"I don't like it," he said directly after my presentation.
Palihim kong naikuyom ang aking palad sa likuran ko. Inaasahan ko na ito. Gano'n pa man, umasa pa rin ako na mababago ang lahat pagkatapos nang paglalatag ko ng mga plano.Kita ko ang mapaglarong ngisi sa labi niya, pero hindi roon natuon ang mga mata ko. My dad's disappointed look caught my attention at all. Hindi man iyon mukhang naninisi ay alam kong nanghihinayang siya dahil ramdam niya rin na hindi namin makukuha si Mr. Revelar.Prenteng tumayo ang lalaki at itinipay ang ilang butones ng suit niya. "I'm sorry, but I am going to remove PIP Inc. in my list," imporma niya.Pilit na ngumiti ang ama ko saka sumunod na tumayo. "It's okay. I understand if we didn't reach your expectation," ani Dad at umastang makikipagkamay.Parang pinipiga ang puso ko habang nakamasid kay Daddy na kunwaring hindi nagpapaapekto sa bigong transaksyon.Mr. Revelar shook a hand with my dad, then glanced at me. I could feel him smirking behind his look."Nice to meet you again, Ms. Dagsinal. Pasensya ka na sa biro ko kanina," aniya.I forced a smile. "It's nothing, Sir Agustine."I knew what he meant earlier on his joke, it was like he's showing me that he can prove me that he's straight by marrying me in a blink.It's my fault. I know I'm at fault. I should just let him that day and turned blind eye, but I chose to feed my ego.A small smirk plastered on his lips as if he saw me repenting of what I did. He looked again at my father to bid a goodbye. Nang tuluyan na siyang nakaalis ay tahimik kaming naiwan ni Daddy sa loob ng silid.Ramdam ko ang labis niyang panghihinayang. Mayamaya pa ay binalingan niya ako ng tingin at tipid na ngumiti."You should go home now," he said.Natigilan ako sa aking p'westo at hindi nakagalaw."It's over. Pwede ka nang bumalik sa trabaho mo sa Vista Querencia," dagdag niya na para bang gano'n lang iyon kadali.My mother's words automatically lingered in my mind. Babalik ako sa Vista Querencia ng bigo at may dala na namang kahihiyan."Are you... disappointed in me, Dad?" maingat kong tanong, natatakot sa kanyang posibleng sagot."I am not, Khrystal," he answered quickly.Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang nakita sa mga mata ni Daddy ang katotohanan sa sinabi niya."This is your first time handling a big client. Kaya naman naroon ang risk na hindi mo ito makukuha. Bukod pa roon ay sadyang metikuloso si Mr. Revelar sa negosyo. Simpleng butas lang na makikita niya sa plano ay aayawan niya iyon tulad nang ginawa niya sa atin," mahabang paliwanag niya.Mas lalo akong nakaramdam ng pagkalugmok dahil alam kong ako ang butas na nakita ng kliyente. Kung malalaman iyon ni Daddy alam kong magiging disappointed siya sa akin sa mga oras na ito, taliwas sa isinagot niya sa akin."I will persuade him," mariin kong usal."Khrystal," tawag ni Daddy na para bang wala na akong magagawa pa.I looked at him with full of determination. "Makukuha natin siya, Dad. Let me handle this."Saglit akong tinitigan ni Daddy at bumuntonghininga. "If that's what you want then. I will give you a week to change his mind," pagsuko niya sa akin saka lumabas ng silid.Nanghihina naman akong napaupo at puno ng frustrasyon na napahilamos sa mukha ko.Ano'ng gagawin ko?The first thing came into my mind was to ask for forgiveness. Pero base pa lang sa mga aksyon niya kanina ay imposibleng magbago ang kanyang isip sa simpleng paghingi ko ng tawad.Naiiyak kong ginulo ang aking buhok.Hindi ako p'wedeng umuwi ng ganito. I should win this. I should have this deal.Nasa gitna ako nang pag-iisip ng mga paraan nang naramdaman ko ang paggalaw ng telepono ko. I took it out from my pocket and saw mom's name on the message notification bar. Binuksan ko naman iyon.Did you get the deal?Pang-iintriga niya. Napanguso naman ako at napahilot sa aking sintido."Worst first day," I uttered.Mayamaya pa ay napaayos ako ng upo at napatitig sa telepono. Ang mga linyahan ni Mommy ay paulit-ulit na pumasok sa isip ko.Landiin mo si Mr. Revelar...Landiin mo si Mr. Revelar...It's wrong. It's definitely wrong. But this is my only chance to live on my own.I heaved a deep breath and fix my things.By hook or by crook, I will tie Agustine Bhryll on our company.Mabilis akong lumabas ng silid at saka nagtungo sa sekretarya ni Daddy. Kita ko ang gulat sa mukha niya sa bigla kong pagsulpot sa harapan niya."Can I have some background details about Mr. Revelar? His place, his favorites, anything about him," ani ko rito.Napalunok naman siya at marahan na tumango. Kinalkal niya ang ilang papeles sa gilid niya at nang nakita ang hinahanap ay ibinigay niya iyon sa akin."Thank you," nakangiti kong sambit saka pumunta sa aking working space.Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ng ibang empleyado ni Daddy pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. Sa halip ay naupo ako sa 'king upuan at binuksan ang laptop ko. Searching some news and rumors about the guy who turned down our offer.I know, I will put my name at risk from what I am planning to do. Pero ano bang kaibahan niyon? Anuman ang gawin ko, isa na akong putik sa mata ng nakararami. Ang importante sa akin ngayon ay ang matupad ang gusto kong gawin.And that is...To seduce Mr. Revelar.MAG-AALAS otso na ng gabi pero nandito pa rin ako sa lobby area ng condominium building na pinag-i-stay-an ni Mr. Revelar. Sa halip na umuwi at mag-ayos sa pagtitigilan kong bahay, nandito ako, naghihintay sa kanya. Base sa mga nakalap kong impormasyon, istrikto siya sa oras ng trabaho. Sinusunod niya ang oras ng cut off ng work niya which is 7:30pm.Napag-alaman ko rin na hindi gano'n kataas ang alcohol tolerance niya. Rumor lang iyon pero panghahawakan ko pa rin iyon sa plano ko. Napabuntonghininga ako saka tumingin sa hawak kong paper bag kung saan naroon ang mamahaling alak na binili ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto ng gagawin ko sa akin, pero hindi na iyon ang mahalaga. For now, my goal is to succeed and live quietly in America."Good evening, Sir."Nakuha ng mga nakakalat na staff ang atensyon ko nang narinig ko silang bumati kung kanino. My heart pounded when I saw who it is. Mr. Revelar, the man I am waiting for, walked like a God.Hindi ko maiwasan na murahin ang sarili ko sa maling pag-aakala sa kanya. How did I think of him as a gay?Asta siya kikilo sa isang pasilyo nang magtama ang paningin namin. Naroon man ang pagtataka sa mga mata niya ay nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. Alam kong lalampasan niya ako kaya naman ako na ang kusang humarang sa kanya bago niya pa man magawa iyon.He raised an eyebrow at me. Mula sa gilid niya ay napansin ko rin ang pamilyar na lalaki—ang kasama niya noon sa mall. From what I remembered, he's Miguel."Mr. Revelar," I started.Pilit niya mang itago ay nakikita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata. Hindi niya siguro inaasahan na pupuntahan ko siya o magpapakita ako sa kanya."I-I..." Kinalma ko ang sarili ko at saka iniaro sa harap niya ang hawak kong paper bag. "Want to drink with you," I continued.Slowly, his side lip rose. "Do you think this will change my mind?" diretyo niyang tanong, patukoy sa nangyari niyang pag-turn down sa amin.Marahan akong umiling. "I just want to show my appreciation," ani ko.Muli namang umangat ang kilay niya."You didn't tell my dad about what happened. Besides, I am here to get my... card," I stated.He stared at me for a while and then licked his lower lip. "Come with me then.""How are you, hija?" my mom spoke as we ate our dinner, she's talking to her friend's daughter, Lhea.I don't know why I always need to be present every time she's here. Alam kong gusto niya ang babae para sa akin, pero kahit kailan ay hindi ako umoo sa plano niyang iyon. Though, I didn't decline also.I just let my mom thought that I am following her orders. Well, as of now, there's nothing wrong with her plan. I'm not in a relationship, I also don't have someone I like. There's no need to oppose."I'm doing good, Tita. Kayo po?" the girl answered.I lazily tilted my head to look at her. She's pretty, I admit it though. We're friends also. Hindi na masama para sa akin. I saw her looked at me, her cheeks flushed when she found me staring at her."Okay lang din naman. Kahit pa na-i-stress ako rito sa anak ko," reklamo ni Mama.The girl, Lhea, chuckled. "Why, Tita? Is there something wrong with your business?"Umiling naman si Mama at nakanguso akong nilingon. I just remained my stoic f
