Share

Chapter 18

Huling gabi ng bakasyon ni Jade kasama ang pamilya, masakit isipin na parang kay lapit lamang niya ngunit hindi niya magawang umuwi dahil sa kakapusan sa pinansyal. Halos apat na taon na siyang nalalayo sa pamilya tuwing pasukan ngunit pagdumarating ang araw ng kanyang pag-alis ay hindi nawawala ang iyakan. Tinalo pa raw niya ang mag-aabroad sabi nga ng mga kapit bahay nila, ngunit ano nga ba ang magagawa nila kung hindi nila mapigilan ang pangungulilang nararamdaman ng bawat isa.

Malungkot ang mga mata ni Jade ngunit pinipilit niyang mapasigla ang bawat kilos niya.

Lumapit siya sa kanyang ina, “Nay pwede po ba tayong tabi tabing matulog ngayong gabi?” tanong niya sa kanyang pinakamamahal na ina.

Hinaplos ni Nanay Jasmine ang buhok ng anak, “Oo naman anak, akala ko nga ay hindi mo na hihilingin iyan eh. Muntik na akong magtampo sainyo ng kapatid mo dahil mukhang nakalimutan na ninyo ako. Lalo ka na dahil may nobyo ka na ngayon, baka nahihiya ka nang malaman niya na tumatabi ka pa sa’k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status