Share

Chapter 1

ANDREA

“ATE, galingan mo sa interview ha? Dapat makuha ka na sa trabaho para mayroon na akong pambili ng laptop.”

“Ate, ako rin ha? Kailangan namin sa school iyon.”

Ito ang magkasunod na wika nina Mike at Myra, ang mga nakababatang kapatid ko.

“Naku, tigilan niyo iyang ate ninyo. Hindi pa nga siya nakakapasok sa trabaho ay inoobliga niyo na siya kaagad sa mga kailangan ninyo.” Saway ni nanay sa aking mga kapatid na ngayon ay kasali namin sa hapag-kainan.

“Hayaan ninyo, kapag makaluwag-luwag tayo ay si tatay ang bibili ng gamit ninyo,” ito naman ang sabad ni tatay na isang trabahador sa isang hardware sa bayan.

“Naku Tay, huwag na. Kapag ako ay nakakuha ng maayos na trabaho, pati ikaw ay hihinto na rin sa trabaho. Hindi ko hahayaan na mapapagod ka pa sa tanda mo nang iyan,” sabad ko naman na ngayon ay kumakain din.

“Pagpasensyahan ninyo na kami mga anak at ito lang ang buhay na mayroon tayo. Pero ang pagtatapos ninyo lang ang kaya naming ibigay sa ngayon. Hangga’t kaya namin ng inyong tatay ay igagapang namin kayo, makapagtapos lang,” wika naman ni nanay na ngayon ay medyo nagiging emosyonal sa kanyang mga sinasabi.

“Nay, tama na iyan. Huwag na kayong malungkot. Malakas talaga ang kutob ko na makukuha ako sa trabaho na ito,” pilit kong pinalalakas ang loob ng aking mga magulang at mga kapatid.

Ngayong araw ay ang schedule ng interview ko sa Sparks Business Firm. Isa itong kompanya sa Villa Vicencia na pagmamayari ng isa sa pinakamyamang tao sa probinsya na si Don Juncho Alvarado. Nagsumite ako ng aking application letter at mga credentials nang malaman kong mayroong bakanteng secretarial position at hindi biro ang pasahod sa kompanya na ito kaya’t kahit nasa mababang posisyon ay okay na rin.

Kaya’t nang matawag ako para mag-prepare dahil isa ako sa mga maswerteng aplikante na nakapasa sa unang eliminasyon ay laking tuwa ko dahil tila ba nalalapit na ako sa aking pangarap na trabaho.

Bilang bread winner ay hindi ko tinatanggal sa aking isipan ang responsibilidad na naka-atang sa akin bilang panganay sa pamilya. Mula highschool hanggang kolehiyo ay iginapang ko na ang pag-aaral ko hanggang sa makapagtapos ako bilang Cum Laude sa Villa Vicencia State University.

Sabi nila, kapag mataas daw ang iyong grado at nakapagtapos ka ay ang trabaho mismo ang maghahanap sa’yo. Ngunit hindi ito ang aking dinanas dahil halos lahat ng pinag-applyan ko ay hindi ako natanggap sapagkat wala akong experience.

Kaya naman nang maglabas ng anunsyo ang kompanyang Sparks at nalaman kong hindi mahalaga sa kanila ang experience ay kaagad akong nagbaka-sakali na mag-apply. Wala rin namang mawawala kung aking susubukan.

MATAPOS naming kumain ng almusal ay kaagad na akong nag-sipilyo at nagbihis. Nakaligo na rin naman ako at ngayon ay isinusuot ko na ang damit na inihanda ni nanay.

Pencil cut ang skirt na kulay itim at saka putting long sleeves na binili ko sa ukay-ukay kahapon nang malamang ako ay mai-interview ngayong araw na ito.

Itinali ko ang aking buhok gamit ang itim na goma at saka ako nag-apply ng kaunting pulbos at lipstick. Isinuot ko rin ang itim kong sapatos na gamit ko pa noong ako ay nasa kolehiyo. Maayos pa naman itong tingnan kaya’t pinagtatiyagaan ko pa rin.

Isinukbit ko ang bag kong kulay itim na katulad ng aking sapatos ay luma rin. Nasa loob nito ang aking keypad na cellphone at wallet. Bitbit ko rin ang ilan sa mga credentials ko at ang receiving copy ng aking application noong isang buwan.

“Ang ganda ganda mo anak. Manang mana ka talaga sa akin,” manghang mangha si nanay nang makita ako.

Hindi naman ako katangkaran. Nasa 5’4” ako at dahil sa sapatos kong two inches ang taas ay medyo tumangkad pa ako ng kaunti.

“Mana naman sa akin ang talino niyan,” sabad ni tatay na ngayon ay naghahanda na rin sa pagpasok.

Isasabay niya sa sidecar si Mike at Myra papuntang school at ako ay magta-tricycle na lamang papunta sa kompanya.

“Mana sa ating dalawa,” hindi naman nagpatalo si nanay.

