"What's the problem AJ, we both know that you still love Dr. Yhang." tanong ni Richard ng sinundan niya si Jade na nagmamadaling pumasok sa sariling silid at tahimik na nakatingin sa labas habang nakatayo sa may bintana. Nilingon niya si Richard, "I'm still afraid Chard." sagot niya rito sa mahinang tinig."Afraid for what?" kunot noong tanong nito kay Jade "I------I don't know Chard, my life is like an open book and you know my past. Hindi ko maialis yung takot dito sa dibdib ko." sagot ni Jade habang itinuturo ang dibdib at mababakas ang pag aalinlangan sa mukha nito."Love is full of surprises AJ, Including the happiness and of course the pain. Dr. Yhang love's you so much And what happened in past is still there hindi mo mababago ang nakaraan kung mananatili kang takot sa multo ng kahapon. Bakit hindi mo subukang buksan muli ang isip at puso mo. Hayaang maghilom ang sugat na dala ng kahapon kasama ng taong pinakamamahal mo." madamdaming pahayag nito kay Jade na tahimik na lumulu
Inakala ni Andy na naghahalikan ang lalaki at si Jade kaya naman nabitawan niya ang hawak na balumbon ng bulaklak at nagmamadaling tumalikod.Lakad, takbo naman ang ginawa ni Jade maabutan lang ang lalaki kasabay ng bawat hakbang niya ay ang pagpatak ng kanyang luha. Wala ba itong tiwala sa kanya kaya nag mamadali itong iwanan siya matapos ng nakita nito? Hindi manlamang siya binigyan ng chance upang makapag paliwanag. Pagod na pagod na siya sa pagtakbo, kaya naman sumigaw na siya. "Andy!!! Mahal kita!" Tanging nasabi niya at kitang kita niya ang pagtigil ng lalaking minamahal sa mabilis na paglakad.Agad napatigil si Andy ng marinig ang sinigaw ni Jade. Tila ba isang magic word iyon at natanggal lahat ng tampo o hinanakit na kanyang nararamdaman.Sinamantala naman ni Jade ang pagtiong lalaki agd niya itong nilapitan at hinila sa kamay papaharap sa kanya.Nagtititigan lamang silang dalawa habang patuloy sa pagluha si Jade. "Andy, I still love you at hindi nagbago yun kahit sinaktan m
Walang pagsidlan ng saya si Andy habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng natutulog sa kanyang tabi. Napakatagal niyang nanabik rito marahan siyang bumababa sa kama at saka lumakad ng marahan papunta sa kinalalagyan ng kanyang maleta. Naupo siya sahig at binuksan ang maleta sa tabihan nuon sy agad na kinapa ang isang bagay na muli niyang nais ibigay sa dalaga.Binuklat niya ang kulay pulang kahita at agad namang kuminng ang bagay mula sa loob niyon. Ipinatong niya ang pulang kahita sa tabi ng beside table kung saan nasa gawi ng kinatatayuan ni Jade nais niyang pag gising nito ay makikita agad nito ang singsing na siyang tanda ng kanyang pagmamahal. Muli siyang nahiga sa tabi ni Jade at saka niya iniangat ang ulo nito at ipinatong sa kanyang mga bisig. Para namang naramdaman ni Jade iyon kung kaya't niyakap niya ng mahigpit ang lalaki.Nang magising si Jade kinaumagahan ay agad nakita ang makinang na bagay na nasa loob ng kahita marahan niyang dinampot iyon at pinakatitigan. Inilagay
Isa isang pinasadahan ng tingin ni Jade ang mga tao roon at napakalawak nang kanyang mga ngiti ng makita ang mga importanteng tao sa buhay niya lalo na ang kanyang pinakamamahal na ina, mamang at papang. Pumailanlang ang malamyos na tinig ni Jodi na hindi niya nalayang nawala na pala sa tabihan niya nakihanay sa pila ng papasok sa entourage. Sa saliw ng awiting "Promises" ng Sponge Cola. Napaka ganda ng tinig ng kanyang kapatid bawat kataga nito ay tila ba bumabaon sa kanyang isipan at tumatanim sa kanyang puso. Nagulat pa siya ng marinig rin ang tinig ni Nikki, duet pala ang mag mommy at napakaganda rin ng tinig ng dalaga. Isa isang naglakad ang mga piling taong malaki ang parte sa buhay nila. Parang nakalutang sa alapaap si Jade walang tigil ang kanyang pag iyak at sumunod nalamang siya sa agos hanggang sa nakatakda siyang maglakad patungo sa kanyang Mamang at Papang. napakahaba ng red carpet patungo sa altar."Congratulations apo mabubuo na ang pamilyang kay tagal mong pinangarap
