Share

Chapter 5

Author: iammasteryel
last update Last Updated: 2023-09-22 14:55:40

Sunshine's Point Of View

"KUMUSTA ang usapan niyo?" tanong ko sa kanya nang kami na lang dalawa. Pero imbis na sumagot ay hinalikan na lang niya ako sa labi. Bakit ang hilig niyang humalik? Hobby lang?

"Nagtatanong lang naman ako, eh. Hindi ko sinabing halikan mo ako."

"Bakit, ayaw mo?" Gusto! Hahaha.

"Ewan ko sa 'yo!" 'Yon na lang ang nasabi ko. Nasa park kami ngayon, nakaupo sa isang bench at kaharap namin ang isang simbahan. Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa pero pagkatapos ng ilang segundo ay siya rin ang bumasag noon.

"Malaki ang dapat na ipagpasalamat ko sa Diyos." Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit naman?"

"Kasi, pinagtagpo niya tayo."

Bigla-bigla ay parang may mabilis na kuryenteng dumaloy sa puso ko. Shit! Aish! Feeling ko, namumula ako ngayon. Patrick naman, eh! 'Wag mo nga akong pakiligin!

"It was a big mistake at first. But that was the mistake na hindi ko pinagsisisihan at nagbigay ng saya sa buhay ko ngayon. That was the best and most beautiful mistake I've ever made in my entire life—ang mapagkamalan kita." Nakikita ko sa mukha niyang sincere talaga siya. 'Di ako makapagsalita. Feeling ko, namumula pa rin ang mukha ko ngayon.

"Uhm. May dialogue ba ako?" Aww. Nagbibiro lang naman ako, eh. Pero hinalikan na naman niya ako.

"Sunshine, noong una, 'di pa talaga ako sigurado. Pero ngayon, more than one hundred percent sure na ako."

"Sure na ano?"

"Na mahal talaga kita." Napatitig naman ako sa mga mata niya nang sabihin niya 'yon. Kinikilig ako, promise!

"I love you, Sunshine."

"Ang adik mo sa kiss!" Hinalikan na naman niya kasi ako, eh.

"Aww. Wala man lang I love you too?" Waah!

Bakit ang cute niya 'pag naka-pout?! Haha.

"Loko!" sabi ko na lang sa kanya. Kinurot ko na lang ang dulo ng kanyang ilong. Ngayon ko lang nakita 'yung side niyang ganyan. Nakakagigil. Nakakakilig. He never fails to make me smile. Kahit sa simpleng bagay lang, napapangiti na niya ako.

"Sunshine." Kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ko ay ang paghawak niya sa kamay ko saka iyon ipinatong sa lap niya. "Puwede ba akong manligaw sa 'yo?" Natahimik ako saglit. Really? As in for real?! Manliligaw siya? Haha. Ako na O.A!

"Alam mo naman na ang isasagot ko, nagtatanong ka pa." Ang baliw ko lang kasi siguro kung nagpapahalik ako sa kanya then, 'pag nanligaw na, 'di ko papayagan. Haha.

"Para makasigurado. Haha. Ano nga?" Atat? "Oo na!"

"So, dapat na ba akong tumalon niyan sa tuwa?" Ngumiti naman siya nang nakakaloko.

"Nakakainis ka!" Pinalo ko nga siya sa braso. Nakakainis kasi, eh. Tumawa lang siya nang malakas habang ako naman, medyo badtrip sa kanya. Tss.

▫▫▫🎈▫▫▫

Buwan ang lumipas magmula noong nagsimulang manligaw sa akin si Patrick. Oo, buwan talaga ang inabot niya at hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin siya. Wala eh, trip ko lang patagalin. Hindi rin naman pati siya umaangal, eh. Haha! Hindi ako pa-cute, ah! Naghihintay lang talaga ako ng tamang pagkakataon para sagutin ko siya. And I think, this is the perfect time for that.

"Bakit mo ako pinapunta dito? Makikita ako ng parents mo, baka magalit pa 'yon sa akin," sabi niya nang makalapit na siya sa akin. Nasa may gate pa lang kami ngayon.

"Don't worry, alam nilang may gwapong darating," nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi pa nga pala sila nagkikita ng parents ko. 'Di bale, ipapakilala ko rin siya mamaya. Inaya ko na siyang pumasok at nagdiretso sa itaas. Tumigil lang kami sa paglalakad nang marating na namin ang pintuan ng kwarto ko.

"Kaninong kwarto 'to?" "Mine," simpleng sagot ko.