“Nay, okay lang po ba talaga ang suot ko? Baka po ako ang pinakasimple,” nag-aalala pa rin ako dahil baka hindi ako tanggapin dahil luma ang suot ko at hindi ako mukhang sosyal.

“Anak, simple ka lang pero tandaan mong mayroon kang ibubuga. Kakayanin mo iyan at hinding hindi kami nawawalan ng pag-asa sa’yo. Ipagdarasal ka namin.” Wika ni nanay saka tinapik ang aking kanang balikat.

Maya maya ay lumabas na sa kwarto ang mga kapatid ko at saka ako tiningnan.

“Ikaw na ba iyan ate?” Tanong ni Mike.

“Hindi ba halatang ako?”

“Para ka nang donya sa suot mo, ate,” sabi pa niya.

“Bola bola ka talaga ,bunso,” natatawa kong wika.

“Ate, I like it. Ang ganda ganda mo talaga. Pang Miss Universe ang dating mo,” manghang wika ni Myra.

“Naku, tama na iyang pambobola ninyo sa ate ninyo. Sige na, lumakad na kayo at kukuha pa ako ng labada sa kanto,” wika naman ng nanay na ngayon ay bitbit na ang basket na siyang lalagyan niya ng kukunin niyang labahan.

“Ipagdasal niyo po ako nay, tay,” magkasunod ko silang niyakap at nang matapos iyon ay tumango lang silang pareho at ngumiti sa akin.

Sapat na ang mga ngiting iyon upang malaman kong proud sila sa akin at mahal na mahal nila ako bilang kanilang panganay.

“Mauuna na po ako,” paalam ko pa.

“Mag-iingat ka anak ha,” halos magkasabay nilang wika sa akin.

“Opo.”

ALAS NUWEBE ang schedule ng interview at ngayon ay nakatayo ako sa lobby ng malaking building. Alas otso y media pa lang at nakikita kong abala na ang mga tao sa paligid.

Ang mga lalaki ay nakasuot ng coat and tie at ang mga babae ay tila ba nagpapatalbugan ng suot sa isang fashion show dahil sa magagara nilang mga damit.

Bigla akong nanliit sa aking sarili nang mga sandaling iyon kaya naman bumagsak ang confidence ko.

Hanggang sa mayroon akong marinig na announcement.

“Good morning. Applicants for the secretarial position under management office, please proceed to the interview room at the fifth floor of the building. Good luck!”

Boses iyon ng sosyal na babae at dalawang beses pa iyong naulit bago ako naglakad papunta sa elevator upang magtungo na doon.

Kinakabahan akong pumindot ng elevator dahil maraming nag-aabang sa likuran ko at hindi ko magawang lumingon.

Hanggang sa bumukas ang pintuan at tila ba natabunan ako ng kumpulan ng tao nang pumasok na ako sa loob.

Nakita ko namang mayroong pumindot ng fifth floor kaya’t hindi ko na ito pinindot pa.

Siksikan sa loob at kanya kanyang pwesto ang lahat habang naghihintay ng floor na kanilang bababaan.

Hanggang sa bumukas iyon sa second at bumaba ang halos kalahati ng laman nito at pumasok ang mga naghihintay.

Na-intimidate ako nang tabihan ako ng isang gwapo at matangkad na lalaki na nakasuot ng coat and tie with white longsleeves at black pants. Naka brush up ang medyo mahaba niyang buhok at nakita ko ang hulmado niyang jawline mula sa aking peripheral view.

Ang bango niya at tila ba bagong ahit lang din siya. He looks older than what I think. Siguro ay nasa late 30s na siya.

Napayuko ako nang lumingon siya sa akin at nagsalita.

“You know that it’s rude to stare at someone and then you’ll smile afterward.”

Bigla akong nahiya sa sinabi niya kaya naman halos hindi ko na maibalik ang aking ulo mula sa pagkakayuko habang nasa loob pa kami.

Sana lang talaga ay makalabas na ako sa kinalalagyan ko dahil sa totoo lang ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kaya naman nang bumukas ang elevator sa fourth floor ay biglang naglabasan ang mga nasa likod at tila ba mas lalo pa kaming nagkadikit nang mabangga ako ng isa mula sa aking likuran.

“S-sorry,” wika ko nang masubsob ako sa braso niya.

Hindi na siya umimik. Imbes ay nagpamulsa siya ng kanyang kamay at tumingin na lang sa pagsara ng pinto.

Hanggang sa wakas at bumukas na ang elevator sa fifth floor at ngayon ay halos magbanggaan ulit kami nang lumabas na rin siya doon.

I gave way for him at napatiuna na siyang lumabas.

He went sa left way at ako naman ay sa right. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya’t nilingon ko na lang siya.

He is lean and tall. Gwapo siya at hindi ko alam kung applicant din ba siya o empleyado na siya dito.

Napailing na lang ako nang ma-realize ko na kailangan ko nang hanapin ang interview room.

