MasukLumaki si Shane Concepcion bilang isang magandang, matalino, at determinadong babae na kinaiinggitan ng marami. Bilang Sales and Marketing Manager ng sikat na Carusso Grand Hotel Management, nakilala siya hindi lamang sa husay sa trabaho kundi pati na rin sa kaniyang kabutihang loob. Sa likod ng maayos niyang buhay, isang sikreto ang matagal nang nakakubli—siya ay isang ampon na anak ng mayamang mag-asawang Concepcion. Sa pagpasok niya sa marangyang mundo ng mga Carrusso, hindi niya inaasahang mababago nito ang takbo ng kaniyang buhay. Si Leonardo Carrusso, ang guwapo ngunit seryosong CEO ng Carusso Grand Hotel Management, ay nag-iisang tagapagmana ng yaman ng kaniyang ina na si Doña Alicia Monteverde Carusso. Lumaki si Leonardo sa loob ng isang pamilyang puno ng intriga at kasinungalingan. Ang kaniyang ama na si Don Felipe Carrusso ay isang kilalang womanizer at manipulator, habang ang kaniyang stepmother na si Margarette Soledad Carrusso ay isang sakim at oportunistang babae na handang gawin ang lahat upang maagaw ang kayamanan ng mga Carrusso para sa sariling anak na si Stephanie Felix. Tunay na nagibigan si Shane at Leonardo Carusso, nangako ng walang hanggang pagibig sa isat Ngunit hindi magiging madali ang lahat. Marami ang hahadlang at susubok na sumira sa kanilang relasyon
Lihat lebih banyakChapter 1
Shane Concepcion POV
Nagising ako sa isang madilim na silid na tila ba matagal nang nilamon ng kasalanan at lihim. Mabigat ang hangin, halos hindi ako makahinga dahil sa makapal na amoy ng alak, usok ng sigarilyo, at pabangong panlalaki na nakahalo sa pawis. Dumadagundong ang tibok ng puso ko habang pilit kong inuunawa kung nasaan ako.
Napakasakit ng ulo ko.
Pakiramdam ko ay may humahampas na bakal sa sentido ko sa bawat paggalaw ko. Nanginginig akong bumangon ngunit agad akong natigilan nang maramdaman ko ang mabigat na braso na nakadantay sa hubad kong katawan.
Nanlaki ang mga mata ko.
May lalaki sa tabi ko.
Hubad siya.
At… wala rin akong saplot.
Parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig. Biglang namanhid ang buo kong katawan habang pilit kong sinisilip ang mukha ng lalaking katabi ko sa ilalim ng mahinang ilaw mula sa lampshade.
Hindi siya si Leon.
Hindi siya ang lalaking mahal ko.
Napasinghap ako habang mabilis kong hinila ang kumot upang itakip sa katawan ko. Nanginginig ang mga kamay ko at halos hindi ako makahinga sa sobrang takot.
“Ano’ng nangyari…?” paos kong bulong sa sarili.
Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi ngunit puro putol-putol na eksena lamang ang pumapasok sa isip ko.
May event…
Oo.
Ang corporate event na ako mismo ang namahala.
Naalala ko ang champagne. Ang ingay ng musika. Ang pagbati ng mga bisita. Ang pagtawa ng mga kasamahan ko.
At pagkatapos noon…
Wala na.
Madilim.
Blangko.
Para bang may sadyang bumura ng alaala ko.
Napahawak ako sa ulo ko habang nagsisimulang pumatak ang mga luha ko. Hindi maaari ito. Hindi ko kayang gawin kay Leon ito. Hindi ko kailanman ipagkakanulo ang lalaking pinakamamahal ko.
Mahal na mahal ko si Leon.
Hindi ko kayang ibigay ang sarili ko sa iba.
Hindi ko gagawin iyon.
Humugot ako ng lakas upang makatayo ngunit halos mawalan ako ng balanse. Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakabalot lamang ang kumot sa katawan ko. Sinisipat ko ang pintuan, desperadong makaalis sa lugar na iyon, nang biglang—
BANG!
Napakalakas na bumukas ang pinto.
Napaatras ako sa sobrang gulat.
Pumasok ang isang babae na nanlilisik ang mga mata, tila isang mabangis na hayop na handang manila. Nakasuot siya ng mamahaling damit ngunit hindi natakpan noon ang matinding galit sa mukha niya.
“Ano’ng—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hilahin palabas ng silid.
“A-Ah! Bitawan mo ako!” umiiyak kong sigaw.
Ngunit tila wala siyang narinig.
Halos makaladkad niya ako sa hallway habang ang tanging nakatakip sa katawan ko ay manipis na kumot. Nararamdaman ko ang malamig na hangin sa balat ko at ang naglalagablab na hiya na unti-unting sumusunog sa pagkatao ko.
“Ang kapal ng mukha mo!” sigaw niya sa akin. “Malandi kang babae ka! Hindi ka nakuntento kay Leon?! Nagpapagamit ka pa sa ibang lalaki habang nagpapakapagod siya sa trabaho!”
Parang kutsilyong paulit-ulit na tumarak sa dibdib ko ang bawat salita niya.