"Anong gagawin natin d'yan sa loob? Ikaw ha!" Ngumisi pa siya nang nakakaloko.

"Ang putek! Ikaw, ang green mo talaga! Buksan mo na lang kaya nang malaman mo kung ano 'yang nasa loob?" utos ko. Tss. Kahit kailan talaga, ang green ng utak!

Sinunod naman niya ang utos ko at binuksan na ang pintuan habang natatawa pa rin. Pagkabukas, bumungad sa amin 'yung isang malaking heart-shaped balloon na kulay red na nakasabit sa pinakagitna ng kwarto ko. May maliliit din na balloon na heart-shaped din at kulay pula na naka-form din ng heart sa kama. Mapapansin mo 'yung pagka-romantic ng place kasi may mga petals sa daanan at maging sa kama ko, nilagyan ko rin no'n. Tapos, itinalikod ko 'yung malaking balloon na nasa gitna at nakita ko sa mukha niya 'yung pagkagulat sa nabasa.

"SINASAGOT NA KITA, MR. STRANGER!

I LOVE YOU, PATRICK RAVENO!"♥

"Is it true? Sinasagot mo na ako?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oh, parang 'di mo inaasahan, ah? Haha." ngumiti ako.

"Hindi naman sa gano'n. 'Di lang talaga ako makapaniwala. Thank you." Bigla-bigla ay niyakap niya ako.

"Grabe, gusto kong tumalon o 'di kaya ay sumigaw sa tuwa. Kaya lang, natatakot ako kasi baka marinig iyon ng parents mo at magalit pa sa akin," sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Go on. Hindi rin naman sila magagalit, eh. 'Di ba, Ma, Pa?" Bumitaw naman sa yakap si Patrick at tiningnan ang tinawag ko. Sa sobrang excited siguro, hindi niya na namalayan na nasa labas na rin pala 'yung parents ko, pinapanood lang kami. Nakangiti lang si Mama habang medyo seryoso naman ang mukha ni Papa.

"'Wag na lang, nagbago na isip ko. Hug na lang!" Tapos, niyakap niya ako pero 'yung pa-side view lang.

"Patrick, hijo, congratulations!" masayang bati ni Mama.

"Salamat po."

"Mag-uusap tayo," seryoso namang sabi ni Papa. Si Papa talaga, oh! Tinatakot pa ang bebelabs ko! Haha.

"Sige, enjoy muna kayo diyan. Pero dapat, open lang itong pintuan, ha? Baka kasi may mangyaring..."

"Ma!" putol ko sa sasabihin ni Mama. Ayst. Naman, oh! Napakamot na lang ako sa ulo. Ayon, umalis na silang dalawa.

"Woah! First time ko silang ma-meet! Ang cool ng mom mo. And... uhm, dapat na ba akong kabahan sa dad mo?" tanong niya pero nakangiti.

"Nako, 'wag kang kabahan sa kanya. Gano'n lang talaga 'yon kung makatingin, masyadong seryoso."

Mayamaya ay bigla na naman niya akong niyakap. "Salamat," sabi pa niya. Napangiti na lang ako.

"No. Thank you," pagtatama ko. "For making me happy, as always. Mahal na mahal kita, Patrick Raveno. Mr. Stranger guy!"

"I love you too, Sunshine Bernardo. My stranger girl." Tapos, hinalikan niya ang noo ko. Eeh! Nakakakilig! Parang nasa pelikula lang ang peg namin. Haha!

"Bumaba ka na, kakausapin ka pa ng Dad ko, 'di ba? You know, boys talk," sabi ko, tapos ay mabilis niya akong hinalikan sa lips.

"I love you."

"I love you, too!" Then, umalis na siya. Napa-dive naman ako sa kama ko pagkatapos. Oops! Buti na lang at hindi pumutok 'yung mga lobo. Haha! Kinuha ko 'yung unan na pinakamalapit sa akin saka ko inilagay sa mukha ko sabay sigaw.

"Aaahh! Kinikilig akooo!"

"Hoy! Naririnig pa kita!" Bigla rin akong napaupo dahil sa nagsalita. Omo! Nand'yan pa pala siya!

"Takte ka! Bumaba ka na!" sigaw ko sabay bato ng unan. Pero, masyado siyang mabilis kaya hindi siya natamaan. Ayon, tawa lang nang tawa habang rinig ko 'yung footsteps niya pababa ng hagdan. Feel na feel ang bahay, ha? Haha. Ayst! Nakakahiya pa rin.

