I secretly bit my lower lip when a loud slap landed on my cheek.
"Wala ka talagang kahihiyan!" my mother shouted, or should I say stepmom.Napayuko na lamang ako at hindi na tiningnan ang galit niyang mga mata. Kadarating ko lang at ito agad ang ibinungad niya sa akin dito sa malaking salas ng bahay namin. Nakakatawang isipin na isa ito sa mga pagkakataon kung saan hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali."Hindi ka na nahiya sa kapatid mo, pati na rin sa ibang tao na makakaalam! Gano'n ka ba kadesperada at boyfriend ni Mary France ang sinulot mo!"Wala sa sarili kong naiangat ang aking ulo kasabay nang pag-awang ng bibig ko. "P-po?" nalilito kong sambit.From her side, my sister smirked and gave me a disgusting look as she crossed her arms. "Painosenta ka pa. Sinadya mong landiin si Harry para makipaghiwalay sa akin, 'di ba?" paratang niya.Harry? 'Yong isa sa mga nakakasama kong architect?Agad akong umiling bilang pagtanggi.I will never do that! I didn't even know that they are in a relationship.Nakita ko ang pagsiklab ng galit sa mga mata niya at mabilis na tinahak ang distansya naming dalawa. Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko at marahas na sinabunutan."Sinungaling!" aniya habang nanatiling nakakapit sa buhok ko.Napapikit ako sa sakit at maluha-luhang napahawak sa kamay niya para pumigil. "Mary, let me go. Wala akong ginawa, wala akong alam."Lalong humigpit ang hawak niya sa buhok ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking anit dahil doon."Liar! You flirted with him on the site! Kitang-kita ko kung paano kayo nag-usap at nagtawanang dalawa!" puno ng panggigigil niyang sigaw."We are working on a project. It's normal that we talk or occasionally joke around, Mary France. Walang ibang kahulugan iyon." I shut my eyes tight when her nails dug into my chin."Isa ka talagang sinungaling, Khrystal. Manang-mana ka sa nanay mong malandi!"And there, I could not fight anymore. I just held back my tears and let her hurt me.Ganito naman palagi. Every time something bad happens, it will always lead to my biological mother. Ang nanay ko na hindi ko naman nakilala mula pagkabata ko."Jusko!" pamilyar na boses ni Manang Luisa at agad kong naramdaman ang pagtulong niya sa akin na makawala sa kapatid ko. "Ano bang kaguluhan ito? Bakit hindi niyo pag-usapan nang maayos?" dagdag niyang sambit nang tuluyan na akong naialis at nailayo kay Mary France.My stepsister just raised her eyebrow at Manang. Gano'n din naman ang ginawa ni Mommy Francheska."Pagsabihan mo 'yang alaga mo, Manang," Mary emphasized the last word. Tila ipinaparamdam ang lugar niya sa bahay na kanyang pinagsisilbihan.Hindi naman sumagot si Manang at nag-aalala na lamang na inayos ang buhok ko. "Ayos ka lang ba, hija?" usisa niya sa akin.Pilit na lamang ako na ngumiti kahit bahagyang nakakaramdam ng liyo. "Ayos lang po ako. Huwag niyo po akong intindihin," ani ko saka tumingin sa kapatid ko."Pasensya ka na, Mary. Hayaan mo mula ngayon hindi na ako makikipag-usap kay Harry," paumanhin ko.Mommy Francheska smirked. "Sa dating ng salita mo ay parang ang anak ko pa ang gagawan mo ng pabor, Khrystal."I shook my head. "Hindi po sa gano'n. Ayaw ko na lang po ng gulo kaya sinasabi ko kay Mary ang plano kong gawin," I tried hard to explain."Wala na akong pakialam sa gagawin mo, Khrystal. Sa 'yo na si Harry kung gusto mo, tutal gawain mo naman talaga 'yan. Ang mangolekta ng lalaki," Mary spatted then took her leave.Gusto kong matawa sa mga oras na ito. Para saan ang mga natanggap kong sampal at sabunot? Galit sila dahil sa pag-aakalang nang-agaw ako, pero ayaw rin nila tanggapin kung anuman ang plano kong gawin sa lalaking idinidikit nila sa akin?"Tapusin mo ang proyektong inaayos mo ngayon sa madaling panahon," ani Mommy na nakakuha ng atensyon ko.Hindi naman ako nagsalita at hinihintay na lamang ang idudugtong niya."Tutal magaling ka namang lumandi. Ikaw ang mag-asikaso kay Mr. Revelar kapag dumating siya rito sa Vista Querencia. Make sure na makukuha mo siya para sa kumpanya natin, Khrystal."Magkahalong gulat at pagtataka