As I peered into the pitch-black abyss, the chilly breeze embraced my body. Even though it's past midnight, I'm back on the hospital's rooftop. I've been standing still and pondering things for practically an hour.I'll admit, Agustine's remarks stayed in the back of my head. I experienced conflicting emotions. Happy? Afraid? Bewildered.Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at pinanuod ang mga bituin. Hindi na kami mga bata. Kung may mga desisyon man kami na kailangang gawin, hindi na namin kailangang magpaikot-ikot pa. Bigla kong naalala ang interview niya limang taon na ang nakararaan. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone ay sinubukang hanapin iyon sa internet. Luckily, it's still there. Nanginginig kong pl-in-ay ang video. Pigil ang hininga ko nang nagsimula na siyang tanungin ng ilang reporter. "Mr. Revelar, would you confirm that you are the person featured in the audio recording?""Yes," diretyo at walang paligoy-ligoy na sagot ni Agustine."Are you being blackmailed th
"Khrystal." I felt a faint tap on my shoulder as I heard my mother's voice.Marahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita siyang nakatayo sa harapan ko. I doze off. Hindi ko iyon namalayan dahil siguro sa pagod. I glanced at Gio and found him still sleeping. Sunod ko namang hinanap si Gia. Napangiti ako nang nakita siyang kandong ni Daddy at bininigyan ng binalatan niyang mansanas."Bibili na muna ako ng pagkain natin sa labas," ani Mama.Agad akong umiling at saka tumayo. "Ako na po. May bibilhin din po ako sa labas."Hinarap ko si Daddy at ngumiti bilang pamamaalam bago tuluyang lumabas ng silid. Hindi ko pa ulit nakikita si Agustine mula ng sagutan nila ni Lhea. Kung saan siya pumunta ay hindi ko alam. Napahinga ako nang malalim habang naglalakad. Ngayong nabigyan na ng linaw ang nakaraan namin, hindi ko maiwasan na manghinayang. Gano'n pa man, nagpapasalamat pa rin ako dahil mas pinatatag ako ng mga pinagdaanan namin. I am not a good for nothing bastarda anymore. Nakagawa na a
Pinilit kong ngumiti sa harapan ni Gio. "Anak . . ." nahihirapang usal ko. "Mommy needs to tell you something.""What is it, Mom?" mahina niyang tugon.I cleared the lump in my throat and moved a little. Hinayaan kong magkaroon ng espasyo para makita ng anak ko ang presensya ni Agustine. Gradually, my son's eyes grew bigger."S-Sir," he mumbled.Parang kinurot ang puso ko sa sandaling iyon. Hindi ko sinubukang tingnan si Agustine. Natatakot ako, nakukunsensya, at nasasaktan. Naramdaman ko ang paglalakad niya palapit sa amin. Ang mga mata ng anak ko ay nakatuon lamang sa kaniya. Namamangha at nag-uulap ang paningin sa presensya ng kaniyang ama."Gio . . ." I barely managed to say. "A-anak, s-si Daddy . . . nandito siya para sa 'yo."Marahan na lumipat ang paningin niya sa akin. Mas lalong naipon ang mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata. Tila hindi makapaniwala na narinig. Once again, I tried to smile at him."Hindi niyo na kailangang magtago, anak . . ." I murmured.Gio's tears
"Omg, girls have some class."My gaze shifted when a familiar voice spoke. Napakunot ang noo ko nang nakita ang nanay ni Agustine. Prente siyang nakatayo habang nakasabit sa kaniyang braso ang isang mamahaling bag. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya at saka eleganteng naglakad palapit sa amin. Hindi nakalampas sa aking tainga ang bawat ingay ng takong niya habang tumatapak sa sahig ng ospital."Where's my son?" she asked when she's finally in front of me.I stared at her for a second. Wala akong mabakas na emosyon sa mukha niya. I could not even decide whether to respond or ask back a question. "Mom." On cue, Agustine arrived. Mabilis siyang nagtungo sa ina at masuyong hinawakan ang braso nito. "What are you doing here?" he added."Well, I found out that you're here. May nangyari ba sa 'yo?" usisa ng nanay niya.Mabilis namang umiling si Agustine at tumingin sa akin. Humihingi ng pasensya kahit wala pa mang nangyayari. His throat moved before looking back at his mother. "M
