Share

Chapter 5

"A—anong sabi mo?!" Para akong nauubusan ng hininga habang nagsasalita.

Para akong nabingi sa narinig ko. Parang nagsarado ang utak ko at hindi nito maproseso ang katagang binitawan ni Krisha.

"Si Kyle... naaksidente. Kahapon ito nangyari kasabay ng barilan na naganap sa coffee shop na pinapasokan mo. Nag aalala rin ako kung nasaan ka na dahil sabi ni Stephanie ay huling kita niya sayo ay karga ka ng isang lalaki at mukhang duguan ka." Saka ko lang napagtanto na may tama nga pala ako dahil sa nangyari kahapon, parang nakalimutan ko itong indahin dahil sa nangyari.

"Hindi ko rin naman alam kung paano ka kokontakin dahil naiwan mo ang cellphone mo sa coffee shop, nag aalala kami kung saang hos—" Sinenyasan ko itong tumigil sa pagsasalita dahil hindi ko pa naririnig ang nangyari kay Kyle.

Wala na akong panahon pang intindihin ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay wala rin naman na iyong silbi kung hindi ko makikita ngayon si Kyle.

"Ano nangyari kay Kyle? Paano siya naaksidente?" Nanghihina kong tanong sa kaniya.

Nanlalambot ang mga tuhod ko at pakiramdam ko tuluyan na akong babagsak. Pero pinagdadasal kong sana ay okay lang ang kalagayan niya.

"Hindi ko alam ang totoong dahilan, pero ang sabi ng mga nakakita mayroon daw mga binatilyong humahabol sa kaniya. Hanggang sa hindi niya namalayang may paparating na Van sa direksyon niya."

"Nasaan na 'yong taong nakabangga sa kapatid ko? Si—sinong kasama niya ngayon sa hospital?"

"Kasamaang palad, tinakbuhan siya ng nakabangga. Dinala siya ngayon sa pribadong hospital, papunta na rin kami doon ngayon ulit dahil si Janice muna ang nagbantay sa kaniya."

Agaran akong nag ayos sa sarili ko at dali-daling inaya sila papunta sa hospital. Pakiramdam ko ay halo-halo ang emosyon ko ngayong araw. Pero mas tumindi ata ang galit na nararamdaman ko dahil sa bwisit na driver ng Van na bumangga sa kapatid ko. Sisiguradohin kong ipapahanap ko siya o ako mismo ang maghahanap sa kaniya.

"Tara na! Mamaya ko na poproblemahin kung paano ko malalaman kung sino ang may-ari o nagmamaneho ng Van na 'yon."

"Hatid na namin kayo."

"Ay putang—" Sa gulat ko ay muntikan ko na mamura 'yong dalawang lalaking kanina lang ay kasama ko.

Nandito pa pala sila at mukhang narinig nila ang nangyayari sa akin ngayon. Sh*t! May isa pa pala akong problema! Ang lintek na lalaking iyon. Pero saka ko na lang poproblemahin 'yon, kapatid ko na muna.

Mabilis naman kaming sumakay sa sasakyan at mukhang wala naman silang planong magtanong sa nangyari, mabuti naman. Nagpapawis ang kamay ko sa kaba at pilit naman itong pinupunasan ni Cristine.

Wala pang bente minuto ay nakarating na kami agad sa hospital. Bago pa kami pumasok sa hospital ay pinauna ko na sila Krisha at Cristine sa loob.

"Salamat nga pala sa inyo," usal ko kina Mark at Justine.

Isang tango lang ang sinagot sakin ng mga ito at nginitian lang ako saka ako kinawayan. Tumalikod na ako sa kanila at nagmadaling pumasok sa loob.

"Tara na bes, nasa emergency room pa raw si Kyle at mukhang ikaw na lang ang hinihintay ng Doctor."

Tumango ako sa kaniya at naglakad na papunta sa emergency room, habang papalapit kami sa emergency room ay siya namang pag bigat ng bawat hakbang ko. Tahimik kong dinadasal na sana ay maganda ang balitang matanggap ko.

Agad na tumayo si Janice nang makita niya na kami at mabilis ako nitong niyakap pero agad din itong bumitaw. Hinarap ako nito ng nakapamewang at nakataas ang isa nitong kilay.

"Saan ka galing?! At balita ko ay duguan ka raw? Kamusta ka na? May masakit ba sa'yo? Nasaan na 'yong sugat mo?"

"Hep! Isa-isang tanong lang, Janice. Isa lang ako." Awat ko rito kaya agad din siyang natahimik at napakamot sa kaniyang sintido.

"Okay lang ako, salamat sa pag-alala. Malayo ito sa bituka pero mas importante ang kapatid ko ngayon."

"Pero nasaan nga ang tama mo?"

Tinuro ko ang tagiliran ko at nanlaki ang mata nito. Maingat niyang inangat nang bahagya ang aking suot at tinignan ito.

"Oh my! Malayo sa bituka? Eh, halos tingin ko ay tatagos na 'yan sa bituka mo!"

"Wala nga ito, Janice. Kita mo naman nakakatayo ako nang maayos. Siya nga pala, nasaan na ang doctor?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Nasa loob pa. Palagay ko ay palabas na rin 'yon."

Wala pang ilang minuto ay lumabas na nga si doc at agad-agad ko itong nilapitan. Kapit kamay akong nagtanong sa kaniya at nag-aabang sa magandang balita nito.

"Kayo po ba ang guardian ng bata?" Mabilis akong tumango rito.

May tinignan muna siya sa kaniyang papel na hawak at saka ako binalingan ulit ng tingin.

"I'm sorry, pero critical ang lagay ng kapatid mo. May namuong dugo sa ulo nito at kailangan natin ng agarang operasyon para maisawan ang paglala nito."

Ang kanina ko pang pinipigilang luha ulit ay nagsimula na namang pumatak. Sunod-sunod ito na para bang hindi tumitigil sa pagbagsak. Naramdaman ko na lang ang yapos ng dalawa kong kaibigan, maging si Cristine ay niyakap na rin ako. Tuluyan na akong humagulgol at kahit pa wala na akong lakas ay nilapitan ko muli si doc at lumuhod sa harap nito.

"P—please, doc. Gawin niyo po ang lahat. Handa po akong magbayad, kahit na magkano. Basta tulungan niyo lang po ang kapatid kong gumaling." Garalgal man ang boses ko ay pilit akong nagmakaawa kay doc.

Inalalayan ako nitong tumayo at kinapitan ako sa magkabila kong balikat. "Makakaasa ka, sa nakikita ko naman ay malakas ang iyong kapatid at lumalaban," usal nito sa akin.

"Salamat, Doc. A—asahan ko po kayo."

Pagkaalis ni doc ay naupo ako sa bench sa tapat ng emergency room at saka hinilamos ang dalawa kong kamay sa mukha ko.

Mukhang wala akong ibang choice ngayon, kundi tanggapin ang offer sa akin na kasal. Lulunukin ko ang pride ko para lang sa kapatid ko, gagawin ko ito para sa kapatid ko. Ito lang ang natitira kong pag-asa dahil aminin ko man o sa hindi, talagang hindi kaya ng sahod ko kahit pa triplehin ko ang trabaho na mayroon ako ngayon.

Bukas... bukas magsisimula ang trahedya ko sa buhay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status