▫▫▫🎈▫▫▫

Patrick's Point Of View

Hindi ko talaga ine-expect ang araw na 'to na sasagutin ako ngayon ni Sunshine. Although, alam ko naman talaga na mangyayari ang araw na ito, pero mas maaga pala kaysa sa inaasahan ko. Haha. Grabe lang 'yung sayang nararamdaman ko, 'di ko ma-explain. Pababa na ako ngayon ng hagdan. At habang papalapit ako sa kinaroroonan ng parents ng babaeng mahal ko ay unti-unti nang bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Tae! Nakakakaba pala kapag ganitong first time mong makaharap ang parents ng mahal mo. Pero mas kinabahan talaga ako sa dad niya, paano na lang kung biglang tututol siya sa amin? 'Di bale na sa mom niya, kasi nakahinga na ako nang maluwag, sa dad na lang niya. Phew!

Pagkababa ko, tumayo naman ang mama ni Sunshine at sinabing magtitimpla lang daw siya ng maiinom naming juice. Nginitian ko lang siya bago siya tuluyang umalis.

"Sit," seryosong sabi ng dad ni Sunshine.

"Kailan pa kayo nagkakilala?" unang tanong niya. "Matagal-tagal na rin po."

"Saan mo siya nakilala?"

Noong umpisa ay nag-alangan pa akong sabihin ang totoo kasi baka pagalitan niya si Sunshine, pero ayaw ko rin namang maglihim sa kanya bilang respeto na rin.

"Sa bar po."

"Mahal mo ba talaga siya? Paano ako makasisiguradong hindi mo nga siya lolokohin?" 'Yung mukha niya, ang seryoso pa rin. Ngumiti na lang ako sa kanya kahit naiilang pa.

"Mahal na mahal ko po siya. Mahal na mahal ko po si Sunshine. Hindi ko po siya lolokohin, pero hindi ko rin masasabing magsasama kami nang masaya lang. Dahil darating din 'yung panahon na mag-aaway kami, kasi gano'n naman talaga sa pag-ibig. Pero masisigurado ko pong magkakabati rin kami kaagad."

Tiningnan ko ang expression ng mukha niya pero wala pa ring pinagbago, seryoso pa rin.

He clears his throat bago pa nagsalita ulit.

"I just wanna say thank you," bigla-bigla ay nasabi niya. Nagulat naman ako doon. Ang seryoso kasi ng mukha niya, eh. Tapos, bigla-bigla na lang magpapasalamat.

"Hindi ko po kayo maintindihan."

"For making my girl happy. Simula no'ng gabing iwan siya ni Bryan, iyak siya nang iyak no'n. To the point na inakala naming magmumukmok lang siya sa kwarto niya buong buhay niya. Pero nagulat na lang ako isang araw pag-uwi niya ay may nag-iba na sa kanya. Masigla na siya. Parang hindi niya naranasan ang masaktan. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang nakita 'yung saya sa mukha niya. Kanina, hindi ko maipaliwanag 'yung saya ko noong makitang nakangiti siya habang kayakap ka. Hindi ko alam kung anong ginawa mo, pero nasisigurado kong mahal ka niya kaya para sa kaligayahan ng unica hija ko, hindi ako tumututol sa inyo."

Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. Sa totoo lang, gusto ko siyang yakapin sa sobrang tuwa ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Ang saya sa pakiramdam na harap-harapang sinasabi sa iyo ng tatay ng taong mahal mo na hindi siya tumututol sa relasyon ninyong dalawa. Hindi siya tutol sa amin!

"Maraming salamatpo," ang tangingnasabi ko lang.

"Basta, ito lang tandaan mo, ha? Sa oras na magmumukmok ulit ang anak ko sa kwarto niya at malaman kong ikaw ang dahilan, siguraduhin mo lang na hindi ko makikita ang pagmumukha mo."

"Hindi po mangyayari 'yon," confident kong sabi sa kanya saka ngumiti.

"That's good to hear. Then I must say, welcome to our family!" Tumayo naman siya at naglahad ng kamay na magalang kong inabot. Mayamaya lang ay nakita ko sa peripheral vision ko na may bumababa sa hagdan at nang tingnan ko, si Sunshine pala. Nakangiti naman akong nilapitan siya. Nag-smack kiss lang ako sa kanya saka ko siya niyakap. Pinandilatan naman niya ako pagkatapos. Haha.