I was pacing back and forth—waiting for him to show up—as I held tight on the pregnancy test. Almost two weeks had passed since I found out about it. I didn't know what to do; all I knew was . . . I must tell him about our baby.Dalawang oras na rin buhat nang makarating ako rito sa lobby ng condo niya. Pagkalapag ko pa lang sa airport ay dito na ako nagpahatid sa taxi. Gusto ko siyang akyatin sa unit niya, pero natatakot ako sa kaniyang reaksyon. I know he's mad at me, and it might trigger him to be impulsive. Kung dito ako sa lobby magpapakita, makakapagkontrol pa siya dahil may mga taong nakapaligid.I took a deep breath and calmed myself. Iniwasan kong mag-isip ng kung ano-ano dahil sa takot na baka maapektuhan ang anak ko. Sandali akong umupo sa couch para makapahinga. Right after that, I finally saw him walking. Wala sa akin ang atensyon niya, kundi sa daan. I was about to rise from my seat when a child suddenly grabbed his hand. Mas lalo pa akong natigilan nang sumunod ang fia
"Aren't you going to talk?"I took a deep breath and turned to face him. Halos sampong minuto na rin mula nang umakyat kami rito sa rooftop ng ospital. I invited him here so we can talk peacefully; that's what I believe."Hindi ko sila planong itago sa 'yo," panimula ko.He scoffed. "Really? That's why I recently found out that I have kids," he mocked along with his intense glare.Nakagat ko ang ibaba kong labi at napaiwas ng tingin. "I was planning to tell you today.""Today," he repeated and laughed wearily. Napahiyaw ako nang humarap siya sa pader at malakas iyong sinuntok. Magkakasunod pang mura ang binitiwan niya bago muling tumingin sa akin. I could see the pain and betrayal in his eyes."You should have informed me right away when you found out you were pregnant, Khrystal! Muntik na maging bastardo at bastarda ang mga anak ko!" His veins nearly burst while screaming."Paano ko ipapaalam sa iyo ang pagbubuntis ko kung buong akala ko pamilyado ka, Agustine?! Tingin mo ba ay ginu
My body seemed to be moving on its own. I don't know how to think properly. Nanginginig man ang mga tuhod ko ay nagawa ko pa ring tumakbo. Lord, please, not my son."M-Miss, Giovani Dagsinal, please," I asked at the nurse assigned in the emergency ward."D-Dinala siya sa operating room," a familiar voice interrupted.Wala sa sarili akong napalingon sa direksyon niya. Her eyes were swollen. Sa gilid niya ay naroon ang anak niyang tahimik na umiiyak habang may benda sa kaniyang siko. Nakaupo silang pareho sa isang hospital bed."Lhea, why are you here? And what happened to Dianne?" usisa ni Agustine. Her throat moved slowly. Nakukunsensya siyang tumingin sa akin. Astang bubuka ang bibig niya para magsalita pero agad niya rin iyong itinikom. I chose to ignore her in the end. Wala akong pakialam sa kaniya. Ang kailangan kong makita ay ang anak ko. Mabilis akong tumakbo paalis, ramdam ko ang pagsunod ni Agustine sa akin pero miski siya ay hindi ko pinagtuunan ng atensyon."K-Khrystal,"
Hindi ko alam kung paano haharap kay Agustine. I know, he's inside my office. Noong umalis ang fiancee at anak niya ay nakita ko siyang pumasok ng building. Ipinahatid ko muna kay Mama ang mga bata sa malapit na park. I want them to breathe for a moment. Alam kong masakit sa kanila ang pangalawang beses na makitang kasama ni Agustine ang pamilya niya. But I don't want to delay this anymore. Kakausapin ko na siya, kami muna. Ilang beses akong kumuha at bumuga ng hininga bago marahang binuksan ang pinto ng opisina ko. Tulad ng inaasahan ko, nakaupo siya sa visitor's chair, hinihintay ang pagdating ko. Agad nagtama ang paningin naming dalawa.Kung sa normal na mga araw, nagagawa ko siyang batiin kahit bilang partner sa negosyo. Ngayon ay hindi ko iyon magawa. Oo, hindi niya naman kasalanan na naabutan sila ng mga anak ko. Pero hindi ko maiwasan na makaramdam ng sama ng loob. "Good morning, Ms. Dagsinal," bati niya.Hindi ako sumagot. Naglakad lamang ako patungo sa aking upuan at saka