pag head to toe nito sa kaniya.
Muli niyang tinitigan ang lalaki na mala-prinsepe na parang hindi marunong manakit. Pakiramdam niya tuloy hindi ito yong boss na nagbansag sa kanya ng babysitter secretary.
Ang nasa harap niya ngayon ay isang gwapo, focused, almost intimidating professional boss. Suot nito ang puting polo, nakasara hanggang leeg, paired with a navy-blue blazer. Nakalapat ang mga mata nito sa laptop, pero nang itaas nito ang tingin sa kaniya ay diretso siyang natigilan.
“Sit.” Maikli pero buo ang boses nitong utos. Walang yabang, walang sarcasm. Just pure authority.
Umupo siya sa leather chair na malapit sa lalaki habang pilit na pinapakalma ang sarili. Patuloy pa rin siya sa pagtitig dito.
Ano ‘to? Doppelgänger? Clone? O baka naman may twin brother ang lalaki na mabait? Kasi impossible. Hindi ito yong Lukas na nakita ko kahapon eh!
“Since ikaw na ang magiging secretary ko, I’ll do the orientation myself,” wika ni Lukas. May halong authority ang pagkasabi nito na parang walang personal na kulay. “Hindi ko kayang ipaubaya ito sa iba. You’ll be handling everything about my schedule, meetings, calls, at correspondence. Confidential lahat ‘yon. Kaya kapag nagkamali ka, hindi lang ako ang maaapektuhan kundi ang buong kumpanya.”
Shaina nodded mechanically, pero sa loob-loob niya ay nag-aalboroto na ang utak niya.
Wow. Big word: confidential. So, hindi na siya Lukas the Jerk, ngayon siya na si Lukas the Gentleman Boss? Aba, ang bilis ng character development mo, Sir! Sigaw ng utak niya.
Habang nagsasalita si Lukas ay detalyado nitong itinuro sa kaniya kung paano gumagana ang filing system, kung kanino siya dapat makipag-coordinate samantalang hindi niya maiwasan na titigan ito. Ang bawat paggalaw nito ay parang pinag-isan at wala ni isang sablay. Pero sa paraan ng pagsasalita nito ay ibang-iba sa Lukas na nakausap niya kahapon.
At doon siya lalong nalito. Kasi bakit bigla niyang naisip na gwapo pala ito? Agad siyang napailing, hindi dapat ganito ang takbo ng utak niya. Dapat galit siya dito eh, kasi ito ang salarin kung bakit naging laman siya ng chismis sa sarili nitong kompanya.
“Miss Dela Cruz, are you listening?”
Napatigil siya. Nahuli siyang nakatitig sa lips nito at hindi niya alam kung paano itatama ang sitwasyon. Nahihiya siyang yumuko at nagkunwaring nakatitig sa kuko niya.
“Yes, Sir!” mabilis niyang sagot, halos napalakas pa ang boses niya.
Nagtaas ito ng kilay na parang hindi sigurado sa sagot niya. “Then repeat what I just said.”
Patay.
Kinagat niya ang labi niya at nagpanggap na nag-iisip. “Ah you said, confidential, ahm schedule? Meetings, calls, and uhh.” Muli siyang napakamot sa ulo niya. “Top secret and everything?”
Shit! Ano pa nga ba ang sinabi niya?
Nakita niya ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi nito, parang pilit na pinipigil ang isang ngiti. “Good enough.”
At doon siya mas lalo pang nainis. Kasi bakit parang tuwang-tuwa itong makita siyang nahihirapan? At bakit parang siya pa ang hindi mapakali sa simpleng pagtitig nito? Bakit parang nabaliktad pa yata ang sitwasyon?
Lukas Vergara, wag kang magpanggap na mabait. Kahapon lang, gusto na kitang ibaon ng buhay. Ngayon naman, parang gusto kong maniwala na may anghel kang kakambal.