"Ehem!" reaksyon ng Dad niya. "And one more thing, hindi por que't okay na kayo sa akin ay puwede na kayong maghalikan sa harap ko." Napahiya naman ako do'n. Haha. "Baka kasi kung saan pa mapunta ang halik na 'yan. Hindi pa ako handang maging... ahem... lolo," sabi niya sabay walk out. Shocked ako sa sinabi niya pero mas nangingibabaw pa rin 'yung saya ko. Gusto ko 'yung idea na 'yon, ah? Haha. Evil me.

"Pa! Kung anu-anong pinagsasasabi mo!" saway ng maganda kong girlfriend. Kita ko naman 'yung pamumula ng mukha niya. "At saka, smack kiss lang naman 'yon, eh!" patuloy pa rin niya kahit hindi na namin nakikita kahit anino lang ng Papa niya. Tinawanan ko na lang siya. Ang cute niya kasi. Haha.

"Tsk. Ikaw kasi, eh!" Hinampas naman niya ako sa dibdib.

"Ano namang kasalanan ko?" maang-maangan ko.

"Alam mo namang nasa harap lang natin si Papa, ipinakita mo pa rin 'yung pagiging kiss addict mo!" Kinurot ko na lang siya sa tungki ng kanyang ilong. Nakakagigil kasi 'yung ka-cute-an niya, eh. Hahaha!

"Oh, sorry na po." Nag-ala-Chichay pa ako. Pero siyempre, 'yung mas HOT tingnan. Phew! HAHA!

"Tss."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Beautiful Mistake   Epilogue

    "WE'RE sorry to say this... but the baby didn't make it." Iyon kaagad ang narinig ko nang unti-unting bumalik ang malay ko. Nakita ko kaagad si Patrick sa may paanan ko, kaharap at kausap ang isang doctor. Ano raw? Hindi yata matanggap ng puso't isipan ko 'yung sinabi no'ng doctor.Hindi!"Doc, bawiin mo 'yung sinabi mo," pagsasalita ko. Napatingin naman silang dalawa sa 'kin. Kita ko 'yung lungkot sa mukha ni Patrick. "Buhay pa ang baby ko, 'di ba?""Babe...""Doc, sumagot ka! Hindi nawala ang baby ko, 'di ba? Mali lang ang pagkakarinig ko sa sinabi mo kanina. Patrick, please tell me nagbibiro lang siya," pagmamakaawa ko kay Patrick. Pero gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya kaya unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko."Pero Sunshine, 'yon ang nangyari. W-Wala na ang baby natin.""Hindi..." Napailing pa ako. "Hindi!"Napabangon na lamang ako dahil sa isang panaginip. Masamang panaginip. Umiiyak na rin ako.Bigla ko na namang naramdaman ang pananakit ng ulo at katawan ko. Nas

  • Beautiful Mistake   Chapter 20

    Patrick's Point Of ViewKANINA pa ako titig na titig sa phone ko. Inaabangan ko kasi ang text ni Sunshine. Kanina pa rin ako naghihintay dito sa kanya sa sala pero hindi pa rin siya dumarating. Sabi niya darating siya, 'di ba? Pero bakit parang ang tagal naman yata? Saan ba siya nagpunta?"Ba't ang tagal mo? Nasaan ka na?" text ko sa kanya. Mayamaya lang ay nag-vibrate ang phone ko at dali-dali ko namang binasa ang text."Can't wait? Almost there!"Nakahinga naman ako nang maluwag nang mag- reply siya. Akala ko kasi kung ano nang nangyari, eh. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko. Iba kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Umaandar ang pagka- berde ng utak ko! Hahaha! 'Di naman ako mapakali. Gusto ko na talaga siyang mayakap at mahalikan ngayon.'Yon nga lang ba?Habang nakaupo ako dito sa may sofa ay may bigla na lang naglagay ng piring sa mga mata ko. Mag-re- react pa sana ako nang bigla siya nag-'shhh'. Naramdaman ko na lang na biglang nagtaasan ang mga buhok ko dahil doon. Inal