ang bumalatay sa mukha ko. This is the first time that they will let me handle a family business or transaction.In my whole life, I was working away from them. Nagtatrabaho ako bilang architect sa ibang firm. Hindi iyon gano'n kasikat katulad ng sa family business namin pero nagagawa pa rin naman niyon makipagsabayan sa mga middle class na negosyo."B-Bakit po ako?" wala sa sariling tanong ko.Mommy Francheska crossed her arms. "Bingi ka ba? Nasabi ko na, 'di ba? Landiin mo si Mr. Revelar para sa kumpanya natin. Are you that dumb to understand?" she hissed.Napalunok na lamang ako at hindi alam kung ano ang mararamdaman. Dapat ba akong maging masaya dahil may gagawin akong trabaho para sa kumpanya namin o masasaktan dahil sa tingin nila na kaya kong gawin?"I will let you leave."Natigilan ako at marahan na naituon ang paningin sa tumatayo kong ina. Seryoso siyang nakatingin sa akin."I'll let you live in America when you get and finish the project," she said clearly.Tuluyan nang napaawang ang labi ko at ilang beses na napakurap. Simula nang nakapagtapos ako ay hiniling ko nang bumukod at lumayo pero hindi nila ako hinahayaan. Ngayon ay sila ang kusang nagbibigay sa akin ng pagkakataon na umalis.I slowly balled my fist and took a deep breath. "Give me the project information.""SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, hija?" Manang Luisa asked.Nandito na kami sa silid ko. Nakaupo ako sa harap ng vanity mirror habang pinupunasan niya ako ng tuwalya sa buhok. Nakasanayan na niya itong gawin sa tuwing natatapos akong maligo.I looked at her on the reflection and forced a smile. "This is my chance, Manang," I answered indirectly.Isang buntonghininga ang pinakawalan niya bago ipinatong sa gilid ang kanyang hawak na tuwalya. "Gusto mo ba talagang umalis dito?"I slowly nodded. "Vista Querencia is a good place, Manang." Once again, I faked a smile. "But the people were not," I continued.Pity flickered in Manang's eyes as she stared at me."No matter how good nor successful I am, isa pa rin akong bastarda sa mga mata nila. Isang surot sa magandang pamilya nina Daddy. A good-for-nothing daughter of the Dagsinal clan.""How are you, hija?" my mom spoke as we ate our dinner, she's talking to her friend's daughter, Lhea.I don't know why I always need to be present every time she's here. Alam kong gusto niya ang babae para sa akin, pero kahit kailan ay hindi ako umoo sa plano niyang iyon. Though, I didn't decline also.I just let my mom thought that I am following her orders. Well, as of now, there's nothing wrong with her plan. I'm not in a relationship, I also don't have someone I like. There's no need to oppose."I'm doing good, Tita. Kayo po?" the girl answered.I lazily tilted my head to look at her. She's pretty, I admit it though. We're friends also. Hindi na masama para sa akin. I saw her looked at me, her cheeks flushed when she found me staring at her."Okay lang din naman. Kahit pa na-i-stress ako rito sa anak ko," reklamo ni Mama.The girl, Lhea, chuckled. "Why, Tita? Is there something wrong with your business?"Umiling naman si Mama at nakanguso akong nilingon. I just remained my stoic f
As I peered into the pitch-black abyss, the chilly breeze embraced my body. Even though it's past midnight, I'm back on the hospital's rooftop. I've been standing still and pondering things for practically an hour.I'll admit, Agustine's remarks stayed in the back of my head. I experienced conflicting emotions. Happy? Afraid? Bewildered.Isang buntonghininga ang pinakawalan ko at pinanuod ang mga bituin. Hindi na kami mga bata. Kung may mga desisyon man kami na kailangang gawin, hindi na namin kailangang magpaikot-ikot pa. Bigla kong naalala ang interview niya limang taon na ang nakararaan. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone ay sinubukang hanapin iyon sa internet. Luckily, it's still there. Nanginginig kong pl-in-ay ang video. Pigil ang hininga ko nang nagsimula na siyang tanungin ng ilang reporter. "Mr. Revelar, would you confirm that you are the person featured in the audio recording?""Yes," diretyo at walang paligoy-ligoy na sagot ni Agustine."Are you being blackmailed th
