Share

Kabanata 10

Nananatiling nakaluhod si Earvin. Nanginginig ang buong katawan at nanlalamig. Hindi pa siya handa sa ganitong sitwasyon. Lahat ng kaniyang pagsasanay at pinagdaanan ay nalimutan niya sa sandaling iyon.

Gusto niyang umatras. Tumakbo papalayo. Sa oras na magawa niyang makagalaw, ito ang una niyang gagawin. Noong una ay nais niyang tumulong pero ngayon mas mahalaga ang sarili niyang buhay.

Nilabanan niya ang takot at nagawang igalaw ang mga kamay. Wala mang tigil sa panginginig ang mga ito ay pinilit niya maghanap ng mahahawakan. Napunta ang mga ito sa espada na nasa kaniyang baywang.

Laking gulat niya ng nakaramdam siya ng init mula sa sandata niya. Unti unti ay nawala ang lamig na nararamdaman at panginginig ng katawan niya. Hanggang sa nagawa na muli niyang makatayo.

Desidido na siyang tumakas. Iwanan ang apat na lalaki at tumakbo ng mabilis papalayo sa mga ito. Pero hindi pa rin niya magawang kumil

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status