At, inisa isa ko ang mga pinto hanggang sa mahanap ko iyon sa dulo ng pasilyo.

Pumasok ako at nakita ko ang anim sa mga aplikante na puro babae.

Napalingon sila sa akin habang ako ay nakayuko lang ba naupo sa likurang bahagi.

Lahat sila ay pusturang-pustura na animo’y mag-a-apply bilang beauty queen.

Nahihiya na naman ako sa sarili ko.

Hanggang sa isa isa nang tinawag ang aming pangalan.

Kinakabahan ako mula sa aking upuan dahil wala pang sampung minuto ay lumalabas na ang mga nauna na mukhang dismayado ang mukha.

Kung sila na maganda at mukhang mataas ang pinag-aralan ay mukhang dismayado, paano pa kaya ako?

At natapos na nga silang lahat at ako na ang tinawag ng babae.

“Miss Andrea Reymundo, ikaw na.” Tawag sa akin ng babae at halos hindi ka maihakbang ang mga paa ko sa sobrang nerbyos.

“Kaya mo iyan,” wika pa ng babae na tila ba nararamdaman ang aking labis na kaba.

Pagpasok ko sa isang room ay yumuko ako kaagad at bumati.

“Good morning po.”

Unti-unti akong nag-angat ng tingin ko at inisa-isa kong tingnan ang mga nasa long table.

Isang matandang babae, isang matandang lalaki at ang lalaking nakasabayan ko kanina sa elevator na halos gusto na akong lamunin ngayon dahil sa talim ng kanyang mga mata na nakatingin lang sa akin.

Kung minamalas ka nga naman talaga oo. Siya pa pala ang mag-iinterview sa akin?

Wala na bang iba? Sa tingin ko ay hindi pa ako nakakaupo ay paaalisin na niya ako.

“Take your seat, Miss Reymundo,” he smiled and parang nag-iba ang aura ng mukha niya nang sabihin niya ito.

Naupo ako kaagad at siya ang unang nagtanong sa akin ng hindi ko inaasahan.

“Are you virgin?”

Napatingin kaming lahat sa kanya.

Napalunok na lang ako at saka ako tumango.

Bakit iyon ang tanong niya sa akin?

Nakakapagtaka naman.

“Bakit naman iyan ang tanong mo Mr. Alvarado, nabibigla tuloy ang aplikante. Hija, disregard that question, nagbibiro lamang itong kasama namin dahil tila kanina pa siya bored.” Nakangiting wika ng matandang babae na para bang napakabait niya.

Ngumiti lang ako ngunit nang tumingin ako sa lalaking nagngangalang Mr. De Vera ay seryoso lang siya.

“Mas mabuting makasiguro na virgin ang makakasama ko sa aking opisina, kaysa sa hindi.” Seryoso niyang wika saka binuklat ang papel na hawak niya na sa tingin ko ay kopya ng application ko.

“Bakit naman ganyan ka ngayon, Rafael Ignacio?” Tanong ng isa pang interviewer.

“I am just being serious here. Kaya’t hayaan ninyo na akong magtanong ng mga bagay bagay na gusto kong malaman.” Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata.

Nakita ko ang kulay brown niyang mga mata at tila ba kinukuryente ako niyon. Dumadaloy pa ang kakaibang pakiramdam mula sa aking mga mata papunta sa iba’t ibang parte ng katawan ko habang nakatitig siya.

Nakita kong napalunok siya dahil sa pagtaas-baba ng kanyang Adam’s apple kaya naman napakurap pa ako.

Umigting ang panga niya at nakita ko ng husto ang magandang jawline niya.

“Anyway hija, introduce yourself to us,” pukaw ng matandang babae.

Umiwas na ako ng tingin sa kanya.

“Good morning, once again. I am Andrea Joaquin Reymundo, 23 years old and I would like to signify my strong interest to get the job,” straight forward kong wika.

“Are you single?” Agad na tanong ni Mr. Rafael Ignacio Alvarado.

Nabigla ako ngunit agad ko itong sinagot.

“Y-yes, sir.”

“Very good.” He smiled and then I saw his teeth na tila ba kumikinang sa puti.

Bakit ako biglang kinabahan na hindi ko maipaliwanag?

“You are not qualified for a secretarial position, by the way.” Sumandal siya sa kanyang upuan at saka uminom ng tubig.

Nagtinginan naman ang mga members ng panel sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Very qualified ako kung tutuusin pero bakit niya ako nireject?

“Seryoso k aba, Rafael?” tanong ng isa.

“But you can be the babysitter of my son, with the amount of one million per quarter of the year. So, think.”

Dios ko. Mas malaking opportunity na ito. Mag-aalaga lang pala ako ng bata. So, why not?

“S-sure sir.”

“Good. Follow me in my office, now.” Sak siya tumayo na hindi man lang nagpapaalam sa mga kasama niya.

What is this?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status