"Khrystal." I felt a faint tap on my shoulder as I heard my mother's voice.Marahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita siyang nakatayo sa harapan ko. I doze off. Hindi ko iyon namalayan dahil siguro sa pagod. I glanced at Gio and found him still sleeping. Sunod ko namang hinanap si Gia. Napangiti ako nang nakita siyang kandong ni Daddy at bininigyan ng binalatan niyang mansanas."Bibili na muna ako ng pagkain natin sa labas," ani Mama.Agad akong umiling at saka tumayo. "Ako na po. May bibilhin din po ako sa labas."Hinarap ko si Daddy at ngumiti bilang pamamaalam bago tuluyang lumabas ng silid. Hindi ko pa ulit nakikita si Agustine mula ng sagutan nila ni Lhea. Kung saan siya pumunta ay hindi ko alam. Napahinga ako nang malalim habang naglalakad. Ngayong nabigyan na ng linaw ang nakaraan namin, hindi ko maiwasan na manghinayang. Gano'n pa man, nagpapasalamat pa rin ako dahil mas pinatatag ako ng mga pinagdaanan namin. I am not a good for nothing bastarda anymore. Nakagawa na a
Pinilit kong ngumiti sa harapan ni Gio. "Anak . . ." nahihirapang usal ko. "Mommy needs to tell you something.""What is it, Mom?" mahina niyang tugon.I cleared the lump in my throat and moved a little. Hinayaan kong magkaroon ng espasyo para makita ng anak ko ang presensya ni Agustine. Gradually, my son's eyes grew bigger."S-Sir," he mumbled.Parang kinurot ang puso ko sa sandaling iyon. Hindi ko sinubukang tingnan si Agustine. Natatakot ako, nakukunsensya, at nasasaktan. Naramdaman ko ang paglalakad niya palapit sa amin. Ang mga mata ng anak ko ay nakatuon lamang sa kaniya. Namamangha at nag-uulap ang paningin sa presensya ng kaniyang ama."Gio . . ." I barely managed to say. "A-anak, s-si Daddy . . . nandito siya para sa 'yo."Marahan na lumipat ang paningin niya sa akin. Mas lalong naipon ang mga luha niya sa gilid ng kaniyang mga mata. Tila hindi makapaniwala na narinig. Once again, I tried to smile at him."Hindi niyo na kailangang magtago, anak . . ." I murmured.Gio's tears
"Omg, girls have some class."My gaze shifted when a familiar voice spoke. Napakunot ang noo ko nang nakita ang nanay ni Agustine. Prente siyang nakatayo habang nakasabit sa kaniyang braso ang isang mamahaling bag. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya at saka eleganteng naglakad palapit sa amin. Hindi nakalampas sa aking tainga ang bawat ingay ng takong niya habang tumatapak sa sahig ng ospital."Where's my son?" she asked when she's finally in front of me.I stared at her for a second. Wala akong mabakas na emosyon sa mukha niya. I could not even decide whether to respond or ask back a question. "Mom." On cue, Agustine arrived. Mabilis siyang nagtungo sa ina at masuyong hinawakan ang braso nito. "What are you doing here?" he added."Well, I found out that you're here. May nangyari ba sa 'yo?" usisa ng nanay niya.Mabilis namang umiling si Agustine at tumingin sa akin. Humihingi ng pasensya kahit wala pa mang nangyayari. His throat moved before looking back at his mother. "M
I was pacing back and forth—waiting for him to show up—as I held tight on the pregnancy test. Almost two weeks had passed since I found out about it. I didn't know what to do; all I knew was . . . I must tell him about our baby.Dalawang oras na rin buhat nang makarating ako rito sa lobby ng condo niya. Pagkalapag ko pa lang sa airport ay dito na ako nagpahatid sa taxi. Gusto ko siyang akyatin sa unit niya, pero natatakot ako sa kaniyang reaksyon. I know he's mad at me, and it might trigger him to be impulsive. Kung dito ako sa lobby magpapakita, makakapagkontrol pa siya dahil may mga taong nakapaligid.I took a deep breath and calmed myself. Iniwasan kong mag-isip ng kung ano-ano dahil sa takot na baka maapektuhan ang anak ko. Sandali akong umupo sa couch para makapahinga. Right after that, I finally saw him walking. Wala sa akin ang atensyon niya, kundi sa daan. I was about to rise from my seat when a child suddenly grabbed his hand. Mas lalo pa akong natigilan nang sumunod ang fia