Share

Chapter 17

Napakahirap para kay Jodi ang mag desisyon para sa kanyang sarili. Ayaw niyang maging pabigat sa kanyang ina. Alam narin niya na tanging operasyon nalamang ang makapag papagaling sa kanya.

Nakapagpatingin na siya sa espesyalista sa puso at ayaw na niyang sumubok pa sa iba. Dahil alam niya na mabibigo lamang ulit siya at masasaktan . Kung ito na ang kanyang katapusan tatanggapin nalamang niya ng taos sa puso. Ang importante sa kanya ngayon ay ang makitang masaya ang pamilya niya lalo na ang kanyang nag-iisang kapatid.

Handa siyang isakripisyo ang lahat para rito, para lamang sa kaligayahan nito.

"Anak, gutom na ba kayo? Pasensya na kayo at tumulong pa ako sa silong kina Papang at Mamang. Maghahayin na ako para sa hapunan. " at nag dire-diretso ito sa loob ng kusina. Mabuti na lamang at hindi nito napansin ang pamumugto ng mga mata ni Jade.

Mula ng lumabas ng silid ni Jodi at lumipat sila sa kaniyang silid ay hindi na maawat ang pagluha ni Jade. Naaawa siya sa kanyang kapatid
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status