  • Beautiful Mistake   Chapter 19

    Sunshine's Point Of View"HAPPY birthday!" pambungad ko nang makalapit na sa kanya. "Dinalhan nga pala kita ng regalo. Ito, oh." Ipinakita ko pa sa kanya ang dala-dala kong maliit na cake na may nakasulat doon na Happy Birthday na may pangalan pa niya. Inilapag ko naman iyon sa baba pagkatapos. Umupo na rin ako para mahaplos ko ang kanyang lapida.Yes, nandito nga ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Bryan. Grabe, medyo matagal-tagal na rin nang huli akong pumunta dito. Na-miss ko siya! At kahit naging stressed ako these past few days, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mahalagang araw na 'to—ang kanyang kaarawan."Kumusta ka na, Bryan?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos pa rin ang kanyang lapida. "Sana, okay ka lang. Miss na kita." Ngumiti ako."Bryan, puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" tanong ko. "Kung puwede sana, hanapin mo si Sheena, 'yung kontrabida sa buhay ko? Kilala mo ba siya? Gusto ko sana, multuhin mo siya para sa 'kin. Nakakainis kasi siya, eh!" sumbo

  • Beautiful Mistake   Chapter 18

    Sunshine's Point Of View"MASYADO na siyang nagiging stress these past few days kaya nangyari 'to sa kanya. Mabuti na lang kamo at naagapan ang pagdala sa kanya dito dahil kung hindi ay baka may nangyari na sa kanila." 'Yon ang narinig ko nang magising ako. Dahan- dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko sa harapan ko ang doctor na kasalukuyang kinakausap si Patrick. Mukhang hindi yata nila napansin ang paggising ko."Doc, hindi po kita maintindihan. Ano pong ibig niyong sabihin? Anong 'kanila'?" Kita ko 'yung pagkalito sa mukha niya. Nakikita ko rin 'yung lungkot sa mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Bakit ang tanga ko talaga? Mahal ako ni Patrick pero nagawa ko pa rin siyang pagdudahan."Hindi mo ba alam? Your wife is pregnant." Natahimik si Patrick dahil sa sinabi ng doctor. Kita ko rin 'yung gulat niyang mukha. Feeling ko naman ay mapapatingin sa akin si Patrick kaya dali-dali kong isinara ang mga mata ko at nagtulog-tulugan. Mayamaya lang ay may hu

  • Beautiful Mistake   Chapter 17

    Sunshine's Point Of ViewTULALA pa rin akong nakatingin sa singsing na iyon. How come na magkapareho talaga sila ng singsing na nakita ko doon sa ibaba ng kama ni Patrick? It must be coincidence. Alam kong nagsisinungaling lang siya. Para sa 'kin talaga 'yung singsing na nakita ko noon."Oww. Look at your ugly face. Kawawa ka naman," sabi niya at tiningnan ang singsing na parang manghang-mangha ito. "This initials means Patrick and Sheena. Kaya 'wag kang mag-ambisyon na mahal ka nga talaga ni Patrick kasi hindi naman! Sawa na siya sa 'yo. Sawang-sawa na kaya naghanap siya ng iba which is better than you, bitch!"Hindi ko na inintindi pa ang mga sinasabi niya tungkol sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mawari kung bakit may gano'n din siyang singsing. Nagkataon lang naman, 'di ba? O baka naman, ninakaw niya kay Patrick 'yung isa? Hindi kasi ako naniniwalang lolokohin ako ni Patrick. Yeah, I doubt him once, pero narealize ko na mahal niya talaga ako noong gabing nagpaulan s

  • Beautiful Mistake   Chapter 16

    Sunshine's Point Of View"Wah! Sunny, may good news ako sa 'yo!"Halos mabingi na yata ako sa sobrang lakas ng sigaw niya kaya naman nailayo ko ang phone sa tainga ko. Ano ba 'yan? Makasigaw, wagas!"Halata nga. Tsk! Sakit ng eardrums ko!" reklamo ko sa kanya."Haha. Sorry naman. Eh kasi...""Ano ba 'yon?""Nasabi ko na kay Sweety!""'Yung alin?" clueless kong tanong. Ano bang sasabihin nito?"Duh! 'Yung secret nating dalawa! Sinabi ko na sa kanya.""Huh? Alin do'n?" naguguluhan ko pa ring tanong. Duh! Ang dami na kaya naming sikreto sa isa't isa kaya paano ko malalaman kung alin do'n ang sasabihi niya?"Maka-alin do'n naman 'to! 'Yung about sa baby." Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "What?! Really?!" 'di makapaniwalang tanong ko. Seryoso? Nako, baka sinabi rin niya 'yung tungkol sa 'kin?"Yes. Kanina ko pa sinabi actually, kaya 'yon, kung makatalon parang bagong taon. Haha! Tingin ko nga, nasa tambayan siya ngayon at panigurado, alam na ng buong tropa na magiging tata

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status