“H-Hindi… hindi ko alam kung paano ako napunta rito…” umiiyak kong paliwanag.
Ngunit nagtawanan lamang sila.
Doon ko napansing may ibang tao pala sa hallway. Mga empleyado. Mga bisita. Mga taong nakatingin sa akin na parang isa akong maruming babae.
May mga bulungan.
May mga matang mapanghusga.
May mga ngiting puno ng pang-iinsulto.
“Diyos ko, si Shane pala iyon…”
“Kawawa naman si Leon…”
“Akala ko matino siya…”
Parang gusto kong matunaw sa kahihiyan.
Hindi ko alam kung paano ipagtatanggol ang sarili ko gayong ako mismo ay hindi alam ang totoo.
Nagkasala ba talaga ako?
May nangyari ba sa amin ng lalaking iyon?
O may gumawa nito sa akin?
Napasinghap ako nang marinig ko ang pamilyar na halakhak.
Mabagal akong napalingon.
At doon ko nakita si Stephanie Felix.
Nakatayo siya sa di kalayuan habang nakahalukipkip at may mapanuksong ngiti sa labi. Ang babaeng itinuring kong parang kapatid noon.
Ngunit ngayon ay tila isang demonyong tuwang-tuwa sa pagkawasak ko.
“Paano ba iyan, Shane?” malambing ngunit matalim niyang saad. “Mukhang magiging akin na si Leon.”
Parang huminto ang mundo ko.
Si Stephanie.
Alam kong matagal na niyang gusto si Leon. Kahit noong kami pa lamang ay nagpapakita na ito ng motibo, ramdam ko na ang kakaiba niyang tingin sa aking nobyo.
Napakatanga ko.
“Kayo ang may gawa nito…” nanginginig kong sabi habang umiiyak. “Pakana ninyo ito…”
Nagkunwari siyang nagulat saka tumawa nang malakas.
“Pakana? Shane, nasa kama ka ng ibang lalaki. Buhay na buhay ang ebidensya.”
“Hindi ako ganoong babae!” sigaw ko. “Hindi ko kailanman lolokohin si Leon!”
Ngunit walang naniwala sa akin.
Ramdam ko iyon sa mga mata nila.
Sa mga tingin nilang puno ng paghamak.
Biglang may dalawang lalaking security na lumapit sa akin. Pareho nilang pinasadahan ng tingin ang katawan kong bahagyang natatakpan lamang ng kumot.
At ang paraan ng pagtitig nila…
Nagpayanig sa buong pagkatao ko.
Para akong isang hayop na pinagpapasahan ng maruruming mata.
“Ilabas na natin siya rito,” sabi ng isa habang nakangisi.
Napahigpit ako sa pagkakahawak sa kumot ko.
“Huwag… pakiusap…” umiiyak kong sabi habang paatras.
Ngunit hinawakan nila ako sa magkabilang braso.
Napangiwi ako sa higpit ng hawak nila habang pilit nila akong kinakaladkad palayo. Nanginginig ako sa takot dahil iba ang tingin nila sa akin. Para bang anumang oras ay kaya rin nila akong pagsamantalahan.
“Bitawan ninyo ako!” sigaw ko habang pilit nagpupumiglas.
Ngunit lalo lamang silang natawa.
Naramdaman kong tuluyan nang bumigay ang mundo ko.
Nasaan ka, Leon?
Gusto kitang tawagin.
Gusto kong humingi ng saklolo sa’yo.
Pero paano kung makita mo ako sa ganitong ayos?
Paano kung paniwalaan mo rin sila?
Paano kung kamuhian mo ako?
Tuluyan nang lumabo ang paningin ko dahil sa mga luha.
At sa gitna ng ingay ng mga panlalait at halakhakan, iisa lamang ang malinaw kong naramdaman—
May malaking kasamaan na nangyari sa akin.
At natatakot akong baka huli na ang lahat bago ko pa mapatunayan ang katotohanan.