Nakatayo si Lukas sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng kanyang opisina. Sa ibaba, parang isang buhay na organismo ang siyudad—mga kotse na nag-uunahan, mga busina, mga taong nagmamadaling makauwi. Pero sa kanya, parang lumalayo ang lahat ng iyon. Ang focus niya dapat ay nasa mga docoments at report na kailangan niyang tingnan pero ilang ulit na niyang binasa ang parehong page at wala ni isang detalye ang pumapasok sa isip niya.Napabuntong-hininga siya nang malalim at inabot ang baso ng tubig sa mesa. Uminom siya ng kaunti, saka ipinikit ang mga mata, pilit na pinapakalma ang sarili.“Focus, Lukas. You can’t afford to mess this up,” mahina niyang sabi, halos bulong lang sa sarili.Pero kahit anong pilit, si Shaina ang sumasagi sa isip niya. Sanay siya na every hour may paramdam ito, isang simpleng “done na po dito, Sir,” o kaya “may coffee na po sa desk niyo.” Pero ngayon, ilang oras na ang lumipas, wala ni isang notification. Ni hindi man lang nagbigay ng update tungkol sa mg
Tahimik ang hapon sa maliit na sala ni Shaina. Naka-on ang laptop sa mesa, nakakalat ang ilang papeles at ballpen at mga files na dapat niya ring ipasa kay Lukas mamayang gabi. Nakaupo siya nang nakayuko, abala sa pagta-type ng email, halos malunod sa trabaho.Hanggang sa marinig niya ang tatlong sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi malakas pero sapat na para gumapang ang kaba sa dibdib niya.Napalingon siya, bahagyang napakunot ang noo. Sino kaya ’yon? Wala naman siyang inaasahang bisita. Mabilis niyang isinara ang laptop, itinabi ang mga papel, at tumayo. Ramdam niya agad ang pawis sa palad kahit wala pa siyang nakikita.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at halos mabitawan ang hawak niyang ballpen nang makita kung sino ang naroon.Si Ma’am Adelle.Nakatayo ito nang tuwid, suot ang isang eleganteng dress na tila hindi kumukupas ang porma kahit ordinaryong araw. May hawak na maliit na clutch bag at nakataas ang baba, tila ba ang presensya nito ay awtomatikong nagpapaliit ng espasy
Tahimik ang opisina ni Lukas dahil si Shaina lang mag-isa ngayon. Kanina pang umaga umalis si Lukas dahil may personal meeting daw ito at hindi na siya sinama. Nakaayos na ang mga files sa desk, at ang computer screen ay nagliliwanag sa mga spreadsheets at emails na kailangang ayusin. Nakaupo si Shaina sa tabi ng desk, abala sa pag-check ng emails at pag-aayos ng mga documents.Huminga siya nang malalim, sinubukang i-focus ang isip sa trabaho. Ramdam niya ang tensyon mula sa mga nakaraang araw, ang board meeting, ang presensya ni Lukas sa gitna ng stress, at ang pressure mula sa pamilya niya at sa pamilya ni Lukas. Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung papaano haharapin ang ina ni Lukas kung sakaling magkita sila ulit. Baka bigla na lang niyang sabihin na bigyan na lang siya ng ten million at kusa na lang siyang lalayo.Natawa na lang siya sa naisip. Kahit pa siguro twenty million, hindi niya ipagpapalit si Lukas.Yes, never!May kaunting ingay mula sa printer sa kabilang sulok,
Pumasok si Lukas sa opisina, hawak ang briefcase sa isang kamay at ang phone sa kabila. Bago pa man niya isara ang pinto, ramdam na niya ang bigat ng araw na parang bumabalot sa dibdib at ulo niya ang pressure ng darating na board meeting.Tumunog ang laptop niya ng reminders, isang urgent board meeting sa loob ng tatlumpung minuto at ilang emails mula sa mga board members at investor nila. Isa sa mga email ay may tono na nagpapaigting ng kaba sa dibdib niya: “If these decisions aren’t finalized today, we risk serious fallout.”Ang meeting ay tungkol sa isang major project delay at investor pressure, isang sitwasyon na delikado at sensitibo. Confidential ito kaya si Lukas lang ang kailangan pumunta, hindi niya puwede isama si Shaina, kahit secretary niya pa ito, dahil may mga legal at financial matters na strictly executive-only.Umupo siya sa kanyang upuan at hinimas ang buhok, nakatitig siya sa screen na parang wala sa mundo. Ang opisina niya na karaniwan nang tahimik tuwing umaga,
Nagising si Lukas sa mahinang tunog ng notification sa tabi ng kama. Inabot niya ang phone niya, at sa unang tingin pa lang ay parang biglang bumigat ang umaga niya.Dalawang missed calls mula sa isang board member. Isang unread message mula kay Mommy Adelle.Napabuntong-hininga siya, napasandal saglit sa headboard habang pinaglalaruan ang cellphone sa kamay. Reality creeping back in. Parang isang malamig na tubig na ibinuhos sa init ng gabing nakaraan.Mula sa banyo, narinig niya ang lagaslas ng tubig na unti-unting humina, kasunod ang pagbukas ng pinto. Lumabas si Shaina, naka-oversized na puting t-shirt na malinaw na kanya lang, at wala nang iba. Basa pa ang buhok ng girlfriend niya na nakalaylay sa balikat, may patak pa ng tubig na dahan-dahang dumudulas pababa sa leeg nito. Sa liwanag ng umaga na pumapasok mula sa malaking bintana ng condo, para itong kumikislap na parang wala silang ibang mundo kagabi kundi silang dalawa lang.Paglapit nito sa kama ay agad nitong napansin ang pa
Magkahugpong pa rin ang kanilang mga katawan sa malambot na sofa, kapwa hinihingal at nanlalambot. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mabagal na paghinga nila ang maririnig.Nakayakap si Lukas, mariin, para bang ayaw na siyang pakawalan. Mainit pa rin ang balat nito sa pawis at init ng katawan. Si Shaina naman, nakapatong ang ulo sa dibdib ng lalaki, ramdam ang mabilis na tibok ng puso nito na unti-unti ring bumagal.Pumikit siya sandali, ninanamnam ang kakaibang ginhawa. Parang panaginip lang... pero totoo.Maya-maya, gumalaw ang kamay ni Shaina, dahan-dahang idinaan ang mga daliri sa tiyan ni Lukas, humahagod sa matitigas nitong abs. Napatingin siya sa mukha ng lalaki, nakapikit pa rin ito pero bahagyang napangiti, halatang ramdam ang haplos niya.“Hmm…” ungol ni Lukas, paos ang boses. “You’re playing with fire again, hon.”Napangiti si Shaina at bahagyang tumawa. “Wala lang. Ang sarap lang hawakan,” bulong niya, sabay pisil nang mahina.Bumukas ang mga mata ni Lukas at tumi