"Babe... babe......Andy?" Nangangatal ang boses na nagmumula sa lalamunan ni Jade.Napakalamig ng pakiramdam ni Jade, parang nanunuot sa kanyang balat ang lamig na dulot ng aircon. Napakalambot rin ng kamang kanyang hinihigaan, maging ang unan at kumot niya ay kakaiba rin sa kanyang pakiramdam. Dahil wala siya sa sariling silid, oo wala siya sa boarding house dahil narito siya sa condo ng nobyo niyang si Andy. Dahil sa pag seselos nito at nauwi sa away nila kahapon, eto siya ngayon. Para mapatunayan ang lubos na pagmamahal sa lalaki ay taos puso niyang inialay ang kanyang sarili. Kung dati ay naniniwala siya na hindi niya dapat ibigay ang sarili hanggat di nakakasal ngayon ay sinuway niya ang paniniwalang iyon dahil siya mismo ang nagsuko ng pinakaiingatan niyang dangal sa kauna unahang lalaking minahal niya.Wala siyang naramdamang pagsisi dahil mahal na mahal niya ang lalaking ito. Pinagmasdan niya ang buong mukha ng nobyo habang ito
Masayang masaya ang lahat ng matapos ang kasal ni Jodi at Richard. Hindi nila iniisip na darating pa ang sandaling ito sa buhay ng kanilang pinaka mamahal na bunso. Sa dami ng pagsubok na dumaan sa buhay nito walang makapag sasabing heto siya ngayon at masaya na sa piling ng lalaking kanyang minahal. Agad lumipad patungong Japan ang mag asawa, hindi para sa honeymoon kundi para puntahan ang magaling na cardiologist. Nais makasigurado ni Richard na wala na silang aalalahanin pa ayaw niyang muling manganib ang buhay ni Jodi. Hindi mawaglit waglit ang tingin ni Jade sa larawan ng kanyang nag-iisang kapatid, nais niyang yakapin ito ng mahigpit. Tunay ngang pinagpala ito sa buhay, sapagkat ngayon masasabi nilang wala na silang dapat pang ipag-alala sa kalagayan nito dahil hindi lamang sila ang mag aalaga rito. Marahang lumapit ang kanyang ina sa kanya at nakitingin sa mga larawan ng bagong kasal na kaka-deliver lamang sa mansion nina Richard. “Kay sar
“Ano bff tara na?” Tanong ni Kristel kay Jade habang inaayos ang gamit nila sa kanilang locker. “Hindi naba tayo mag papalit manlamang ng uniporme?” Tanong nito sa kanya. “Siyempre mag papalit no, baka mamaya nandon yung pinsan ni Andy si James ang ultimate crush ng bayan at crush ko hahaha. Gusto ko mapansin nya na ako this time, kaya bilisan mo na ng makapag bihis na tayo.” Kinikilig pang anyaya nito sa kaibigan sabay hila sa kamay nito.Nagmamadali silang sumakay sa kotse ni Kristel at dumiretso sa sariling condo unit nito. At siyempre hindi nanaman siya tinigilan ng kaibigan, inayusan siya at pinahiram ng damit na maisusuot. Halos mag kasing katawan lamang silang dalawa sexy at maganda rin si Kristel morena nga lamang ito hindi katulad niya na maputi ang kutis.“Wow! Napakaganda mo talaga Jade bagay na bagay saiyo ang kulay yellow lalu ka ng namuti. Tssk eh kapag ako nagsuot niyan baka
Hindi alam ni Jade kung bakit ba magaan ang loob niya sa kaharap, kahit na suplado ito alam niya sa sarili niya na pwede itong pagkatiwalaan. Di tulad ng iba pagnalaman na taga probinsiya siya ay para bang pinandidirian siya o iniiwasan. Kaya nga tanging si Kristel lamang ang kaibigan niya dahil simula ng tumuntong siya sa unibersidad na pinapasukan nila ay ito lamang ang lumalapit sa kanya ng walang ka plastikan. May mga nakikipaglapit rin naman sakanya ngunit alam naman kaagad niya ang dahilan. Kalimitan ay para lamang magpatulong sa home works nila dahil nga isa siya sa pinaka matalino sa kanilang klase. Ilang beses na siyang pinasasali sa mga beauty contest ngunit tinatanggihan niya pagkat wala naman siyang kakayahan upang umarkila ng gown at magbayad ng make up artist. Yung mga gagastusin para sa contest ay ibabayad nalamang niya sa boarding house na tinutuluyan niya. Nasa malalim siyang pag-iisip ng marinig ang boses ng binata at ng tingnan niya itong m