Chapter 59Shane's POVIlang linggo ang lumipas, na-release na ang collection.Natuwa ako dahil nagustuhan ng mga alahero ang design. Isa-isa silang nag-order, at hindi nagtagal ay nagsimula nang magkaroon ng magandang feedback mula sa mga kliyente. May mga humanga sa elegance ng mga piyesa, habang ang iba naman ay natuwa sa kakaibang pagkakagawa ng mga ruby.Gaya sa design ko, ang galing din nila talaga.Masarap sa pakiramdam na makita ang isang bagay na pinaghirapan mong mabuo na nagiging matagumpay. Kahit walang nakakakilala sa akin bilang designer, sapat nang makita kong nagustuhan ng mga tao ang ginawa ko.Kahit wala ito sa pangalan ko, ayos lang. Basta makita ko lang itong may nagsusuot na iba, masaya na ako.Hindi ko kailangan ng papuri o pagkilala. Sa ngayon, mas mahalaga sa akin na makatulong sa kumpanyang pinaglalaanan din ni Ma'am Alicia ng maraming taon ng pagsisikap.“Ma'am, may delivery po kayo.”“Ha? Wala naman akong hinihintay na parcel, ah.”Iniabot sa akin ng staff a
Chapter 58Shane’s POVTumawag si Macy na galit na galit.Hindi inapprove ng Mama niya ang mga design niya. Nakailang rebisa na siya, hindi pa rin sapat iyon. Halos hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin para mapagbigyan ang gusto ng ina niya.“Kasalanan mo ito, eh! Bakit yung mga design mo, ang bilis-bilis i-approve? Bakit yung sa akin, isang sulyap pa lang ni Mom, ang bilis niyang tanggihan?”Napabuntong-hininga ako habang nakikinig sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang frustration niya sa bawat salitang binibitawan niya. Para bang lahat ng galit at sama ng loob niya ay sa akin niya gustong ibuhos.“Hindi niya na-appreciate ang mga ginagawa ko!” dagdag pa niya.“Macy, subukan mo na lang uli. Baka may hinahanap lang siya talaga. Knowing Ma'am Alicia, gusto niya unique ang mga design at walang katulad. Alam mo naman kung gaano siya kapili sa mga detalye, lalo na kapag bagong collection ang pinag-uusapan.”“Ano, magpapasa na naman ako?”Tumahimik na lang ako. Masyadong mainit ang ulo n
Chapter 57Shane’s POV“Hello, Angela.”“Yes?”“Nakita mo ba ang DM ni Maam Alicia?”“Tungkol saan?”“She is asking for a new collection. Ang theme is rubies.”Tahimik siya.“Ako na ang gagawa.”“Don’t bother.”“Ha?”“Eh…”Hindi ko na lang itinuloy na sabihing natapos ko na ang design ng collection.Pwede kong ibigay iyon sa kanya kung gusto niya.Pero dahil sinabi niyang “don’t bother,” hinayaan ko na lang.Wala na rin akong sinabi.Hihintayin ko na lang na magsabi siya sa akin.Naturuan ko naman na siya.Pagkatapos ay nakapag-aral din siya ng Illustrator.Kay marahil alam na niya ang gagawin niya at hindi na kailangan ng tulong ko.Pero hindi ko maiwasang mapaisip.Nagbago na talaga si Macy.Mukhang ayaw na niya talaga akong kaibigan?Bakit?Dahil ba sa mayaman na siya?Hindi na niya kailangan ang isang katulad ko?Masakit isipin.Pero ayoko ring ipilit ang sarili ko sa isang taong ayaw na sa akin.Kung iyon ang gusto niya, igagalang ko.Hindi ko na lang siya guguluhin.Nagpunta ako
Chapter 56Shane’s POV“Sis, magdinner tayo dito sa bahay,” aya ni Mike.“Bring your husband.”“Bakit? Anong meron?”“Wala lang. Bakit kailangan ba may dahilan para imbitahan kang magdinner? Aba, sumosobra ka na, Mrs. Carusso. Nagpapaimportante ka ba?”“Alam mo ikaw, wala ka pang kuwarenta, napakamatampuhin mo na. Parang tinatanong lang eh.”“Ang drama-drama mo,” pangaasar ko pa.“Sige na nga. What time ba iyan? Pero hindi ko alam kung makakasama si Leon. Alam mo naman iyon, napakaraming ganap.”“Pero ako, sure na pupunta ako.”“Promise iyan ha.”“Ano pala ang gusto mo? Any particular food you crave, Sissy?” pag-agaw ni Elise sa telepono ng kanyang asawa.“Gusto… beef…” request ko pa.“Okay, got it.”Natawa ako. Talagang kapag kaming magkakapatid ang nag-uusap, kahit simpleng dinner lang ay parang malaking family gathering na agad.Pagkatapos naming mag-usap, eksaktong nakatanggap ako ng email.Ang account ni Angela bilang designer.May direct mail message si Ma’am Alicia.Binuksan k
Chapter 5Shane Concepcion POVKahit naging malupit ang buhay para sa akin. Sinusubukan ko pa ring tumayo. Lumaban para mabuhay kahit ayaw ko na.Madalas ay naalala ko pa rin si Leon. Na nangako ng walang hanggan sa akin. Pero dahil sa mga kalunos-lunos na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko na hin
Chapter 4Shane ConcepcionDahil sa desperasyon…Tinanggap ko ang trabaho.Wala na akong panahon para mamili pa.Wala na rin akong karapatang magreklamo.Ang mahalaga na lamang sa akin noon ay mabuhay. Makakain. At huwag maging pabigat kay Macy na siyang kumupkop sa akin noong wala na akong mapunta
Chapter 3Shane Concepcion POVPagkatapos akong palayasin ni Papa, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko pero ni isa ay walang gustong tumulong. Naiipit daw sila at sinabihan ng mga Carusso na huwag na huwag akong tutulungan dahil madadamay lamang sila. Masakit i
Chapter 2Shane Concecion POVPagkatapos ng nakakahiyang nangyari sa akin sa hotel. Pakiramdam ko ay unti-unti nang gumuho ang buong buhay ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako haharap sa mga tao.Kung paano ko titingnan ang sarili ko sa salamin.Kung paano ko kakayaning mabuhay matapos masira an






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan