Partager

Kabanata 114

Auteur: Docky
last update Date de publication: 2026-09-30 23:56:48

ANYA THERESE BENNETT'S POV

Nagising ako sa tilaok ng mga manok at sa banayad na amoy ng maalat na simoy ng dagat na pumapasok sa bintana ng kubo. Pagmulat ng mata ko, nakatitig agad sa akin si Luca o si Leo, gaya ng itinatawag ko na sa kaniya rito. Nakasandal ang ulo niya sa braso niya habang may simpleng ngiti sa kaniyang mga labi.

"Magandang umaga, Mrs. Del Rosario," pabulong niyang bati bago niya ako ginawaran ng mabilis na halik sa noo.

"Magandang umaga, Mahal ko," nakangiti kong ganti haba
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 114

    ANYA THERESE BENNETT'S POVNagising ako sa tilaok ng mga manok at sa banayad na amoy ng maalat na simoy ng dagat na pumapasok sa bintana ng kubo. Pagmulat ng mata ko, nakatitig agad sa akin si Luca o si Leo, gaya ng itinatawag ko na sa kaniya rito. Nakasandal ang ulo niya sa braso niya habang may simpleng ngiti sa kaniyang mga labi."Magandang umaga, Mrs. Del Rosario," pabulong niyang bati bago niya ako ginawaran ng mabilis na halik sa noo."Magandang umaga, Mahal ko," nakangiti kong ganti habang iniiwas ko ang aking tingin dahil sa init na agad na umakyat sa mga pisngi ko.Bago pa man kami makabangon nang tuluyan para magtimpla ng kape, may kumatok nang marahan sa may pintuan ng kubo. "Tao po! Leo! Mia!"Mabilis kong inayos ang duster ko at binuksan ang pint0. Si Kapitan Dado ay nakatayo sa labas. May bitbit siyang dalawang sombrerong buri at pares ng guwantes."Magandang umaga, Mia! Nariyan ba si Leo?" masayang tanong ni Kapitan Dado. Lumapit agad si Luca sa likod ko habang maingat

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 113

    LUCA ODELLE VITALE'S POVLumapit ako sa isang driver ng pampasaherong van na papuntang timog-silangan. Nagbayad ako ng cash para sa dalawang pwesto sa pinakadulong upuan para walang masyadong makapansin sa amin. Maingat akong inalalayan ni Anya papasok sa loob. Napadaíng ako nang bahagya habang yumuyuko dahil sa kirot sa sariwang tahi ko pero agad niyang hinawakan ang kamay ko at idinikit iyon sa dibdib niya. Mabuti na lang at mahusay ang doktor na gumamot sa akin sa villa dahil kung hindi, sigurado akong wakwak na ang tagiliran ko dahil sa napakahabang biyaheng ito.Nang magsimula nang tumakbo ang van palabas ng Surigao del Norte patungong Surigao del Sur, isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat. Ang bawat tagtag at liko ng kalsada patungong Lianga at Barobo ay paalala kung gaano na kalayo ang tinatakbo namin mula sa nakagisnan naming lugar.Tiningnan ko ang aming mga kamay na nakalapat sa kandungan niya. Sa bawat kilometrong nadaragdag sa biyahe namin sa Mindanao, mas nararamdam

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 112

    ANYA THERESE BENNETT'S POVNaalimpungatan ako nang maramdaman kong huminto ang bus. Nang tingnan ko si Luca, nakapikit pa rin siya at nakasandal sa akin. Kumukunot ang noo niya dahil dumadaíng siya.Inalalayan ko siyang bumaba sa bus. Hawak-hawak ko ang braso niya habang bitbit ang bag na naglalaman ng pera at kaunting gamit na nabili namin.May ilang tsuper at barker na nakatambay sa gilid ng kalsada. Lumapit kami sa isa sa kanila habang nakayuko at nakatago pa rin sa ilalim ng cap at sunglasses."Manong, magandang umaga po," pabulong na tanong ni Luca. "Saan po rito ang papuntang pier o port? May mga biyahe po ba ng barko mula rito?"“Ah oo. Malapit na kayo sa Matnog Port. Tamang-tama at aabot pa kayo sa barko kaya bilisan niyo,” tugon ni Manong.“Sige po, maraming salamat po." Napakunot ang noo ko habang itinuturo ng mama ang direksyon ng pinakamalapit na port. Ilang araw rin kaming sakay ng bus mula sa Maynila hanggang makarating kami rito sa Sorsogon. Sa kasamaang palad, hindi s

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 111

    LUCA ODELLE VITALE'S POVDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paggalaw ni Anya sa tabi ko. Maingat niyang inalis ang braso ko na nakapatong sa kaniya para hindi ako magising. Tinitigan ko ang mukha niya habang dahan-dahan siyang bumabangon mula sa kama at naglalakad patungo sa banyo para maghilamos.Nang ipinikit ko ulit ang mga mata ko para umidlip saglit, biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na vibration at ringtone ng cellphone ko mula sa nightstand.Napakunot ang noo ko dahil sa matinding kirot na gumuhit sa tagiliran ko nang abutin ko ang cellphone. Tiningnan ko ang screen.‘Lolo’Bumigat agad ang paghinga ko. Napapikit ako nang mariin habang nararamdaman ko ang muling pagtaas ng galit at presyon sa dibdib ko. Pinindot ko ang answer button at idinikit ko ang cellphone sa tainga ko pero nanatili akong tahimik."Luca!" Agad na bumungad ang matigas at nangingibabaw na boses ni Lolo mula sa kabilang linya. "Nasaan ka?! Bakit umalis ka na agad sa hospital

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 110

    ANYA THERESE BENNETT'S POVMatapos ang ilang oras na pananatili sa maliit na kuwarto, dahan-dahan naming pinalipas ang oras bago muling kumilos. Kahit nanghihina pa rin si Luca dahil sa sariwang sugat ng saksak sa kaniyang tagiliran, pilit siyang tumayo para alalayan ako. Lumabas kami ng apartment at pumara kami ng taxi sa may ‘di-kalayuang eskinita. Inilayo kami ng biyahe mula sa maingay na lungsod patungo sa isang pribadong villa sa isang lungsod.Pagkarating na pagkarating ng taxi sa harap ng mataas na gate ng villa, agad na bumukas ang bakal na pint0 at sinalubong kami ni Mang Isko, ang matagal nang caretaker ng ari-arian ni Luca."Sir Luca!" gulat na bungad ng matanda habang mabilis na lumalapit sa pint0 ng sasakyan. "Nakakagulat naman po ng pagdating ninyo. Wala man lang po kayong pasabi—Diyos ko, Sir Luca! Anong nangyari sa inyo? Bakit may may dugo ang inyong damit?"Mabilis akong bumaba sa may passenger seat at umikot para tulungan si Luca na dahan-dahang lumabas sa driver's

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 109

    ANYA THERESE BENNETT'S POVNakasandal ako sa dibdib ni Luca habang tahimik siyang nakaupo sa sofa at marahang hinahaplos ang likod ko. Unti-unti nang humuhupa ang pag-iyak ko nang may narinig akong kaluskos mula sa labas.Napatingin ako sa may pintuan. May isang yabag na sinundan ng isa pa.Napakunot ang noo ko. May paparating!Naramdaman kong bahagyang umayos ng upo si Luca."Someone's coming," bulong niya.Tumango ako at agad akong tumayo."Kailangan nating magtago.""Anya—""Shh." Lumapit ako sa pint0 at mabilis kong isinara ang lock. Kasunod noon, kinuha ko ang cellphone ko. Mabilis akong nag-type ng mensahe sa guard.{Kuya, kapag may nagtanong ulit tungkol sa akin, sabihin n'yo po ay maaga akong umalis kanina. Huwag n'yo pong sabihing nakabalik na ako.}Ilang segundo lang, nag-reply siya.{Sigw po, Miss Anya.}Napabuntong-hininga ako. Paglingon ko kay Luca, nakatayo na siya ngunit bahagya siyang napahawak sa tagiliran niya.Agad akong lumapit sa kaniya. "Careful.""Okay lang ako.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status